#TGP 13

1124 Words
#TGP ________ Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Nagsitayuan lang sila ng matapos na kami. "Alam niyo po Ma'am bagay na bagay po kayo ni Felipe!" Bigla ako napaubo sa sinabi niya. Bwesit! "Oo nga ma'am! Palagi po kayo magkasama noon!" Pilit lang ako ngumiti kahit naguguluhan na ako. "Oh sya ma'am! Alis na po kami. Salamat po sa tanghalian ma'am Sheraal!" Nagpapasalamat din ang iba habang pababa na sila sa kakahuyan na hagdan sa kubong ito. Nang matanaw kong wala na sila ay tumingin ako kay Nanay Lucinda na nag aayos sa mga pinagkainan. "Nanay Lucinda, Sa labas lang po ako. Magpapahangin lang." Napatingin ito sa akin. "Di ka muna magpapahinga? Galing ka pa sa biyahe Hija." "Mamaya nalang po muna." Wala na itong nagawa at tumango nalang. Napatingin ako kay Fil na titig na titig sa akin. Alam kong kanina niya pa ako tinitigan habang kumakain kami. Kung minsan naman umiiwas ito ng tingin. Parang gago lang. Hinayaan ko siya doon at lumabas na sa malabahay kubo ni nanay Lucinda. Masyadong mainit ang panahon ngunit malamig naman ang hangin dito kaya okay lang. "Bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka rito?" Napatigil ako ng may nagsalita sa likod ko. Hindi ko siya pinansin. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sakanya. Akala ko ba wala siyang pamilya? "Naiinis ka ba sa akin?" Bigla ito tumabi sa akin at sinilip ang mukha ko. Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ba halata?!" Ngumuso ito at tumingin sa magandang tanawin ng Pinatubo. "Bakit ka ba naiinis sa akin?" Tanong niya dahilan para mahampas ko siya. Nangigigil na ako! "Napakasinungaling mo! Sinungaling ka! Sabi mo wala kang pamilya eh ano to?! Bakit nanay mo si Nanay Lucinda?!" "Hindi ako nagsisinungaling Sheraal... Wala na nga akong pamilya." Ha? Napaantras ako at naguguluhan na napatingin sakanya. "Hindi kita maintindihan" Ngumiti ito sa akin at hinila ako sabay akbay nito sa akin. "Maiintindihan mo rin." Aniya. Bumalot ang katahimikan habang may iniisip ako. Parang ang weird. Parang may mali. May nararamdaman kasi akong kakaiba. "Ikaw ba si Felipe?" Tumingin ako sa mukha niya. Wala lang siyang reaksyon. "Oo. Tawag nila sa akin dito Felipe." Hindi ko mapigilan matawa. Ang tanda kasi ng pangalan niya! Ang panget pakinggan. Hahaha. "Oh ba't tumatawa ka? May nakakatawa ba" Nakanguso na ito habang nakasimangot. "Buti nalang hindi Felipe nakalagay sa birth certificate mo! Kung hindi nakuuu marami ang mang aasar sayo." Ngumisi ako habang pinipigilan ko matawa. Ang panget talaga! Hahahaha. Makaluma ba siya? "Ewan ko sayo! Pinagtatawanan mo palayaw ko eh! Dyan ka na nga!" Inalis nito pagkakaakbay sa akin at umalis sa tabi ko. Kumibit balikat ako at sinundan siya ng tingin. Tumigil ito sa pag alis at bumalik muli sa tabi ko. "Palagi mo nalang ako inaasar!" Aniya na parang bata. "Oh bakit bumalik ka?" Natatawang tanong ko sakanya. Tinignan na niya ako ng masama kaya napabungisngis ako. Natigilan lang ako ng marinig ko siyang huminga ng malalim at nagsalita. "May sasabihin akong sekreto sayo." Seryosong aniya. Tumango ako at sumeryoso din. Napakaseryoso kasi ng mukha niya. "Multo ako Sheraal." Tumango lang ako at umalis na sa tabi niya. "Biro lang Sheraal! Ito naman di mabiro." Natatawang sabi niya habang hinahabol ako. Gusto ko siyang pakyuhan. Akala naman niya madadala ako sa mga pinagsasabi niya. "Sheraal! Sorry na!" Sumabay ito sa paglalakad. "Ewan ko sayo. Matutulog na ako." Nakasimangot na sabi ko. Narinig kong tawa siya ng tawa. Bwesit. Akala niya ata naiinis ako pero naiinis talaga ako! Lakas makabawi eh. ______ "Mommy pupunta lang ako sa Botolan." Paalam ng isang dalagitang nasa edad na disisyete. "Why?" Tanong ng Mommy niya habang abala sa mga papel na hawak nito. "Mag aaral po kasi ako mangabayo doon Mom." "Go ahead, Don't forget your bodyguards" Nang makalabas ang dalagita ay napatalon ito sa saya at agad na tumungo sa kotse nila at inutusan ang isa sa driver nila at pinuntahan ang Botolan. Nang makarating ang dalaga doon ay tila namangha ito sa tanawin na nakikita niya. "Wow! Ang ganda pala dito!" Namamanghang sabi niya. Nakangisi siya habang pinupuntahan ang horse cage nila at pinili nito ang puting kabayo nila. "Akin na to. Wahaha" Halakhak niya at sinimulan niyang sakyan ang kabayong napili niya. Ilang minuto niya pinag aralan kung pano patakbuhin ang kabayo. Hindi naman siya agad nahirapan dahil masunurin ang kanyang napiling kabayo. Medyo pinabilisan niya ang pagpapatakbo ng kabayo at dahil hindi pa siya marunong kontrolin ang kabayo niya ay bigla napatigil ang kabayo sa posisyon nito at tumilapon ang dalagita sa di kalayuan. Napapikit ang dalagang napahawak sa ulo niya. Akala niya nabagok ang ulo niya. Nakaramdam lang siya ng sakit sa pwet. Buti nalang nakalong sleeve siya at malambot ang lupang kinabagsakan niya. Nakarinig siya ng tapak na kabayo patungo sakanya. "Miss miss! Okay ka lang?" Agad naman bumaba ang isang binatilyo at hinawakan sa braso ang dalaga upang tulangan ito sa pagtayo. "P-Patay na ba ako?" Tanong ng dalaga sa sarili. Natawa ang binatilyo sa inasta ng dalaga ngunit natigilan ang binata ng makita niya ang mukha ng dalagita. "M-Ms. Sh-Sheraal?" Tila nanginig sa takot ang binata at napaantras. Nagtaka naman ang dalaga at tumingin tingin sa paligid at tila natauhan. Napatingin siya sa lalakeng kaharap niya. "H-Ha? U-Ugh sino k-ka?" ____________ Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit bigla nalang ako napamulat. Napabangon ako at napahawak sa aking ulo. s**t. Ang sakit ng ulo ko. Tila parang binibiyak ito. Agad ako lumabas sa kwarto at uminom ako ng tubig. Hawak hawak ko ang ulo ko habang napapasandal. Medyo kumakalma na pakiramdam ko. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang phone ko. Nakita kong alas onse na ng gabi. Lumabas ako ng bahay at nagpahangin. Hindi ako matakutin. Lumaki din ako mag isa kaya okay lang. Hindi rin naman ako naniniwala sa mga multo lalo na at hindi pa ako nakakakita. To see is to believe, 'Yan ata ang motto ko sa buhay ko. Hindi naman kasi ako yung tipong maniniwala agad, Kailangan ko rin ng katibayan kung totoo talaga na may mga weird creature dito sa mundo. Napatigil ako sa pagmumuni muni ng makarinig ako ng kaluskos. Napalunok ako. Gaya ng sabi ko di talaga ako naniniwala sa multo. Kung multo man yan bakit may gumagalaw?! At hindi nila kayang humawak ng mga bagay. Tumatagos lang ito sakanila kaya imposibleng may mult--- "s**t!" Halos mapasigaw ako ng may hugis anyong nilalang na sumulpot sa harapan ko. Buti dala ko phone ko at agad agad kong tinapat sakanya ang ilaw ng phone ko. "S-Sino ka?! Sisigaw ako!" Hindi ko mainag ang mukha niya. Nakahoodie ito tila parang sa snow white. Damn it. Really Sheraal? Snow white lang peg mo? Pero natigilan ako ng wala siyang ginagawa. Nakatutok lang ang ilaw ko sakanya. Nakayuko ito panigurado. May tungkod itong dala at sigurado akong matanda din ito. Ang hindi ko mawari ay kung babae ba ito o lalake. "S-Sino po kayo?" Hindi ito nagsalita. Sa halip ay humakbang ng isang beses. "A-Ah eh pasok na po ako." Paalam ko dahil kinikilabutan na ako! Sabayan pa ang malakas na hangin tumatama sa amin. Lalo na at gabi pa. Tatalikuran ko na sana siya ng magsalita siya. "Umalis ka na dito Hija... Maraming patay ang pumapalibot sayo." ___________ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD