#TGP 7

1245 Words
#TGP ___________ Nagmamaneho ako sa ngayon habang tahimik ang kasama ko ngayon. Naparoll eyes nalang ako. "Oh ano? May nagawa ka ba?" Tanong ko rito pero ang loko hindi nagsasalita. "Wala ka bang bibig?" Hindi ulit ito nagsalita at nakatingin lang sa labas. "Bahala ka dyan." Inis na ani ko at tinoun ang atensyon ko sa kalsada. Nakakainis lang kasi hindi pa sa akin naibabalik ang wallet ko. Aish! Sayang yun eh. Alangan magpapadala ako ng pera? Nakakainis talaga. "Ano? Kamusta ang pagtuklas mo sa akin? Naniniwala ka na bang ako si Fil?" Napatingin ako rito ng bigla ito magsalita. "Oo na. Wala naman ako magagawa diba? Nakasulat na run." Walang ganang ani ko. "Hindi ka ba magtatanong?" Hindi ko agad napansin ang tanong ni Loresta ng magring ang phone ko. Nanlaki ang mata kong kinuha ang phone ko sa dash board at napaginhawa. Ang akala ko kasama ito sa ninakaw ng lalakeng yun! Wallet ang ninakaw sayo Sheraal. Boba. Napakunot noo ako ng unknown number ang tumatawag sa akin. "Sa mata ang kalsada." "Alam ko." Inis na ani ko. Tsaka sinagot ang tawag habang nagmamaneho. "Hello? Who's this?" Nakarinig naman ako ng buntong hininga. "She..." Bigla ako natigilan at napalunok. Kilalang kilala ko ang boses na ito. "Where did you get my number Ked?" Walang emosyong tanong ko. "She.. Please come back here—" Hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na ang tawag at hinagis ang phone ko sa dash board. "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Fil at sa kalsada. "Ikaw naman ngayon ang hindi nagsasalita. Tsk." Aniya, hindi ko siya pinansin at iniisip ang tawag na iyon. Did my brother give my number to him? Pero may tiwala naman ako sa kapatid ko. Mukhang papalit nanaman ako ng sim. Aish. Nakita ko nalang sarili ko na bumaba sa palengke upang bumili ng bulaklak at kandila. Iniligay ko sa likod ng kotse at pumasok ulit ako sa loob. Kahit papaano ay may natira akong pera kahit ninakaw ang lalakeng yun ang wallet ko. Letse talaga. "Anong binili mo?" "Pupunta tayo sa sementeryo." Sabi ko at sinumulan ko tumungo sa sementeryo. "Ahm.. Okay." Nakarating naman kami sa sementeryo at inaasahan kong marami ang tao ngayon dahil undas ngayon at hindi nga ako nagkakamali, sobrang daming tao. "Sa loob lang ako ng kotse mo." Napalingon ako kay Fil ngunit wala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga ako at tinungo ang lapida ng kapatid ni Fil. Hindi ba niya dadalawin ang kapatid niya? Napailing nalang ako. Ang lalakeng yun, undas pa naman ngayon. Inilagay ko sa gitna ang bulaklak at sinindahan na rin ang kandila. Ilang minuto ako doon nakatayo at naisipan na lang umalis. Pumasok ako sa kotse at natagpuan kong nakatitig sa labas si Fil. "Sigurado ka bang ayaw mong bisitahin ang kapatid mo?" Bigla ito napalingon at umiling. "Bahala ka, undas pa naman ngayon." Sabi ko at pinaandar ang sasakyan. "Sawa na yun sa mukha ko, lagi nalang kasi ako nasa sementeryo." Aniya. Hindi na ako nagsalita at binalot kami ng katahimikan. Nakarating agad kami sa bahay at ipinasok ko naman ang kotse ko bago bumaba. "Salamat sa pagdalaw sa kapatid ko." Bigla ito nagsalita kaya't tinanguhan ko nalang at naunang pumasok sa mansyon. "T-Teka Sheraal.." Tumigil ako at nilingon siya. "Ano?" Ipinikita naman nito ang wallet ko at binigay sa akin. "Ako yung nakahuli sa magnanakaw na iyon." Napatigalgal naman ako habang nakatitig sa wallet ko. "Wag kang mag aalala, hindi ko yan binawasan." Natatawang giit niya. Agad ko naman siya niyakap at bigla natuwa. Geeez. What I am doing? Pero hindi ko mapigilan maging masaya. He got my wallet. At nakokosensya ako ng bulyawan at minura ko siya kanina. "Salamat Fil, Salamat." Sinsiredad na ani ko at binitawan siya. Napansin kong napatulala ito at napatingin sa akin. "A-Ayos lang..." Aniya at ngumiti. "Halika na nga! Babawi ako sayo" Sabi ko sabay hila sakanya paloob. "Atsaka sorry pala kanina kasi nabulyawan kita." Natatawang ani ko at nabitawan ko siya habang