Chapter 4

2250 Words
“KUMUSTA naman ang unang linggo sa trabaho?” tanong sa kanya ng kaibigan na si Lydia. Ngumiti si Luisa. “Ayos naman, dalawa na agad ang client ko.” “Natutuwa naman ako at mukhang masaya ka, at least nalilibang ka.” “Hmm… hindi ganoon masaya pero hindi rin ako malungkot. Tama lang.” “Ang mahalaga, napupunta sa trabaho ang atensiyon mo. Hindi ‘yong kung ano-ano iniisip mo.” “Buti nga day off ko ngayon, gusto ko sana lumabas, kahit magpunta lang sa kabilang bayan.” Huminto si Lydia sa paglalakad saka humarap sa kanya. “Magaling ka ba magtago?” Napakunot-noo siya. “Bakit mo naitanong?” “Para sakaling makita natin doon sa bayan ang Tita Marga mo, hindi ba pinagbawalan ka no’n pumunta kung saan lalo sa kabilang bayan?” Nalaglag ang balikat ni Luisa. Isang taon na ang nakalipas mula ng lumabas siya sa ospital, ngunit mula noon ay naging mahigpit na ang kanyang Tita Marga. Pinagbawalan siya nitong lumabas ng bahay, kung hindi man maiiwasan lumabas, hindi siya maaaring lumabas ng bayan ng Santa Catalina. Alam niya na para iyon sa kanyang kaligtasan, pero dumarating ang pagkakataon na pakiramdam ni Luisa ay daig pa niya ang nakakulong. Minsan na siyang tumakas at pumunta sa kabilang bayan. Ang nakakapagtaka ay kung paano siya agad na nahanap ng kanyang Tita Marga, para itong may mga mata sa paligid na laging nakasunod sa kanya. Ilang beses pa niyang inulit ang ginawang pagpunta sa mga karatig-bayan, ngunit gaya ng unang beses ay agad siyang nahahanap ng kanyang Tiyahin o kaya ni Nanay Elsa. Bagay na pinagtataka ni Luisa. At sa tuwing nahuhuli ay kinukulong siya ng mga ito ng ilang araw o linggo sa bahay. Kaya mula noon ay hindi na siya nagtangka pa na umalis sa maliit na bayan ng Santa Catalina. She has been confined at home for a year now. She wants to get out and explore the world. Hindi rin maintindihan ni Luisa kung bakit ganoon na lang ang pagbabawal at paghihigpit ng kanyang Tita Marga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito pinapaliwanag ang totoong dahilan kung bakit siya naospital noon. Basta ang sinabi lang nito ay na-aksidente siya sa isang bayan malapit lang sa Santa Catalina at ayaw nitong maalala pa niya ang masamang pangyayaring iyon. At iyon din marahil ang paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang panaginip. Pero kung paano nangyari ang aksidente at ano ang naging sanhi ay hindi pinapaliwanag ng kanyang Tita. Huminga ng malalim si Luisa saka dismayadong ngumiti sa kaibigan. ‘’Di bale na nga, huwag na lang,” sagot niya. Nakita niya ang simpatya sa ngiti na ginanti ni Lydia pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay. “Kapag nahuli nila ko, baka ikulong na naman nila ako. Mabuti na ‘to na nakakalabas ako kahit dito lang sa kalye natin.” “Hayaan mo na, pasasaan ba’t ma—” Hindi naituloy ni Lydia ang sasabihin nang may biglang huminto na kulay itim na kotse sa tapat nila. Sa modelo pa lang ng sasakyan ay may ideya na agad si Luisa kung sino iyon. Ilang sandali pa, bumaba ang bintana niyon. Lihim siyang napabuntong-hininga nang mapatunayan na tama ang kanyang hinala at bumungad ang pilyong nakangising mukha ni Ian. “Dito lang kami pupunta ni Lydia sa convenience store,” sabi agad niya sabay ikot ng mata. “Did I say anything?” natatawang sabi nito. “Inuunahan na kita, baka kasi magsumbong ka sa Mommy mo.” “Ako pa magsusumbong kay Mommy? Ano ako, si Dexter?” “Oh, eh, bakit ka napadpad dito?” tanong pa ni Luisa. “I just want to breathe and talk to someone.” Napakunot-noo siya. “Bakit?” “I’ll tell you later, bilhin mo muna ang bibilhin mo. Magkita tayo doon sa bahay.” “Sige.” Nagkatinginan sila ni Lydia nang magmaneho papunta sa bahay niya si Ian. “Tara na nga at may naghihintay sa’yo.” “KUMUSTA ka dito?” tanong sa kanya ni Ian. Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang isang baso ng juice at binigay iyon sa binata. Si Ian ay ang panganay na anak ng kanyang Tita Marga. Sa dalawang anak ng Tiyahin, tanging si Ian lang ang kasundo niya. Samantala iyong bunso, sa hindi malamang dahilan ay hindi sila nag-uusap. Mabigat ang dugo niya sa kapatid ni Ian. “Ayos lang, nalilibang ako dahil sa trabaho ko.” Matipid itong ngumiti. “Buti naman.” “Eh, ikaw? Nag-away na naman ba kayo ni Dexter?” Tinungga nito ang laman ng baso. “Hindi, ni Mommy,” sagot nito sabay buntong-hininga. Napakunot noo siya nang mapansin na may pasa ito sa gilid ng labi. “Nakipag-away ka na naman ano? Kaya siguro nagalit na naman si Tita Marga sa’yo.” “Tandaan mo ‘to, hindi ako lagi ang nagsisimula ng gulo. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko.” “Puwede naman kasing umiwas kahit hindi ikaw ang nagsimula ng gulo.” “Saka, pinipilit ako ni Mommy na mag-take over sa kompanya. Alam mo naman na ayoko, iba ang gusto kong gawin, gusto ko ituloy ang pangarap ko na maging Music Producer.” “Hindi ko maintindihan si Tita minsan, nandyan naman si Dexter. Saka madalas wala na sa lugar ang pagiging mahigpit niya. Hindi niya namamalayan na dinidikta na niya ang buhay ng mga tao sa paligid.” “Mom is very dominant. Nakakasakal na.” Huminga ng malalim si Luisa, bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. She knows very well how it feels because that is exactly what she is feeling right now. “Hindi ko naman hinihiling na umalis dito, ang gusto ko lang makalabas ng bayan. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Tita na lumabas ako ng Santa Catalina.” “If only I can speak for her, pero hindi ko hawak ang isip ni Mommy. Ako nga itong anak, hirap siyang intindihin.” Bahagyang napangiti si Luisa. “Salamat, Ian. Bukod kay Nanay Elsa at Tere, at si Lydia, ikaw lang ang kasundo ko at nakakausap ko ng mga concerns ko sa buhay.” Natigilan siya nang biglang hawakan ni Ian ang kamay niya. “Sabi ko naman sa’yo eh,” mahina ang boses na sabi nito. “Kung gusto mong umalis sa lugar nito at takasan si Mommy, handa akong tulungan ka. Ilalayo kita dito. Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta.” Marahan siyang natawa. “Para naman akong kriminal na kailangan tumakas,” sagot niya. Tinapik ni Luisa ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “Sapat na sa akin na nandito ka, dumadalaw at nakakausap ko.” Bumuntong-hininga si Ian. “Basta kung may kailangan ka, kahit ano, kung gusto mong lumabas ng bayan. Sabihin mo lang sa akin, gagawin natin ‘yon. Alam mo kung paano ako kokontakin.” Nakangiting tumango si Luisa. “Gusto ko lang malaman mo na dito, kakampi mo ako.” “Tatandaan ko ‘yan, salamat.” Napakunot-noo si Luisa nang halikan nito ang likod ng kanyang kamay. MALAKAS ang buhos ng ulan. Malakas ang hampas ng hangin at malakas din ang tunog ng kulog. Parang galit na galit ang langit dahil sa malakas at matalim na kidlat na gumuguhit sa madilim na kalangitan. Malakas ang pagpalahaw ng iyak ni Luisa habang nagmamaneho at panay ang sulyap sa rearview mirror at lingon sa likod. Ilang sandali pa pagdating sa isang zigzag road ay biglang nawalan ng kontrol si Luisa sa kotse. Ayaw kumagat ng break kahit anong tapak niya dito. Papaliko na sana siya nang may biglang sumulpot na sasakyan at nasilaw siya sa headlight nito. Napapikit si Luisa sabay kabig ng manibela. Nabalot ng matinding takot si Luisa nang bumulsok pababa ng matarik at madilim na bangin ang kotse na ilang segundo lang ang nakakalipas ay minamaneho niya. “Ahhh! Tulong!” malakas na sigaw niya. Kasunod niyon ay ang malakas na tunog ng pagbangga ng kotse niya sa isang malaking puno. Matapos iyon ay katahimikan ang sunod na naghari. Umungol sa sakit si Luisa nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo. “T-Tu… tulong…” nanghihina na sabi niya. Pilit niyang dinidilat ang mga mata pero tila ano man sandali ay mawawalan na siya ng malay. “Tu…long…” patuloy na sambit niya sa mahinang boses. Ilang sandali pa ay bahagya siyang mariin na napipikit nang tumama sa kanyang mata ang liwanag na nanggagaling sa kung saan. Kasunod niyon ay may narinig siyang mga tinig. “May babae! Mukhang buhay pa!” “Halika at tulungan natin!” Nang sa wakas ay nagawa niyang makadilat. Napasigaw ng malakas si Luisa dahil sa takot nang mula sa dilim ay biglang sumulpot ang mukha ng isang matandang babae na may hawak na kutsilyo at sabay hablot sa braso niya. “Huwag!” malakas na sigaw ni Luisa sabay balikwas ng bangon. Nanginginig ang katawan sa takot na lumingon siya sa paligid. Mahigpit niyang hinawakan ang kumot at tinakip sa katawan niya. Madilim ang paligid. Walang tao doon sa loob bukod sa kanya. Dahil walang pasok ng araw na iyon, hindi napigilan ni Luisa ang makatulog pagsapit ng alas-onse ng gabi. Halos tumalon siya sa labis na gulat ng biglang kumidlat kasunod ng malakas na buhos ng ulan. Napapikit si Luisa habang habol ang hininga. “Iyon na naman, ano bang ibig sabihin ng panaginip ko na ‘yon? Bakit paulit-ulit ko siyang nakikita?” naguguluhan tanong niya sa sarili. Nasa gitna siya ng pag-iisip nang bigla siyang matigilan matapos makarinig ng mga kaluskos sa labas ng kanyang silid. Napakunot-noo si Luisa at dahan-dahan bumaba ng kama. Ang takot at kaba dahil sa kanyang panaginip ay mas lalong lumala nang patuloy na marinig ang kaluskos na iyon. “Tere? ‘Nay Elsa?” tawag niya sabay hawak sa doorknob. Naghintay siyang sumagot ang mga ito pero biglang tumahimik sa labas. Ilang sandali pa ang pinalipas muna ni Luisa, nakiramdam muna at nang wala nang marinig na kaluskos ay saka niya binuksan ang pinto. Kunot-noo niyang ginala sa paligid ang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala naman tao doon. “Nagha-hallucinate ka na naman, Luisa,” sabi niya sa sarili. Tuluyan niyang kinalman ang sarili saka dumiretso sa kusina. Kumuha siya ng baso at nagbukas ng refrigerator nang hindi binubuksan ang ilaw. Nang isarado ni Luisa ang pinto ng ref, nabitiwan niya ang baso at gulat na gulat na napaatras nang bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Nakatakip ang kalahati ng mukha nito, nakaitim na t-shirt, shorts na pula at walang sapin sa paa. Basa ang katawan nito marahil dahil sa ulan at may hawak na kutsilyo na nakatutok sa kanya. “Sino ka?!” nanginginig ang boses sa takot na tanong niya. “Huwag kang maingay,” sa halip ay sagot nito. “Tulungan n’yo ko!” bigla ay sigaw niya sabay takbo papunta sa kuwarto. Ngunit bago pa siya makapasok ay naabutan na siya ng lalaki. Agad nitong natakpan ang kanyang bibig sabay tutok ng talim ng kutsilyo sa leeg. “Sinabi nang huwag kang maingay eh!” Napahagulgol sa takot si Luisa. “Sumunod ka lang ng maayos at hindi ka masasaktan,” sabi pa nito. “Ano bang kailangan mo?” tanong niya nang alisin ang kamay mula sa kanyang bibig. “Pera, kailangan ko ng pera mo.” “I-ibibigay ko, huwag mo lang akong saktan.” “Bilis, kunin mo!” Hindi inaalis ang kutsilyo sa kanyang leeg na naglakad silang dalawa papasok ng silid. Kinuha niya sa bag ang wallet at binigay ang lahat nang laman na pera doon. Pag-abot niya ay dali nitong binulsa ang pera. Ganoon na lang ang gulat ni Luisa nang bigla siyang itulak ng lalaki sa kama at kinubabawan siya. Humagulgol sa takot si Luisa. “Maawa ka, huwag!” pakiusap niya. “Matagal na kitang kursunada, pagkakataon ko na ‘to para matikman ka!” Nanlaban si Luisa nang bigla nitong itaas ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid at hinalikan siya sa leeg. Lalong naiyak si Luisa. Nagpapadyak siya pero napipigilan ng nakadagan na katawan ng lalaki ang mga paa niya. “Hayop ka! Huwag!” Naging bingi ang lalaki sa iyak at pakiusap ni Luisa. Binaba nito ang strap ng suot niyang pantulog, kasunod niyon ay tinangka nitong itaas ang laylayan ng suot niya. “Tulong!” malakas na sigaw niya. Bago pa tuluyan magawa ng lalaki ang maitim niyang plano. Bigla na lang may humablot sa ulo nito at hinila ito palayo sa kanya. Dahil madilim ang paligid hindi agad naaninag ni Luisa kung sino ang nagligtas sa kanya. Umiiyak na pilit siyang bumangon at binalot ng kumot ang katawan niya saka sumiksik sa sulok ng headboard ng kama. Bumalandra ang lalaki sa pinto ng kuwarto. Hinablot ito sa kuwelyo ng t-shirt ng lalaking nagligtas sa kanya saka malakas na sinuntok sa mukha at sa tiyan. “Hayop ka!” galit na sigaw nito sa magnanakaw. Nang sa wakas ay binitiwan na nito ang masamang loob. Nagtaka si Luisa nang lumingon ito sa paligid habang bakas ang labis na takot sa mukha nito. Kasunod niyon sumigaw ito ng malakas na tila ba takot na takot ng takbo palabas ng bahay. “Miss, ayos ka lang ba?” tanong ng lalaking nagligtas sa kanya. Daling binuksan ni Luisa ang headlamp. Nang bumaha ang ilaw sa paligid, saka niya nakilala ang lalaking nagligtas sa kanya. “Ikaw?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD