#TGP
_________
Kinabukasan, Isang mainit na sikat ng araw ang tumama sa balat ko kaya't bigla ako nagising. Napakusot ako habang bumabangon. Tumungo ako sa bintana at nagulat ako ng mapalitan ito ng mainit na panahon. Binuksan ko naman ang sumisiwang na kurtina at napatitig sa panahon.
Maganda ang panahon ngayon kaya baka pwede ako mamasyal mamaya. Hindi rin madulas ang kalsada, siguro dahil sa init ng araw ngayon.
"Magandang umaga Sheraal.."
"Oh f**k!"
Bigla ako napakapit sa kurtina sa gulat at nanlalaking napatingin sa lalaking nakaupo sa couch ko! Anong ginagawa niya dito?! Papaano siya dito nakapasok?!
"Andito ka nanaman?! Papaano ka nakapasok dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumuso naman siya at sumandal lang sa couch. Aba! Sarap na sarap ang loko umupo ah? Sipain ko to eh.
"Dumaan ako sa daanan kaya't nakapasok ako.." Nang aasar na sagot niya.
Napabuga naman ako sa inis. May gana pa talaga siyang mamilosopo?! Lalo na't umagang umaga pa!
"Aba't—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumayo ito at muling nagsalita.
"Wala ka bang balak ayusin ang mukha mo? Daig mo pang ginahasa sa kanto eh" Ngisi niya at agad na lumabas sa kwarto ko pero bago iyon ay may sinabi pa siya. "Hihintayin kita sa labas" At sinira na nito ang pintuan.
Napagigil naman ako! Grabe ah! Ang kapal ng kupal na yun! Ang lakas makapang asar eh mabuti pa nga tinulungan ko siya kagabi! Kung hindi baka namatay na yun sa lamig at konsensya ko pa!
Padabog ako kinuha ang twalya ko at pumasok sa CR. Aish! Ano bang pakialam ko doon? Dapat nga hindi ko nalang siya tinulungan! Ay ewan.
____________
Pagkatapos ko mag ayos bumaba na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa ko at mukhang wala sa sarili. Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan siya hanggang sa may napansin ako sakanya.
Bakit yung sout niya pangkahapon pa? I mean simula nung nagkita kami sa sementeryo iyan pa rin ang sout niya. Hindi ba niya sinout yung ibinigay ko sakanya? Atsaka ilang araw na yang damit na yan eh. Hindi ba siya nalalangsahan sa sarili niya? Just eww. Baka hindi naliligo.
"Kumain ka na ba?" Imbes na pagmasdan ko siya ay tinanong ko nalang siya kung kumain na. Baka hindi pa to kumakain eh maliban sa hindi naliligo. Tsk.
"Busog ako.."
Tumango nalang ako at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng cup noodles at pinainitan ito.
"Hindi ka ba marunong magluto?" Napakagat ako sa labi ng muntik ako magulat. Nangigigil akong lumingon sakanya.
"Alam mo? Gusto mo ako patayin eh" Nangigigil na ani ko sakanya.
"Huh?"
"Lagi mo ako ginugulat! Pwede ba? Maghintay ka sa sala! Wag mo ako sundan dito!" Naiinis na bulyaw ko sakanya. Ngumuso lang siya at umupo nanaman sa mga silya.
"Hindi ako mag iingay pramis" Sabay taas pa ng kamay. Napairap nalang ako sakanya at kinuha ang cup noodles ko.
Umupo ako sa harap niya at nagsimula kumain. Napansin ko naman na pinagmamasdan niya ako kaya't tumigil ako sa pagkain.
"Kung gusto mo nito, marami pa ako dyan sa cabinet, kumuha ka nalang" Sabi ko at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Kung pwede lang.. " Napatingin naman ako sakanya.
"Anong kung pwede lang? Walang bayad yun uy! Maliban nalang kung sisingilin kita." Sabi ko sakanya habang pinagtataasan siya ng kilay "Sa panahon ngayon, himala nalang kung may manglilibre sayo." Mataray na ani ko sakanya. Narinig ko naman na natawa siya kaya hindi ko nalang pinansin.
"Mabuti at nakita kita sa sementeryo." Aniya. Bigla ako natigilan. Linunok ko muna ang huli kong kain bago siya binalingan.
"Sa dami ng taong pumupunta sa sementeryo ako pa talaga ang nakita mo? Ang totoo? Anong klaseng matang meron ka?" Sarkastiko ko.
Natawa nanaman siya dahilan para mahagip ko ang dimple niya. Gosh. I hate to admit pero ang cute niya talaga!
"Ewan ko eh, nabihag mo ata ako." Sabay tawa niya. Napapoker face naman ako. Ang banat nito mukhang bulok na. Hay naku.
"Ano pala pinunta mo dito? May kailangan ka?" Napatigil naman ito at napatitig sa akin.
"Hindi ba't ayaw mong maniwala na ako si Fil? Pwes ipapakita ko sayo ngayon." Aniya.
So seryoso talaga siya pinagsasabi niya kagabi?
"Wala naman ako sinabing ayaw kong maniwala, sadyang yang kasinungalingan mo ay halatang napakasinungaling." Tumayo ako at dinala ang walang laman na cup noodles.
"Masyado kang mapanghusga, hindi mo pa nga inaalam ang lahat pero hinusgahan mo na ako. Hindi ba't may ipapatunayan naman ako sayo? Bakit agad mo ako hinusgahan?" Bakas rito ang lungkot na nagmumula sa boses niya.
Naiwan sa ere ang kamay ko na may hawak na cup noodles sa harap ng basurahan. Napalunok ako at tinapon agad ito. Lumingon ako sakanya.
"Hindi ako nanghuhusga, sinasabi ko lang kung alin ang totoo at kung alin ang nakikita ko sa totoo." Malinaw na pagkakasabi ko at hinarap siya. "Minsan kahit nagsasabi ka ng totoo, Marami pa rin ang huhusga sayo dahil ang akala nila hinuhusgahan mo rin ang isang bagay kahit alam mong nagsasabi ka lang ng totoo."
"So ano sa tingin mo ang totoo Sheraal? Nagsasabi ako ng totoo o papatunayan ko?" Bigla ako napanganga, hindi ba niya ako naiintindihan?
"Gaya ng sabi mo, nagsasabi ka ng totoo pero sa tingin mo totoo na iyon? Kahit para saiyo ay totoo nakakasakit, mas masakit ang katotohanan kesa sa mahusgahan." Malungkot na aniya. Bigla ako napatulala habang nakatitig sa mata niya. Sa nakikita ko ngayon mukhang nasasaktan siya. Pero bakit?
Nawala ang titigan namin ng bigla siya tumawa.
"Bilisan mo dyan, sasamahan mo pa ako." Aniya at umalis sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin habang palabas siya sa kusina.
Napatitig ako sa kawalan kung saan siya nawala. Bigla ko naisip ang sinabi niya. Nagiging masama na ba ako? Nakakasakit na ba ako ng ibang tao? Pero ano bang masama sa sinabi ko? Im just protecting myself. Natatakot ako na magtiwala muli kaya't ang dali kong husgahan ang isang tao. Ayokong masaktan na baka ibigo muli ako ng taong mahal ko.
Napapikit ako at napabuntong hininga. Huwag kang magpadala sa sinasabi niya. Walang mali sa ginawa mo Sheraal. You stating the fact. At iyon ang totoo.
_______
Updated