CHAPTER 1

1349 Words
Habang inaayos ni Dave ang mga papel sa mesa ay pumasok ang secretary nito at may inabot sa kanya. "Nasa labas po ang direktor. Gusto daw po kayo makausap." Anito. "Let him in." Pagbukas ng pinto at pumasok ang lalaking nasa forthy ang edad. Nakangiti ito habang palapit sa kanya. "Congratulations, Dave. I know you'd win that case kaya nga sa iyo ko ipinagkatiwala." Puri ng boss nya. "Thanks. Syempre hindi mangyayari yun kung hindi din dahil sa tulong nyo." "Ahahaha. So by the way, narito din ako para sabihin na iniimbitahan tayo sa bahay ni Mr. Miller, gusto nya magpasalamat sayo ng personal." Napatingin sa orasan si Dave. "Bakit? May iba ka bang lakad?" "Actually, meron nga." "Pero naghihintay sila satin. Anung sasabihin ko? Hindi naman pwedeng humarap ako mag-isa sa kanila gayung Ikaw ang pakay nila." "I know that sir. But--" "Dave, alam ko na importante ang lakad mo. Pero ayoko naman masira ang pangako ko sa kanila." Naiintindihan naman ng binata ang gusto nitong iparating at saglit na lumabas ng office. Dumiritso sya sa lobby at kinuha ang cellphone. "Yes honey? How's the trial?" Tanung ng babae sa kabilang linya. Si Samantha, ang kasintahan nya. "We won." Masaya nyang tugon rito. Rinig na rinig nya mga paghiyaw ni Samantha, bagay na mas lalong nagpasaya sa kanya. "Ibig sabihin, makakauwi ka ng maaga ngayon? Nakapagprepare na ako para sa anniversary natin, tamang-tama. Double celebrate tayo kasi nanalo ka ulit." Biglang nalungkot si Dave ng marinig ang sinabi ng kasintahan. Hindi nya alam kung paano sasabihin rtio na hindi agad sya makakauwi. "Ahm..honey, ang totoo kasi.. iniimbitahan ako sa bahay ni Mr. Miller. Kasama ang lahat...ahm--" "Pumunta ka. Sayang ang pagkakataon honey, okey lang. Makakapaghintay naman ako dito. Pinayagan mo din naman ako last time nung nanalo din ako sa malaking kasong hinawakan ko. Go, enjoy yourself there. Wag mo akong alalahanin." "Ha? Hindi mo ako pipigilan?" "Bakit naman kita pipigilan?Just take your time, enjoy mo din ang sarili with other people. Especially, boss mo at si Mr. Miller na ang nag envite. I know, matagal mo na syang pangarap na makita. It's your chance now." Naiimagine ni Dave ang masayang mukha ng kasintahan habang sinasabi sa kanya iyon ni Samantha. Hindi din maitago ang saya na naramdaman nya. Sa mga oras na iyon, mas lalo nyang minahal si Samantha at nangakong hindi sya magtatagal. Madaling araw na bago pa tuluyang makakauwi si Dave. Bukod kasi sa napahaba ang kwentuhan ay hinatid pa nya sa condo nito ang boss nya. Nawala din sa isip nya ang anniversary nila ni Samantha. Ramdam nya ang pagod at hilo, nang tignan nya ang oraan ay pasado alas dos na ng umaga at dun pa lang sya natauhan. Kaagad syang sumakay sa sasakyan at mabilis na pinatakbo iyon. Dumiritso sya sa condo ng nobya at dahil alam nya ang password hindi na sya kumatok at diritsong pumasok sa loob. Napasapo sa ulo si Dave. Binuksan nya ang ilaw at nakita nyang nakatulog na si Samantha sa sofa. Marahan nyang nilapitan ang nobya at maingat na binuhat at inihiga sa kama. Nakangiti syang pinagmasdan ito at hinahaplos ang maamo nitong mukha. KINABUKASAN....... Nagising ang dalaga dahil sa amoy mg paborito niyang sinigang na corn beef. Gustong gusto nya kasi itong, bukod sa simple at mas napapadami ang kain nya. Pag bukas nya ng pinto ng kwarto at nadatnan nyang nakangiti sa kanya ang fiancee nya habang naghahanda na para sa almusal nila. "Good morning, my princess. Tamang-tama naghanda na ako ng almusal natin." Bati ng binata at inilapag ang almusal. Umupo naman si Samantha sa bangko at inamoy amoy ang niluto ng nobyo. Hinalikan din siya nito sa noo at malagkit na tinitigan. "I'm sorry last night, hindi ako nakauwi agad kasi hinatid ko pa ang direktor sa condo nya. I'm sorry, we didn't celebrate our anniversary." Wika nito. "It's okey babe. We can celebrate it later or maybe next time. It's not really important for me, what matter is, you are always here. And besides, we're getting married soon. Okey, and I'm not mad." Sambit mg dalaga at hinaplos ang pisngi nito. Kinuha naman iyon ni Dave at hinalikan ang likod ng palad ng nobya. "I love you so much. Babawi ako." "I love you too, Dave. More than anything." At pinagtama ang mga labi ng buong pagmamahal. Pagkatapos mag-almusal ng dalawa, pupunta sila sa manila, doon kasi sila nagpatahi ng wedding gown na susuotin ni Samantha. Meron kasi silang kaibigan na sikat na fashion designer at gumagawa din ng ibat ibang klase ng gowns. Mula Laguna ay bumyahe ang dalawa at tanghali na ng makarating. Napakaganda ng sikat ng araw matapos ang ilang araw na pag-uulan. Pagdating nila sa opisina nito ay nalaman nilang umalis pala ang kaibigan nila at lumipad sa ibang bansa para sa isang international event. Ipinagbilin naman silang dalawa sa mga staff na ibigay at gawin ang anumang hilingin nila o may ipapadagdag sa designs na ginawa na nito. Maayos naman ang naging resulta, at subrang nagustuhan ni Samantha ang magiging wedding gown nya. Sinukat nya pa iyon sa harapan ni Dave at maging mga staff at kinilig at natutuwa sa kanilang dalawa. Sa susunod na linggo ang kasal nila, pagkatapos sa simbahan ay naghanda din sila para sa beach wedding. Gusto kasi iyon ni Samantha at suportado naman ni Dave ng lahat ng hilingin nito. Habang nagmamaneho ng sasakyan ang binata ay masaya silang nagkukwentuhan ng nobya, nagpaplano at nag iisip ng kung anu pa ang kulang o dapat gawin para sa nalalapit nilang kasal. Mahigpit ang mga hawak ni Dave sa kamay ni Samantha habang nakikinig sa mga sinasabi nito. "Ahm babe, tumawag si mom, she said na sa bahay nalang daw tayo dumiritso kasi naghanda sya for dinner. Okey lang sayo?" "Of course, babe. At saka alam mo ba namiss ko talaga ang luto ni tita. Lalo na yung spaghetti, may sarili syang version and I loved it." "That's exactly what she said. She just made spaghetti just for you. Grabi, mas close pa kayong dalawa e ako yung nag-iisang anak nya." "Sorry." Pagbibiro naman ni Samantha. Nakatingin naman sa kanya si Dave at ang mga ngiti nito ay subrang nakakapnghina kay Samantha. "Babe, eyes on the road. Mamaya na yang mga ngiti mo." Pakunwarin pakipot nito. "Thank you." "For what?" "For staying me that long. I know, you asked yourself sometimes and I felt guilt. We've been together for almost seven years, and ngayon palang kita niyaya na magpakasal." "Awww. Babe, why are saying that? Noo! You don't have to feel sorry. I'm the one who always have excuses. Ako dapat ang mag sorry, okey?" Napansin nito ang nangingilid na luha ni Dave at pinunasan ito. "Hey, babe don't be like this." Naiiyak na din na sabi nito. Napatawa nalang silang dalawa ng mapagtantong parehas na silang umiiyak. "Oh god. I promise, I will be a great and best wife for you." Nasambit ng dalaga at kumuha ng tissue sa bag at ipinunas sa mukha. Ilang saglit pa ay bumuhos na naman ang malakas na ulan, para sa dalawa blessing iyon dahil iyon ulit ang huling beses na nagtravel sila ng malayo. "Ahm babe, tigil muna tayo sa may convenient store. May bibilhin lang ako." Ani Samantha. "Okey babe." Maya-maya nga ay natanaw nila ang 7/11, bababa na sana si Samantha ngunit pinipigilan siya ni Dave. "Babe, ako na ang bibili. Sabihin mo lang kung anu." "Ako na po. Ahm its a girly problem..." Ngumisi ito sa nobyo at napasapo sa noo si Dave na natatawa. Nakita nalang niya na nasa pinto na ng store ang nobya at kumakaway pa ito sa kanya. "Silly." Natatawang sambit niya sa isip. Parang bata na nagtatakbong papasok ng kotse si Samantha at bitbit ang mga pinamili. "Oh, Akala ko girly problem bakit ang daming foods?" "Ehh kasama na din yun." Pagpapalusot ng fiancee nito. "Ikaw talaga. Don't worry, kapag kinasal na tayo hinding-hindi kita hahayaan na magutom." "Really?" Pinisil ni Dave ang pisngi ni Samantha at pinagtama ang mga ilong nila. "Yes my princess."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD