#TGP 20

1808 Words
#TGP _____ This is my last day of here in Botolan and I am ready to go home. Kailangan ko ng iinformed ang kapatid ko sa paglisan ko rito at pag uwi ko sa manila. "Anong ginagawa mo?" Muntik ko na maihampas kay Fil ang damit sa gulat na ilalagay ko sa maleta. "Ahm. Uuwi na ako. Tatlong araw lang naman ako rito." Sabi ko habang inaayos ang mga damit ko. "Hindi ka pa makakauwi." Napakunot noo ako at nilingon siya. "Huh?" Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Ang mga malalalim nitong mata ay tila iba ang sinasabi nito. Nanatiling nagkatitigan kami ng ilang minuto nang bigla pumasok si Nanay Lucinda. "Sheraal! Sheraal!" Nawala ang paningin ko kay Fil at napunta kay Nanay Lucinda ang paningin ko sa namumutla niyang mukha at panginginig sa takot. "Si Arthur!" The beat of my heart suddenly replace by the fear, alarming and horror. Nagmamadali akong lumabas sa bahay at binigyan ako ng flashlight ni Nanay Lucinda. Tumama sa aking balat ang malamig na hangin habang sumusunod kami ni Fil kay Nanay Lucinda. Naghalo halo ang palaisipan ko sa aking utak. Natanaw ko ang mga tauhan kong bigla sumabay sa aking paglalakad. Sino? Sino ang gagawa nun? Nagsisitakbuhan ang mga magsasaka namin patungo sa masukal na daan nang matanaw ko ang nagkakagulong mga tao kung saan may natagpuan silang bangkay. Naagaw ang atensyon ko kay Fil na kinuha niya ang Flashlight at binuksan. Ibinalik niya ito sa akin habang walang emosyon. Nang makarating kami roon ay agad na nagsitabihan ang mga magsasaka at tauhan ko ng makita nila kami. Dumeretso ang tingin ko sa isang nilalang na nakahandusay sa isang putikan habang dumadaosdos ang dugong nanggagaling sa kanya. Bigla ako nanghina at hindi makapaniwalang napatitig sa walang buhay na si Mang Arthur. S-Sino ang pumatay? Hindi ko namalayan ay nakalapit na ako sa bangkay. Rinig ko ang bulungan ng mga magsasaka namin ngunit nanatili ang atensyon ko kay Mang Arthur. H-Hindi.. Gusto ko tanungin ang mga tauhan ko kung may kinalaman sila ngunit naagaw ang atensyon namin sa isang babaeng nakabestida at umiiyak na napatungo sa nakahandusay na nilalang. "Tatay!!!!" Napasigaw ang babae habang yakap yakap niya si Mang Arthur. "Tatay! Gumising ka! T-Tatay!" Parang pinunit ang puso ko sa nakikita ko sa harapan ngayon. "H-Hindi! Wag mo akong iwan Tatay! I-Ikaw nalang natitira sa akin Tay! Gumising ka! Nagmamakaawa po ako.." Napahagulgol ang babae. Bigla nanggilid ang luha ko sa eksenang nangyayare sa harapan ko. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya sa mga panahong komatose ang nanay at tatay ko. Nagmamakaawang magising sila. Nagmamakaawang makasama ko muli sila kahit alam kong napakasama ng ugali nila. Ngunit nabigo ako at kami ng lalake kong kapatid ang natira. Napaiwas ako ng tingin at nagtama ang tingin namin ni Fil. He looks concern ngunit ngumiti lang ako. Ang mga mata niya ay maraming sinasabi ngunit hindi niya magawan sabihin. Nawala ang atensyon ko sa kanya ng may dumuro sa akin sa gilid ng aking mata. "Ikaw!!!" Napatingin ako sa babae at tumayo. "K-Kasalanan mo 'to! Ikaw ang pumatay sa tatay ko!" Nagulat ako sa paratang niya. Agad siya pinigilan ng isang ale. "Lara! Ano ba pinagsasabi mo?!" "S-Siya ang pumatay auntie! Siya ang pumatay sa tatay ko!" Aakmang susugurin niya ako ng pinigilan siya ng mga tauhan ko. "B-Bitawan niyo ako!!!" Napaantras ako at hindi makapaniwalang mapatitig sa babae. Bakit ako sinisisi niya? Ni hindi ko nga magawang pahirapan ang mga magsasaka ko tapos papatayin ko nalang dahil sa nagawa niyang kasalanan? Napailing ako at humakbang papalapit sa babae. "Alam mo ba pinagsasabi mo?" Mabait na tanong ko sa kanya. Ngunit napasinghap ang nasa paligid namin ng sinampal niya ako ng napakalakas dahilan para mapatabingi ang mukha ko sa kaliwa. "Lara!!" Rinig kong sigaw ni Fil. Agad ako dinuro ng babae na ngangalan na Lara. "Oo! Alam