tinitignan ko sa loob ang wallet ko. Walang bawas at kulang. "A-Aalis muna ako!" Napatingin naman ako kay Fil. "Huh?" "S-Sa labas lang ako." Aniya at bago pa ako magsalita ay umalis na siya. Napakunot noo ako. Anong problema ng lalakeng yun? Napakibit nalang ako at tinoun ang atensyon ko sa wallet ko habang papaakyat sa kwarto ko. Siguro hindi ko na kailangan magpadala ng pera sa kapatid ko. Nahuli na ni Fil ang magnanakaw kaya sobra ang pasasalamat ko sakanya. ________ Third person's POV Habang tuwang tuwa ang dalaga dahil nakuha nito ang pitaka niya ay lingid sa kaalaman niya na pinagmamasdan siya ng binata sa labas ng kanilang bahay. Nakaawang kasi ang pintuan kaya kitang kita ang dalaga. Napahawak si Fil sa kanyang bandang dibdib at pinakiramdam nito kung bakit malakas ang t***k ng puso niya. Lalo na at nagsimula ito noong niyakap siya ng dalaga. Hindi ito pwede... Napailing ang binata at pumasok sa mansyon. Hindi dapat niya pagtuonan ang nararamdaman niya dahil imposible ito para makaramdam siya ng ganito lalo na at dahil ito sa dalaga. "Oh Loresta." Napaismid naman ang binata sa tawag nito sakanya. Kani-kanina lang ay tinawag siya sa pangalan niya at ngayon naman ay sa apelyido nito. "Ayos ka lang?" Bigla nagulat ang binata ng bumungad sakanya ang malapitan ang mukha ng dalaga. "O-Oo ayos lang ako." Aniya at hindi makatingin sa dalaga. Pilit niyang kumalma pero natatakot siyang baka marinig ng dalaga ang lakas ng t***k ng puso niya. "Mukhang namumula ka eh. Ayos ka lang talaga?" Nanlaki naman ang mata ng binata at napahawak sa pisnge niya. Hindi niya alam kung namumula ba siya o ano. Wala siyang maramdaman na init kundi malamig. "Oo nga! A-Ayos lang ako." Inis na ani ng binata para maiwasan nito ang pagtatanong ng dalaga. Napakibit balikat ang dalaga at tumungo sa kusina. "Kakain ako! Ayaw mo kumain?" Sigaw nito habang patungo sa kusina. "Kumain na ako kanina." Sabi ng binata para sapat na marinig ng dalaga. Hindi na sumagot ang dalaga at pumasok na sa kusina nila. Napasandal ang binata at napatingin sa kamay niya. Bakit ako kinakabahan? Tanong nito sa sarili niya. Napapikit ito at kinalma ang sarili nito. Pero kahit anong gawin niya ay malakas pa rin ang t***k ng puso niya. Anong ginawa mo sa akin Sheraal? Tanong nito ulit sa sarili niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya para matanggal ang t***k ng puso niya. Hindi ito pwede... Hindi pwede makaramdam ako nito... Patay na ako. "Loresta! Ayos ka lang talaga? Gusto mo ipadala kita sa hospital?" Napamulat siya at napamaang siya ng sobrang lapit ng mukha nila o sa imahinasyon lang niya na malapitan talaga ang mukha nila? "Namumula ka talaga Loresta! May nakain ka ba? Baka allergy yan!" Bigla rumihistro sa mukha ng dalaga ang takot at pag aalala. Muli nanaman bumilis ang t***k ng puso niya at umayos ng upo. "Sheraal.. " Sambit niya sa dalaga. Tumalima ang dalaga at umupo sa harap nito tsaka hinawakan ang mukha ng binata. "Ano? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ng dalaga. Hinawakan naman ng binata ang kamay nito at mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya. "Natatae ata a-ako..." Anito at tinanggal ang kamay ng dalaga sa mukha niya. "A-Ano?" "Natatae sabi ko." Giit niya at umalis sa harap ng dalaga. "Saan dito ang CR niyo?" Tanong niya at napapangiwi na tinuro ng dalaga ang patungong bathroom nila. Dumeretso agad siya sa bathroom at agad na pumasok. Nasabi lang niya iyon dahil gusto niyang iwasan ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Napahilamos ito sa boung mukha niya at napatingin sa salamin. Bigla pinunit ang puso niya ng makita ang sarili nito sa salamin. Wala siyang nakikitang sarili niya sa repleksyon niya. Wala kundi ang tiles ng nasa likod niya. Iniwas niya ang tingin niya sa salamin at napasandal. Patay na ako pero bakit may tumitibok na puso sa dibdib ko? ____________ A/N: You may now read this! Enjoy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD