#TGP
_________
Bumalik ako sa mansion na may dalang dalang pagkain para sa pang araw araw ko pagkatapos kong bisitahin ang binilin ng tiyohin ko.
Inilagay ko sa lamesa ang mga pinamili ko at natigilan ako na mapagtanto kong nag iisa lang pala ako sa mansion.
"Hays! Bakit ba kasi umalis ang mga katulong dito!" Sabi ko nalang habang napapailing.
Umakyat na ako upang magbihis at maligo dahil na rin sa pawis na dumadaloy sa boung katawan ko. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako at nagluto na para sa agahan ko.
Nakakalungkot isipin na nag iisa ka sa bahay niyo lalo na't wala na ang mga magulang mo. Ngunit sanay naman ako na mag isa eh. Simula mawalay ang mga magulang ko natuto na ako.
Tahimik akong kumakain sa kusina at tanging mga kutsara at tinidor ang maririnig dahil sa tumatama ito. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na agad ito at pumanik na.
"This is so fckng boring" Ani ko habang kinakalikot ko ang bag ko para hanapin ang cellphone ko.
Kumunot noo ako na makita ang mga missed calls ni Ked at mga text nito. Hindi ko nalang pinansin at nakita ko ang text ng kapatid ko na nangangamusta.
Me:
Im fine, Shav.
Shav:
Hope you okay Ate, Lagi kang tinatanong saakin ni Kuya Ked.
Me:
Don't tell him na nandito ako. And don't let him to handle our business.
Shav:
I already know that Ate. It's really disappointed na pera lang habol sayo ni Kuya Ked.
Me:
Yeah, now you know, don't trust easily Shav.
Shav:
Yes I know, Thank you and take care ate. I love you.
Me:
I love you too brother, Take care too.
Ibinaba ko ang phone ko at tumungo sa veranda upang magpahangin. Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan. Ked is so nice to me that I almost couldn't find another men. He is always for me whenever at my worst lalo na't kapag nag iisa ako. Now nag iisa nalang ako. Saan siya? I mean, He is always for me because of the money and my wealth.
Money can buy happines? Ganun ba? When I give him all the money, will he be happy? Mamahalin niya rin ba ako? Kasi mahal ko siya. But he broke my trust.
Napahilot nalang ako sa ulo. Andito ka She upang magpahinga, hindi isipin ang problema mo sa manila. You need to move on and afterwards, babalik ka sa manila. So on.
Pumikit nalang ako at hinayaan ang hangin sabuyin ang boung mukha ko. This is the reason why I leave the city, Gusto ko langhapin ang nakakarelax na hangin. Gusto kong sakupin ako ng mga sariwang hangin.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nung bigla kumidlat dahilan upang magulat ako. Napakusot ako nang umuulan pala. Sobrang lakas ng ulan! Napatingin ako sa langit at medyo madilim ito. Tumingin ako sa orasan at mag aalas kwatro palang. Ganun ba ako katagal matulog?
Bigla tumunog ang tyan ko at bumaba na. Nakita ko ang mga pinamili ko kanina at doon ko napagtantong gutom na pala ako. Kumain ulit ako mag isa at tanging mga kulog ng mga kidlat ang maririnig.
Hindi naman ako takot sa kidlat lalo na sa kulog basta't hindi lang ako matamaan. Hinugasan ko ang kinainan ko at bumalik ulit sa kwarto. Humiga ako sa kama at napatitig sa kisame.
My life is so boring. Wala akong ginagawa ngayon at kung siguro nasa manila lang ako ay sa mga oras na ito ay ang dami ko ng ginagawa but I am here so im just eating sleeping and cellphone now. Ganun yung buhay ko ngayon.
Bigla ulit kumulog and this time ay may kasamang kidlat pa at sobrang lakas pa nito na halos umilaw ang boung daigdig. Napailing ako habang tumatayo at tumutungo sa veranda upang isarado ang pintuan. Habang sinasarado ko ang pintuan ay pumapasok pa rito ang lakas ng hangin upang sumasayaw ang mga kurtina ko.
"Mukhang may bagyo ah?" Sabi ko at muli ulit tumingin sa labas ngunit naiwan sa ere ang kamay ko.
Nakita kong may nakatayong lalakeng mukhang nanginginig dahil sa lamig. Humarap ito sa akin at nanlaki ang mata ko na makita ang lalakeng nasa sementeryo! Ngumiti pa ito at kumaway pa sa akin kahit halatang nanginginig ito. Basang basa ito habang mukhang naghihintay na papasukin ko siya.
Ano Sheraal? Papasukin mo ba? Napatingin ako sakanya. Mahirap magtiwala. Iyan ang tumatatak sa isipan ko ngunit hindi mawala ang konsensya ko na namumuo sa kalooban ko. Mukha siyang basang sisiw at nangangailangan ng tulong.
Hindi ko namalayan ay may hawak na akong payong at lumalabas upang puntahan siya. Bahala na. Nakita kong lumiwanag ang boung mukha niya na makita ako at agad kong binuksan ang gate at pinayungan siya.
Bigla kami nagkatitigan at ngumiti siya sa akin. Kasabay nun ang pagkidlat ng langit dahilan upang lumiwanag ito at bigla may kung ano anong senaryo na pumasok sa utak ko.
"Salamat Sheraal!"
"Salamat, Nanginginig na ako dito eh. Pwedeng pumasok?"
Napagitla ako at tumango ng paulit ulit sakanya. Humingi naman ako ng pasensya at pinapasok ko siya sa mansion. Pinaupo ko siya sa sofa ngunit hindi siya umupo baka daw mabasa ang sofa ko. Tsk. Pumanik ako upang kumuha ng tuwalya at tumungo pa ako sa kwarto ni Uncle upang manghiram ng damit. Wala naman akong damit na panglalake.
At lalong wala akong boxer. Tsk.
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko sakanya habang binibigay ko ang tuwalya sakanya. Tinanggap naman niya at ngumiti sa akin.
"Matagal na akong kilala ni Tiyuhin mo" Anito habang nakayakap sakanya ang tuwalya.
Magtatanong pa sana ako ng may sinabi pa siya sa akin..
"Pwede makiligo? Baka lagnatin ako eh. Hehehe.." Nahihiyang tanong nito. Napabuntong hininga ako at ginaya siya sa bathroom ng guest room.
"Salamat ah" Aniya habang tinatanggap ang mga damit na binigay ko sakanya. Tumango lang ako at pumasok na siya.
Bumalik ako sa sala na naghihintay sakanya na matapos maligo. Siguro pagtapos na siya ay tatanungin ko nalang siya.