Chapter 7

2339 Words
HINDI maipaliwanag ni Luisa ang saya nang magising siya. Pasado alas-tres na ng hapon pero parang kasisikat lang ng araw ang kanyang pakiramdam. Halos mag-aalas siyete na rin siya ng umaga natulog matapos umalis ni Levi, hindi pa agad siya nakatulog dahil nasa isip pa rin niya ang binata. She felt so much alive. Sa unang pagkakataon mula nang tumira siya sa bahay na iyon, naramdaman ni Luisa ang gaan sa kanyang kalooban. There are moments that she wants to just tell her story to someone, share her opinions, or even to laugh with somebody. Hindi niya nagagawa iyon sa nakalipas na isang taon mahigit, pero kanina, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. That finally, there’s someone ready to be there and listen to her. A companion. A new found friend. Bago bumangon ay nag-inat pa muna siya pagkatapos ay inayos ang kama at pinusod ang kanyang buhok. Paglabas ng silid ay naabutan niya ang kanyang Nanay Elsa sa kusina at nakaupo sa harap ng mesa at may sinusulat. Agad itong lumingon sa kanya at ngumiti. “Maayos ba tulog mo, anak?” “Opo. Sobrang himbing ng tulog ko.” Dumiretso si Luisa sa ref at agad uminom ng tubig sa kanyang tumbler pagkatapos ay nagtimpla ng kape. Mabuti na lang at hindi ganoon kainit ang panahon, salamat sa magdamag na pagbuhos ng ulan. “Oo nga pala, hindi na kita pinagluto ng pagkain dahil mukhang nagluto ka na kanina.” Agad lumapad ang ngiti ni Luisa sa sinabi ng matanda. “Nagulat ako, hindi ka naman marunong masyado magluto. Paano ka nagluto ng ganito kasarap na menudo?” Marahan siyang natawa. Totoo ang sinasabi nito, walang alam sa pagluluto si Luisa. It was Levi who in fact taught her how to cook. Dahil maaga siyang natapos sa trabaho at mayroon naman siyang mga ingredients sa bahay, nagprisinta ang binata na ipagluto siya bago ito umalis. Dahil paborito niya ang menudo, agad pumayag si Luisa at habang nagluluto ay tinuturuan din siya nito. They even eat together after cooking. “Masarap po ba?” tanong pa niya. “Ay, oo! Masarap! Parang luto ni—” Bahagyang napakunot ang noo ni Luisa nang biglang huminto sa pagsasalita si Nanay Elsa at tila napaisip ng malalim. “Ang ibig kong sabihin, parang luto ng propesyunal.” “Ah,” usal niya. “Maupo ka na at ipaghahain kita,” sabi pa ni Nanay Elsa. “Saan mo natutunan magluto ng Menudo? Wala naman akong maalala na tinuruan kitang magluto n’yan?” Ngumiti siya. “Nabored po kasi ako kaninang umaga, maaga natapos ‘yong trabaho ko kaya nag-search po ako sa internet kung paano magluto n’yan. Kaya ayan, nagluto ako. Para makabawas din sa gawain n’yo dito,” pagsisinungaling niya. “Naku eh, ang sarap!” “Talaga po?” excited na tanong niya. “Oo, kaya hayan, kumain ka na. Ako naman eh, mauuna na at hinintay lang talaga kitang magising. Babalik na ako doon sa kapatid ko.” “Sige po. Ingat po kayo.” Nang makaalis na si Nanay Elsa ay agad napalis ang kanyang ngiti. Sinadyang hindi sabihin ni Luisa ang tungkol kay Levi, iyon ay dahil mahigpit na pinagbawal ng kanyang Tita Marga na huwag siyang hayaan makipag-usap kung kani-kanino. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit palagi siyang kinukulong doon sa bahay. Ayon sa kanyang tiyahin, iyon daw ang makakabuti para sa katiyakan ng kanyang kaligtasan. Ang paghihigpit at pagkukulong ng mga ito sa kanya. Minsan, naiisip ni Luisa na hindi na natural ang mga iyon. Isang taon na ang nakakalipas mula nang mangyari ang aksidente. Alam na niya sa kanyang sarili na magaling na siya. Kaya minsan, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang maghigpit ang mga ito na para bang kinse anyos siya. Pero dahil wala naman siyang ibang pamilya, mas pinili ni Luisa na intindihin ang mga ito at sumunod na lang. Dahil sa huli, para rin naman sa kabutihan niya ang ginagawa ng mga ito. “Luisa!” Ang malakas na tawag na iyon sa kanyang pangalan ang pumutol sa pag-iisip niya. Agad siyang tumayo nang makilala na si Lydia ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Dali siyang tumayo sa kinauupuan at patakbong bumaba ng bahay. “Bakit?” bungad niya sa kaibigan. “Busy ka?” tanong nito. “Hindi naman, kumakain pa lang.” “Kagigising mo lang?” “Oo.” “Samahan mo naman ako, sa bayan lang. May bibilhin ako. Ayokong umalis mag-isa.” “Sige, pasok ka muna. Kumakain pa ako eh.” Pumasok si Lydia at tumuloy sa bahay niya. Agad itong lumingon sa paligid. “Wala ka nang kasama dito?” tanong nito. “Oo, kaaalis lang ni Nanay Elsa, si Tere naman wala.” “Buti naman, kaya pala pumayag ka agad eh, wala kang bantay.” Pagdating sa bahay ay naupo si Lydia sa katapat na bakanteng upuan. “Kumusta ka naman?” tanong nito. “Ayos naman,” nakangiting sagot niya. Bahagyang napakunot-noo si Luisa sabay tawa nang mapansin na titig na titig sa kanya ang kaibigan. “Makatitig naman, may dumi baa ko sa mukha?” natatawa pa rin tanong niya. “May nangyari ba? Ilang araw din tayong hindi nagkita at nagkausap dahil busy ako sa trabaho ko, pero ba’t parang may nag-iba sa’yo?” “Wala,” mabilis na sagot niya. “Ah, baka dahil hindi ka na binabangungot? Wala nang bakas ng stress sa mukha mo.” “Siguro.” Ang buong akala niya ay tapos nang estimahin ni Lydia ang kanyang mukha kaya pinagpatuloy na rin niya ang kinakain. Mayamaya ay napatingin na naman siya dito nang bigla itong pumalatak ng malakas. “Hindi eh, may iba talaga sa’yo!” “Ano ba? Hindi pa ba tayo tapos diyan?” natatawa ulit na sagot niya. “Parang… ano… parang iba ngiti mo… ayun! Blooming! May glow ‘yong mukha mo!” Humagalpak siya ng tawa. “Hindi, sinasabi mo diyan,” sagot niya. Nasundan ng tingin ni Luisa ang kaibigan nang iurong nito ang upuan palapit sa kanya. “Umamin ka nga sa akin, may nagugustuhan kang afam, no? Isa sa kliyente mo?” Tumawa na naman siya. “Sira, hindi!” “Hindi?! Eh, ano?” Luisa cleared her throat. Inubos muna niya ang natitirang pagkain sa kanyang pinggan saka tumayo at nilagay iyon sa lababo. She just smiled while thinking about Levi. “Hoy, ano nga?” pangungulit ni Lydia. Lumingon siya dito. “Hindi afam, okay?” “Hindi?” kunot-noo na ulit nito. “Eh sino?” “May nakilala ako. Natatandaan mo ‘yong kinuwento ko sa’yo noon na lalaking palaging nakatayo sa harap ng bahay at may hinihintay?” “Oo.” “Siya.” “Hindi nga? Si mysterious guy?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo, siya nga. Pagkatapos noong nangyari na pinasok ako dito ng magnanakaw at niligtas niya ako. Alam ko nang hindi siya masamang tao. Nakipagkilala ako sa kanya. Kagabi, pinatuloy ko siya dito sa bahay. Sinamahan niya ako. Habang nagtatrabaho ako, nagbabasa siya ng libro tapos pinagluto niya ako.” “Wow, ganoon kabilis ang progress n’yo?!” gulat na tanong nito. “Sira, wala naman akong sinabi na gusto ko siya romantically! Ang ibig kong sabihin, masaya ako kasi sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman na mag-isa ako kagabi. I have someone to talk to. Hindi ako parang baliw na kinakausap ko ang sarili kong mag-isa o kaya ang mga character na pinapanood ko. Hindi ako tumatawang mag-isa at higit sa lahat, hindi ako mag-isang kumain kanina.” Napangiti si Lydia. “Aw, ang saya ko para sa’yo.” “Pero huwag mong isipin sana na binabale-wala ko ‘yong presence mo.” Natawa ang kaibigan. “Grabe, hindi nga ‘yong sumagi sa isip ko. Pero naintindihan ko ang ibig mong sabihin. You are looking for a permanent companion, someone that you can share your special time and moment that you can’t with a friend.” “Salamat, Lyds. Ayoko lang magtampo ka sa sinabi ko.” “Hindi, parang sira ‘to. Pero ano ba ang itsura n’ya?” Huminga ng malalim at muling binalikan sa kanyang isipan ang mukha ng binata. “Matangkad siya, about around six foot tall. Tapos matangos ang ilong n’ya, and his lips, grabe sobrang pula. Hindi siya masyadong maputi, hindi rin masyadong maitim balat niya, sakto lang, kayumanggi, ganoon. And his hair, straight, clean cut. Iyong katawan niya, hindi siya payat pero hindi rin siya mataba, hindi ganoon maskulado gaya ng iba dyan na puro muscle. Pero ang pinakagusto ko sa kanya, ‘yong mata niya, ang ganda, medyo singkit. Light brown tapos parang palaging nangungusap.” “Anong pangalan n’ya?” “Levi.” Napansin ni Luisa na hindi agad nakakibo si Lydia at parang bigla itong napaisip ng malalim. “Ilang taon na?” Biglang napaisip si Luisa sabay iling. “Hindi ko alam eh.” “Anong trabaho n’ya? Saka saan siya nakatira?” Muli na naman siyang umiling. “Hindi ko rin alam.” “Sows, bukod sa pangalan wala ka pa palang alam masyado sa kanya pero kung kiligin ka riyan,” sermon nito sa kanya. Natawa na lang si Luisa. “Pero grabe, ini-imagine ko pa lang, parang ang guwapo niya.” “Super, lalo sa personal. Pero napansin ko rin sa mata niya na bahid ‘yon ng lungkot.” “Luisa, payong kaibigan lang. Hindi ko alam kung kaibigan lang talaga tingin mo sa kanya, pero kung pagbabasehan ko kung paano mo siya i-describe kanina pati ang pagngiti mo kapag naiisip mo siya. Mukhang attracted ka sa kanya, pero huwag mong kakalimutan kung bakit siya palaging nariyan sa tapat ng bahay mo bago mo pa siya makilala.” Unti-unting napalis ang ngiti ni Luisa saka tumungo at marahan tumango. “Alam ko naman ‘yon, hindi ko nakakalimutan.” “Ayoko lang na masaktan ka.” Agad binalik niya ang ngiti sa labi. “Ano ka ba? Masyado kang nag-aalala sa akin, para kang sila Tita Marga. Ayos lang ako. Siguro natutuwa lang ako sa pagdating ni Levi sa buhay ko. Iyon lang ‘yon.” “Sige, sabi mo ha? Pero ang puso, alalayan mo. Baka mahulog ‘yan at masaktan.” Natawa si Luisa at yumakap sa kaibigan. “I promise, I will. Don’t worry.” Marahan siyang tinapik nito. “Bilisan mo na diyan para makaalis na tayo.” “PATULOY pa rin po na magiging maulan ang mga susunod na gabi, mga kababayan. Makakaranas