ko pinagsasabi ko Sheraal! Ikaw ang pumatay sa Tatay ko! Walang hiya ka!" Aakmang sasampalin niya ako ng pinigilan siya muli ng mga tauhan ko. Hindi ako nagpatinag sa sampal niya. Actually sanay na ako. Magulang ko nga sinasampal ako siya pa kaya? Napailing ako habang napapabuntong hininga. "Anong iniling iling mo?! S-Siguro pinatay mo ang tatay ko dahil hindi mo pa rin matanggap na kami na ni Felipe!" Doon lamang ako napatigil sa sinabi niya. Napatitig ako sa kanya na nagtataka at kunot noo. Anong pinagsasabi niya? Dinuraan niya ako at ngumisi habang tumutulo ang luha niya. "Oh ano?! Inagaw mo na nga sa akin si Felipe ngayon pinatay mo tatay ko?! Siguro nga tama ang hinala ko! Siguro ikaw rin pumatay sa tatay ni Felipe!" "Lara! Ano ba pinagsasabi mo?! Bakit may pruweba ka ba ha?!" Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ni Fil. Napatahimik ang babae at napaiyak nalang. Nanatili ang mata ko sa babae habang naghahalo halo ang emosyon, galit at pagtataka sa isipan ko. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang sinabi niyang hindi ko matanggap na naging sila ni Fil o ang pagkamatay ng tatay ni Fil? "Madam.. Ano po ang gusto niyong gawin sa babaeng 'to?" Lumingon ako at nakita ko ang isang lalakeng may mga tattoo sa malalaking braso nito. Hindi ako nagkakamali siya ang sumapak kay Mang Arthur kaninang umaga. Hindi ko siya nasagot sa halip ay napaisip habang napatitig sa bangkay ni Mang Arthur. Kanina lang nakiusap siyang hindi ko siya patayin. And that is so suspicious. "Madam?" Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng katabi ko. "Bakit? Ano ba sa tingin niyo ang gagawin niyo?" Napaiwas ang lalake at hindi na muli nagsalita. "Ilibing niyo ng maayos si Mang Arthur." Sabi ko habang hindi nakatingin sa lalakeng may tattoo na tauhan ko. "At maghahanda ako ng mga pulis kung sino ang pumatay kay Mang Arthur. Bibigyan ko siya ng hustisya." Giit ko habang seryosong nakatitig sa harapan. "M-Madam.." Hindi ko pinansin ang pagkatigil ng lalake at tinalikuran sila. Nagtama ang mata namin ni Fil. Habang naglalakad ako pabalik ay parang nagbabago ang kaayusan ng mga halaman. Tila nagliliwanag at humahangin ng malakas hanggang sa nahimatay ako. Nakarinig ako ng sigawan ngunit nawalan na ako ng wisyo at may kakaibang eksena ang dumaloy sa aking isipan. "Kanina ka pa titig na titig sa kanila ha? Kinikilatis mo pa tingin si Lara!" Nagulat ako ng bigla sumulpot si Maria sa tabi ko. Humahalakhak ito. Hindi ko siya pinansin at seryoso akong nakatitig sa dalawa. Si Felipe ay pumuputol ng sanga habang si Lara ay may hawak na basket at doon nilalagay ni Fil ang pinuputalan niyang mga dahon. "Wag kang mag aalala. Kaibigan lang ang tingin ng pinsan ko kay Lara." Nawala ang pagkakunot noo ko sa sinabi ni Maria. Tila nakuwa niya ang atensyon ko. "Talaga?" Tumango siya at hinawakan ang baba nito tila nag iisip. "Oo. Dahil kung matagal siyang gusto ni Felipe bakit hindi niya pa nililigawan diba?" Napaisip rin ako. Oo nga nuh? Bakit nga ba? "Kung iisipin mo na pinagbabawal si Lara ng kanyang mga magulang sa relasyon pwes hindi. Pabor na pabor pa kay Mang Arthur kung magkakanobyo si Lara." Napatango ako. Baka naman may gusto ng iba si Felipe? Napasimangot ako sa naisip ko. Hindi. Imposible. Siguro trabaho muna bago magkagirlfriend siya. "Lara!" Sabay kami napatingin ni Maria sa tumawag kay Lara. Natanaw ko ang isang malaking lalake na may bitbit na plastic at ibinigay kay Lara. "Iyan ang tatay niya, Si Mang Arthur. Tagabantay ng plantation niyo sa kabila." Napatango ako habang wala sa sarili. Hindi rin maipagkakaila na tatay niya iyon dahil moreno din ito at matangkad. Matangkad din si Lara at maiksi ang maitim niyang buhok. Hindi ko rin maiwasan sabihin na may ipagyayabang din ito pagdating sa mukha. Makinis ang mga balat nito. Maliliit ang mga mata niya at magaganda ang ngiti. "Mabait ba si Lara?" Tanong ko kay Maria. "Hmm.. hindi ko masasabi. Minsan kasi masyado rin 'yang mapili sa kaibigan. Nakipagkaibigan rin ako dyan pero hindi niya ako pinapansin." So parang ako lang? May binigay ang babae kay Felipe na plastic at agad naman niya kinuha. Nandilim ang paningin ko ng umalis sila sa taniman at tumungo sa isang maliit na silungan tila kainan. "Kakain ata sila ng binigay ni Mang Arthur." Tumayo ako at aakmang pupuntahan sila ng pinigilan ako ni Maria. "Saan ka naman pupunta?