Ngunit bago pa man makaalis ay isang mabilis na truck ang biglang sumalpok sa kanilang sasakyan. Dalawang beses gumulong ang sasakyan nila habang ang truck ay natumba at nasadsad sa may poste. Ang daming nasira at nadamay at mabilis ang naging pangyayari.
At makalipas ang halos tatlong oras ay naramdaman ni Dave na parang gumagalaw at kaliwa't kanan ang naririnig nyang nagtatakbuhan at sigawan. Naramdaman din nya ang higpit ng hawak ng mommy nya sa kanyang kamay at balikat habang umiiyak.
Pilit niyang binubuka ang bibig ngunit walang boses na lumalabas.
Hindi nya maaninag ang lahat, ang alam nya ay nahihilo sya at gusto nyang matulog.
[AFTER EIGHT MONTHS-----]
-
-
Matinding liwanag ang bumungad kay Dave ng magkamalay ito. Mahina ang buong katawan nya at masakit din ang ulo nya. Napansin nya ang isang nurse na inaayos ang swero niya at may sinusulat sa clipboard.
"Na-nasan ako?" Mahina niyang tanung at narinig iyon ng nurse. At pinipilit nyang bumangon.
"Mr. Gonzales? Teka, hindi po kayo pwedeng kumilos pa.
"Nasaan ako? Anung lugar 'to?"
"Nasa hospital po kayo. Wala po kayong naaalala? Teka, tawagin ko---"
"Ho-hospital. A-anung nangyari?"
"Naaksidente po kayo at halos pitung buwan na po kayong walang malay at naka stay dito." Paliwanag ng nurse.
"Huh?" Konting galaw nya ay parang mapupunit ang ulo nya sa sakit.
Biglang sumagi sa isip niya si Samantha.
"Si Samantha...nasan ang fiancee ko? Si-si Samantha? Nasaan sya??! Nagwawala sya at hindi iyon mapigilan ng nurse.
"Kumalma muna kayo Mr. Gonazalez, ipapaliwanag namin ang lahat kapag stable na po ang kalagayan nyo."
"Hindi!! Nasaan si Samantha!!!"
Kaagad naman na dumating ang ibang doctor at maging nanay nya. Tinurukan din sya ng pampakalma at muling nakatulog.
"Wag po kayong mag-alala mam. Maayos na po ang anak nyo, hintayin nalang po natin ang sasabihn ni doc kung pwede na ba syang iuwi at sa bahay nyo nalang ipagpapatuloy ang paggagamot sa kanya." Paliwanag ng nurse na nakaassign sa pagbabantay sa anak niya.
"Salamat iha. Salamat sa pagtatyaga mo sa anak ko. Wag kang mag-alala, sa oras na maging maayos na sya at bumalik na sa dati ang lakas nya dalawa kaming magpasalamat at magbabalik ng lahat ng itinulong mo." Wika ng ina ni Dave.
"Naku, hindi na po. Tungkulin ko po bilang nurse na bantayan at alagaan ang pasyente." Magiliw nitong sabi.
"Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?"
"Ah Cindy Ayla Madrigal po."
Malugod naman na nakipagkamay sa kanya ang matanda.
Ilang saglit pa ay dumating din si Mr. Gonzalez kahit abala ito sa pangangampanya bilang mayor ay nag-madali itong tumango sa hospital nang malaman na nagkamalay na ang bugtong na anak nya.
"Honey, how is he? Okey na ba? Nagkamalay na daw sya?" sunod-sunod nitong tanung.
"Honey, anung ginagawa mo rito? Hindi bat may kailangan kang tapusin?"
"Wala ng mas importante pa sa anak ko. Nagkamalay na daw sya honey?"
"Oo, sa awa ng dyos."
"Hay salamat...salamat.." at niyakap ang asawa.
"Hindi ba maapektuhan ang kampanya mo?"
"Sa tingin ko nauunawaan maman nila. Walang magulang ang uunahin ang ibang kapakanan kesa sa anak." Ngumiti naman si Mrs. Gonzales at sabay nilang hinahaplos ang noo ng nag-iisang anak.
Makalipas ulit ang isang oras ay nagising na si Dave. Laking tuwa mg mag-asawa na maayos na ito. Naiiyak din na nagkukwento sa harapan nya ang daddy niya. Inabot sila ng isang oras sa pagkukwentuhan hanggang sa sumagi na naman sa isip niya si Samantha.
Nagkatinginan ang mag-asawa ng biglang tanungin at hanapin sa kanila ni Dave ang fiancee nito. Hindi alam ng mag-asawa ang sasabihin at kung paano ipapaliwanag sa anak ng hindi ito maaapektuhan.
"Mom, dad. Where is she? Bakit hindi ko sya nakikita?" Ulit na tanung nito.
"Iho, kasi...si Samantha..." Tumingin muna ito sa asawa at humuhugot ng lakas ng loob.
"Iho, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin namin ng dad mo. Matapos ang aksidente, si Samantha ang napuruhan. I hate to say this especially to you but..."
"Ma, please...tell me..." Naiiyak na sabi ng binata.
"Nabali ang spinal cord niya, at nagkaroon ng hemorage sa ulo nya. Natusok din ng bakal ang puso nya at kahit nabigyan sya ng first aid, hindi na sya umabot dito sa hospital. Bumigay sya at hindi na nakayanan habang nasa sasakyan papunta dito." Pagpapaliwang ng ina nito na hindi na din mapigilan ang pag iyak.
"No!!! No!!! This can't be! Buhay sya, please ma...dad buhay sya diba, you're joking...dadddd please...no!!! No!!" Pag-iiyak ng binata. Wala syang lakas para bumangon at maglakad. Wala syang magawa kundi magwala at umiyak.
Hindi makausap ng mag asawa ang anak at naiintindihan naman nila kung bakit. Tulala lang ito at nakamasid sa bintana. Hindi nya mapigilan na lumuha sa tuwing naaalala ang fiancee nya. mas lalong nadurog ang puso ni Dave ng malaman na buntis ng tatlong buwan si Samantha.
Sandali munang nagpaalam ang magulang nya na uuwi para kumuha ng karagdagang gamit niya at iuwi ang ibang gamit.
Ilang sandali pa ay pumasok si Cindy, ang nurse na naka assign na magbantay sa kanya.
"Hi. Kamusta ang pakiramdam nyo?." Sabi nito at chineck ang swero.
Dali-dali namang pinunasan ni Dave ang luha niya. At pisimleng tumingin sa bintana.
"Kapag may kailangan kayo wag kayong mahihiyang magsabi."
"Pwede bang pakibaba ng kurtina na yan, masyadong masilaw."
"Wait lang sir ah...ayon kasi dito sa report may asthma kayo at kailangan icheck ang BP nyo. Okey sir. Inhale.." at tinutok ang chest piece ng stethoscope sa dibdib nya. Weird man para kay Dave ay wala syang magawa kundi gawin ang sinabi nito.
"Okey. So far, wala namang problema. Normal na ang lahat."
"Kailangan pa bang gawin yun?"
"Yes sir."
"Sige na ibaba mo na yung kurtina at nakakasilaw ang liwanag. Pagkatapos ay pwede ka ng lumabas. Katawan ko to kaya alam ko kung may problema o wala." Pagkasabi niyon ay pumikit ang binata.
Ismid naman na sumunod si Cindy sa pakiusap nito at lumabas.
Habang nagpapahinga si Cindy at katatapos lang nyang kausapin ang nanay niya na nasa probinsya ay nilapitan sya ng kaibigan niyang nurse na si Kyla.
"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Oh kamusta yung pasyente mo, balita ko nagkamalay na."
"Ah mukhang maayos na. Pwede na nga sigurong lumabas yun."
"Anung klaseng sagot yan?" Natatawang sambit ng kaibigan.
"Eh kasi ang suplado pala nun. Sana natulog nalang sya!"
"Hoy, tumigil ka nga baka may makarinig sayo. Hindi mo ba alam na magiging mayor ang dad nun?"
"Ah kahit maging presidente pa sya ng pilipinas wala akong pakialam."
Hinampas naman ito ng malakas sa likod ng kaibigan
"Aray!!! Ang sakit nun ah".
"Sira ka talaga."
"Nakakainis kasi, alam mo yun. Akala ko mabait sya, magiliw,, maginoo mga ganun kasi ang amo ng mukha nya nung wala pa syang malay, malayo pala sa katotohanan na ugali nya." Naiinis na welga ni Cindy.
"Hay..wala ka talagang alam. Alam mo ba, usap usapan dito halos sila ang topic. May pinagdadaanan yung tao. namatay daw at hindi na inabot sa hospital ang fiancee nya, at ilang araw nalang sana ikakasal na sila. Kung tutuusin nakakaawa nga sya e, at saka hindi mo pa din ba alam na abogado yun. Parehas sila. Hay naku, Cindy..." Kamot sa ulo ng kaibigan.
"Ah ga-ganun ba? Bat ngayon mo lang sinabi, nagdabog pa ako sa harapan nya kanina. Nakakahiya..." Tabon ng dalaga sa sarili nitong mukha.
"Ayan napala mo." Iling iling na sambit ng kaibigan at iniwan sya dahil oras na para sa wards.
Marahang pumasok si Cindy sa kwarto ni Dave dala ang hapunan nito. Nahihiya syang lumapit dito ng malaman nya ang lahat.
"Ahm sir..sir. kumain na po kayo. Kailangan nyong Kumain para mabawi nyo agad ang lakas nyo." Nakangiti ngyang sabi rito. Iminulat naman ni Dave ang mata niya at nagulat pa si Cindy. Akala nya kasi natutulog ito ngunit nakapikit lang pala.