#TGP
______
"S-Seryoso?"
Halos kainin ako ng kilabot ng ngumiti ito. Nababaliw ata itong lalakeng to!
"Hahaha ang seryoso mo naman!" Ngumuso pa ito kaya't napaiwas ako.
"Wala akong panahon makipagbiruan sayo" Malamig na sabi ko. Sino ba naman hindi matatakot? Lalo na't kami lang dalawa rito sa sementeryo.
"Joke lang yun Sheeral! U-Uy!"
Hinabol niya ako habang pabalis na pabalis ang lakad ko palabas ng sementeryong to. Nakakainis. Ang feeling close na niya. Atsaka hindi magandang biro yun.
Wala na akong narinig mula sakanya kaya napalingon ako pero nagulat ako ng wala na siya. What the f**k? Seryoso ba talaga siya? Sumakay ako sa kotse ko pero bago ko paandarin ay halos bumilis ang takbo ng puso ko na makita ang likod niya na nakaupo sa harap ng lapida. Alam kong kay Fil Loresta iyon pero bakit?
Baka tinatakot ka lang niya.
Umiling ako at napabuntong hininga. Relax She. You are not f*****g interested to anyone right? So just back off.
Nakarating ako sa lumang mansyon namin at agad ako dumeresto sa kwarto. Napahiga ako at napabuntong hininga.
Napaisip ako. Seryoso ba siya sa pangalan niya? O pinagloloko lang niya ako? Imposibleng siya si Fil Loresta dahil patay na ang nakapangalan nun!
Hindi ko namalayan ay nakatulog ako sa kakaisip. Nagising lang ako ng may kumatok sa labas. Napaungol lang ako at padabog na binuksan ang pintuan.
"Mamalengke ka." Ani ni Tito sabay bigay ng papel. Napakusot ako sa mata at kinuha ang papel.
"Ho? Saan po ba ang mga katulong natin Tito?"
"Umalis sila dahil hindi daw sapat ang sweldo nila dito" Ani ni Tito. Tumaas naman ang kilay ko at napamaang.
"Edi lumayas sila. Akala naman nila ay sila lang yung natitirang tao dito sa mundo!" Naiinis na sabi ko. Anong gusto nila? Triple yung ipapasweldo ko sakanila? Ni nung dumating ako dito ay puro dumi ang nakikita ko! Kabanas! Nasira tuloy ang araw ko.
"Wala na tayo magagawa Hijah at ako naman ay lilisan rin dito." Aniya.
"Bakit ho Tito? Saan kayo pupunta?" Doon ko rin napansin na ayos na ayos si Tito habang may hawak na isa pang papel.
"Hindi ko gustong iwan ka habang nag iisa ka dito Ineng, pero lumaki ka naman mag isa kaya't ako muna ay magtatagal sa mga balayaw ko." Anito sabay lahad ng papel nito saakin.
"May importante akong aasikasuhin kaya't itong ibibigay kong papel sayo ay sundin mo at basahin mo" Napatitig ako sa papel at doon ko nabasa ang isang Fil Loresta nanaman. Ilang ulit na ba to nabanggit at narinig ito?
"Oh siya Sheeral! Babalik din ako pero hindi ko masisiguro kung kelan ako muli babalik. Bantayin mo itong bahay at magbabakasyon ka naman dito diba? So walang problema"
Iyon na ata muli ang huli kong narinig mula kay Tito. Napatingin ako sa binigay ni Tito na papel. Nakasulat roon ang mga dapat kong bilhin sa tuwing bibisita ako sa sementeryo. Napangiwi ako. Hindi ba't parang nakakatamad?
Napailing ako at naligo nalang. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay pumunta ako sa garahe at kinuha ang bisekletang natitira dun. Napanguso ako. Namiss ko ang bisekleta ko.
Pumunta na agad ako sa Centro pero bago iyon ay bumili ako ng kandila at bulaklak gaya ng bilin ni Tito na nakasulat sa papel.
"Andito ka nanaman"
"Ay punyeta!"
Napapikit ako sa sakit na matumba ako sa bisekleta. Napahawak ako sa balakang at naiiyak na tinitigan ang lalaking dahilan kung bakit mamatay ako sa gulat!
"Ikaw! Hindi mo ba ako tutulungan?!" Bulyaw ko habang tinuturo ko itong lalakeng nasa harap ko ngayon. Lumapit agad siya saakin at tinulungan.
"Pasensya ka na Sheraal. Nagulat rin ako nang makita ulit kita dito" Aniya habang nahihiyang tumingin sa akin. Umismid ako at inirapan siya.
"Ewan ko sayo! Wag mo ako gugulatin sa susunod!" Sigaw ko at tumungo sa pinakaunahang bandang kaliwa ng sementeryo at nahanap ko rin ang pangalan ni Fil.
"Kilala mo siya?"
Umupo naman siya sa tabi ko at tinitigan rin ang lapida ni Fil Loresta.
"Hindi ko siya kilala. Pinagbibilin lang to saakin ng tiyohin ko" Sabi ko habang sinisindi ko ang ilaw. Naramdaman kong tumitig siya sa akin.
"So ibig sabihin araw araw ka dadalaw dito?" Parang natutuwang sabi pa niya. Napakunot noo ako.
"Siguro kung dadaan ako dito ay isasabay ko na ang pagdalaw sakanya pero depende kung lalabas ako" Sagot ko at tumayo na.
"Ang saya naman" Napangiwi naman ako.
"Alin ang masaya?"
"Ang saya kasi dadalaw ka."
Parang may kuryenteng umakyat sa katawan ko. Ang weird niya.
"H-Hindi kita maintindihan" Sabi ko at aakmang aalis ng may sinabi pa siya.
"Ang saya kasi kahit papaano ay may malasakit ka rin sa kapatid ko" Doon ako napatigil. Lumingon ako pero halos manlambot ang tuhod ko na makita siyang wala roon sa pwesto niya kanina.
"Mag ingat ka Sheraal!"
Doon ko nainag ang matipunong katawan nito papalayo saakin. Nakagat ko ang labi ko at agad na umalis sa lugar na yun. Kahit kailan hindi naging maganda ang takbo ng isip ko dun sa lalaking yun.