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan pa ba? Sakanila!" Napailing ito at hinayaan ako. Agad ako tumungo sa direksyon nila. "Hi Felipe!" Napunta ang atensyon nila sa akin at agad ako kinabahan ng magsalubong ang kilay ni Felipe sa akin. "H-Hi m-ma'am Sheraal." Tumango lang ako kay Lara at tumabi kay Felipe. Narinig kong napahalakhak si Maria. Napairap ako. Sumunod rin pala. Umupo siya sa tabi ni Lara. "Wow! Tinola!" Gulat ko habang nakatingin sa nakahain sa lamesa. May dalawang plato at dalawang tupperware na ang isa ay adobong manok habang ang isa ay tinola. "Kumain na kayo Maria?" Seryosong tanong ni Felipe. "Hindi pa! Pakainin mo kami!" Sabi ko at napanguso. Ngumisi sa akin si Maria. "Hindi. Busog na ako. Si Sheraal lang talaga kanina pa gutom habang pinagmamasdan kayo." Sinamaan ko ng tingin si Maria pero ang gaga tinawanan lang ako. Napapanguso akong napatingin kay Felipe na kunot noong nakatitig sa akin. "Ah m-ma'am wala na pong platito eh." Sabat ni Lara. Ngumiti ako kay Lara. "Okay lang. Sa plato nalang ni Felipe ako kakain." Kumapit ako kay Felipe at nagpacute. "Sige naa.. Hindi pa ako kumakain eh." Umiwas sa akin si Felipe ngunit mas lalo ako tumabi sa kanya. "Sheraal.." Ngumiti ako. "Yes?" Nakangisi si Maria sa aking gilid na mata. "Oh sige kumain ka nalang. Balik lang ako sa trabaho." Aniya sabay tanggal sa braso ko sa braso niya. Tumayo siya at umalis habang naiwan akong nakatigagal. "Sayang pers tym pa naman ni Felipe paglutuan sarili niya." Napatingin ako kay Lara na napapailing. Agad ako tinamaan ng hiya at napatingin sa tinolang nakahain sa lamesa. Napalunok ako at sinundan si Felipe. "Felipe!" Nakita ko siya patungo sa lawa. Agad ako nagpamadali at hinawakan ang kamay niya. "T-Teka Felipe.." Hingal ko. Tumigil siya at hinarap ako. "Bakit?" Tanong niya. Mas lalo ko hinigpitan ang kamay niya nang mahismasan ako. Salubong ang mga kilay niya. "Bakit Sheraa---" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil ko agad siya ng halik. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang nakapikit. Ramdam ko ang pagkabigla niya tila hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya. Mas lalo siya nagulat ng pinaglapit ko ang katawan namin. Patuloy ko pa rin siya hinahalikan hanggang sa tumutugon na siya sa mga halik ko. Napangiti ako ng palihim. Ang mga kamay niya ay nasa mukha ko na habang ang isa nitong kamay dumadaosdos sa likod ko. Siya na mismo nagpatigil ng halik at hinila ako sa likod ng puno. Ikinulong niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga braso. Nasa likuran niya lamang ang malawak na lawa ng mt. Pinatubo. Lumapit siya sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg. "Baka mahuli tayo ng tauhan ng Mommy mo..." Napatitig ako sa kanya. Nagtataka at gulat na nakatingin sa kanya. "H-Hindi ko na kaya Sheraal.. Hindi ko na kaya She.." Aniya habang tila nahihirapan na. Galit ba siya dahil hindi siya nakakain? Nanggilid ang luha ko. Tila natatakot ako sa sasabihin niya. "B-Bakit?" Naramdaman kong bumaba ang kanyang mga kamay sa aking likod. Niyayakap ako ng mahigpit. "Ayoko ng iwasan ka. Hindi ko na kayang iwasan ka dahil lamang sa takot ko sa mga magulang mo." Napasinghap ako at niyakap siya ng pabalik. "Mahal din kita She.." Tumulo ang luha ko ngunit sa saya ng aking nararamdaman ngayon. _________ Updated.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD