#TGP 11

975 Words
#TGP _______ Tinanggal ko ang mga kamay niya sa balikat ko at tumayo. "Please lang Fil, Kumakain ako! Stop making fun of me!" Naiinis na bulyaw ko sakanya. Naiwan siyang nakaupo sa harapan ng upuan ko kanina. "Hindi ka nga naniniwala." Aniya habang malamig ang mga boses nito. "Kung pera lang naman hinihingi mo para masabi mong mahal mo ako! Okay lang, Magkano ba kailangan mo?" Kalmadong tanong ko sakanya at itinapon sa lababo ang pagkain. Nawalan ako ng gana. Tumayo siya at hindi ko na mabasa ang mukha niya. "Anong pera pinagsasabi mo?" He look so confused and bother. "Enough of pretending or making plan just to get it with my money! Stop it Fil!" Bumakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Tingin mo sa akin pera mo hinahabol ko?" Hindi makapaniwalang aniya. Ngumisi ako. "Ano pa ba ang rason mo kung bakit nandito ka? Of course you would take advantage of me because I am f*****g alone here! Lalo na't lalake ka! So stop saying you love me because we just met last week! So pinapangunahan kita magkanong pera ang kailangan mo?" Napahilamos ito sa sariling mukha at humakbang papalapit sa akin. Ang mga ekspresyon nito ay bigla lumungkot. "Kung sa inaakala mong pera ang habol ko sayo nagkakamali ka." Bumuntong hininga ito at nasasaktan timitig sa akin. "Mahal kita pero siguro kailangan ko talagang patunayan sayo na mahal na mahal talaga kita. Ikaw lang kasi tinitibok nito." Aniya sabay turo sa dibdib niya. "Kailangan ko ata lumayo. Akala ko kasi may tiwala ka sa akin pero" Tumawa lang ito ng mapait tsaka umiwas ng tingin. "F-Fil.." "I-Ingat ka nalang.." Tinalikuran niya ako tsaka ito nagsimula maglakad. Hindi ako makakilos hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napakapit ako sa lamesa at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ang lakas ng tambol ng puso ko. Nanginginig na pala mga daliri ko. Hindi ko inaakalang masasabi ko iyon sakanya. Totoo naman kase... Baka pera lang habol niya sa akin kaya siya palagi nandito. Natulog nalang ako magdamag. Nagising nalang ako ng may kamay na humahaplos sa pisnge ko. Agad na bumalagta sa mukha ko ang mukha ni Fil. "S-Sorry.. Hindi ko napigilan pumasok. A-Alis na lang ako" Napaiwas siya ng tingin at aakmang tatayo siya ng napahawak ako sa braso niya. Natigilan siya at lumingon sa akin. Nagtataka ang mga ekspresyon nito. "B-Bakit She?" Pinagmasdan ko ang mukha niya. Bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot. Bumangon ako at huminga ng malalim. "I-Im sorry. H-Hindi dapat kita hinusgahan. Im so sorry." Napayuko ako. Naramdaman kong inangat niya baba ko at nagtama mga mata namin. "Tama ka nga Sheraal.. Nagkita lang tayo noong isang linggo kaya hindi ito tama. Kailangan kitang iwasan." Tinanggal nito pagkakahawak ko sa braso niya at tumayo. "F-Fil? Teka.. galit ka ba sa sinabi ko kanina?" Umiling siya. "Hindi ako galit Sheraal, Sa totoo nga lang nasaktan lang ako at gusto ko lumayo sayo pero hindi ko pala kaya. Isang minuto palang nasasabik na ako makita kita." Makikita mo sa mata niya ang sabik at hirap tila hindi niya ako matiis habang pinagmamasdan ang mukha ko. "So b-bakit ka lalayo?" Napanguso ito tila nagpipigil ngiti. "Bakit? Ayaw mo akong lumayo?" Tanong niya habang may ngiting nakasilip sa sulok ng labi niya. Napatikhim ako at umiwas ng tingin. "Nagtatanong lang! Wag ka ngang assumero!" Sumeryoso naman mukha nito sa sinabi ko. "Ito lang tatandaan mo Sheraal. Iiwasan lang kita pero hindi ako lalayo sayo." Malamig na sabi niya kasabay nito na kung anong kilabot na dumaloy sa sistema ko. Tanging sarado ng pintuan ang narinig ko nang umalis na siya. Bigla bumalik sa naghuhurumentadong puso ko na kanina lang ay halos normal lang pagtibok nito. Napatingin ako sa salamin katabi ng kama ko. Hindi ko namalayan ay nakangiti na pala ako. Damn. Bakit nga pala ako nakangiti? Gosh Sheraal! Kinikilig ka ba?! Napapikit ako at pilit alisin ang ngiti ko sa labi ko ngunit tila hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Fil. Iiwas lang pero hindi lalayo sa akin huh? Bakit ang galang niya? Bwesit. Naligo nalang ako. Balak ko bisitahin ang hacienda namin sa Botolan kaya nagbihis lang ako ng check shirts na tinernuhan ko ng jeggings at nagboots. Para ready na kung sakaling dadaan ako sa mga maputik na daan. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ako ng iilan na damit dahil balak ko rin matulog doon ng mga tatlong araw. Medyo malayo mula dito ang botolan. Siguro mga iilan minuto lang. Napatingin ako sa boung mansyon at napalunok ako ng may makita akong matandang babae na papalapit sa akin. "Ma'am ingat po kayo. Ako na po bahala dito." Ani ni Manang Luri. Pinatawag ko kasi para mabantayan niya ang mansyon na to. Kwento kasi sa akin ni Tito kapag aalis siya sa mansyon pinapaalagaan niya rito ay si Manang Luri kaya siya nalang din pinatawag ko. "Agannad ka Ma'am" (Take Care Ma'am) Tumango nalang ako kahit 'di ko maintindihan. Siguro Ilocano nanaman. Bago pa ako makaalis ay napatingin ako sa boung mansyon. Nagsalubong ang kilay ko na may makita akong hugis anyo sa bintana ng kwarto ko. The f**k? Napakurap ako at parang nawala nalang yung hugis tao na nakatayo sa bintana. Teka? Bakit pala mukhang nakaawang yun? Napailing nalang ako. Si Manang Luri nalang bahala doon. ____ A/N: Why? Bakit hindi ko 'to matiis?! Omg it's a miracle na nag update ako! Oh fudge! I have good news guys. Hindi ko siya binago, I actually mean na parang may binawasan or dinagdagan lang. Parang nerevised ko lang siya. And darn! Nag update ako! Hindi ko alam bakit itinuloy ko nalang bago matapos yung MOD. Siguro I have so many Ideas na. Pero omggg does it mean tuloy tuloy na update ko? Uhuh Im not sure. Buti nga nag update ako. :) Ps. The waiting is over! Baka ituloy tuloy ko na to hihi malay niyo. Char. Anyway gusto ko lang pasalamatan ang naghintay ng ilang dekada! Hahaha Im so heartless talaga nagpapahintay ako sarreh. Paasa na ba is me? Jk. Seriously. Hindi ko na siya babaguhin. Inayos ko nalang. Thanks for waiting guys! Loveyou! :* Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD