"Will you marry me?"
Napaantras ako.
"Will you be my wife? Could you be my mother of my child? Please?"
Masyadong mabilis. Hindi ako handa. Napalunok ako. Bakit niya to ginagawa? Mas lalo ako napaantras dahilan para magiba ang reaksyon niya.
"She?"
Umiling ako. Agad ako umiling ng umiling. Bakit parang ang bilis naman? Bakit naman agad siya luluhod sa akin na ganito kaaga? Kakasagot ko lang siya nung isang linggo ah? Bakit ganito na?
Tinignan ko siya na nagtataka. Sobrang gulo ng utak ko. Pakiramdam ko hindi pa ako handa. Napakafrustrated ng nararamdaman ko ngayon.
"B-Bakit ang bilis naman?" Naguguluhang tanong ko.
"She, D-Doon naman tayo hahantong diba? Anong problema doon?"
Mas lalo ako napakunot noo. "H-Hindi Ked, Masyadong maaga." Bulong ko.
Bigla siya napatingin sa ibang direksyon at napabuga ng marahas. Inis at pait ang nakaguhit sa kanyang mga mata.
"Maaga? Basehan ba ngayon ang panahon kung maaga tayo magpakasal o hindi?! O baka naman ayaw mo lang sa akin?" Hihinakit na aniya.
Napahilamos nalang ako at umiling.
"I'm sorry Ked, It's a no. I-I am not yet ready." Napayuko nalang ako. Aakmang aalis ako ng tumayo siya at inagaw ang braso ko.
"Really?! Is that your reason She?! Why couldn't you look at me and tell me the f*****g truth! Why Sheraal may iba ka ba bukod sa akin ah?!"
Napangiwi ako sa pagkakahigpit niya at nanglalaiting tinignan siya sa mata.
"Pwede ba bitawan mo ako?! Wala pa tayo sa isang buwan Ked! Sinagot lang kita ng isang araw at ito na?! Wag mo nga akong gaguhin Ked! Alam kong maaari mo akong gamitin sa balak mo!" Nanglalaiting sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko. "Alam mo Ked, Kung lolokohin mo lang ako ay sana hindi mo na ako syinota kahit alam mong mahal na mahal kita!" Hingal na hingal nasabi ko. Nangilid ang luha ko at lumayo sakanya.
"Anong pinagsasabi mo?! Pinakasalan kita dahil mahal ki—"
"Mahal mo ako dahil may utang na loob kayo sa akin!" Tumulo na ang luha ko. Agad ko tong pinunasan at maririing tinitigan ko siya "Wag na Ked. Pinatawad na kita pero mahal pa rin kita, Di yon mag babago pero sana hindi mo na ako habulin pa para lang sa pera" Kinuha ko na ang bag ko at padabog na umalis sa harap niya. Tigalgal siya na naiwan sa loob ng restaurant ko at kinuha ang susi ko sa kotse at doon umiyak sa loob.
Masakit isipin sa tuwing kasama mo ang taong mahal mo ay laging sumasagi sa isip mo na pera ang dahilan kung bakit ka hinahabol at minamahal ng taong mahal mo. Bakit? Ganoon na ba ako katanga para hindi ko nalang pansinin ang mga panggagago niya sa akin? Kahit alam ko na napapansin ko na ang mga panloloko niya sa akin? Napahagulgol ako. Mahal na mahal ko siya at kaya kong ibigay sakanya ang lahat pero sana minahal rin niya ako hindi dahil sa panglabas ng kaanyuan ko at pangangailangan. Lalo na sa pera.
Nagmamaneho ako habang patuloy na lumuluha ang mga mata ko. Limang taon na kami nagsasama sa iisang bubong ngunit kaibigan ang turing niya sa akin. Noon. Ngunit nagkataon na niligawan niya ako noong isang buwan at nagtataka ako kung bakit niya ako nililigawan sa gayun ay kaibigan lang turing niya sa akin?
Dahil minahal ko siya matagal na. Last week ko lang siya sinagot. Masyado ko na kasi siya minahal at pati ang sinasabi ng iba at mga kasama ko ay hindi ko pinapakinggan. Kesyo daw bakit ko agad sinagot si Ked kasi masyadong maaga daw. Ngunit ang sagot ko. Hindi iyan para sa matagalan na panliligaw kundi sa matagalan na relasyon.
Naalala ko noong una ko lang nakilala si Ked sa hospital. Simula nang maaksindente ako. I think I was highschool then. Nakita ko ang dalawang kapatid niya na nag aagaw buhay ngunit walang pera para tustusan ito. I supposedly to not care about it but I just saw myself to him at the outside of ER waiting for the doctors and praying to the above and asking for my parent's live and let them chance to live again. Pareho kami ng sitwasyon. Siya naaksidente ang kanyang dalawang kapatid. While me, Naaksidente rin ang aking mga magulang. Lumpo ako sa mga panahon na iyon and I wasn't aware that time that I had amnesia. So that's why I decided to make friend with him and pay the bills for them. Dahil siguro sa awa ay binayaran ko lahat ng bills nila.
And then, Pinatira ko siya sa bahay ko at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinatira ko siya. Alam kong delikado dahil hindi ko siya masyado kilala noon at mahirap na magtiwala pero masisisi niyo ba ako na nalove at first sight ako sakanya simula nang matanaw ko siya sa hospital? Pagkatapos nun ay humingi siya ng pabor na magtrabaho sa akin kahit bilang driver ko upang maipagpatuloy niya ang pag aaral niya at pantustos niya sa buhay niya.
I bite my lower lip when I remember anything. Ang dami namin napagdaanan at lahat ng 'yun ay nalampasan namin. Siya nalang kasi ang natitira kong pamilya bukod sa lalakeng kapatid ko na nasa ibang bansa but I was betrayed that time when he have the guts to made me fool then. I was so very disappointed. I'd never thought that he could do that to me despite of our friendship and sister-brother's relationship. He said he wanted to marry me so that he can have my company and our wealth. Tangina lang masakit pala sa puso.
Mabilis ko pinatakbo ang sasakyan at hindi ko na pinansin ang mga busina. Lumalabo na ang mata ko hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Hindi. Bahay KO. Mabilis ako pumasok at umakyat. Kinuha ko ang mga maleta ko at pinasok ang lahat ng damit ko.
"S-Senyorita! Saan po kayo pupunta?" Hindi ko pinansin si Manang at agad ko pinasok ang bathroom ko at kinuha ang mga importanteng bagay. "M-Ma'am teka lang po! Tatawagan ko si Sir Ked—"
"No! Don't you dare!" Nabigla ang matanda at wala na akong pakialam pa na masigawan siya. Basta makaalis lang ako dito.
Mabilis ko sinarado ang suitcase ko at nagmadaling bumaba.
"Senyorita She!"
Binuksan ko ang pintuan pero bumungad sa akin ang mukha ni Ked. Napansin ko na bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
"Saan ka pupunta?" Walang emosyon na tanong niya. Napangisi ako.
"Ano na karapatan mo? Wala na tayo at aalis ako!" Galit na galit na sabi ko. Mabilis ko siya tinabig ngunit niyakap lang niya ako.
"She! Mahal kita at maniwala ka sa akin! Hind pera ang habol ko sayo! M-Maniwala ka" Malakas ko siyang sinampal. Kahit masakit para sa akin. But I am not blind anymore. I know everything that he only wants my money.
"You love my money Ked, Not me." Tumulo na ang mga luha ko sa sakit.
Agad na sumagi sa mata niya ang sakit at bigla. Pero hindi ako nagpadala at tinulak siya.
Pumasok na ako sa kotse at nanginginig kong ipinasok ang susi ko at nakita kong patakbo na pumunta sa akin si Ked pero agad ko na pinaharurot ang kotse.
Tulala lang ako habang nagmamaneho. Walang pumapasok sa isip ko at tila parang nahablot ang puso ko sa sobrang sakit. Ang tanga mo She! Ang tanga tanga! Napahinto ako at sinuntok ang manibela pero napangiwi ako na bigla sumakit ang kamay ko. Napaiyak ako. s**t! s**t talaga!
Itinigil ko ang kotse sa kalagitnaan at tabi ng dagat dahilan para lumabas ako. Tumama sa akin ang araw at mapreskong hangin.
Napasandal nalang ako at napaupo. Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang pinagsamahan namin. Sa tuwing ganito ang oras kapag papalubog ang araw ay lagi namin ito pinapanood ng magkasama. Ang saya nuh? Yung tipong ang saya saya pero sa likod nun ay pera mo lang pala ang hinahabol sayo.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa mukha ko at pumasok. Tumingin ako sa rear mirror at nilinisan ang mukha ko na napakalagkit na. Napangiti ako ng mapait pa sa ampalaya. What now Sheraal? What will you do after these? Mabilis ko kinuha ang bag ko at naglagay ng polbo sa mukha.
Bibisita nalang ako.
Pinaandar ko na ang kotse ko at nagmaneho pero ramdam ko sa sarili ko na walang ekspresyon. Siguro kapag nagmamaneho na umiiyak ay maaksidente gaya nakikita ko sa TV at nababasa pero sino lolokohin ko? Sarili ko? Wag na uy. Baka makuha ng lalakeng yun ang mga kayamanan ko.
Ilang oras na ako nagmaneho hanggang sa sumapit ang gabi at naantok na ako. Napamura ako. Hindi pwede na makatulog ako. Shet. Ang malas naman oh!
Nanlaki ang mata ko na may dumaan sa harap ng kotse ko kaya bigla ako napabrake at natulala. A-Ano yun? Stupid She! Nakapatay ka! Damn!
Mabilis ako bumaba at tignan ang lalakeng yun. Napatakip ako sa bibig ng makita ang lalaking duguan.
"K-Kuya! O-Oh my g-gosh!" Bigla ako nataranta. Napatingin ako sa paligid. Walang tao! Halos madilim na ang paligid ko. Fudge! Saan ako kukuha ng tulong?!
"K-Kuya—"
"O-Okay l-lang ako"
Agad ko siyang dinaluhan.
"No! I'll take you to the hospital! Dammit!" Agad ko siyang inakbayan at hindi na siya umangal.
"S-Salamat"
Tumango lang ako at pumasok sa driver seat. Mabilis ko siyang tinignan muna at pinagmasdan. Ang dami niyang pasa pero nakuha ang atensyon ko ang pamumutla niya. Napakunot noo ako. Umaagos ng marahas ang dugo niya mula sa tagiliran niya.
"H-Hindi ako m-makahinga.. b-bilisan m-mo" Bigla ako natauhan at pinaandar ang makina. Mabilis ako nagmaneho at naghanap ng lugar na maaring makatulong.
Sana may hospital.
Ilang minuto ang nakalipas at nagtanong tanong pa ako sa mga taong palaboy bago ko makuha ang lugar ng public hospital. Nakarating kami at agad ko dinala ang lalake na kaedad ko lang sa loob at agad na inasikaso ng mga nurse ang lalake.
Napabuntong hininga ako. My gosh She! What have you done?! Pero hindi ako ang nakabangga kaya wala akong kasalanan. I know bigla ko binrake bago siya mabangga. Napatampal ako. Ang tanga ko talaga.
Mabilis ako nakapunta sa harap ng emergency room at tinitigan bago ulit napayuko.
Im sorry whoever you are.
Mabilis ko binayaran ang Bills sa hospita at umalis ngunit bago yun ay napatitig ako sa kawalan. Hindi ko yun kasalanan. Umalis na ako.
____
A/N:
You may r******w. Enjoy :)