#TGP
____
Hindi ako hinayaan ni Fil bumalik sa Hacienda. Sa halip ay nasa labas ito at pinagluluto ako ng tinola. Oo nga pala, Kay Tito niya daw nalaman ang paborito kong pagkain. Wala kasi nakakaalam na tagazambales kung ano paborito ko.
Bumalik sa kwarto si Fil habang may dala dala itong Tinola.
"Ubusin mo 'yan ha. Gaya ng inubos mo kanina." Ngumuso ako at nagsimula kumain.
"Di mo sa akin sinabi na marunong ka pala magluto." Sabi ko sakanya. Sumandal ito at tinitigan ako.
Ayan nanaman siya sa kakatitig niya!
"Bakit? Pwede na ba ako mag asawa?" Aniya at kinindatan ako.
Napairap nalang ako at natatawa.
"Hindi ko nga pala alam na close pala kayo ni Tito?" Pang iiba ko ng usapan. Umiwas siya ng tingin at tumango.
"Matagal ko ng kilala ang Tito mo Sheraal." Malalim na sabi niya. Tumango lang ako. Sabagay siya na mismo nagsabi na kilala dito si Tito bilang negosyante at haciendero.
Napagitla ako ng hinawakan niya labi ko. Napalunok ako ng punasan niya ang dumi sa gilid ng labi ko.
"Ilang araw ka lang dito?" His husky voice was like echoed in my ears. Nagtama ang mata namin. Habang tinitigan ko siya sa malakayumanggi niyang mata ay sumisingit sa isipan ko ang itim na mga mata.
"Tatlong araw lang.."
Muli ulit siya sumandal. "Ipapasyal kita bukas." Napangiti ako at tumango.
Halos kainin na ako ng titig ni Fil habang kumakain ako. Kung hindi ba naman akong ice cream matagal na ata akong tunaw.
"Fil may tanong ako sayo." Sabi ko habang nilalagay niya sa lababo nila ang kinainan ko.
"Ano 'yun?"
Nakasandal ako sa gilid niya habang busy siya sa paghuhugas ng platito nila.
"Nakapagtapos ka na ba? Ano ba trabaho mo?" Sinilip ko ang mukha niya. Tila parang natigilan siya.
Naghintay ako ng ilang minuto. Ngunit wala pa akong nakukuhang sagot mula sakanya.
"Fil?"
"W-Wala akong matandaan.."
Nagsalubong ang mga kilay ko at napaharap sakanya.
"Eh? Wala kang matandaan? Edi may amnesia ka rin?" Tanong ko sakanya.
Napalabi ito at tumango.
"Parang ganun na nga." Aniya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Eh anong dahilan kung bakit ka nagkaamnesia? Naaksidente? Nabagok ang ulo?" Tanong ko rito. Kinakain na ako ng pagkamausisa ko.
"Hindi ko alam kung ano nangyare sa akin."
"Ha?" Napakamot ako at naguguluhang napatingin sakanya. Wala man lang nagsabi sakanya na naaksidente siya?
Aakmang magsasalita ako ng humarap ito sa akin.
"Pagkakaalam ko, Nagising nalang ako sa sementeryo." Malamig na aniya. Nanlaki ang mata ko. Parang dumagsa sa puso ko ang kaba at pagkagulat.
"A-Ah? E-H? H-Hindi sa hospital?" Naapantras ako at bigla nalang nanlamig ang mga kamay ko.
Parang napansin niya ang pamumutla ng mukha ko. Bumuntong hininga siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Doon lang nila ako nakita sa sementeryo at ginamot."
Parang nabawasan ang tinik sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit kinakabahan ako. Eh wala naman mali sa sinabi niya.
"Ah ganun ba.."
Tumango siya at pinunasan ang kamay niya sa towel na nakasabit. Tumabi siya sa akin at pinagsiklop ang mga kamay namin.
"Eh ikaw? Magkwento ka naman sa sarili mo."
Ngumuso ako at napaisip. Magkukwento ba ako? Parang wala naman ako maikukwento sa teenage life ko eh. Wala akong maalala.
"Wag ka nga ngumuso. Natutukso ako." Nawala ako sa pag iisip sa sinabi ni Fil. Namula ang pisnge ko at hinampas siya.
"Napakalandi mo talaga sa akin nuh?" Ngumisi ito at hinalikan ang kamay ko.
"Sayo lang ako malandi." Amin niya. Inirapan ko lamang siya. Nagpipigil ngiti lang ako dahil kinikilig ako. s**t.
"Pero wala ng ibang lalake ang lalandi sayo dahil ako lang dapat." Nawala ang ngiti ko ng makita ang malamig na ekspresyon niya.
Humarap siya sa akin at nagulat nalang ako ng isinandal niya ako sa dingding nila. "Ako lang dapat ang humahawak sa mga kamay mo.." Itinaas nito ang magkasiklop naming kamay. Napakahigpit niyang hawakan 'yun. Tila pinapakita niya sa akin na siya lang dapat ang may karapatan humawak sa mga kamay ko.
Hinila niya bewang ko papalapit sakanya at niyakap ako. Ramdam ko ang kanyang malamig na hangin sa tenga ko. "Ako lang dapat ang yumayakap sayo.." Bulong niya at humarap sa akin. Ang lapit namin sa isa't isa. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang madilim niyang ekspresyon.
"Lalong lalo na Sheraal... Ako lang ang dapat lalaking humahalik sayo." Aniya sabay siil ng halik sa akin. Gulat akong nakatingin sa mga mata ni Fil na nakapikit na. Hinawi niya ang bewang ko papalapit sa kanya.
Napadaing ako ng maramdaman ko ang pangigigil niya sa labi ko. Hindi ko namalayan ay napapikit na ako at sinasabayan siya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Tila may sariling isip ang mga labi ko at tinutugon ang kanyang mapupula't namumutla mutlang labi niya.
Inabot niya kamay ko sa kanyang batok at hindi ko mapigilan sakupin ang kanyang mukha. Naramdaman ko ang mga dila nito sa akin tila nakikipagsagutan ito sa akin.
Naramdaman kong nasa pang upo ko na ang kanyang isang kamay. Agad niya ako binuhat habang naghahalikan kami. Bakit ganito? Bakit nang iinit na ang pakiramdam ko? Gusto ko siya.. Gusto ko siya. Damn it!
Naramdaman kong nasa kwarto na kami. Isinandal niya ako sa pintuan at patuloy na hinahalikan. Bumaba na ang mga halik nito sa aking leeg. Pinipigilan kong umungol ng nasa loob ng damit ko ang kamay niya. Napaliyad ako ng sakupin nito ang dibdib ko at pinisil pisil.
"O-Ooh F-Fil.."
Naramdaman kong sinisipsip nito ang leeg ko tila nilalagyan ng marka. Wala na akong pakealam sa nangyayare sa amin. Agad kong hinubad ang damit ko upang maging malaya siya sa gagawin niya. Naramdaman kong tinanggal niya rin ang bra kong sout at mas lalo ako napasabunot sa kanyang buhok ng sakupin niya ang dibdib ko gamit ang mga labi niya.
Nanghihina ang mga tuhod ko. Tila parang hinuhugot nito enerhiya ko. Mas lalo nagliyab ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang kamay nito sa gitna ko.
"A-Aah.. F-Fil"
Aakmang tatanggalin nito ang maong sout ko ng bigla may kumatok sa kinasasandalan kong pintuan.
"Sheraal?"
Nagkatinginan kami ni Fil. Boses ni Nanay Lucinda 'yun!
"Sheraal?" Kumatok muli ito. Agad kong kinuha ang bra at damit ko na nasa sahig na at sinout 'yun.
Pinapanood lang ako ni Fil. Ang mga mata nito ay hindi ko maipaliwanag. Naghalo halo ang emosyon nito.
"N-Nagpapahinga si Sheraal. Nanay." Sagot ni Fil.
"Ha? Ganun ba. Pero bakit nakasarado ito?"
Napapikit ako at daling humiga at nagtalukbong. Bago ako makapikit ay tumungo sa akin si Fil at hinalikan muli ako sa labi.
Mas lalo naghurumentado ang puso ko. Namumula na ang mga pisnge kong pumikit at umaktong natulog patalikod sakanila. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko!
Hindi ako makapaniwala na nagawa namin 'yun!
"Bakit nakasarado 'to?" Rinig kong pumasok si Nanay Lucinda.
"Hindi ko rin namalayan Nay, Nakatulog rin ako sa kakabantay kay Sheraal eh. Siguro sa malakas na hangin."
Wow! He's so expert at lying huh? Saan niya kaya 'yun nakuha?
"Aah ganun ba? Oh sya! Bantayan mo maigi, Baka pagalitan tayo ng mommy niya."
Napapikit ako ng mariin. How many times did she mentioned my mom? Ganun na ba sila katakot kay Mommy?
Nakarinig na ako saradong pinto. Guminhawa ako at aakmang babangon ng may pumulupot sa bewang ko.
Lumingon ako at nakayakap na sa akin si Fil. Nakahiga ito sa tabi ko at inaamoy nito ang leeg ko.
"A-Anong g-ginagawa mo F-Fil.." Pilit kong tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko pero sumiksik lang siya sa akin.
"Gusto ko rin matulog."
"F-Fil hindi pwede.. Baka mahuli tayo ng Nanay mo." Mahinang sabi ko. Kinakabahan kasi ako baka makita kami ni Nanay Lucinda na ganitong posisyon.
"Hmm.." Wala siyang sinabi ngunit inaamoy amoy lang nito leeg ko.
"F-Fil a-ano ba.."
Mas lalo namula ang boung mukha ko ng hinahalik halikan na niya ang balikat leeg ko.
Tinanggal ang isa nitong braso at maya maya ay may hinarap ito sa akin.
"Sino 'to?"
Nakasiksik pa rin ang mukha niya sa leeg ko. Liningon ko ang hawak niya at gulat akong nasa kamay niya phone ko.
"P-Paanong nasa sayo phone ko?" Tanong ko.
Sinilip niya mukha ko at tinignan ang nakabukas na larawan sa phone ko.
"Sino nga 'tong lalakeng to? Bakit medyo magkahawig kami?" Rinig ko na ang naaasar niyang tono.
Hawig? Tinitigan ko ng mabuti ang larawan namin ni Ked. Nakabackhug sa akin si Ked sa mga oras na 'yan. Nasa Singapore kami nyan. Mga panahong minahal ko siya ng sobra.
Pero seriously? Ang layo ng mukha ni Ked kay Fil.
"Wag mo nga siya titigan!" Naiiritang aniya at siya na 'yung tumitig sa larawan namin. Iniiswipe pa niya ito.
I forgot to delete the all trash pictures.
"B-Bakit.."
Napalingon ako. Nakita ko sa mga mukha ni Fil ang labis na pagkaselos at sakit sa mga mata nito habang kinakalikot nito phone ko.
"A-Ang dami niyong larawan.. Ang dami niyong alaala." Aniya habang ang mga mata nito ay nasa pictures.
Nasilip kong may pinindot siya na paulit ulit sa pictures. It's a red buttom means deleted. Hinayaan ko siya sa ginawa niya hanggang sa matapos siya. Ibinulsa nito ang phone ko at hinarap ako.
"Sino siya sa buhay mo? Bakit kaya ka niyang hawakan? Yakapin? Halikan? Bakit mo siya hinahayaan!" Nablanko na ang mukha nito.
"Matagal na 'yan.." Umiwas ako ng tingin.
Yeah, matagal na. Last last week lang? I mean yes. Matagal pero yung sakit na dinulot niya hindi pa rin matanggal.
"Matutulog na ako." Sabi ko sakanya at tinalikuran siya.
Naramdaman kong bumangon siya. "Ba't ayaw mo siya pag usapan natin?"
"Fil.. Mamaya nalang 'yan, Matutulog—"
"Hindi! Ayokong may iba kang lalaking iniisip Sheraal! Ayokong may nakaraan ka sa lalakeng yan! Ayokong nakikita kang masaya ka sakanya at nasasaktan dahil sakanya!"
Inis akong napabangon at hinarap siya. Ngunit ganun nalang kaba ko na makita siyang nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa akin.
"F-Fil.."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Hindi naman ako nasasaktan ngunit sapat na para makita siyang nagagalit.
"Gusto ko ako ang una sa lahat lahat mo Sheraal! Ayokong may nakikita kang ibang lalake bukod sa akin! Ngayon napagdesisyunan ko na dito ka lang! Hinding hindi ka aalis sa tabi ko!" Isiniil niya ako ng mahabang halik bago ito bumitaw at naglakad palabas.
Nakatulala lang akong naiwan dito habang hindi maproseso sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Fil kanina.
Mayamaya napangiti nalang akong naiiling. He's so cute.
_____
Updated.