#TGP 14

1689 Words
#TGP ____ Naiwan akong nakatigalgal sa sinabi ng matanda. Hindi ko napansin ay kanina pang nawala sa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kilabot kahit alam kong napakaimposible ng pinagsasabi ng matandang 'yon. "Sheraal? Sino kausap mo d'yan?" Napapikit akong nagulat kay Fil nang hawakan nito balikat ko. "A-Ah wala, Nagpapahangin lang ako" Kumunot noo ito. "Nagpapahangin ka ng ganitong oras? Gabing gabi na ha? Bakit andito ka sa labas?" Salubong na ang mga kilay niya habang tinatanong ako. Bigla naman ako nainis. "Eh ano ngayon kung ganitong oras ako nagpapahangin?" "Pano kung mapahamak ka?" Sinalubongan ko siya ng tingin. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw. "Wala naman nangyareng masama sa akin kaya wag kang OA" Sabi ko at nilampasan siya. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga ngunit hindi ko nalang siya pinansin at bumalik sa bahay. Kinabukasan ay nagising ako sa tilaok ng manok. Doon ko napagtantong nasa Probinsya pala ako. Tumayo ako at lumabas. Nagpapasalamat ako dahil hindi na muling bumalik ang sakit ng ulo ko. Siguro dahil sa pagod ko kaya't sumakit nalang bigla ulo ko kagabi. "Oh Sheraal, Mag agahan ka muna bago ka maligo. Pinagiigib ka pa ni Felipe." Napakamot nalang ako at tumango. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa palayaw ni Fil. Sinamahan ko nalang si Nanay Lucinda kumain. "Alam mo ba Hija simula ng umalis ka dito, Labis ang pagluluksa ng anak ko sayo" Panimula niya dahilan para mapatigil ako sa iniinom kong kape. "Ho?" Naguguluhan kong tanong. "Oo Hija, Ilang buwan lang kayo hindi nagkita at nalaman ko nalang na pinagbabawal ka ng Mommy mo makipagkita sa anak ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A-Anong pinagbabawal? Matagal na patay mga magulang ko! "N-Nanay Lucinda h-hindi ko po kayo maintindihan.." Naguguluhang sabi ko sakanya. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at bumuntong hininga. "Okay lang 'yan Hija.. Naiintindihan ka namin. Alam kong ginagawa mo ito para sa kaligtasan namin." Malungkot na aniya at niyakap ako. Naguguluhan ko siyang niyakap pabalik. Wala akong masabi ngunit ang dami kong tanong. "Oh sya! Maligo ka na, Ilang araw ka nga dito Sheraal?" Bumitaw ito at niligpit ang mga pinagkainan namin. "Tatlong araw po.." Mahinang usal ko. Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang mga sinabi ni Nanay Lucinda. "Ay oo nga pala, Ipinunta mo pala rito ang Hacienda niyo." Nahihimig ko ang kalungkutan sa boses niya. Hindi ko nalang pinansin at nagpaalam na maliligo na ako. Tumango lang ito sa akin at ngumiti. "Pakisabi nalang kay Felipe na ipag igib niya rin ako." "Opo.." Lumabas ako na malalim ang iniisip. Hindi ko talaga maintindihan ang lahat ng sinabi ni Nanay Lucinda ngayon. Papaanong pagbabawalan ako ni mommy eh matagal nang wala na sila at hello? 7 years na ata ang huli kong pagbisita dito sa Zambales kaya napakaimposible ng sinasabi nila at ano daw? Ilang buwan daw akong nawala dito? Napapailing ako, Siguro dala na ata sa katandaan ni Nanay Lucinda kaya madali na itong makalimot. Oo nga pala, Speaking of matanda naalala ko nanaman ang sinabi sa akin ng matandang 'yun kagabi. Hindi ako pinatulog dahil sa sinabi niya bwesit. Sa dami ba namang sasabihin iyon pa ang piniling sabihin. Anong akala niya sa akin? Naniniwala agad? Kalokohan talaga! Sa panahon ngayon may pumapalibot ng maraming patay sa isang tao? I know its possible but knowing like these days? Imposible, Kung totoo man sinasabi ng matandang 'yun sana noon pa sinaktan na nila ako. Psh. Nawala ako sa pag iisip ng makuha ang atensyon ko sa isang katawan papalapit sa akin. Napatulala akong napatitig sa matipunong katawan ni Fil habang pawisan ito. Bitbit nito ang dalawang balde at tila nadistract ako ng patungo siya sa direksyon ko. His sweating face leaks on his muscular body. Napalunok ako. "Ah Sheraal padaan ako." "Ha?" Tumawa ito at nanunuyang tinitigan ako. "Mamaya mo na titigan katawan ko. Padaanin mo muna ako." Aniya na natatawa. Umawang ang labi ko. "Wow ang kapal mo ha! Hindi ko tinitigan ang katawan mo!" Deny ko. Nakaramdam ako ng pang iinit sa magkabilang pisnge ko. Get a grip on yourself She! "Oo na, Padaanin mo na ako." Pigil ngising aniya. Mas lalo ako nainis sa sarili ko. Damn! Nadidistract talaga ako. Sabayan mo pa ang mukha niya habang magulo ang kanyang buhok at nakatopless pa ito. "Pwede ka naman dumaan sa gilid ko ha! Bakit sa harapan ko talaga?!" Inis kong bulyaw sa kanya. Ibinaba nito ang kanyang bitbit at inistretch ang braso nito sa harapan ko. He got my attention to those hard bare biceps flexing as he stretch his shoulder and his dripping wetness down to his forming abs that it's totally made me caught and surprised. Tila parang nahuli niya ang mga tingin ko sa katawan niya. Lumapit ito sa akin para mapaantras naman ako. "Padaanin mo lang ako at mamaya, sayong sayo na 'to." Abot tenga ang ngiti niya dahilan para mas lalo ako mamula. "Hindi ko nga tinitigan yan! Kapal mo eh flat surface ka nga lang eh." Pilit kong hindi magkasalubongan ang tingin namin. Nabigla ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at tila parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko at iginilid ako sa dadaanan niya. "Ayan! Ikaw talaga ang dami mo pang sinasabi, Ibibigay ko naman 'to sayo." Ngumiti ito sa akin at muling binitbit ang mga pinag igiban nito at iniwan ako. Umiwas ako ng tingin sa kanyang likod at umalis sa pwesto ko. Ginulo ko ang buhok ko at napapadyak. Ugh! Kailan ka pa naatract sa lalake She?! Naiinis ako sa sarili ko para akong napahiya sa harap ni Fil pero sino ba naman ang hindi maakit sa kanya? Bukod sa malagwapo ang mukha niya ay may ipagyayabang pa ito sa katawan niya. Dammit. He's freaking hot! Napasapo nalang ako sa mukha ko at napailing iling. Oo na! Hot na kung hot siya! Pero my gosh what happened to you Sheraal? Hindi ka naman ganito noon kay Ked ha? "Okay na pwede ka na maligo." Bigla kumabog ang puso ko at patakbong pumasok sa bahay na hindi siya nililingon. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko. Ilang minuto muna ako nagstay sa kwarto ko upang pakalmahin sarili ko bago ako lumabas. Sinilip ko muna kung nariyan pa siya at nang makita siya na wala siya ay lumabas na ako at aakmang tutungo sa likod ng bahay nang makasalubongan ko siya. Nakatopless pa rin siya ugh! "Inayos ko lang kurtina baka masilipan ka." Aniya. Tumango lang ako at nilampasan siya pero bigla nalang tumigil ang paa ko at nilingon siya. "Naligo ka na?" Napatigil ito sa paglalakad at lumingon sa akin. Nakapaskil na sa mukha nito ang malaking ngisi. "Bakit isasabay mo ako?" Agad na nagsitaasan ang dugo ko sa mukha ko at malakas siyang hinampas ng twalya ko, "Bastos!" Agad akong nagmadaling umalis at narinig ko ang malakas niyang tawa. Bwesit siya! ___ Nang matapos kong maligo. Nadatnan kong nagbabantay sa labas si Fil. Nagtama ang tingin namin pero inirapan ko lang siya at nagmamadaling pumasok sa bahay. Dahil sa ipinunta ko rito ang Plantation namin ay sinamahan naman ako ni Nanay Lucinda sa kabilang Baryo. Hiwa-hiwalay kasi yung mga bahay dito kaya kakailanganin talaga dito ang kabayo o sasakyan. Hindi nakasama si Fil dahil naliligo pa daw ito. Tch. Akalain mo 'yun naliligo pala siya. Nang makarating kami sa distinasyon ay bumungad sa akin ang napakalawak na Green Tea Plantation sa aking paningin. Tanaw na tanaw ko na mula rito ang mga farmers na naghaharavest sa Plantation namin. Naningkit ang mata ko ng makita ko ang isa sakanila na tinuro ako at nagsilingon ang lahat sa akin at kumuway kaway. "Halos mahigit benteng magsasakang nagtatrabaho kada umaga gayundin sa hapon. Iyon kasi ang sinabi ng Mommy mo. Hindi rin namin siya masisisi dahil napakalawak nga naman ng Plantation niyo atsaka mas nakakabuti rin sa ibang magsasaka upang makapagpahinga din sila." Panimula ni Nanay Lucinda. Tumango tango ako habang kinakawayan ang mga farmers namin. Kailangan ko ' to pangalagaan. "Hindi ba sila nagrereklamo sa pasahod na ibinibigay ko?" Tanong ko. Oh well, That's my main concern to my beloved workers here, Ayokong napapagod sila na hindi naman sapat ang ibinibigay para sakanila. One of my reason why I am here. I want them to ask me what they want to tell about their works. Kung may violence reactions ba sila. "Sheraal? Hindi ba't magulang mo nagpapasweldo sakanila? Ang baba pa nga ibinibigay niya eh." Napapikit nalang ako. There she goes again. "Okay since andito na ako, Ako na magdedesisyon kung ilan ang ipapasweldo ko sakanila." Nanlaki ang matang tumingin sa akin si Nanay Lucinda. "S-Sigurado ka S-Sheraal? Baka magalit si Mommy mo Sheraal! Iba magalit ang mga magulang mo Hija." Alam ko. Pagkakaalam ko nga kaya nila ako pagbuhatan ng kamay noon bata pa ako. "Gagawin kong sampu ang magsasaka kada umaga at hapon. Sa kabila no'n ay ang kalahating magsasaka sa atin ay sakabilang Plantation ko ilalagay." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nanay Lucinda sa halip ay sinabi ko ang plano ko para sa mga magsasaka. Tahimik lang nakikinig si Nanay Lucinda. Siya kasi ang bumabantay rito bukod kay Tito. Oo nga pala, Bakit hindi man lang sa akin sinabi ni Tito ang kalagayan ng Hacienda namin? "Ma'am Sheraal!" Ngumiti lang ako sakanila habang pababa kami. "Ma'am suotin niyo po ito. Matirik po ang araw ngayon." Kinuha ko ang inilahad niyang conical hat at sinout 'yon. "Salamat." "Naragsak nga Isasanbay!" Ngumiti ako sakanila at itinuon ko ang atensyon ko sa ginagawa nila. "Kamusta naman po trabaho niyo----" Nagulantang ako ng may yumakap sa likod ko. "Waaah Sheraal! Namiss kita!" Agad ako lumingon at nagugulahan na napatingin sa babae. Hala sino to? "Hoy wag mo ako matignan ng ganyan!" Sabay hampas nito sa akin. Nagtawanan naman ang mga magsasaka. "Halika nga!" Hinila niya ako at bumaling kay Nanay Lucinda. "Hiramin ko po muna Nanay Lucinda si Sheraal" Ngumiti lang si Nanay Lucinda at hinila na ako ng babaeng 'to. "Hoy Sheraal! Hindi mo ako matandaan?! Ilang buwan lang tayo hindi nagkita, Kinalimutan mo na ako!" Ilang Buwan nanaman. "Sino ka ba?" Kunot noong tanong ko sakanya. Napanga nga ito at nangilid ang mga luha niya. "Ako 'to! Si Maria!" Sabi niya. Naiilang naman akong ngumiti sakanya. "Pasensya ka na wala akong kilalang Maria eh." Tinalikuran ko siya pagkatapos kong sabihin 'yon. Totoo naman sinasabi ko. Wala akong kilalang Maria. Napapailing akong bumalik sa plantation namin at natanaw ko na roon si Fil habang may kausap itong magsasaka. Tumingin ito sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin. ___ Some places are just author's imagination. ___ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD