#TGP
__________
"Saan ba tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko sa lalakeng kasama ko ngayon.
"Sa centro, punta tayo dun" Aniya. Tumango naman ako at lumiko sa ibang direksyon.
"Anong gagawin natin doon?" Ngumiti naman siya sa akin.
"Wag ka ng maraming tanong." Ani nito habang tumitingin sa labas. Napailing nalang ako. "Kumaliwa ka." Sinunod ko naman ang sinabi niya at kinaliwa ang direksyon ng kotse ko.
Nakarating naman kami sa isang lugar basta nasa centro kung saan sinasabi ni Fil—err.. Hindi ako sanay na banggitin ang pangalan niya lalo na't kapangalan niya ang nasa lapida ng kapatid niya, kaya't Loresta nalang. Aish. Ang gulo lang.
"Sumunod ka lang sa akin." Anito at bumaba na. Lumabas na rin ako at bumungad sa akin ang mga nagsiksikan na mga tao, I mean maraming tao ang nagtitinda sa gilid gilid kaya't medyo nasisikipan ako.
Hindi naman ito katulad dati ha?
Napabuntong hininga ako, parang baclaran lang sa manila. Napailing ako.
"Sheraal? Saan ka?"
Napatingin ako sa paligid. Nagtama ang tingin namin ni Loresta kaya't sumunod ako sakanya.
"Sorry, masyadong madaming tao eh." Sabi ko ngunit hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad, napansin ko pang napatingin sa akin yung ibang tao.
Hindi ko nalang pinansin at sumunod kay Loresta. Napakunot noo ako ng tumapat kami sa isang Census serbilis center. Napatingin ako kay Loresta na sa ngayon ay papasok sa loob.
"Teka! Anong gagawin natin dyan?" Pigil ko sakanya. Lumingon naman ito sa akin.
"Ipapakita ko lang sayo ang NSO birth certificate ko para patunayan ko na ako talaga si Fil Loresta." Napatigalgal naman ako sa sinabi nito. Aakmang papasok ito ng tumigil ito "Wag mo ako kausapin." Aniya ng hindi ako niliningon.
Napabuga naman ako sa kawalan. Ito pala yung sinasabi niyang patunayan? Napakurap ako at napailing. Hindi ko aakalain na sa bawat salita niya ay tinutupad niya.
Wala akong nagawa kundi sumunod, gusto ko rin malaman kung nagsasabi nga siya ng totoo, pero paano kung siya nga si Fil? Pero sino yung Fil na nasa lapida? Diba kapatid niya? Pero bakit pangalan niya ang nakaukit roon?
Hindi gaano karami ang mga tao, siguro ang iba ay naghihintay sa kanilang impormasyon. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko si Loresta na nakatayo kung saan may babae roon may inaasikaso.
Lumapit ako sakanila at sinilip ang babae na mukhang busy. Napatingin ako kay Loresta.
"Tanungin mo sakanya ang birth certificate ko." Bakit hindi nalang siya ang magtanong?
Mukha naman nabasa ni Loresta ang nasa isip ko.
"Sumunod ka nalang!" Aniya.
Napairap nalang ako at tumango nalang. Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng babae.
"Yes ma'am?"
Tumingin muna ako kay Loresta at tumango lang ito.
"Pwede ko bang mairequest ang NSO birth certificate ni Fil Loresta? May I have it and look? Don't worry, hindi ko siya iuuwi." Sabi ko sa babae. Napatingin ako kay Loresta at sa babae. Panalangin ko na sana wala na ako fifill upan.
"Ah ma'am family member po kayo ng may ari? Hindi po kasi kami nagpapabigay sa kahit na sinong nagpaparequest eh." Ani ng babae. Agad ako napatingin kay Loresta, magsasalita sana ako sakanya ng hinarap niya ang kamay niya sa akin.
"Sabi ko sayo na wag mo ako kakausapin eh." Aniya at tumingin sa babae at sa akin. "Sabihin mo oo, pinsan mo ako." Tumango nalang ako.
"Yes, Pinsan niya ako, pwede bang makita?" Tinitigan naman ako ng babae at napabuntong hininga.
"Okay ma'am, pero bawal po na iuwi niyo ang NSO birth certificate unless po na nanay ka niya o tatay." Napangiti naman ako at paulit ulit na tumango.
"Of course, May titignan lang." Sabi ko na nakangiti.
"Umupo nalang muna kayo dun ma'am habang naghihintay kayo." Sabi ng babae at bago pa siya umalis ay nagtatakang tumitingin sa paligid ko. Napatingin ako kay Loresta at ngumiti lang siya sa akin.
Umupo naman ako sa bakanteng upuan at tumingin sa paligid.
"Alis muna ako." Napatingin ako ng bigla nagsalita si Loresta.
"T-Teka, sasama nalang ako." Umiling siya at lumingon dun sa counter.
"Hintayin mo nalang iyon. Babalik ako." Aniya at bago ko pa siya pigilan ay agad na siyang umalis at nawala sa paningin ko.
Napasandal ako at napabuntong hininga. Tumingin ulit ako sa kung saan umalis si Loresta. What if kung siya nga talaga si Fil? Ano naman sayo Sheraal? Pero bakit siya pumupunta sa bahay ko? I mean anong kailangan niya? Atsaka bakit pareho sila ng pangalan ng kapatid niya?
Napahilot nalang ako at sumandal. Ang dami kong tanong pero ni isa doon ay wala akong nakuhang sagot. Napailing nalang ako. Stay out of it Sheraal. Sundin mo nalang yung utos ng tiyuhin mo.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at hindi pa dumarating si Loresta, Saan ba nagpunta ang lalakeng yun? Hindi ba't sasamahan niya dapat ako dito? Bakit niya ako iniwan dito? Letse lang ah. Siya pa ang nagdala sa akin dito tapos siya pa ang mang iiwan. Grabe. Tsk.
"Ma'am." Bigla ako napatingin sa babae at napatayo.
"Hmm? Meroon ba?" Tumango naman ito at binigay sa akin ang folder.
"Iyan po ang original copy ng NSO birth certificate ni Fil Loresta, kaya't bawal po na irequest yan lalo na't pinsan ka lang po niya." Habang nagsasalita ang babae ay hindi ko mapigilan buklatin ang pahina at natigilan ako na bumungad sa akin ang cute size picture ni Loresta.
Loresta, Gregorio Fil
Napatingin nalang ako sa kawalan, Iyan pala ang boung pangalan niya huh? Pinagpatuloy ko ang pagscanning ko sa impormasyon ni Loresta.
Napakunot noo ako na makitang may kapatid siya. I mean, panganay siya. Napakurap ako. So totoo nga sinasabi niya? Siya talaga si Fil Loresta? Pero Sheraal, siya nga!
Ibinalik ko naman ang birth certificate ni Loresta at nagpasalamat sa babae. Umalis na ako roon at hindi na hinintay pa si Loresta.
So ano na? Ano naman ngayon kung kapangalan niya kapatid niya? O baka naman adopted... Siya? Napakunot ako. Hindi naman pwede na adopted siya kasi wala naman doon nakasulat na ampon siya. Napapikit ako. Aish! Ano ba Sheraal?! Pakialam mo ba? Okay, totoo na mga sinasabi niya pero ano naman sayo?! Haaays!
Dederetso sana ako sa kotse ko ng makita ang lalakeng nagtitinda ng leche flan. Bigla nanubig ang bagang ko at tinahak ang direksyon sa nagtitinda.
"Magkano po?" Tanong ko kay Manong.
"Ahh diyes lang po ang isa ma'am" Tumango naman ako at kinuha ang wallet ko sa sling bag ko.
"Kukuha ako ng sampu." Sabi ko kay manong habang kinukuha ko ang wallet ko.
"100 po lahat ma'am" Tumango ako at ilalabas ko sana ang barya kong 100 ng may umagaw sa wallet ko.
Bigla nanlaki ang mata ko at napatingin sa lalake.
"H-Huy! Magnanakaw!" Sigaw ko sa lalakeng tumatakbo palayo sa akin.
Bigla nagsitingan ang mga tao at nataranta.
"Magnanakaw! Magnanakaw! f**k! Ninakaw ang wallet ko!" Naghihisterikal kong sigaw at sinundan ang lalakeng yun.
Bwisit naman oh! Hindi pwede yun mawala! Andun yung mga credits at ATM cards ko! Punyeta talaga! Mahuli ko lang yung lalakeng yun ibubulok ko sa kulungan bwiset!!
Nawalan agad ako ng lakas na makaramdam ako ng pagod. Hinihingal akong tumigil sa pagtakbo at napatingin sa mga pulis na patungo palang sa akin.
"M-Ms. Lerdon?" Nanlalaki ang mga mata ng pulis kaya mas lalo ako nainis.
"Habulin niyo ang magnanakaw mga ta—damn!" Sigaw ko at napapadyak sa sobrang inis. Tumango tango naman ang mga pulis at hinabol ang magnanakaw.
Letse talaga eh! Ang tanga tanga mo rin Sheraal! Bakit ka ba nagdadala ng mga mahahalaga? Fck, Hindi ka rin nag iisip eh!
"S-Sheraal! Anong nangyayare?!" Bigla ako napatingin kay Loresta at nanlisik nalang bigla ang mata ko.
"Kung sabihin ko kung anong nangyare may magagawa ka?!" Natigilan siya at napatingin sa iba.
Tumingin ako sa paligid at napakurap ako ng pinagtitinginan nila ako. Napailing nalang ako at nagwalk out patungo sa kotse ko.
"Ano ba talaga nangyare Sheraal?" Nag aalalang tanong ni Loresta.
"Ninakaw ang wallet ko! Punyeta! May maitutulong ka ba ah?!" Hindi ko mapigilan mapamura kay Loresta kaya't napailing ito.
"Iyon naman pala eh." Aniya at umalis sa harap ko.
"Anong iyon lang pala?! Letse ang yabang mo ah!" Inis na bulalas ko sabay lingon pero napatikom ako ng wala na siya. f**k, where did he go again?!
Pumasok nalang ako sa kotse at inuntog ang ulo ko sa manibela. Punong puno ng frustration ang utak ko ngayon. Ayaw na ayaw ko pa naman magnanakaw, bwisit talaga!
Ibubulok ko talaga ang lalakeng yun sa kulungan, Aish! Hold your temper Sheraal. Sa liit ba ng centro na to imposibleng hindi mahahanap ang magnanakaw na iyon. Napailing nalang ako at hinayaang kinalma ang sarili ko sa loob ng kotse.
______
Updated
Dahil Halloween ngayon, mag uupdate ako. Yeeeeey ↖(^ω^)↗ Anyways, Rest in piece sa mga taong wala na sa mundo. Condolence.