CHAPTER 3

1377 Words
Itinaas nya ng konti ang bed para makakain ng maayos si Dave. "Heto po." Ipinatong iyon sa may bandang tiyan ng binata. Iniangat ng binata ang kanang kamay nito at nanginginig na hinawakan ang kutsara, ngunit mabilis nyang nabitawan iyon. "Gu-gusto nyo ba subuan ko kayo?" Magmamagandang loob niya. "No need. I can do this." Matigas nitong sabi at naiinis na naman ang dalaga at nagtimpi. Pinilit pa din ni Dave na hawakan ang kutsara pero paulit-ulit lang iyon nalalaglag. Nasasayang din ang pagkain na nakujuha nya dahil natatapon iyon. "Argggghh." Inis na sabi ni Dave. "If you don't mind, ako na----"Pangungulit ng dalaga. "No, hindi ako gutom. Sige na lumabas kana." Pagmamatigas nito at tumingin sa kawalan. Ngunit ilang saglit lang ay pareho nilang narinig ang tunog ng tyan ni Dave. Napayuko naman si Cindy at hindi maiwasan na matawa. "Fine!! Feed me!" Utos nito. Dali-dali naman kumuha ng bangko si Cindy at umupo sa tabi nya. Kinuha nya ang mini table na pinatong nya sa bed at inilapag sa mas malaking lamesa. Ramdam nya ang pagka ilang ni Dave sa tuwing susubuan niya ito. Wala naman itong magawa kundi sumunod ulit dahil kung pride ang paiiralin nya walang mangyayari. At isa pa nasa hospital sya at kailangan nya sumunod sa lahat ng sasabihin. "Oh ayan. Tapos na. Grabi nakakagutom pala kapag ilang buwan kang nakahiga at walang malay." Bulalas ng dalaga. "OPPS sorry." Naubos kasi lahat ni Dave ang pagkain na dala niya. Natatawang lumabas ang dalaga, nagpahabol pa ito ng good night sa binata. Lumipas pa ang dalawang buwan, unti-unti ng nakakarecover ang katawan ni Dave. Nagiging malakas na sya ngunit may isa pa syang problema. Sa tagal Kasi ng panahon na nakahiga sya, nanlambot ang mga buto nya sa baba at nahihirapan syang tumayo. Kailangan nya ulit gumugol at maghintay ng ilang buwan para tuluyan syang makalakad. "It's okey son. Nurse Cindy will be here to guide you, ang importante ngayon malayo kana sa dati. Nag-usap na kami ng nurse mo tungkol sa bagay na iyon at alam mo ba sya ang nakaisip na mag-welchair ka para naman daw hindi ka maboring at makapasyal ka sa labas ng hospital." Paliwanag ng ina nito sa kanya. "Alam mo iho, natutuwa ako batang iyon. Napakadaldal niya. Minsan nga hinihingal sya sa pagpapaliwang kung anu na ang nagiging results ng lahat ng tests mo. Hay..bihira ang mga nurse na ganun mag-alaga sa pasyente nila. Kapag naging maayos na at nakakalakad kana, I want to invite her sa bahay para Naman makapagpasalamat ng maayos." Dagdag ng daddy ni Dave. "So pano, babalik nalang ulit kami bukas ng mom mo. Tumawag ka kung may kailangan, at don't forget na sundin ang sinasabi sayo mg nurse." "Yeahhhh." "Bye son." Niyakap nya ang ama at tinapik sa balikat. "We'll be back tomorrow, iho. I love you." "Love you too , mom." Sabay halik nito sa pisngi at kumaway sa palabas na mga magulang. Napabuntong hinga ang binata. Hindi nya alam pero parang nakakalimutan na nya si Samantha at walang ibang naisip kundi ang nurse na si Cindy. "What am I thinking?!Ginulo-gulo nya ang sariling buhok para mawala sa isip niya ang dalaga. Halos isang taon na din silang magkakilala at hindi nya maikakaila na mabait naman talaga ito at bukod dun, parang may iba din syang nararamdaman na hindi nya maintindihan. Maya-maya pa ay pumasok ang dalaga. Pumikit sya at magpapanggap sana na tulog dahil alam nyang sangkatutak na naman na kwento ang sasabihin nito na para bang nasa bahay lang sila at qala sa trabaho. Ayaw na ayaw pa naman ni dave ng maingay ngunit hindi din nya alam kung bakit hindi nya magawang pagsabihin na tumigil sa pagsasalita ang dalaga. Matapos tignan ang nasa paahan nito ay inayos nya ang kumot ng binata. "Alam kong gsing ka, imulat mo na yang mga mata mo. Kung hindi tuturukan kita." Saambit nito na agad naman sinunod ni Dave. Humagalpak na naman ng tawa ang dalaga dahil naisahan na naman nya ito. Napapikit nalang ang binata sa kalokohan nito. "Nice joke huh." Tumigil sa pagtawa si Cindy at lumapit sa kanya ng konti. "Malaki na ang pinagbago