#TGP 18

1815 Words
#TGP *** As usual, Pagkatapos ako landiin ni Fil ay naligo na agad ako. Nag ayos ako dahil pupuntahan ko muli ang hacienda namin. Pangalawang araw ko na sa Botolan bago ako umuwi. Balak ko na rin kasi umuwi sa manila. Ayos na sa akin ang ilang linggong namalagi rito. Kinausap ko ang mga trabahador sa hacienda namin. Wala naman naging problema. Naging abala lang ako sa pakikipag usap sa mga tauhan ng hacienda namin. Pagkatapos ko sila makausap ay tumungo ako sa opisina ng Plantation namin. Nakabukas lang ito at pinasok ko ito. Napamaang ang bibig ko na bumungad sa akin ang malaking litrato ni Mommy at sarili ko. Kung iisipin mga bata pa ako nito. Mga 17 palang. Umupo ako sa swivel chair. Marangya at maluwag ang opisina ni Mommy. May sariling mini library ito sa kanan ko habang ang lamesa ay nakaharap sa pintuan. Wala ring bahid na ano man alikabok. Wala rin ako nakikitang dumi. Siguro araw araw nila nililinisan ito. Inikot ko ang kinauupuan ko at medyo kinikilabutan ako sa mukha ni Mommy at sarili ko. Masyadong sopistikada ang mukha namin dalawa. Fierce kumbaga. Binuksan ko ang nasa ilalim ng lamesa at may makakapal na papeles bumulagta sa akin.. Inilapag ko ang mga papel na ito at inisa isa ko ito chineck. Binasa ko ito at napakunot noo ako na makitang ang petsa. 2011 Binasa ko ang nakasulat sa mga documents habang salubong ang mga kilay ko. Patungkol ito sa investor na gusto makipagbusiness partner na rin sa kompanya namin. Umawang ang bibig ko na bumaba ang tingin ko sa papel. Wala pang perma. Napatingin ako sa kawalan habang napaisip. Kompanya? Bakit hindi ko to alam na may makikipagsusyo sa kompanya namin? Kumabog ang puso ko habang paunti unting natatarantang kinalkal ang mga papeles. Ikinalat ko 'yun sa lamesa at nagulat ako na makitang patungkol sa Plantation namin lalo na sa kompanya namin. Ang mas ikinagulat ko ay ang petsa at wala pang perma. Napaupo ako habang malalim ang iniisip. Hindi pwedeng walang perma ito. Hindi rin pwede na permahan ko 'to ngayon dahil nakasaad rito na mga panahong 2011 pa ito. Atsaka bakit pa nakastock ito dito? Mas lalong hindi pwedeng nakatago ito dahil unang una. Kung hindi ito tinanggap ni Mommy maaari niyang ibalik ang mga documentadong ito. Atsaka hindi niya ito matatanggap kung hindi siya nakipagmeeting. Atsaka 2011? Buhay pa nun si Mommy! Bakit? Teka bakit andito ito? s**t naguguluhan ako! Agad na naglaho ang mga iniisip ko ng bigla bumukas ang pintuan at bumulagta sa akin ang hinihingal na tauhan namin sa Hacienda. "M-Ma'am! Nahuli po namin ang salarin!" Mas lalong sumalubong ang kilay ko at napatayo. "Anong ibig mong sabihin?" Pinagpawisan ng husto si Mang Bernard. Makukulit ang mga mata nito at tila nanginginig. "M-Ma'am si Arthur ang salarin sa pagpapakawala ng mga hayop." Nang marinig ko 'yun ay nagmamadali akong lumabas. Sumunod sa likod ko si Mang Bernard. Mabibigat ang hakbang ko patungong palabas. "M-Ma'am wag po kayo m-magalit kay A-Arthur m-ma'am. A-Alam kong h-hindi niya po 'yun m-magagawa." Tila nagmamakaawa na saad ni Mang Bernard. Hindi lang ako kumibo hanggang sa tinamaan ako ng kasikatan ng araw. Tanaw ko agad ang mga tauhan dito sa Hacienda habang may hila hila silang nilalang na matanda. Naramdaman kong pinayungan ako na hindi ko kilalang ale. Wala na akong pakealam. Basta natoun ang atensyon ko sa lalakeng nakabulagta sa sahig. "M-Ma'am p-patawarin n-niyo po a-ako." Ito agad ang sumalubong sa aking tenga. Bakas sa mukha nito ang paghihirap dahil sa dinanas nito sa pambubugbog. Hindi ko alam kung sino nag utos na ipabugbog si Mang Arthur. "B-Bakit niyo po 'yun ginawa?" Iyon nalang ata lumabas sa bibig ko. Ang dami kong gusto lumubas sa bibig ko ngunit alam kong walang maidudulot ang galit sa isip ko. "M-Ma'am! Hindi p-po ako nagpakawala sa m-mga h-hayop m-ma'am! Wala po akong kasalanan!" Umiling iling ito at lumuhod sa harap ko habang nakataas ang mga kamay nito. "Wag ka magpainosenteng hayop ka! Huli ka na sa akto kagabi!" Nagulat ako napatingin sa lalakeng malalaki ang braso at malakas na sinapak si Mang Arthur. Sino 'to? Naagaw ang atensyon ko kay Mang Arthur na umuubo na ng dugo. Umiiyak na ito habang ang mukha nito ay bugbog sarado. "W-Wag niyo p-po ako patayin..." Nagtama ang mata namin ni Mang Arthur. Kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Bakit sa akin niya 'yun sinasabi? Mamatay tao ba ako?! "H-Hindi.." Napatingin ako doon sa lalakeng may edad na ngunit malalaki ang katawan. "Ihatid niyo siya sa kanilang tirahan." Utos ko. Tila para silang nanigas na napapatingin sa akin. Bakas sa mga tauhan namin na gulat at pagtataka. "Ano?! Ano inaasahan niyo?! Ipabugbog ito?!" Hindi ko napigilan ay sinigawan ko sila. Humakbang ako palapit sa kanila. Nanlilisik ang mata kong tinitigan sila isa isa. "Sino ba may sabing bugbogin si Mang Arthur?! Sino?!" Tinuro ko sila habang nangigigil ako. "Kayo. Wala kayong karapatan saktan ang mga trabahador dito! Sa katunayan nga mas malaki ang naitutulong nila sa Hacienda habang kayo bumabantay lang!" Napatahimik sila. Napayuko sila ngunit hindi mawala sa mukha nila ang pagtataka. Nanatili lang silang nakatayo sa harapan ko habang babad sila sa init ng araw. "Ano?! Ano pa hinihintay niyo?!" Sigaw ko muli sakanila. Agad sila tumango at inakbayan si Mang Arthur paalis sa harap ko. Naramdaman kong pinapaypayan na ako ng isang babae. Hindi ko rin napansin na tagaktak ang pawis ko kahit hindi naman ako nasisilayan ng araw. Aakma babalik ako sa opisina ko nang may isang lalakeng nakatayo sa di kalayuang sa bandang puno na nagmamasid sa nangyare. Gulat ako ng marealized kong si Fil 'yun. Gusto ko makita ang reaksyon niya sa nakita niya. Hindi ko maintindihan kung bakit mas lalo ako kinabahan. Walang reaksyon lang ito nakatitig sa akin ngunit tila ang dami nitong sinasabi sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Hindi ko siya pinansin at tinalikuran siya. Pabalik palang ako sa opisina ngunit tila nagbabago ang mga bagay sa harap ko. Napasandal ako sa pintuan ng opisina at nagmamadaling pumasok. Hawak hawak ko ang ulo ko habang nanggigilid na ang mga butil ng luha ko. Bumabalik nanaman ang sakit ng ulo ko. Napasandal ako sa pintuan habang lumalabo na ang paningin ko sa dalawang larawan na nakasabit sa harapan ko. Ang sakit ng ulo ko. May naririnig akong ingay. May naririnig akong nagsasalita. Ngunit tila wala naman tao sa paligid ko. Napaiyak ako ng makita ko ang sarili ko. "Alam mo ang kulit mo! Sinasabi kong wag kang lalapit sa akin! Hindi mo dapat ako kinakausap!" Naparoll eyes ako. Paulit ulit nalang 'yan ang sinasabi niya sa akin. Nakakasawa na sa tenga. "Alam mo rin? Ang kulit mo rin! Bakit ba ayaw mong maniwala may crush ako sayo?!" Prangka ko. Paulit ulit na rin ako sa pag aamin sakanya ngunit para wala siyang pakealam at hindi interesado. Nagwalk out nanaman ito. Ugh! Walk out king ba siya?! Nakakainis na siya ha! Bakit ba ayaw niya maging thankful nalang at kagaya ko ay nagkagusto sakanya?! Nakakabwesit ang ugali niya! Hindi ko tuloy masikmura ang sarili ko kung bakit ako nagkagusto sakanya! Sinundan ko siya. Palagi nalang ito ang encounter namin. Lagi niya ako iniiwasan habang ako ay hinahabol ko siya. Well I don't care. Wala rin ako magawa kesa naman nakakulong lang ako sa mansion namin. Ew ayoko makasama si Mommy. Nakakaplastik lang. Nagsimula ito magtanim si Felipe sa ibang direksyon sa hacienda namin. Nakakalungkot lang isipin dahil sa halip na mag aral nalang siya naninilbihan siya sa Hacienda namin. Gusto ko tuloy iparequest kay Mommy na ipag aral nalang siya. Oo nga nuh? Omg gusto ko siya maging kaklase! Napangisi ako. Tama. Hihingi ako favor kay mommy! Tiyak matutuwa si Aleng Lucinda! Hindi ko namalayan ay nakangiti akong pinapanood si Felipe. Naiilang ito sa akin. Hihi ang cute niya talaga. Bakit kaya wala 'tong girlfriend nuh? Nawala lang atensyon ko ng may nagsalita sa tabi ko. "Ikaw Sheraal ha! May gusto ka pala sa anak ni Nanay Lucinda!" Napatingin ako sa babaeng mahaba ang buhok at nakabestida. Morena ang kulay nito. Tumaas ang kilay ko at umiwas sakanya. Sino 'to? Feeling close lang ha. "Ang gwapo talaga ni Felipe nuh?" Tumawa ito at nagmasid rin sa lalakeng hinahangaan ko. "Lalo na ang kuya niya! Malaadonis ang katawan." Halakhak nito. "Sino ka? Bakit alam mo pangalan ko?" Mataray na tanong ko. Hindi ko pinansin ang mga nonsense niyang pinagsasabi. "Magtaka ka kung hindi ka namin kilala." Ngumiti ito at inilahad ang kamay nito. "Maria Margaret. Pinsan ni Felipe." Ngumuso ako. "Pinsan ka niya?" Tumawa muli ito. Malay mo... "Oo nga! Ayaw mo ata maniwala eh." Aniya at tinawag si Felipe. Namula naman ang pisnge ko at sinaway siya. "Oo na oo na! Naniniwala na ako." Ngumisi siya at tumabi sa akin. "So bakit ka andito? Teka gusto mo pinsan ko hindi ba? Bakit siya pa? Alam mo na mahirap lang kami at ganap na magsasaka lang sa inyo." Aniya ngunit wala naman bakas sa mukha niya ang lungkot. "Hindi ka nalulungkot na mahirap lang kayo?" Tanong ko nalang sa halip sagutin ang sinabi niya. Umiling ito. "Wala naman ako ikalulungkot na mahirap lang kami. Hindi ko naman kinakahiya na ganitong uri ang trabaho namin dahil kuntento ako na wala kaming inaapakan ng ibang tao." Tumitig ito sa akin sa huli nitong sinabi. Tumango lang ako. Nanonood lang kami kay Felipe habang abala ito sa pag aani. Gusto kong punusan ang mga pawis nito. "Ito." Nagulat ako ng kinuha ni Maria palad ko at nilagay doon ang isang panyo. "Pawis na pawis siya. Punasan mo siya." Nakangisi ito tila nabasa niya ang nasa utak ko kanina. Napangiti ako at tumango. "Okay! Thanks" Agad ako tumungo sa direksyon ni Felipe. Nagulat ito ng nasa tabi na niya ako. "Bakit ka nanaman andito?" Bungad nito sa akin. Muli ulit niya tinuon ang atensyon sa halaman. "Namiss kasi kita yiee." Sundot ko sakanya. Napailing lamang siya at seryoso ang mukha sa ginagawa niya. Tila walang epekto ang mga banat ko sakanya. "Ayaw mo ba ako nandito?" Hindi niya ako pinansin. "Gusto mo tulungan kita?" Hindi niya muli ako pinansin. Napasimangot ako at napapadyak. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin! "Mahal kita." Naiwan sa ere ang kamay nito habang tila nanigas ang katawan niya. Nanlalaki ang mata nitong napatingin sa akin. 'Yun! Nakuha ko na rin atensyon niya. Napatayo siya ng maayos at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na punasan siya sa kanyang noo at sa leeg. Mas lalo siya napatigil sa ginawa ko at nakatitig lamang siya. Ang seryoso ng mga mukha niya ngunit abala ako sa pagpupunas sa kanyang pawis. Napanguso ako. "Hindi ka dapat nagpapabilad ng araw. Masama 'yan sa kalusugan!" Mahinang sermon ko. Malalalim lang ito nakatitig sa akin. Napagitla ako ng hawakan niya kamay ko. Tila nagbigay ito ng matinding kuryente sa sistema ko. "B-Bakit mo 'to ginagawa?" Iniwas niya ang kamay ko at humakbang siya ng paantras. Parang tinamaan ng punyal ang puso ko sa ginawa niya. "Nakakainis ka. Bawal ba ako magmahal pagdating sayo?" Hindi na ako nakatiis. Napaiwas ang kanyang malalalim na mata at tila marami ang iniisip. "Hindi tayo bagay..." Mahinang sambit nito atsaka umalis na hindi man lang ako tinapunan ng huling tingin. _____ A/N: Idk y im so interested and lively here instead of giving a officially complete story of mod. Wae. Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD