#TGP
_________
Napakunot noo ako na makita ang IBA habang dahan dahan ko pinapaandar ang kotse ko. Nakarating na pala ako? Hindi ko namalayan. Tss.
Napatingin ako sa wrist watch ko at mag aalas dyes na nang umaga. Kinuha ko ang bag ko at kinain ko ang sky flakes ko habang dinadala ko ang mga bagahe. Ubos na ang gasolina ko kaya hindi na to umaandar pa. Wala naman ako nakikita dito na mga petron o ano man kaya ubos ang lakas ng sasakyan ko.
"Tito. Andito na ako sa Iba ng zambales" Sabi ko habang kausap ko si Tito sa kabilang linya.
"Aba! Andyan ka na? Bakit di mo sa akin sinabi?! Magpapahanda ako!"
"Ayos lang Tito, Atsaka ipadala niyo ang mga tauhan niyo dahil maiiwan ko rito ang kotse ko."
"Oh sige sige! Hintayin mo ang montero na ipapadala ko dyan!"
"Opo"
Naputol ang usapan at napatungo agad ako sa waiting shed at umupo roon. Wala naman masama kung dito muna ako diba? Atsaka ang mga negosyo ko sa manila ay ipinagkatiwalaan ko muna sa kapatid kong lalake.
Hindi matanggal sa isipan ko ang lalake. Okay na kaya siya? Nag aalala pa rin naman ako kahit alam kong wala akong kasalanan. Napatungo ako habang nag iisip. Mabuting magbabakasyon muna ako dito. May plantation naman ako dito kaya may magagawa rin ako dito.
Tumayo ako na makita ang itim na montero kaya agad akong pumasok sa driver seat.
"Naimbag a bigatmo! Senyorita!" Napangiwi ako sa sinabi ng kakaalis na driver. Hindi ko maintindihan sinabi niya.
"A-Ano sabi niyo ho?" Nakakahiya. Alam kong kilala ako dito pero mas nakakahiya kung wala kang alam sa lenguwahe nila dito.
Natawa naman ang matanda.
"Magandang umaga po Senyorita, Iyon po ang ibig sabihin" Aniya, Ngumiti naman ako at ginaya rin ang sinabi niya.
Pinaandar ko na ang montero patungo saamin. Hindi ako nagkakamali na mga taga ilokano sila. Malalalim ang lenguwahe nila at hinihiling ko na sana mag tagalog nalang sila.
Nakarating ako sa makalumang mansyon at binati agad ako ng mga kasambahay roon.
"Naimbag a bigatmo! Senyora"
"Naimbag nga isasangpet, Senyora"
"Magandang umaga po sainyo Senyora"
Iisa lang ata ang naintindihan ko sa mga nakahilerang mga kasambahay. Tumigil ako at hinarap sila.
"Magtagalog nalang kayo o inglis. Hindi ako nakakaintindi ng Ilokano o whatever. Sumasakit ang ulo ko."
Totoo ang sinasabi ko. Kanina pa sumasakit ang ulo ko lalo na't pagod ako. Napatungo sila at tumango nalang. Good. Hindi ata kakayanin ng ilong ko ang mga pinagsasabi nila.
Pumanik ako at nagpahinga. Nakakapagod at napuyat ako kakabiyahe. Sumasakit na rin ang mata ko at pumikit.
______
"Madam, Kain na po."
Nakarinig ako ng katok at sumigaw na mamaya na. Napabuntong hininga ako habang kaharap ko ang salamin at nagsusuklay. Nakakainis ang mga kasambahay ko dito. Para kang itatrato ng parang prinsesa. Tsk.
Bumaba ako at hindi sila pinansin. Nakita ko si Tito na nakaupo na at kumakain.
"Gusto mo mamasyal muna dito?" Tanong agad sa akin ni Tito.
"Hindi na. Natatandaan ko pa rin naman ang mga lugar dito" Sagot ko.
Papaano ko ba naman makakalimutan itong lugar? Itong lugar kung saan namatay ang mga magulang ko. Iniwaksi ko nalang iyon at kumain nalang.
Nagkwentuhan lang kami magdamag ni Tito hanggang sa matapos ako kumain. Lumabas ako ng bahay at pinagmamasdan ang paligid.
"Hindi mo ba dadalawin ang magulang mo She?" Napatingin ako kay Tito. Oo nga nuh?
"Nakalimutan ko. Dadalawin ko nalang po sila ngayon" Sabi ko at aakmang aalis na ng pigilan ako ni Tito.
"Hintay muna. May ipapasabay ako." Tumango ako at naghintay. Maya-maya ay bumalik si Tito at may binigay sa akin na bulaklak at kandila with lighter pa. Kumunot noo ako.
"Para saan to Tito?"
"Iyang bulaklak na iyan ay pakilagay nalang sa lapida ni Fil Loresta. At pakisindi na rin ng kandila na 'yan roon" Paliwanag ni Tito. Napakamot ako at nagtatakang tinignan si Tito.
"Wag mo ako tignan ng ganyan. Basta gawin mo nalang sinasabi ko. Wag ka na rin magtanong" Sabi ni Tito. Napabuntong hininga ako at tumango.
"Sige po."
______
Nakarating ako sa cemetery dito. Bumaba ako sa kotse habang bitbit ang mga pinadala sa akin ni Tito. Pumasok ako at huminga ng malalim.
Sumalubong sa akin ang sariwang hangin at napunta agad ako sa lapida nila Mama at Papa. Ibinaba ko ang bitbit ko at pinunasan ko ito na makitang madumi at maalikabok na.
"Hello Ma at Pa, Halos magaapat na taon simula mawala kayo sa akin." Sabay hinga ko ng malalim. "At hindi ko pa sainyo natutupad na mag aasawa ako, Pero ma at pa, alam kong magagalit kayo kung sasabihin kong hindi pa ako handa." Malungkot na sabi ko. Binasa ko ang labi ko at nagsalita. "Kung siguro buhay pa kayo ay baka ibinigay niyo na ang kompanya sa iba" Napangiti ako ng mapait. "Mahal ko kayo pero noong buhay pa kayo ay hindi ko naramdaman kung paano kayo magmahal bilang isang magulang. You treated me like a puppet. Pero ayos lang. Sanay naman ako eh." Sabi ko habang nangigilid ang luha ko. "Kahit mamatay pa ako noon ay wala kayong pakialam. W-Wala pa rin kayong pakialam"
Suminghot ako at napabaling sa ibang direksyon. May nakikita akong iilan na tao pero hindi ko pinansin.
"Now you're gone. Naging malaya ako. Pero hindi ko maiwasan masaktan din na nawala kayo sa akin." Sabi ko at napatitig sa kawalan. "Naalala ko kung paano niyo ako ibinigay sa ibang tao noong bata pa ako, at binawi rin na parang isang laruan." Kinagat ko ang labi ko at humalukipkip.
"But still, you are my parents. You still stick with me and gave the opportunity to see the world. Kayo pa rin naman ang laman at dugo ko. Mahal na mahal ko kayo kahit naging mahirap ang dinanas ko sainyo."
Lumandas ang luha ko at agad ko iyon pinunasan. Kinuha ko ang mga bulaklak at umalis na sa harap nila. Bago ako umuwi ay hindi ako nahirapan hanapin ang pangalang Fil Loresta.
Napakunot noo ako na para bang bago lang kung nilibing. Lalo na't mga last last month pa lang ito kamamatay. Napalunok ako at ibinaba ang mga bulaklak at sinindihan ko na rin ang kandila.
Kaano ano kaya ito ni Tito? Tatanungin ko nalang mamaya si Tito. Napakibit balikat ako at sinindihan ang kandila. Nawawala pa ito dahil sa hangin pero bahala na. Basta nasindihan.
Tatayo sana ako ng biglang lumakas ang hangin dahilan upang ang mga bulaklak na nilagay ko sa lapida ay napasubsob sa akin. Napaubo ako at hinawi ang mga bulaklak sa mukha ko. Bwisit, may nakain pa ako.
Tumayo ako at pinagpag ang maong ko. Tumingala ako at aalis sana na may nakuha ng atensyon ang mata ko. Nakita ko na may lalakeng nakaupo sa di kalayuan at nakatingin sa akin. Bigla kumalabog ang puso ko at napamaang.
"Hello! Bago ka rito?!"
Bigla gumaan ang kalooban ko at napalunok. Akala ko multo. Natawa nalang ako. Lumapit ako sakanya at doon ko napagtantong wala na ang mga iilan na tao. Habang papalapit ako sakanya ay palakas na palakas ang hangin na tumatama sa mukha ko.
"H-Hi din, matagal na ako dito pero ngayon ko lang naisipan bumisita rito" Sabi ko sakanya. Ngumiti siya sa akin at napalunok ako na makita ang lumitaw na dimple sa magkabilaang pisnge niya. Damn. He's so cute.
"Really? Ngayon lang kita nakita dito eh" Nakangiting sabi niya. Naka vneck t-shirt siya na nakastripe na gray habang nakamaong din. Napalunok ako at hindi ko maiwasan humanga sa mukha niya.
Ang makakapal nitong kilay. Ang hugis ng mga mata niya lalo na ang pagkalakayumanggi ng mga mata nito. Moreno at malaki ang katawan. Halatang matigas ito at nageensayo araw araw. Lalo na't mahahaba ang pilik mata nito. Matatangos ang ilong. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Mapupula ito. Bigla uminit ang magkabilaang pisnge ko at napatikhim.
"S-Sige a-aalis na ako" Uutal na paalam ko. s**t Sheeral. Kelan ka pa naging tiklop sa isang lalake ah?
"Teka, Ano pangalan mo?"
Napapikit ako at kumalma. Relax She. Lalaki lang yan. Lumingon ako at ngumiti.
"Sheraal. Sheraal Lerdon." Sabi ko at nilahad ang kamay ko sakanya. Kuminang naman ang mga mata nito at malawak na ngumiti sa akin at tinanggap ang kamay ko.
"Fil Loresta."
_________
Updated.