#TGP
_________
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Bigla may humawak sa mukha ko dahilan para magising ako.
"Hello, Nakatulog ka." Ang gwapong mukha ng binata ang agad na sumalubong sa harap ko.
Napahawak ako sa bibig ko kung may tumutulong laway, wala naman. Umayos ako ng upo at napatingin sakanya.
"Sorry, Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya. Umiling naman ito. Napakunot noo ako ng hindi niya sinout ang damit na ibinigay ko.
"Aw okay, Maghahanda nalang ako." Sabi ko at walang lingon na tinignan siya habang tumutungo sa kusina.
Pagkarating ko ay bigla ako napakapit. Bakit bigla ka nakatulog Sheraal? Alam mo namang may ibang tao sa bahay niyo lalo na't nag iisa ka lang dito! Aish.
Napatingin ako sa bintana na mapansing umuulan pa rin ito ng malakas. Napabuntong hininga ako at aakmang kukuha ng cup noodles sa kabinet ng bigla may nagsalita sa likod ko.
"Sheraal.."
"Fck!"
Bigla ako lumingon habang hawak hawak ko ang dibdib ko.
"Papatayin mo ba ako sa gulat ah?!" Inis na sigaw ko sakanya. Napangiwi naman siya.
"Sorry kung nagulat kita, Ano kasi eh.."
Kumalma naman ako at nagtatakang tinignan siya.
"Ano yun?"
Ngumiti siya sa akin na mukhang nag aalinlangan.
"Hindi naman ako gutom She.." Aniya at sumandal sa upuan. Agad ko naman nabagsak ang cup noodles ko.
"Okay, Ako nalang kakain" Sabi ko habang nilalagyan ng mainit na tubig ang cup.
"Hindi ka ba natatakot na ikaw lang mag isa dito?" Lumingon naman ako sakanya.
"Sanay na ako mag isa" Mapait na ngiti ko. Nakita niya ito kaya't umiwas nalang ako ng tingin.
"Eh ikaw? Ba't sa mga ganitong oras nasa labas ka?" Tanong ko at humarap sakanya "Sinusubukan mo ba magnakaw? Akyat bahay?"
Tumawa naman ito at umupo isa sa mga silya.
"Kung aakyat bahay ako, Mukhang wala naman akong laban sayo eh."
"Huh? Bakit?"
Ngumisi naman ito.
"Sa mukha mo palang matatakot na ako." Aniya sabay hagikgik. Napaiwas ako ng tingin at napabuga ng hangin.
Siguro kung hindi lang to kakilala ni uncle, Hinagis ko na ang hawak kong cup noodles. Mainit pa naman.
"Ang lakas mo palang mang asar nuh?" Naniningkit na matang sabi ko. "Palayasin kita dito eh" Bulong ko at umupo sa harap niya.
"Ito naman, Di mabiro." Aniya na nakanguso tila pinipigilan ang tawa niya. Umiling nalang ako at sinimulan kainin ang cup noodles.
"Wala ka bang pamilya?"
"Bakit mo kilala ang tiyuhin ko?" Tanong ko. Hindi ko pinansin ang tanong niya sa halip ay nagtanong din ako sakanya. Well, Baka masagot yung mga tanong ko.
"Kilala dito sa lugar namin ang tiyuhin mo bilang negosyante at haciendero" Aniya.
"Pero bakit mo kilala si Fil Loresta? Bakit lagi ka nandun sa lapida niya? Kaano ano mo siya? Bakit mo sinabi sa akin na Fil Loresta pangalan mo?" Ibinaba ko naman ang chopstick at tinitigan siya.
Tumingin ito sa akin na natatawa.
"Hindi ko alam kung paulit ulit ka ba o nakalimutan mo lang?" Napakunot noo naman ako. "O hindi ka lang talaga interesado kaya't nakalimutan mo" Aniya sa harap ko.
"Hindi ba ako magtatanong kung hindi ako interesado?" Sarkastikong ani ko sakanya.
Tumawa naman ito.
"Kapatid ko ang dinadalaw mo, Ayan pwede na ata yan sa tatlong tanong mo saakin nuh?" Natatawang sabi niya habang pinagmamasdan niya reaksyon ko.
"Kung ganun, Ano pangalan mo?"
Bigla nawala ang ngiti sa labi nito.
"Maniniwala ka ba kung ang pangalan ko ay Fil Loresta?" Natigilan ako at napatitig sakanya.
"Papaanong magiging Fil Loresta ka? Eh nakapangalan sa Lapida ng kapatid mo ang Fil loresta!" Natatawang sabi ko pero ang ekspresyon ko ay napapangiwi na.
Ginagago ba niya ako? Ano siya multo? What the f**k? Bakit niya inaangkin ang pangalan ng kapatid niya? Nababaliw na ba siya? Wala ba siyang ibang pangalan?
"Hindi ko alam.. " Aniya at napahilamos siya mukha niya. "Hindi mo kailangan malaman pa kung bakit, Hindi na mahalaga.. " Mahinang sambit niya at ngumiti sa akin. Bigla naman ako kinilabutan. Anong pinagsasabi niya?
Sa sobrang paranoid ko ay nasigawan ko siya.
"Get out"
Nabigla naman siya sa sinabi ko. Tumayo ako.
"Umalis ka dito." Malamig na ani ko. Hindi ko alam pero unti unting tumataas ang mga balahibo ko. Napayuko naman siya at napabuntong hininga.
"Natatakot ka ba sa akin?"
"Who wouldn't scared huh? Inaangkin mo ang pangalan ng kapatid mo! Hindi naman ikaw ang patay! Nababaliw ka ata!" Hindi makapaniwalang sambit ko at matigas kung itinuro ang pintuan palabas.
"Get out!"
Tumingala siya sa akin at tumingin sa bintana kung saan sobrang lakas ng ulan.
"Sheraa—"
"I said get out!"
Nabigla ako ng tumayo siya at tumungo sa akin sabay hawak ng dalawang balikat ko.
"Kung hindi ka maniniwala, pwes papatunayan ko bukas na ako si Fil Loresta" Aniya at tinalikuran ako.
Bigla ako natulala ng ilang minuto. Hindi ako makapagsalita hanggang sa kumidlat ito ng napakalakas dahilan upang bumalik ang ulirat ko. Agad ako tumungo sa bukas na pintuan at agad ako kinabahan ng wala na siya. Inilibot ko ang paningin ko sa labas at kahit ni anino niya ay wala.
Saan yun nagpunta? Bigla tuloy ako naguilty, dapat hindi ko nalang pinalabas. Pero tama iyon ginawa mo Sheraal, hindi mo siya kilala.
Isinarado ko ang pintuan at nilock ito. Napasandal ako at napatitig sa kawalan. Hindi kaya siya talaga si Fil? Pero paano? Papaano naging siya si Fil Loresta? Pero bakit kapatid niya ang nakapangalan ng Fil Loresta sa Lapida?
_______
Updated.