#TGP
***
Hawak hawak ang ulo ko habang umiikot ang paningin ko. Ang mga larawan na nasa harapan ko ay tila bumabalik na sa sariling ayos.
Agad ako napatayo at nanghihinang tumungo sa lamesa. Nagmamadali ko inayos ang mga papel at ibinalik sa drawer.
I remember something.
Hindi ako nagkakamaling ako 'yun! Sarili ko ang nakikita ko dun! Napapailing ako habang hawak ko ang ulo ko na lumalabas sa opisina ng Mommy ko.
Sumalubong sa akin ang ale at puno ng pag aalala ang mukha nito.
"M-Ma'am Sheraal! Okay lang po ba kayo?"
Umiling lang ako habang papalabas. Agad niya ako pinayungan ngunit pinigilan ko siya.
"O-Okay lang ako." Pigil ko sa ale. Nagdadalawang isip pa ito bago tumango.
Bumalik agad ako sa bahay nila Nanay Lucinda at naabutan ko si Fil na may pinapakain sa mga manok sa labas ng bahay nila.
Agad ako lumapit sa kanya. Hindi inaalintana ang init ng araw na tumatama sa aking balat. Parang alam na niya na pupunta ako sa kanya.
"Galit ka ba sa akin?"
Tila napatigil ito sa kanyang ginagawa. Napaiwas ako ng tingin. Ano ba kasi ginagawa niya kanina sa kabilang Hacienda?
"Kung galit ka sabihin mo--"
"Hindi ako galit."
Napabuga ako ng hangin at napatitig sa kanya.
"Parang galit ka kanina eh! Ang mga tingin mo sa akin kakaiba habang may pinagsasabi ako sa mga tauhan ko!" Inis na pahayag ko.
Tumayo ito at humakbang ng papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko at tila napaantras agad.
"Eh ano sayo kung galit ako sa'yo?" Aniya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Baka sabihin mo na masama akong tao! Na kesyo mayaman ako parang tinapaktapakan ko lang sila! Baka ganito ako! Ganyan!" Hindi ko mapigilan mapaluha sa sobrang inis.
Hindi ko alam kung bakit parang ang babaw ng luha ko ngayon. Basta naiinis ako ngayon! Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit parang gusto ko umiyak kasi parang nasasaktan ako.
Umawang ang labi niya tila hindi niya inaasahan ang mga pinagsasabi ko ngayon. Ekspresyon niya tila hindi ko mabasa.
"Edi matitiis mo ako na galit ako sa'yo?"
"Hindi!"
Nagulat nalang ako ng hinila niya ako payakap sa kanya. Napalunok ako habang sobrang higpit nito ang pagkakayakap niya sa akin.
"Kasi ako hindi ko kayang tiisin na makita ka umiiyak Sheraal..." Mas lalong lumandas ang mga luha kong hindi ko alam kung bakit. Parang ang sakit sakit sa dibdib ko.
"Ayaw kong umiiyak ka.." Tahimik akong nakatingin sa kawalan habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
"H-Hindi ka na galit?"
Hinarap niya ako at pinunasan ang mga basang pisnge ko.
"Hindi ko kayang magalit sa'yo Sheraal.. Tandaan mo 'yan." Napatitig ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong pang klaseng tao na katulad niya.
Naramdaman ko nalang ang mga labi nitong dumikit sa mga labi ko. Dahan dahan niya iginalaw ito tila iniingatan ako. Bawat halik niya sa akin. Nagbabago ang senaryong nasa paligid ko. Bawat tugon ko tila ibang tao ang hinahalikan ko.
Bawat haplos niya sa mukha ko patuloy na tumutulo ang luha ko.
At iyon ang hindi ko maintindihan. Ang bigat. Sobrang bigat ng nasa dibdib ko. Tila parang may nakadagan at hindi ako makahinga. Nasasaktan ako sa hindi ko malaman ang dahilan.
"Sheraal..."
Humiwalay ito at pinagpupunasan ang mga luha ko. Nag aalala na ang boung mukha nito na nakatingin sa akin.
"B-Bakit umiiyak ka pa rin? M-May nagawa ba ako?"
