#TGP
_____
Gaya ng sabi ko nakarating kami ng sabay sa sementeryo. Medyo nabigla ako ng sumama si Fil sa akin papasok.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kapangalan ko yang nasa lapida?" Tanong niya habang sinisindihan ko ang kandila.
"Kasi kapatid mo."
"Pero mukhang hindi pa sapat iyon. Alam kong marami ka pang tanong" Pangunguna niya at tumabi sa akin. Umupo ako ng maayos at pinagmasdan ang lapida ni Fil o kung sino man.
"Ano ba ang pangalan ng kapatid mo Fil? Kung hindi ikaw 'to, anong pangalan niya?" Kung hindi nga talaga siya bakit ang pangalan niya nakasulat sa lapida ng kapatid niya?
"Iyon nga ang ipinagtataka ko, wala akong maalala. Wala akong maalala kung anong pangalan niya ngunit malakas ang kutob ko na kapatid ko siya." Aniya.
"Papaano 'yun nangyare?" Naguguluhang tanong ko. "Gusto mo dalhin kita sa hospital?"
Agad naman siya umiling at tumayo.
"Umuwi na tayo"
Bigla nagbago ang ekspresyon niya at naunang maglakad palabas. Agad ko siyang sinundan at sinabayan siya sa paglalakad. Medyo nahihirapan pa ako dahil ang lalaki ng hakbang niya. Bawat hakbang ko ay dalawa pang hakbang ko pa upang masabayan ko siya.
"Teka nga! Nagmamadali ka ba?" Asar na tanong ko sakanya. Napatiim bagang siya at tumigil.
"Umuwi na tayo." Aniya tila hindi makapaghintay.
"Bakit? Ano bang problema? Mukha kang nagmamadali." Hindi niya ako pinansin at hinala ako sa kamay.
Wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga at umuwi nalang sa bahay. Itong lalakeng to kasi hindi makapaghintay.
"Fil..."
Hindi niya ako pinansin at tuloy lang ito sa papasok. Doon ko na nakuhang kumunot noo. Ano bang problema nito?
"Fil! Ano ba?!"
Hindi na ako nakapigil at nilapitan siya ngunit agad akong nagulat ng hinablot niya ng marahas ang braso ko at pinangigilan.
"Wag na wag mong babanggitin ang hospital na yan!"
Ang mas nakakagulat ay galit na galit ang ekspresyon nito. Nanigas lang ako ng makita ang mga mukha niyang galit na galit. Napatigil lang ito ng makita ang gulat na nasa mukha ko at binitawan ako. Napahilamos ito ng sariling mukha at napailing.
"A-Anong ginawa ko?" Tanong niya sa sarili niya.
Napaantras lang ako ng tumingin siya sa akin. Malambot na ang mga eskpresyon nito. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagod ang likod ko.
"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!" Paumanhin niya at sinapo ang boung mukha ko.
"Sorry!"
Wala ako sa sariling napatango. Niyakap niya ulit ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Natauhan ako at napakurap.
"F-Fil..."
Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Ramdam ko ang mga lamig mula sa mga balat niya. Wala akong maramdaman na hininga mula sakanya.
"N-Nagugutom ako.. " Sabi ko. Binitawan niya ako at hinaplos ang pisnge ko. Hindi ako makagalaw habang titig na titig siya sa akin. Hindi ko na mabasa ang mga nasa mata niya.
"Sige.. " bulong niya at pinakawalan ako.
Doon lang ako nagkaroon ng ginhawa at tumungo sa kusina. Sa halip na isipin ang mga ginawa ni Fil kanina ay inabala ko ang sarili ko sa pagluluto. Mga prito lang kaya kong lutuin.
"Sheraal.. "
Biglang may hangin na dumaan sa likod ko at kinulong ako sa pamamagitan ng kanyang mga braso. Hindi ako makaconcentrate sa ginagawa ko dahil sa posisyon namin.
"A-Anong ginagawa mo F-Fil?"
Napagitla ako ng niyakap niya ako mula sa likod. Pinatong niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Para akong kinapos ng hangin dahil sa ginawa niya. Ang bilis ng takbo ng puso ko.
"Sorry kung nagawa ko iyon kanina. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa sayo pero hindi ko nakontrol ang sarili ko. Para akong nagalit na hindi ko alam." Aniya at niyakap pa ako lalo.
"F-Fil.. O-Okay na, D-Di mo na kailangan yakapin a-ako."
Natigilan siya ngunit hindi pa rin nagbabago ang posisyon namin.
"Ayokong umalis sa likod mo." Malamig na aniya.
"B-Bakit?"
Hindi siya sumagot at nanatiling nasa likod ko. Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya hinahayaan na gawin ito sa akin ngunit komportable ako sa tuwing kasama siya.
Nagpatuloy lang ako sa pagluluto habang nakayapos siya sa likod ko. Minsan hindi ko mabigyan ng atensyon ang ginagawa ko dahil inaamoy niya ang leeg ko kaya napapagitla ako.
"F-Fil! Ano ba.."
"Ang bango mo.."
Napakurap ako at pinamulahan. Dammit Fil! Binabaliw mo ako.
Tinapos ko agad ang ginagawa ko at nilagay sa dining area. Hindi na ako naglagay ng dalawang platito dahil alam kong hindi kakain si Fil. Nakasanayan ko na eh.
Binitawan na niya ako nang kakain na ako at umupo siya sa harap ko. Nadidistract lang ako sa tuwing pinapanood niya akong kumakain lalo na sa bawat subo ko. Hindi ako makakain ng maayos nito eh!
"Fil stop staring me." Ani ko at iniwasan siya ng tingin. Ngumiti siya at hindi siya nagsalita ngunit pinagpagpatuloy niya ako sa pagtitig niya sa akin.
"Mahal kita Sheraal..."
Bumagsak nalang bigla ang tinidor ko na may kasamang pagkain sa sinabi niya ngayon.
"A-Anong sabi mo?"
Baka ginogood time lang ako ng lalakeng 'to! Hindi na nakakatuwa!
"Sabi ko mahal kita. Mahal kita Sheraal."
Napatitig ako sa mata nita at doon ko napagtanto kung gaano siya kaseryoso. Ang gwapong mukha nito ay walang halong biro o kalokohan. Seryoso itong nakatitig sa akin.
Napalunok ako.
"A-Ang bilis n-naman ata."
Shit. Kanina pa ako nauutal!
"Gusto mo patunayan ko?"
Mas lalong kumabog ang puso ko. Hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niya sa akin ngayon. Medyo naguguluhan pa ako pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko.
Tumayo ito at tumungo sa aking tabi. Agad niyang hinaplos ang balikat ko dahilan upang makaramdam ako ng kuryente ngunit tumungo lang ito sa sandalan ng upuan ko at lumuhod upang magpantay ang tingin naming dalawa.
"Bakit? Hindi ka ba maniniwala?" Malamig na ang mga boses nito ngunit alam kong nakasanayan ko na ito ngunit may kakaiba.
"I love you Sheraal..."
Imbis na kiligin ay kinilabutan ako sa tono ng boses niya. What the f**k?
_____
A/N:
Matagal ko sana ito iuupdate pero same din lang naman kasi gusto kong sabihin na hindi ko muna ito tatapusin dahil uunahin ko muna ang MOD bago ito and so on. Atsaka sa mga naghihintay ng update nito. Pasensya na pero hindi pa ako sure sa magiging ending nito eh. Kailangan ko muna ito pag isipan bago ko ito ipagpatuloy. But I want you to know na ipagpapatuloy ko ito no matter what. Basta at matapos ko lang yung isa kong story at tatapusin ko rin 'to.
Thank you guys! Mwa! :-* lalo na sa mga naghintay! Labyooo!
Updated