po tayo ng patuloy na malakas na pagbuhos ng ulan, na may panaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Pinapayuhan po namin kayo na kung maaari ay umuwi ng maaga para tiyak ang ating kaligtasan.” Napalingon si Luisa sa TV matapos mapakinggan ang weather forecast mula sa isang late night news. Pasado alas-onse na ng gabi, gaya ng sinabi sa balita, nagsisimula na naman magparamdam ang pagsungit ng panahon. Napalingon naman siya sa bintana nang pumasok doon ang malamig na hangin. Alam niyang ano man oras ay bubuhos na ang ulan. Mula sa harap ng computer ay tumayo siya at tumanaw sa labas. Ngayon na tuluyan na siyang pinatahimik ng bangungot na nagtulak sa kanya para magtrabaho sa gabi. Mas gumaan na ang kalooban niya sa ulan. Ngayon lang niya naisip na kapag umuulan, naitatago niya sa likod ng malakas na tunog nito ang tunog ng kanyang pag-iyak. Magagawa niyang maitago sa ilalim ng ulan ang kanyang mga luha. Now, midnight rain gives her comfort instead. Nang sa wakas ay bumuhos na ang ulan, agad niya iyon hinila para isara. Ngunit ilalapat pa lang niya ang bintana nang may mahagip ang kanyang mata. Tinulak niya ulit iyon at agad napangiti. It’s Levi. Nang kumaway ito ay kinawayan niya rin ito. Mayamaya ay agad niyang sinarado ang bintana at nagmamadaling bumaba ng bahay. Sinalubong ni Luisa ng magandang ngiti si Levi nang sa wakas ay makalapit siya sa gate. “You wanna come in?” tanong pa niya. “If it’s okay with you,” sagot nito. Hindi nagdalawang isip si Luisa at binuksan ang gate. “Pasok,” aniya. Napansin ni Luisa na may dala ito. “Ano ‘yan?” tanong pa niya. “Ah, ingredients. Plano ko sana ipagluto ka ng sweet and sour pork.” Nanlaki ang mga mata niya. “Wow, favorite ko ‘yon! Ang weird, lahat ng naiisip mong iluto puro favorite ko.” “Talaga? That’s great.” “Naku, kung ganito ka ng ganito baka tumaba ako.” Napangiti si Levi. “Kailangan mo ng lakas, lagi kang puyat, kaya kailangan bumawi ka sa pagkain para hindi ka magkasakit.” “Sabi ko nga eh. Kaya lang, baka magselos ang girlfriend mo kapag nalaman niya na may iba kang babae na pinagluluto.” Natawa ito ng malakas. “Hindi ‘yan. Sige na, bumalik ka sa ginagawa mo. Alam ko na busy ka.” “Salamat. And please, feel at home.” “Thanks.” Magaan ang bawat hakbang ni Luisa habang pabalik siya sa kuwarto. Just by his mere presence, it just feels so right. Madali naman natuon ang kanyang atensiyon sa trabaho. Habang nasa harap siya ng computer at nagsisimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Naririnig naman niya na kumikilos si Levi sa labas. “Hi Elaine, good morning,” magiliw na bati ni Luisa sa isa niyang kliyente matapos niyang sagutin ang video call nito. “Good morning, Luisa. I’m great. Wow, you look extra beautiful today. You look really happy.” Pakiramdam niya ay namula ang kanyang mukha. Nahihiyang ngumiti siya. “Thank you. I just slept complete eight hours today,” pagdadahilan niya. “Wow, that’s wonderful. I thought you’d say you’re finally dating.” “What? No, of course not. It’s just that these past few days, everything seems falling into the right place.” “That’s nice to hear then. Anyway, let’s start the meeting.” “Sure.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD