#TGP
______
Unang araw palang ako dito sa Botolan ay parang hindi ko na ata kakayanin ang init. Tagaktak na ang mga pawis ko habang tinutulangan ko sila magtanim.
"Ma'am wag na po kayo tumulong. Kami na po bahala dito."
"Oo nga ma'am! Pawisan na po kayo oh"
Umiling ako at sinabing okay lang.
"Maam sanay na po kami sa init. Magpahinga nalang po kayo." Muli ulit ako umiling at nginitian lang sila. Hindi na ako magtataka kung bakit ang iitim nilang lahat. Babad kasi sa mainit na araw.
Hindi na muli sila nagsalita at tinuon nalang ang trabaho nila. Bigla may tumakpan sa kalangitan sa posisyon ko. Tumingala ako at nakita kong pinapayungan na ako ni Fil.
"Pawis na pawis ka." Aniya habang pinupunasan ako sa noo.
Tila dumagundong ang puso ko sa ginawa niya.
"Tama na yan. Magpahinga ka muna. Ipinagluto kita" Nakatitig lang ako sa malakayumangi niyang mga mata. Bakit siya ganito?
Pagkatapos niya akong punusan ay ibinaba niya ang mga tanim na nasa kamay ko at hinila na ako.
"F-Fil.."
Natanaw ko agad sila Nanay Lucinda sa maliit na kubong tumatakip sakanila.
Nang makarating kami ay agad naman ako pinagsilbihan ng mga tauhan namin dito. Nagtama ang mata namin nung babaeng si Maria. Walang ekspresyon ang mga mukha nito.
"Sheraal. Ipinagluto kita. Diba paborito mo 'to?"
Tumigil ako sa paghinga ng makita ang niluto niya.
Naguguluhan akong napatingin kay Fil na malawak ang ngiti. Tumabi siya sa akin at nilagay ang isang braso nito sa likod ko. Sumandok ito at itinapat sa akin.
"P-Papaano mo nalaman na paborito ko 'to?" Nanlalaki ang matang tanong ko sakanya.
Nakangiti lang siya sa akin. "Kumain ka muna, Mamaya ko nang sagutin 'yan." Aniya at muli itinapat sa akin ang sandok.
Napalunok ako at naiilang na isinubo 'yun. Muli ulit niya ako sinubuan ngunit inagaw ko na sakanya ang kutsara.
"Hindi ka kakain?"
Umiling siya. "Busog ako." Aniya.
Palagi naman siya busog! Hmp!
Hindi ko siya pinansin at kumain nalang. Naiilang ako dahil bawat subo ko sa kinakain ko ay pinagmamasdan niya ako. Gusto ko siyang sapakin dahil hindi ko nalalasahan ang kinakain ko pero ang bastos naman kung gagawin ko 'yun sa harap ng hapag kainan.
"H-Hindi ka talaga kakain?" Tanong ko ulit. Umiling siya at pinisil ang pisnge ko.
"Hindi nga.. Makita lang kitang kumakain, busog na ako." Sagot niya. Umiwas ako ng tingin at ramdam ko ang init sa magkabilang pisnge ko.
Bwesit na lalake, Hindi talaga ako makakain ng maayos dito!
_____
Nasa kabila kami ng Hacienda kasama si Nanay Lucinda, Fil at si Maria. Hanggang ngayon blanko pa rin ang mukha ng babaeng 'yun. Hindi ko siya maintindihan.
"Kinukulang na tayo sa materyales ma'am, Kinakalawang na kasi yung mga kagamitan para sa pag aani. Ang mga hayop ma'am na nakakulong at mga baka po ay nakakatakas na dahil masyado na pong mahina ang kapit ng kulungan. Maaaring kaya ng sirain ng kung ano man na hayop."
Napahilot ako sa sintinido ko. Ito agad ang bumungad sa akin pagkarating ko dito.
"Ilang baka ang nakatakas?"
"Lima po."
Damn.
Pinilit ko kumalma at naramdaman ko nalang na nakayukom na ang mga kamao ko.
"Kahit kailan man hindi niyo lamang binantayan ng maayos? Sino ba ang tagacheck ng mga kulungan dito at napakatangang trabaho niya?!" Hiyaw ko. Hindi ko napigilan mapasigaw dahil putangina naman. Hindi basta basta pwede makatakas ang mga bakang 'yun! Mahirap palakihin 'yun!
"Ang mga kambing? Ilan ang nawala?"
Napayuko ang tagabantay. "Pito po."
"Fuck."
Malakas kong naisipa ang baldeng nasa gilid ko. Pakiramdam ko gustong gusto ko silang tanggalin sa trabaho nila dahil ang tatanga nila!
"Hinintay niyo pa talagang maubos ang mga hayop ganun?! Tangina kayo nalang kaya ang tanggalin ko?! Wala ring kwenta ang ginagawa niyong trabaho eh! Ano nag iinuman kayo kada gabi ha?!"
"Sheraal.."
Humaplos sa mga braso ko ang kamay ni Fil. Napapikit ako at tinanggal ang mga kamay niya at lumayo sa mga tao roon.
"Pasensya na Manong Arthur. Ako na po bahala kay Sheraal"
"Pakisabi nalang kay Ma'am na pasensya na. Hindi rin po namin ginusto ang nangyare eh."
Rinig ko pang depensa nila. Nagpakalayo layo ako baka may masabi pa akong ikasakit nila ng loob.
Natagpuan ko ang sarili ko sa malawak at kulay asul na lawa na pinapalibutan ng mga matataas na bato. Narinig ko ang mga tapak ni Fil papalapit sa akin.
"Hindi mo sana sinigawan si Manong Arthur. Hindi niya ginusto ang nangyare."
Hindi ko siya inimikan at nanatili ang tingin ko sa napakagandang tanawin ng mt. Pinatubo.
"Sana inalam mo muna kung ano ang dahilan kung bakit nasira ang mga kulunga---"
"Hindi ka ba nakinig kanina? Ang sabi niya, Kinalawang ang mga bakal doon. Huh! Ano pa ang silbi ng pagbabantay nila kung pati ang kulungan na tila masisira na hindi pa nila napansin?! Mga walang silbi ang gagawa nun!" Giit ko sakanya. "Oh baka naman sinadya talaga nila 'yun para sila ang mapakinabangan at makatay nila 'yun at kainin? Posible 'yun! At hindi ko mapapatawad ang traydor sa Hacienda ko! Sabagay ginagawa nila trabaho nila dahil sa pera hindi ba?"
Humahangos akong nakaharap kay Fil. Natigilan akong malungkot ang mga mata nito sa akin.
"Ganyan ba kayo mayayaman? Sa mga mata niyo pera ang dahilan kung bakit namin ginagawa ito? Minahal din namin ang hacienda niyo kahit hindi namin pag aari!" Dismayado ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
Tinalikuran niya ako ngunit bago pa siya makalayo ay nagsalita ako.
"Hindi mo ako naiintindihan. Wala na akong mga magulang Fil, kaya ayaw kong mauwi sa wala ang pinaghirapan ng mga magulang ko. Sana maintindihan mo ako. Kahit ikaw lang."
Tumigil siya sa paglalakad. At sa mga sinabi niya ay parang nanikip ang dibdib ko.
"Wala ka rin pinagkaiba sa Mommy mo, Mapagbintang." Saka ito lumayo.
Naiwan akong nakatitig sa likuran niya habang nawawala na siya sa paningin ko. Lumabo ang mga mata ko sa nagbabadyang luha.
Napahawak ako sa ulo ko ng bigla ito mamilipit sa sakit. Lumandas ang mga luha ko at napaupo. Ang sakit!
Nagulat nalang ako ng may nakikita akong ibang senaryo. Tila nag iiba ang lugar sa harapan ko.
____
"H-Ha? U-Ugh sino k-ka?"
Agad na nagsilapitan ang mga bodyguards sa dalagita.
"Anong ginawa mo sa senyorita?" Tinig nito ang banta at delikado sa boses ng isang bodyguard ng dalaga.
Napaantras ang binatilyo at lumunok.
"N-Nahulog siya sa k-kabayo.." Bakas sa mukha ng binata ang takot.
Nakonsensya naman ang dalaga at sinamaan ng tingin ang mga bodyguards nito.
"Wag niyo nga siyang takutin! Atsaka bakit ba kayo nandito?! Umalis nga kayo!"
"Senyorita, Mapapagalitan ako ng mommy niyo—"
"Wala akong pake! Kaya umalis na kayo o ako na mismo magsusumbong kay Daddy?!"
Napatungo ang mga bodyguards nito at wala ng nagawa saka ito umalis. Guminhawa ang pakiramdam ng dalaga. Pakiramdam niya kailangan niya pa tawagin ang daddy niya para takutin ito.
"U-Uy teka! Where are you going?" Pinigilan ng dalaga ang binata at tila napaso ang binata sa hawak ng dalaga sa braso nito.
"H-Hindi ka pwede makipag usap sa akin."
Nagsalubong ang kilay ng dalaga. "Huh? Ano pinagsasabi mo?" Sa isip ng dalaga ay napakaweird ng lalaking ito.
Umiwas lang ito ng tingin at aakmang sasakay ito sa kabayo niya ng pinigilan muli ng dalaga.
"Wait lang! Aalis ka na agad? Hindi ko pa nga nalalaman ang pangalan mo eh!"
"Felipe ang pangalan ko." Iwas tingin sambit ng binata.
"Huh? Felipe?" Napabungisngis ang dalaga at pigil tawa dahil sa pangalan nito. Napakatanda ng pangalan nito. Makaluma. Natatawang nasa isip nito.
"Aalis na ako.."
"Teka! Sheraal ang pangalan ko!" Sigaw ng dalaga. Tumaas ang sulok ng labi sa gwapong mukha ng binata na nakasakay na sa kabayo nito.
"Alam ko.." Saka nito pinatakbo ang kabayo niya at umalis sa harap nito.
Tila parang may sariling isip ang kanyang labi at nakangiti siya ngayon. First time niya marinig ang t***k ng puso niya.
"Ano ba pinagsasabi mo sakanya Felipe?! Kita mo na ginawa mo sa kanya! Kung hindi ko pa kayo sinundan hindi ko pa makikita na nakahandusay sa lupa si Sheraal!"
Naalipungat ako sa matinis na boses ni Maria.
"Nagsisisi na nga ako diba? Atsaka hindi ko sinasadya." Mahinang sabi ni Fil.
Tumingin sa akin si Maria at nanlaki ang matang nakatingin sa akin.
"Nanay Lucinda! Gising na po siya!" Sigaw ni Maria.
Inalalayan akong bumangon ni Fil. Napatingin ako sakanya. Napaiwas ito ng tingin.
"Dyos ko akala ko kung ano nangyare sayo!" Sulpot ni Nanay Lucinda habang may dalang tubig.
Kinuha ko iyon at ininom. Dinagsa nila ako ng tanong kung ayos lang ako.
"Babalik ako sa Plantation." Aakmang tatayo ako ng pinigilan ako ni Maria.
"Magpahinga ka muna Sheraal.. Alam kong napagod ka kaya ka nahimatay." Muling bumalik ang malamig na ekspresyon ni Maria ngunit bakas sa pag aalala ang mukha niya.
Umalis na ito at mukhang sinenyasan niya si Fil. Kanina pa nakaalis si Nanay Lucinda dahil babalikan niya ang naiwan ko sa hacienda.
"Sheraal.."
Hindi ko siya pinansin at aakmang hihiga ng hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.
Nahigit ko ang hininga ko sa ginawa niya. "Pinag alala mo ako sobra.." Aniya habang mahigpit ang yakap nito sa akin.
"F-Fil.."
"Patawarin mo ako.. Hindi ko sana sinabi 'yun sayo. S-Sana hindi nalang kita iniwan doon." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"F-Fil.. H-Hindi ako makahinga." Nahihirapan na sabi ko. Lumuwag ang kanyang mga brasong nakapulupot sa akin.
Tumingala ako upang tignan siya. Napalunok ako ng sobrang malapitan na pala ang aming mukha.
Biglang pumasok ang senaryong sa utak ko. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan bakit bigla bigla ito pumapasok sa isipan ko. Napapikit ako ng magsimula nanaman sumakit ulo ko. Kinalma ko sarili ko at huminga ng malalim.
"Mahal na mahal kita Sheraal.." Hinaplos nito ang pisnge ko. "Wag mo ulit 'yun gagawin ha? Nag aalala ako ng sobra. Ayaw kong mawala ka sa tabi ko." Niyakap muli niya ako at hinagkan sa ulo.
Nanghina ang mga kamay ko. Kung pagbabasehan ang nasa alaalang 'yun ay malakayumanggi ang mga mata ni Fil pero bakit itim ang mga matang nasa senaryo? Hindi kaya nananiginip lang ako?
_______
Updated.