#TGP
_______
Nagising nalang ako ng maramdaman kung tumama sa mukha ko ang liwanag na nagmumula sa araw. Inimulat ko ang mata ko pero ganoon nalang ang gulat ko na ang mukha ni Fil ang bumungad sa akin.
"What the hell?!"
Agad ako napabangon at sinamaan siya ng tingin.
"Ano na naman ang ginagawa mo sa kwarto ko?!"
Ngumiti lang ito at nanatiling nakahiga sa kama ko.
"Nakahiga kasama ka. Bakit masama?"
Tinatanong pa ba iyon?!
"Hoy lalake! Sino ba may sabi sayong pwede kang pumasok dito ah?!" Sigaw ko sakanya. Ang loko nakahiga pa rin. Ang sarap din ng buhay nuh?
"Wala! Para nakahiga lang! Ang sungit sungit mo! Keaga aga!" Aniya habang nakanguso. So siya pa ang galit? Aba.
"So wala naman pala eh! Edi lumabas ka dito! Hinayaan na nga kitang papasukin dito sa bahay pati ba naman sa kwarto ko?!"
Umupo naman ito sa kama at tinitigan ako ng inosente.
"Ikaw na rin mismo nagsabi na pinapapasok mo na ako sa bahay mo so kahit saan kwarto dito sa bahay papasukin ko na kahit anong gusto ko." Sabi niya at nanatiling inosente ang mga mata nito.
"Aish bahala ka!" Naiiritang sabi ko at kinuha ang twalya ko tsaka pumasok sa bathroom. Ang tigas talaga ng bungo ng lalakeng iyon. Kahit anong gusto niya masusunod o hindi naman kaya ay gagawin niya. Aish!
_____
Third person's POV
Ngiti ngiti naman ang binata habang pinagmamasdan niya ang kakapasok na dalaga sa bathroom. Hindi niya kasi akalain na susuko rin pala sakanya.
Habang hinihintay niya si Sheraal, naisipan niyang ikutin ang kwarto ng dalaga. Masyado kasing malaki ang kwarto nito kaya't gusto rin niya ikutin.
Napapangiti nalang ang binata habang pinagmamasdan ang mga nakadisplay na picture frame sa paligid lalo na at ang mga larawan na ito ay si Sheraal noong mga bata pa at magdadalaga palang.
Umupo ang binata sa kama at inikot ang paningin sa paligid, hindi niya ipagkakaila na puro pamilya ng babae ang nakikita niya sa mga larawan. Saan kaya ang pamilya nito? Tanong ng sarili niya.
Nahagip ang mata niya sa mga nakastock na album sa itaas ng cabinet. Nakahilera ito kaya't kinuha niya ang mga ito at nilapag sa sahig.
Halatang hindi pa napupunasan sa sobrang alikabok nito at mukhang hindi na ginagalaw ng may ari. Wala naman pakialam si Fil kaya ibinukas niya ang mga isa rito hanggang sa matapos niya ang mga dalawang album. Napapatawa pa ang binata sa tuwing may nakikita siyang kalokohan na larawan ng dalaga.
Napatitig siya sa isang larawan na kung saan naroroon si Sheraal na nakacow girl ang outfit habang nakasakay sa kabayo at ang kasama nito ay naka half naked na isang binatang kamukha niya. Napakunot noo siya. Bakit parang kamukha niya ang lalakeng nasa larawan?
Hindi maipagkaila na nasa hacienda ito kinunan ng larawan. Kinuha ito ni Fil at itinago sa kanyang bulsa tsaka lang ibinalik sa dating ayos ang mga album. Kahit papaano ay gusto niyang pag aralan ang nakita niya.
Kung sakaling siya iyon, bakit niya hindi niya matandaan? Wala siyang maalala na naging kasama niya ang dalaga. At lalong magiging pamilyar dapat siya sa dalaga nung una sila nagkita sa sementeryo.
"Fil Loresta!!"
Natauhan lang ang binata ng sumigaw ang dalaga mula sa bathroom.
"Bakit?!" Pabalik na sigaw ng lalake habang papalapit siya sa pintuan kung saan naliligo ang dalaga.
"Pwede bang umalis ka sa kwarto ko ngayon din?! Wala kasi akong dalang damit eh!" Sigaw na pabalik ng dalaga. Naunawaan naman ng binata kaya sumigaw na rin ito.
"Sige, Sa labas lang ako!"
Pagkalabas ng binata ay ang pagkalabas naman ng dalaga galing sa kakaligo at nakatapis pa ito. Agad niyang nilock ang pintuan at tumungo sa closet nito para makapagdamit.
Ilang minuto siya natapos mag ayos at bumaba na. Kumukulo na rin kasi ang tiyan niya eh. Sumalubong sakanya si Fil na nakahalumbaba sa lamesa at mukhang malalim ang iniisip.
"Hoy! Problema mo?" Pangugulat ng dalaga.
Napatingin bigla ang binata sa babaeng kararating lang at napaiwas. Naamoy niya kasi ang bango ng dalaga na halatang kakatapos lang maligo.
_________
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit na hindi pa ito sumagot kanina.
"Oo ayos lang."
Tumango nalang ako at nagtungo sa fridge.
"Nagugutom ka ba?" Umiling ito.
Kumibit balikat nalang ako at nagsimula magluto. Pagkatapos kong magluto ay kumain ako sa harap niya at nanatiling wala siya sa sarili.
"Hoy! Ayos ka lang ba talaga? Para kang wala sa sarili eh."
Tumingin ito sa akin.
"Ang kulit mo." Nakasimangot na anas niya.
"Edi bahala ka." Irap ko. "Buti nga concern ako eh." Bulong ko at tinuon nalang ang pansin sa pagkain.
"Hinda ka ba hinahanap sainyo?" Nagtatakang tanong ko ulit sakanya. Ilang araw na kasi siya dito kaya imposibleng walang maghananap sakanya.
"Ang kulit mo talaga! Wala nga akong pamilya." Nakasimangot na aniya. Napaismid naman ako.
"As in wala? Kahit kamag anak lamang?"
"Wala."
"Okay."
Wala naman ako magagawa diba? Bahala siya. Hindi naman ako ang mag aalala sakanya kung sakaling may mag aalala sakanya. Tse. Bahala siya.
_______
"Aalis ka?"
Tumango ako habang inaayos ko ang bisekleta ko sa garahe.
"Saan ka pupunta?"
"Mamasyal." Sagot ko sabay lingon sakanya. "Bakit sasama ka?" Walang pagdalawang isip ay tumango siya agad.
"Gamitin mo iyang isa." Sabay turo ko sa isa ko pang bisekleta.
"Hindi ako marunong" Nakangusong aniya.
"Edi wag kang sumama! Hindi ko 'yan problema." Nagsimula na ako pumedal.
"Sheraal.."
Hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Alangan naman iangkas ko siya? Nagsimula na ako pumedal at iniwan siya doon mag isa.
Ngunit wala pa ako sa kalagitnaan ay bigla nalang may pumulupot sa bewang ko dahilan para mapatigil ako at magulat!
"Fil?!! Papaano ka nakaangkas?!"
Ngumuso lang siya tila nagpipigil ng ngiti.
"Iniwan mo ako doon eh. Siguro magaan lang ako kaya di mo napansin na umupo ako sa likod mo" Aniya dahilan para magtaka. Kailan pa siya naging magiaan? Tingin palang sa katawan niya eh mukhang ang laki laki na. I mean, Ang lalapad kaya ng katawan niya. Aish!
"Dyan ka na nga! Pasalamat ka maganda ang panahon ngayon."
"Dinamay pa ang panahon" Bulong niya.
"Anong sabi mo?!"
"Wala!"
Lumabas na kami sa garahe at nagsimula magbisekleta. Ramdam ko ang higpit ng kanyang mga braso tila hinahagod pa niya ito. Napapikit ako sandali at napalunok.
Nagpapasalamat ako dahil walang masyadong sasakyan dito sa probinsya kaya malaya kami ni Fil na solohin itong kalsada. Sa halip kasi kotse ang gamitin ko ay bisekleta nalang dahil ipinunta ko lang naman dito ay langhapin ang sariwang hangin ng zambales.
Nililipad ang mga buhok ko sa hangin at ang sarap lang sa pakiramdam. Naisipan ko kasi kagabi na mamasyal nalang kesa magkulong sa loob ng bahay. Wala naman akong gagawin kaya naisipan ko magsearch sa magandang lugar na maaaring pasyalan dito.
Naramdaman kong may sumisinghot singhot sa leeg ko. Bigla ako napaliyad at hinampas sa braso si Fil.
"Ano ba! Kapag tayo nabangga kasalanan mo!"
Kahit di ko makita mukha niya ramdam kong nakangisi siya.
"Eh sa ang bango bango mo.." Napailing nalang ako.
Natagpuan lang namin ang sarili namin sa isang lugar kung saan may mga nakasulat na mga letra sa sementado.
"Hell ship memorial?"
Napatingin ako kay Fil habang inaayos ko ang bisekleta ko.
"Seryoso Sheraal? Dito mo naisipan mamasyal sa memorial na to?" Hindi makapaniwalang giit ni Fil.
"Oh? Bakit? Masama ba?"
Umiling naman ito at napabuntong hininga.
"Ang daming pasyalan dito Sheraal, pero bakit dito pa? Ang boring dito." Reklamo niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Edi wag mo akong samahan! Sumama ka pa kasi." Inis na anas ko at pumasok.
"Ito na! Nagbibiro lang naman."
Nagbibiro my ass!
____
Hindi nga nagtagal, napagod din ako sa kakalakad at kakabasa ng mga history na nakapaskil sa semento. Wala naman ako nakuha kundi tama si Fil, ang boring nga.
Kinuha ko ang bisekleta ko at tumungo sa direksyon ni Fil kung saan nakaupo sa gilid. Tumabi ako rito at tanaw namin ang karagatan habang ang liwanag ng araw ay tumatama sa amin.
"Hindi masyado mainit nuh? Tama lang." Sabi ko at mahangin na sinaboy ang buhok ko.
"Hindi ko nga alam kung bakit dito mo pa naisipan mamasyal." Aniya. Halata naman sakanya na sobrang bored na siya. Simula pa lang kasi ay umupo na siya sa gilid at hinintay akong matapos iexplore ang hell ship. Bored na bored nga siya. Sabi ko nga.
"Hindi naman halata sa mukha mo ang pagkayamot nuh?"
"Halata ba?" Napangiwi nalang ako sa sarkastiko niya.
"Tara na nga! Umiinit na yung araw!" Aya ko at sumakay na sa bisekleta.
"Pupunta ka sa kapatid ko?" Tanong niya habang ang baba nito ay nasa balikat ko na. Hindi naman kasi mabilis ang pagpedal ko hindi gaya kanina.
"Oo, sasama ka?"
"Oo."
Ngumiti ako ng tipid at dumeretso sa centro para bumili ng bulaklak at kandila.
_________
Update
#TGP 9