Umiling lang ako at ngumiti. Nasasaktan ako na masaya. Parang nababaliw na ako na kung ano. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tila may ibang tao pumapasok sa isip ko.
"Ipagluluto nalang kita ng paborito mong pagkain, Alam kong pagod ka." Hinila niya ako papasok ng bahay.
Sumunod lang ako at malalim ang iniisip. I remember something place... and that place is here.
_________
Tumutulo ang luha ko habang masakit ang nasa dibdib ko. Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya lalo na sa sarili ko! Papaano niya nasasabing hindi kami bagay?!
Panget ba ako?! Matanda na?! 17 palang naman ako ha! At pagkakaalam ko mas matanda siya ng dalawang taon sa akin!
Mas lalo ako napaiyak habang nagtatago sa malaking puno. Katabi lang ang napakalawak na lawa. Tanaw na tanaw ko ang mt. Pinatubo. Tila saksi ito sa pagluluksa ko.
Hindi niya ako gusto at napakasakit nun. Hindi siya interesado sa akin! Wala siyang nagustuhan sa akin dahil nasabi niya 'yun!
Palagi ko naman siya binibigyan ng mga pasalubong na damit, sapatos, pagkain at kung ano ano kapag inuutusan ko ang tiyohin ko sa mansion. Pero bakit ayaw niya pa rin sa akin?!
May kulang ba sa akin? Hindi naman ako nagsawa na sabihin na gusto ko siya. Paulit ulit ko siya sinasabihan kung gaano ko siya kagusto pero.. p-pero bakit ayaw niya sa akin?
Agad ako nagpunas ng mga luha ko nang makarinig ako ng yapak ng sapatos.
"Senyorita Sheraal.. Pinapauwi na po kayo ni Madam."
Napatayo ako at hindi ko na napansin na lumulubog na ang araw. Tumango lang ako at tinalikuran na ako ng tauhan ni Mommy. Lumibot ang paningin ko sa tanawin bago ako sumunod sa lalake.
___
"You cried?"
Napainom ako sa tanong ni Daddy. Kunot noong napatingin sa akin si Mommy.
"H-Ho? Hindi po..." Yumuko ako at sumubo ng pagkain. Nanginginig ang mga daliri ko dahil baka malaman nila na umiyak talaga ako.
"Then why your eyes are red and swollen?" Mahihimig ang diin sa tono ni Daddy.
"H-Ha? Naligo po kasi ako sa dagat." Palusot ko at hindi pinahalata na nagmamadaling akong tumapos sa pagkain.
"Stop burning your skin She!" Giit ni Mommy. Tumango ako.
"Napag alaman kong nakikihalubilo ka na daw sa mga magsasaka natin Sheraal?" Disgust can be heard in my Dad's tone.
Napakurap ako at napalunok.
"K-Kinakausap l-lang po.."
"Still! You shouldn't talk to them! Magsasaka natin sila!"
Napapikit ako sa paratang ng tatay ko.
"Wala naman po masama sa ginagawa ko.." Gusto ko na maiyak.
"Naririnig mo ba sarili mo Sheraal?" Kinabahan na ako ng magsalita si Mommy.. Pagbabanta na ang mga tono nito at ibig sabihin lamang ito ay may gagawin ito ng masama na hindi ko magugustuhan.
"A-Alam ko po ginagawa ko.." Nangigilid na luha ko.
Iniisip ko si Felipe. Hindi pwedeng iiwas ako sa kanila. Oo magsasaka lamang sila pero hindi ibig sabihin hindi rin sila tao. Pantay pantay lang kami, magkaiba man kami ng estado pero mahal ko siya. At wala akong pakealam na magsasaka lamang sila.
"Binabantaan na kita Sheraal... Kapag napag alaman ko lang na malapit ka sa magsasaka natin, hinding hindi ka na makakabalik dito! Naiintindihan mo?!"
Hindi ako tumango dahilan para mapansin pa ni Mommy.
"Sheraal! Narinig mo ba sinasabi ko?!" Napilitan ako napatango ako at nagmamadaling uminom at umakyat sa kwarto.
Boung gabi ako umiyak hanggang sa makatulog ako. Hindi ko sila maintindihan kung bakit sila ganun. Wala naman ginagawa sa kanila ng masama ang mga magsasaka sa amin pero bakit pinagtatabuyan nila sila? Mababait sila ng makalipas ako ng ilang linggo dito. At hindi ako nagsisisi na nakilala ko sila Nanay Lucinda.
Kinaumagahan, hindi pa nagigising sila Mommy ay agad na ako tumungo sa Botolan. Malalaki ang ngiti ko habang sinasalubong ang mga nakangiting magsasaka sa akin.
"Hi Manong!"
"Magandang umaga po Ma'am Sheraal!"
"Sheraal nalang po!" Sigaw ko dun kay Manong. Ngumiti ito sa akin.
Excited akong pumunta sa bahay nila Felipe oh my! Ano kaya ginagawa niya?
Agad ko siya natanaw ng pababa pa lamang siya sa kanilang maliit na bahay. Agad ako nagmamadaling lumapit sa kanya at binati siya.
"Good morning Felipe!"
Gulat ito napatingin sa akin at agad na bumalik ang emotionless niyang mga mata.
"Saan ka pupunta? Magtatrabaho ka?" Malambing na tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin sa halip nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ang kasoutan niya ay pangmagsasaka at may nakasabit na twalya sa kanyang balikat at may hawak siyang hat.
Napatingin ako sa dalawang supot na hawak niya.
"Uy tulungan na kita dito." Sabi ko habang inaagaw sa kanya ang isang supot.
"Ano ba? Pwede ba umalis ka sa harapan ko?" Iniwas niya ang mga supot sa akin habang masama na ang tingin niya sa akin.
Lumungkot ang mukha ko. "P-Pero gusto---"
"Felipe!"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may isang babaeng nakabestida na tumawag sa katabi ko. Lumapit ito sa amin habang malaki ang ngiti niya na nakatitig kay Felipe.
"Magandang umaga Felipe! May dala akong bibinca para sayo!" Ani ng babaeng morena at inilahad ang hawak nitong pagkain.
Napanganga ako at agad na nagsalubong ang kilay ko.
Aakmang kukunin ni Felipe ang bibinca na 'yun ng humarang ako sa pagitan nila.
"Sino ka? Atsaka baka may gayuma 'yang dala mo." Inis na sabi ko sa babae. Siguro matagal na 'tong natunaw sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya.
"M-Ma'am S-Sheraal?"
Tumango ako at aakmang pagsasabihan siya ng tumabi sa kanya si Felipe at hinarap ako.
"Pwede ba Sheraal?! Umalis ka na! Wag mong takutin si Lara."
Napakurap ako habang parang may tumama na matalim na bagay sa puso ko. Bigla nagtipon ang mga nagpipigil na luha sa kalooban ng aking mga mata.
"W-Wala naman----"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko na magsimula sila maglakad.
"Tara na Lara.."
Tinalikuran nila ako habang hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. D-Did he just.. Chose her?
Naramdaman ko nalang na nakatayo akong luhaan at lumuluhang naiwan dito.
___
"Sheraal! Sheraal! Gumising ka!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Fil.
Agad ako sinapo ni Fil sa boung mukha ko habang sobra siya nag aalalang nakatingin sa akin.
"Ayos ka lang ba talaga Sheraal? Binabangungot ka." Aniya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"A-Ano nangyare?"
"Nahimatay ka nalang habang naghihintay ka sa pagkain na niluto ko sa'yo..."
Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko.
"M-May napanaginipan ka ba?"
Meron... pero ngayon parang hindi ko na muli matandaan. Ang natatandaan ko lang ay nakatayo ako mag isa na may kung anong pinapanood.
"N-Nawala sa isip ko.."
Humiwalay ako sa kanya. Parang may kakaibang kuryente dumadaloy sa katawan ko habang tinitigan ko siya.
Hinaplos niya buhok ko.
"Kumain ka na. Baka nasa gutom at pagod 'yan." Aniya at tumayo. Kumuha siya ng pinggan at pinagsilbihan ako.
Pinapanood ko lang siya habang parang may hinahaplos sa puso ko.
Siguro nga. Gutom at pagod lang ito dahil sa sobrang daming iniisip.
_______
Updated.