mo, nakakalabas kana din ng hospital at hindi naka stay sa apat na sulok na kwarto na ito. Magpasalamat ka saken dahil idea ko lahat yun." Sabi nito. "Ganun ba? Malaki naman ata ang binabayad sayo nila mom and dad, hindi pa ba sapat 'yun?" "Tsss! Alam mo, habang gumagaling ka mas lalo kang nagiging masungit. Mahirap ba sabihin yung, "thank you." Hayss. Kung hindi lang nakikiusap saken sina Mr. and Mrs Gonzales, hinayaan na kita. Singit sungit." Ismid nito at aalis na sana. Nagulat naman si Dave dahil mukhang na offend nga nya ang dalaga. "Ahm wait...I'm - I'm kidding.. You're name is Cindy right?" Natigil naman ang dalaga at bumalik ulit sa kinatagayuan kanina. "Oo bakit?" "Anung bakit? Just like what you said, isang taon na tayong nagkikita at halos oras oras mo akong ginagamot. Hindi naman pwedeng hindi ko alam ang pangalan mo." "Ganun...okey...."aalis na sana ulit ito. "Wait, san ka ba pupunta at parang nagmamadali ka? Remember, personal nurse kita." "Anu bang kailangan mo?" "Ahmmm. Listen, hindi ko gustong maging rude sayo minsan at dahiliniisip mo na masungit ako maybe because this is the real me. And kung okey lang sayo, makikipagkilla ako ng mas maayos at mas proper." "Mukhang ayos ka din pala kausap. Okey sige." "Ako si Ayla Cindy Madrigal, isang nurse. obvious naman sa uniform ko." At inabot ang kamay sa binata. "Dave Gonzales. I'm a lawyer." at nagshake hands ang dalawa. "Yan! ganyan sana, hindi yung nagsusungit ka. Mas lumabas ang totoong gandang lalaki mo." Puri nito sa binata. Bigla naman namula si Dave sa sinabi nito. "Sandali lang, dumukot ito sa bulsa nya at inilabas ang chocolate. "Tadaaaa. hati tayo.." "Hindi ba ito bawal sa saken?" "Magiging bawal yan kapag sinabi mo sa iba, sige na. At saka nadito ka na din naman sa hospital kung may mangyari." Biro nito. "What??!" "Biro lang, ibibigay ko ba sayo kung bawal at saka Ang hirap kaya bantayan yung kagaya mong masungit. Sige na kainin mo na." Nakatingin lang ito sa dalaga na parang sarap na sarap sa chocolate. "Sorry, hindi pa Kasi ako kumakain kagabi pa." "Anu??" "E bakit binigay mo pa din saken yung kalahati?" "E ang pangit naman tignan na kumakain ako tapos ikaw nakatingin. Sige na, babalik nalang ako mamaya at dadalhin ko ang hapunan mo." Paalam nito at isinara ang pinto. Napatingin si Dave sa kapirasong chocolate na binigay sa kanya ni Cindy. Parang mas lalo syang naguilty na hindi pa pala ito kumakain. Kaagad syang tumawag sa secretary nya at nagpadeliver ng pagkain sa hospital. Balak nyang pagsaluhan iyon ng dalaga bilang pasasalamat na din. Ilang saglit pa ay dumating nga ang itinawag nya at nagpaalam din agad ang secretary nya. Hindi alam ng binata pero parang ang saya niya ng gabing iyon. Nakahanda na ang lahat ngunit halos isang oras na ay hindi pa din pumapasok si Cindy. Dapat pagpatak ng alas syete at nandoon na ito at may dalang pagkain nya ngunit sa pagkakataong iyon ay wala. Bigla syang nag-alala lalo ng paulit ulit nitong naaalala na hindi pa ito kumakain mula kagabi. Kinuha nya ang selpon at tatawgan sana ang dalaga ngunit huli ng maisip nyang wala nga pala syang phone number nito. Napasapo at parang nagsisis ang binata na kahit number nito ay hindi nya nakuha. Bumangon sya at kaagad na sumakay sa welchair. Lumabas sya ng kwarto. Hinanap nya ang dalaga at nagtanung tanung ngunit napadpad sya sa ibang department kaya walang nakakakilala rito. Hindi maipaliwanag ni Dave ang nararamdaman pero parang nalungkot sya. Unang beses na hindi nya makita ang dalaga. Pabalik na sya ng makita si Kyla ang kaibigan nito. "Ahm excuse me?" "Yes? Om my, Mr. Gonzales?.. "You.... know me?" "Yes, Mr. Gonzalez. Same department lang kami ni Cindy. Ahm may kailangan po kayo?" Medyo inabot ng hiya at nawalan ng lakas ng loob ang binata na tanungin ito. "Ah nothing..." "Sige.." Tumalikod na si Kyla ngunit muli syang tinawag ni Dave. "Wait...ahm anu kasi...pa-parang hindi ko nakikita si nurse Cindy. Oras na kasi ng pagcheck nya. Umalis ba sya?" Pasimple ni Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD