CHAPTER 8

1333 Words
Ang pagkikita nila ay nasundan pa ng maraming beses. Araw, linggo at maging buwan ay nagpatuloy 'yun. May pagkakataon na sa hospital na mismo bumibisita si Dave kapag hindi nakakauwi si Cindy sa kanyang unit. Halos close na din nito ang head nurse at ibang mga doctor. Madalas na din silang mapagkamalang magkasintahan lalo na kapag nasa mataong Lugar. Ngunit ang totoo ay wala pang umaamin sa kanila kahit pa ilang buwan na silang nagkikita at nag uusap. Isang gabi ng katatapos lang ni Cindy na kumain at naghahanda na para matulog ay tumunog ang kanyang cellphone at may message na galing kay Dave. "Hi, gising ka pa ba?" Basa nya sa text nito. "Ahm no. Pero naghahanda na ako para sa pagtulog. Bakit?" Reply nya. "Tingin ka sa bintana." Utos nito. Napatingin naman ang dalaga sa window glass. Lumapit sya doon ay hinawi ang kurtina. "Sa may bandang kaliwat, sa parking." Dagdag pa nito na sinunod naman nya. Nakita nya si Dave na kumakaway habang nakasandal sa pula nitong sasakyan. Magtatype sana sya ng reply ngunit tumawag na si Dave. Para bang nabasa nito ang iniisip nya at inunahan na sya. "Hello, Dave. Anung ginagawa mo dyan? Teka sandali bababa ako----" "No! Stay there. Just stay where you are right now." Sabi nito sa kabilang linya habang nakatingin sila sa isa't isa. "Pero..." "I'm okey. I just want to see you, kahit na malayo nakikita ko ang maganda mong mukha, Cindy. To be honest, hindi ko na talaga alam kung mapipigilan ko pa ito at para akong mababaliw kapag hindi ka nakikita." Nakikinig lang si Cindy sa mga sinasabi nito at tulalang nakatingin sa binata. Ni hindi nya alam ang isasagot dahil subrang bilis ng t***k ng puso nya na parang kinakabahan. "Cindy....you listening?" "Ha..ah oo...nakikinig ako...bakit hindi nalang ako bumaba at mag-usap Tayo ng malapitan. Kesa naman na sa ganito----" sunod-sunod na birada nya ngunit naputol iyon ng may narinig syang sinabi ng binata na hindi agad naiintindihan nung una. "I like you, Cindy. I think....no! I'm falling in love with you.." "D-dave..." "Gusto kita." Paulit-ulit ni Dave at kitang kita nito ang pagiging sincere ng binata. "I'm sorry kung---" "Dyan ka lang.." sabay Patay nito sa tawag at dalidaling bumaba ng condo at nagtatakbo palapit sa binata. Habang palapit sya ay palakas ng palakas ang t***k ng puso nya. "Told you to stay there?" Nakangiting saad ni Dave ng makalapit sa kanya ang dalaga. Hinihingal ito at diritso ang tingin sa kanya. "P-pwede mo bang...ahm ulitin yung sinabi mo kanina sa phone?" Nakatingin lang ito sa kanya. "I said, I like you.." Napayuko ang dalaga at pinipigilan nyang ngumiti. Pakiramdam ni Cindy ay nanlalambot na nag kanyang mga tuhod dahil sa ngiti palang ni Dave ay parang bibigay na sya. Hindi nya na din mapigilan pa ang saya nya pero gusto nyang paulit ulitin kay Dave ang mga salitang binitiwan nito. "Hindi ko masyadong marinig..." Parang batang nagpapakipot si Cindy at inilagay ang mga kamay sa likod. Lumapit naman sa kanya si Dave. Alam nyang sinasadya ng dalaga na magkunwari sa harapan nito. Mas lalong lumakas ang kabod ng dibdib nito ng haplusin ni Dave ang buhok nya, inilapat nito ang mga daliri at pinalandas sa kanyang pisngi. "Uulitin ko ulit para marinig mo, gusto kita. Gustong-gusto. Okey na ba?" Nangingiting wika nito at halos tatlong pulgada nalang ang lapit ng mga mukha nila sa isa-isa. Nakangiti lang si Cindy at muling umiling kaya ang ginawa ni Dave ay hinawakan nya ito mula sa likuran ng kanyang bewang at inilapit sa kanya at saka hinalikan ang malambot at mapulan nyang labi. Hindi iyon inaasahan ni Cindy kaya ang mga ngiti nya ay napalitan ng pagkagulat at natulala. "Sapat na siguro yun para marinig at maramdaman mo." Dagdag pa ni Dave at nakangiting pinagmamasdan ang hindi na makagalaw na si Cindy. Napahawak pa sya sa labi at hindi sa makapaniwala. Pakiramdam ni Dave ay para syang nakalutangg sa hangin. At kahit sa sarili nya ay hindi nya inaasahang hahalikan ang dalaga. Todo kaway si Cindy sa binata ng magpaalam itong uuwi na. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi nila. Pagkabalik ng dalaga sa condo, kaagad syang sumilip sa salamin. Marahan nyang hinawakan ang labi at hindi mawala sa isip nya ang ginawa ni dave. hindi sya mapakali at Hindi alam ang gagawin. Lakad dito lakad doon. Nahiga sya at nagsisisipa sa hangin dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Para syang baliw na nakangiti mag-isa. KINABUKASAN........ Kapansin-pansin kay Cindy ang pagiging masigla nito sa trabaho. At subra namang nagtataka si Kyla kung bakit pero Isa lang ang nasa isip nito, si Dave ang dahilan. Matapos makapang libot ay kinompronta nya ang kaibigan na nakangiting titig na titig sa cellphone nito. Sinadya niyang ibagsak ng malakas ang sprite na nasa lata sa harapan nito para maagaw ang atensyon. At umupo ito sa harap pagtapos ay binuksan ang inumin. "Hay, grabi na ha. Alam mo hindi lang ako, kundi lahat kami rito. May kakaibiang nangyayari sayo. At saka ito pa ha, hindi ka naman umuuwi dati pero ngayon, gustong gusto mo na. Minsan nga hindi kana nagpapaalam saken, nakakatampo na nga din e. Pero, nakakapagtaka lang talaga kung bakit..." Sabay lagok nito sa sprite na may talim ang tingin sa kanya. Natatawa naman si Cindy sa ginagawa ng kaibigan. "Si Dave---" "Sabi ko na nga ba. Wala naman ibang dahilan e. Alam mo kung anu man ang nangyayari sa inyong dalawa masaya ako para sayo, pero wag naman yung naglilihim ka saken. Friends tayo diba?" Dagdag pa nito. "Wala pa naman akong maikukwento sayo, magkaibigan kami---" "May magkaibigan bang hatid sundo araw araw, nagtitigan ng halos isang minuto, yung mga malagkit nyang pagtitig sayo, binibigyan ka ng flowers. Sabihin mo, may magkaibigan bang ganun? Torpe siguro yung lalaking 'yun, hindi pa din ba umaamin?" "Wag ka ngang maingay! Ang bibig mo, subrang lakas!" Pigil nya sa kaibigan. "Ang totoo--" "Nagkiss na kayo? Anu? Ang bagal naman!" Hinampas naman sya sa balikat ng kaibigan. "Wag nalang kaya." "Hindi mo nalang kasi direct! Ganun din yun." "Nagtapat sya saken kagabi.." Halos maluwa ang dalawang mata ni Kyla ng marinig ang sinabi ni Cindy, nakanganga din ito na halos kasya na ang kamao. At umalis sa kinauupuan at nagtatalon sa tuwa. Niyugyog pa si Cindy at pinaghahampas sa balikat. "Awwwwwwwww! Talaga? Ehhhh! Haba talaga ng hair mo dzai!! Sana nandun ako.." tuwang tuwang sabi nito. Para na silang magkapatid at kahit kelan hindi sya naglihim sa kaibigan. Kahit pa direct ito lagi ay subrang nagustuhan ito ni Cindy dahil sa pagiging totoo at hindi plastik. Masaya syang nakikita ang masayang reaksyon nito habang nakangiti. "So, anu palang wabi mo? Nagtapat ka na din?" Putol ni Kyla sa kasiyahan nila. "Hindi." Diritso at tipid na sagot ni Cindy. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Kyla ay ang mga masasayang ngiti nito ay napalitan ng pagkadismaya sa kaibigan. muli itong umupo at nakasimangot. "Baliw kana, Cindy! Mahiya ka nga, mag ti thirty kana, hindi na uso Ang pabebe. hindi kana teenager nu!" Singhal nito at katulad ng dati ay nag walk out ulit ito. Sanay naman si Cindy sa ganung ugali nito kaya kahit sya ay natawa nalang. ----------------]] "I'm going to meet Cindy, later. And gusto ko sana na mameet mo na sya." Sabi ni Dave sa kaibigan ng dumalaw ito sa kanyang opisina. "Now, makikita ko na din ang babaeng kinababaliwan mo." Biro nito. "And one thing, I confess to her." Nahihiya pang pag-amin ni Dave. "Really? So anung sabi nya? Okey ba, sumagot ba, anything?" Umiling si Dave pero nakangiti. "Hindi ko naman hinihingi agad ang sagot nya. Okey na siguro na nagtapat ako." "So happy for you man! I'm sure, magiging masaya kayong dalawa." "Thanks. "Btw, uhm she mentioned na isasama nya si Kyla, her best friend. Mas okey yun, hindi ka maiilang." Hirit ni Dave. "So kailangan ko na munang umuwi, isususot ko yung pangmalakasan kong damit. Bye, see you later." Pagmamadali nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD