#TGP 17

1687 Words
#TGP *** Pinatigil ni Sheraal ang kanyang kabayong sinasakyan sa harap ng isang bahay. Nakita niya ang kabayong ginamit ni Felipe kaya't tumungo siya parito. Kagagaling niya lang kasi sa Plantation nila. Bumaba siya at nagpagpag sa sarili. Umikot ang paningin niya sa kapaligiran. Ngayon lang niya napagtantong may isang mumunting bahay kaharap ang isang magandang tanawin ng Mt. Pinatubo. "Dyos ko! Andito ang anak ni Ma'am Karen!" Tumingin siya sa isang babaeng aleng tumungo sa kanya. Nagmamadaling tumungo sa kanya. "B-Bakit andito ka Hija?!" Kumunot noo si Sheraal. Bakit bawal ba siya dito? "Who are you?" Tanging 'yun nalang naisagot ng dalaga. Naiinis na siya sa mga taong tinatrato siya na tilang may sakit siya at dapat iwasan. Napapailing ang ale at hinila siya. "Pasensya ka na Ma'am Sheraal. Ngayon ko lang kasi kita nakita sa personal." Aniya habang napapakamot. "What do you mean?" Napangiwi ang ale. "Si Ma'am Karen po kasi, Hindi ka pa napapakilala sa amin. Isang malaking litrato lang na nakasabit sa opisina nito sa Plantation ang mukha mo nandon. Doon lang namin madalas makita ang litrato niyo Ma'am lalo kapag may pagpupulong." "Ah ganun ba?" Malamig na tanong ni Sheraal. "Opo Ma'am." Aakmang aalis ang dalaga ng humarang siya. "A-Ah Ma'am.. Ako nga po pala si Lucinda. Pangalawang tagabantay sa hacienda niyo. M-May handaan kami ngayon baka hindi pa kayo nakakain?" Tanong nito. Umiling lang ang dalaga. "No. Thanks." Aakmang lalampasan niya ang matanda ng may isang pamilyar na tinig ang tumawag sa matanda. "Nanay! Bakit andyan pa kayo? Kayo nalang po hinihintay nila Mang Fred!" Tila parang nanlaki ang mata ng dalaga ng mapalingon sa pinanggalingan na boses at tila rin pareho silang reaksyon ng binata na magtama ang kanilang mga mata. "M-Ma'am Sheraal?" "A-Ah ma'am, Si Felipe ang pangalawang anak ko." Napakurap ang dalaga at napatingin sa mag ina. "A-Ah ganun po ba?" Tumango ang ale. "Aalis ka na talaga ma'am? Hindi ka ba muna magtatanghalian dito?" Napatingin si Sheraal sa lalakeng nakatitig sakanya. Bigla siya napanguso habang naririnig nito ang t***k ng puso niya. "Kakain po! Masyado po akong napagod sa biyahe eh." Palusot nito habang patungo siya sa mag ina. Napapalakpak sa tuwa ang ale at ginabayan ang dalaga. "Oh halika na ma'am! Madami akong pinagluto!" Ngumiti lang siya at pasimple siyang tumingin sa likod na makitang nagpahuli sa paglalakad si Felipe at nakatitig lamang sakanya. -- "Wow! Ang sarap nito!" Bulalas agad ng dalaga ng matikman nito ang handaan ni Aling Lucinda. "Espesyal dito 'yan ma'am!" Pagmamalaki ni Manong Ruger. "Lalo na ito oh! Itong mukhang sesame seeds! Sobrang sarap." Namamanghang itinaas pa ni Sheraal ang hawak nitong pagkain at kinain 'yun sa harapan ng mga magsasaka. Nagtawanan ito. "Ito ma'am! Try niyo po itong espesyal bibingka ng Ilocano!" Agad naman kinuha ng dalaga at itinikim iyon. Nanlaki ang mata niya sa sobrang sarap na nalasahan niya. "Wow! Ang sarap! First time ko po 'to matikman!" Natuwa ang mga kasamahan nito at pinatikim din siya ng mga iba't ibang pagkain. Karamihan ay desserts. "Ma'am mukhang gustong gusto niyo po 'yang buchi ha? Halos ubusin niyo na ang isang basket hahaha." Nagtawanan ang mga kasama nito. Napatingin siya kay Felipe. Tahimik at seryoso itong kumakain. Nahiya siya sarili nito na makitang nagkakamay itong kumakain samantala siya ay nakakutsara't tinidor. Ang malala pa ay ang lakas niyang kumain sa harapan nito. "Oo nga eh. Paborito mo ba 'yan Ma'am?" Nabaling ang atensyon niya kay Aling Lucinda. "Opo! Ang sarap po kase eh. May chocolate syrup pa sa loob." Muli ulit siya kumuha ng isa at kinain. "Aba! Pareho pala kayo ng anak kong si Felipe ma'am! Paborito niya din ang butsi!" Agad na napatingin ang dalaga sa binata. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit nakadama siya ng sobrang saya. Kahit mababaw man 'yun alam niya kung ano paborito ng lalakeng hmm... Napailing siya. Hindi pwedeng humanga siya sa isang magsasaka lamang. Pero... Wala naman masama humanga lang diba? Hanggang hanga lang and she know her limitation. If she cross the line she would probably caught and get punish by her so called mother. "Wag niyo nalang po akong tawaging ma'am. Sheraal lang po." Magalang na suggestion ng dalaga. Mas natuwa sakanya ang mga tauhan ng nanay niya at tumingin siya sa direksyon ni Felipe. Agad ito tumayo at nagwalk out. Napansin din ng mga trabahador sa ginawan ng binata. Bigla siya kinabahan at nagtaka. Gusto niyang sundan ang binatilyo pero pinigilan niya ang sarili niya. The hell Sheraal? Are you going to follow that guy who doesn't cares for you that you're here? Napailing siya at tinuon ang atensyon sa pagkain. Bakit ba siya nandito? Iyon ata ang pinagtataka niya sa sarili niya. Ang alam niya gusto lang niya makita si Felipe. And that is so extremely amusing. For her, It's not a big deal. ______ Nagising ako habang sapo sapo ko ang ulo ko. Hinanap ko ang cellphone ko ngunit wala akong makapa. Oo nga pala! Na kay Fil pala. Tumayo ako at lumabas. Nakita ko si Nanay Lucinda na humahalo ng kape sa hawak nitong baso. Mukhang naghahanda ng almusal. "Oh Sheraal! Ang aga mo ata magising." "Good morning po." Itinabi nito sa lapag ang hawak nitong kape at bumalik sa maliit nilang kusina. Bumalik siya na may bitbit na may mga tinapay at nilapag rin sa harapan ko. "Nasaan po si Fil?" Napansin ko kasi wala si Fil eh. Simulang magwala ito sa harapan ko kahapon hindi na ito lumalapit sa akin. Naiinis tuloy ako. Pagkatapos niya sabihin ang mga iyon iiwasan niya ako. Aba ang lakas ng loob niya ha! "Ayun nag iigib." Parang bigla nalang naglaho ang inis na nararamdaman ko kanina. "N-Nanay Lucinda, Parati ba siya nag iigib tuwing umaga?" Nagtatakang tanong ko. Umupo siya sa harap ko at kinuha ang kape niya. "Matagal mo na 'yang alam Hija. Bakit kinalimutan mo na lahat lahat dito?" Nagtataka na ang mga mata nito. "Wala po akong matandaan Nay Lucinda." Amin ko. Napailing ang matanda. "Ilang buwan ka lang nawala dito Sheraal. Bakit tila halos lahat na pinagsamahan niyo ni Felipe at kami nakalimutan mo?" "Nay Lucinda. Wala po akong matandaan na nakarating ako dito sa mga nakaraang buwan lang maliban sa halos pitong taon ang nakalipas huli kong pagpunta dito." "Hindi kita maintindihan Hija." Napapailing muling sabi niya. Kalma lang ito umiinom ng kape niya. "Naaksidente ka ba at nakalimutan mo ang lahat ng pinagdaanan niyo ni Felipe?" Napatango ako dahilan para magulat siya. "B-Bat hindi namin alam? Ano ba nangyare sayo Hija na hindi pa namin alam?" Puno na ng pag aalala na ang mga mata nito. "H-Hindi ko po alam Nanay.. Basta nagising nalang po ako sa hospital." Iyon lang ata kaya kong maibigay sa nangyare noon sa akin. Tanging pangalan ko, Pamilya ko at kaalaman ko ang aking naalala noon. The rest memories are all gone. All my childhood memories, Teenage life, My friends or ex boyfriend kung meron man. Wala na akong maalala. At tanging alam ko lang sa mga oras na 'yun ay wala akong alam na may malalang amnesia na pala ako at nag aagaw buhay ang mga magulang ko. I guees we had accident. I tried to seek my memories to comeback. I tried to attempt to find what kind my life back then. Ngunit napagod rin ako. Masyado ako naabala sa mga magulang kong 50-50 na ang buhay sa hospital. Sarili ko nga di ko maalagaan noon. Hanapin pa kaya ang kung ano man meroon sa memorya ko? If maybe without my lil bro. Siguro wala na ata mag aalaga sa akin. Wala na ata mag papaalala sa akin na mahal ako. But maybe this is my fate. Hintayin ko nalang na bumalik ang alaala ko kung ano man 'yun. "Ito uminom ka Sheraal. Pasensya ka na kung nabubulgar ko na ang mga personal mo." Aniya habang inabot niya sa akin ang kapeng ginawa niya para sa akin. Nagtaka ako. Wala na ba siyang itatanong sa akin? Kasi ako madami pero nawala ang pag iisip ko ng may pumasok sa loob. "Oh Felipe? Napuno mo na ang isang drum?" Hindi na ako lumingon. Naramdaman kong tumabi na siya sa tabi ko. "Opo Nay." Wow! Nakaya niya punuin 'yung isang gallon drum? "Oh sige. Mauna na ako maligo. Sabayan mo si Sheraal mag almusal." Umalis na sa harap namin si Nanay Lucinda. Natira kaming dalawa hindi nagkikibuan. Hindi siya gumagalaw samantala ako sumisimsim sa kapeng itinimpla ni nanay Lucinda. "Kainin mo 'to paborito mo 'to diba?" Nagulat ako na itapat niya sa akin ang mga tinapay na puno ng sesame seeds. Umiling ako. "Hindi ko 'yan paborito. Ni hindi ko pa nga 'yan nalasahan." Giit ko. Narinig ko ang buntong hininga niya at siya nalang kumuha. Nanatili lang kami tahimik ngunit hindi ko na matiis. "Akin na nga 'yan." Agad ko inagaw ang kinagatan niya na sesame seeds na tinapay. May chocolate syrup ito sa loob. Kinain ko 'yun at namilog ang mata ko sa sarap. "A-Anong pangalan nito?" Tanong ko sakanya. Ngumuso siya. "Buchi." Kumuha siya ng isa at kumagat. "Masarap?" Tanong niya. Tumango ako. "Paborito mo 'yan..." Mahinang usal niya habang kumakain. Hindi na ako umimik at sumabay sa kanya. Ngayon lang ako nakalasa nitong ganitong klaseng tinapay. Puro lang kasi ako slice bread lalo na sa ibang bansa. "Anong oras ka nagising?" Tanong ko. "Alas tres ng umaga." "Alas tres ka rin umigib?" Tumango siya. "Araw araw ka bang umiigib Fil?" Nag aalala ko ng tanong. Tumango muli siya. Napakunot noo ako at tumingin sa mga braso niya. Oo malalaki ang muscle nito pero hindi ibig sabihin kailangan araw araw talaga umiigib. Mas napakaimportante pa rin ang kalusugan atsaka hindi ba sila nagpapakabit ng tubig? "Bakit kailangan mo umigib? Wala na bang ibang lalake dito? Hindi pwedeng palagi nalang ikaw." Humina ang boses ko sa huli. Uminom ito at tumingin sa akin. Magulo na ang buhok nito. Mapuputla ngunit mapupula ang mga labi nito. Gumuhit ang isang nagpipigil ngiti niya sa kanyang mga labi. Nagtama mga mata namin habang mas lalo siyang humarap sa akin. "Nag aalala ka?" Nakanguso ang mga labi nito habang pinipigilan nito ngumiti. Umiwas ako ng tingin. Napakagat ako sa sariling labi. Masama ba mag alala? Aakmang yayakapin niya ako ng pinigilan ko siya. "H-Hindi pa ako naliligo.." Hindi niya pinansin sinabi ko at hinila papalapit sa kanya at niyakap ako mahigpit. "Hmm.. wala naman magbabago sa amoy mo Sheraal. Mabango pa rin." Aniya habang inaamoy niya leeg ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanghihina nanaman ako. "Tila para akong nabigyan muli ng lakas na mayakap kita." Ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko. Napapikit ako. Ganito ba talaga siya kaclingy? Ang aga aga. Gosh. I feel weak. ______ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD