#TGP
_______
Hindi naman umabot sa ilang oras ang pagbibiyahe ko sa Botolan. Iyon nga lang bigla ako nagutom. Nadaan ko pa ang napakalaking church ng Zambales. Itinigil ko ang sasakyan at bumaba na ako pagkarating ko.
Napangiti ako ng sumalubong sa akin ang napakasariwang hangin dito sa Botolan.
Oh my god, Namiss ko ang atmosphere dito.
Tumigil sa paglalaro ang mga bata at tumakbo patungo sa akin.
"Ate Sheraal!"
"Atee!"
"Wow ang lalaki niyo na ah?" Lumuhod ako at niyakap silang lahat.
"Nanay! Nanay andito po si Ate Sheraal!" Rinig kong sigaw ng isang bata.
"Oh?! Wag mo nga ako pinaglolokong bata ka"
Tumayo naman ako at gulat ang rumehistro sa mukha ni Nanay Lucinda. Agad itong nagmadaling tumungo sa akin habang pinupunas ang kamay nito sa twalyang nakasabit sa balikat niya.
"Oh mga bata doon na kayo maglaro!" Giit niya sa mga bata. Tinap ko naman ang mga ulo nito at nginitian sila tsaka sila umalis.
"Sheraal naman! Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka dito?! Nagpahanda sana ako ikaw talagang bata ka!"
Natawa naman ako. Kahit kailan hindi pa talaga nagbabago si Nanay Lucinda, Palagi nalang magulatin Haha. Wala ata nagsabi sakanya na nakarating na ako dito last week pa.
"Pasensya na Nanay Lucinda, Ngayon lang ako nakarating." Napakamot ako.
"Oh sya sya! Halika't ipaghahanda kita" Ngumiti naman ako at sumabay sakanya sa paglalakad.
Tanaw na tanaw mula rito ang Mount Pinatubo. Mas lalo lumawak ang ngiti ko. This is the best place to get view in natural way.
______
Inilapag ni Nanay Lucinda ang isang bowl na puno ng gulay at may dalawang isda na hinati. May isa pa siyang nilapag na may mga beans at gulay na may sabaw.
Ano 'to?
Ayaw ko sana magtanong kay Nanay Lucinda dahil nakakahiya na wala akong alam dito sa Zambales. Ang daming nilapag na pagkain si Nanay Lucinda. Ang alam kong pagkain na nilapag niya ay ang dilaw at kulay green na mangga.
Ganito na ba ako katanga at hindi ko ito alam?
"Ito ang Dinengdeng o Pinakbet na espesyal dito sa mga Ilocano." Sabay turo niya dun sa mga gulay. Napatango ako.
"Ito rin naman ang Dinuguan ngunit sa aming mga Ilocano ay tawag dito sa amin ay Dinardaraan." Tinuro nito ang mukhang bagoong na may luya.
Tango lang ako ng tango habang nagpapaliwanag si Nanay Lucinda sa kanilang specialty dish.
"Siguradong hindi mo ito makakalimutan Sheraal." Aniya sabay turo sa isang brown na parang tinapay na puno ng Sesame Seeds.
Mukha naman nabasa ni Nanay Lucinda mukha ko.
"Wag mong sabihin na nakalimutan mo? Paborito mo ito! Paborito niyo nga ito ni Felipe eh!"
What? Napakunot noo ako na napatingin kay Nanay Lucinda. What did she say? Paborito ko? Ni Hindi ko nga alam kung anong pangalan yan tinapay na yan eh. Atsaka sino naman si Felipe?
Narinig ko ang mahinang buntong hininga ni Nanay Lucinda.
"Ikaw talagang bata ka, Umuwi ka lang sa manila kinalimutan mo na ang mga mahahalagang pagkain dito sa Zambales." Lumungkot ang mga mukha ni Nanay Lucinda.
Agad naman ako nakonsensya.
"Pasensya na po Nanay Lucinda.. Ano po kase nabusy rin po ako sa kompanya namin eh."
"Kompanya? Ang bata mo pa para ikaw ang humawak sa kompanya niyo! Hindi ba't mga magulang mo ang umaasikaso sa kompanya niyo?"
Ha?
Teka naguguluhan ako ha! Hindi ba't alam na mga taga Zambales na wala na ang mga magulang ko? Atsaka hindi ako nagkakamali na mas mauunang malalaman ni Nanay Lucinda na wala na mga magulang ko kasi siya ang humahawak sa Hacienda namin!
"W-Wala na po mga ma---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla may nagsipasok na kababaihan at kalalakihan. Nakasuot sila na pangsasaka.
"Ma'am Sheraal! Naragsak nga Ilocano Insasanbay!" (Welcome here In Ilocano)
"Naimbag nga malem mo Ma'am Sheraal!" (Good afternoon to you)
Tumayo agad ako. "U-Uh hello po!" Sagot ko nalang. Hindi ko kasi maintindihan sinasabi nila eh.
"Oh pano niyo nalaman andito si Sheraal?" Tanong ni Nanay Lucinda na nakatayo na pala.
"Ah eh sinabi ng anak ko na andito si ma'am, edi naisipan namin pumunta dito." Ani ng isang matandang lalake. Ngumiti nalang ako.
"A-Ah Ma'am! May dali kaming mga pagkain, Gawa po yan ng mga asawa namin." Sabay bigay ng isang lalake ng isang supot sa akin at tumango tango ang mga kababaehan. Sila ata mga asawa nila.
"Ah eh salamat po!" Ngumiti ako. "Tara kain po tayo." Aya ko sakanila.
"Salamat po Ma'am! Ang bait bait niyo pa rin!" Puri ng isang may edad na.
Ngumiti lang ako at sumabay sakanilang kumain. Napilitan akong magkamay habang kumakain. Nakakahiya naman kung gagamit akong kutsara at tinidor habang sila nagkakamay.
"Teka nasaan ang anak mo Lucinda? Nakita niya na ba si Sheraal?" Biglang natanong ng isa.
Bigla naman napapitik si Nanay Lucinda. "Oo nga pala! Nasaan ba ang batang 'yun! Umigib lang yun ng tubig eh." Nagmamadaling tumayo si Nanay Lucinda at naghugas ng kamay.
May anak si Nanay Lucinda?!
"Pasensya na Sheraal ha! Puntahan ko lang anak ko. Hindi pa kasi 'yun kumakain. Yung batang yun!" Tumango lang ako at ngumiti.
"Oh Ma'am Sheraal, Bakit ngayon lang po kayo bumisita?" Nabaling ang atensyon ko sa nagtanong.
"Oo nga ma'am! Madalas po kayo bumisita rito eh!"
"Atsaka kamusta rin po mga magulang niyo?"
Pilit ako ngumiti sakanila at ibinaba ang kamay ko.
Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong sasagutin. Dinagsa kasi nila ako ng mga tanong nila.
"A-Ah eh ano po.. Nabusy ako sa kompanya namin at wag niyo na po ako matawag na Ma'am, Sheraal nalang." Sabay ngiti ko.
"Hahaha si ma'am talaga palabiro!" Nagtawanan naman sila.
Eh? Hindi naman talaga ako nagbibiro ah. Busy talaga ako sa kompanya namin. Magsasalita pa sana ako ng marinig namin ang boses ni Nanay Lucinda.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi ba't sinabihan na kitang umuwi ka ng alasdose?! Anong oras na?! Atsaka mahiya ka naman kay Sheraal! Ilang buwan na hindi kayo nagkikita tapos magpapahuli ka pa!"
"Eh Nanay naman! Uuwi naman talaga ako! Nahuli lang ako."
Nagpintig ang tenga ko sa isang napakapamilyar na boses. Bigla kumabog ng mabilis ang puso ko.
"Oh ayan na pala anak ni Lucinda!"
Dahan dahan naman ako napalingon at napanga nga ako na magtama ang mga mata namin.
"Fil?!"
Hindi siya nagulat na makita ako. Sa halip ay kinindatan lang niya ako at ngumiti sa akin.
Bigla bumugso sa akin ang inis. Sabi niya wala na siyang pamilya?! Napakasinungaling niya!
____________
Updated.