#TGP 8

1394 Words
#TGP ________ Kumakain ako mag isa rito habang napapaisip kung anong nangyare sa kumag na iyon. Hay naku, ano ba ang nakain niya at napatae siya? Ayan tuloy ang tagal lumabas. Bahala siya. "Sheraal..." Napatingala ako at nakita ko siya. "Mabuti hindi ka nangamoy." Umupo ito sa harap ko at hahawakan sana ang kamay ko na iniwas ko ito. "Naghugas ka ba? Baka may natitira pang tae dyan sa mga gilagid ng kuko mo!" Nandidiring ani ko. Tumawa lang ito at umiling. "Hindi marumi ang kamay ko. Naghugas naman ako." Nakanguso siya at agad na hinablot ang kamay ko. "A-Anong gagawin mo?" Kinabahan ako ng hinalikan niya ito. Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko at napanganga sa ginawa niya. "Hindi ko alam kung bakit ang bango ng kamay mo ngunit gustong gusto ko itong amuyin." Aniya habang mukhang asong ulol na inaamoy ang kamay ko. "Ano ba! Mukha kang tanga!" Sabi ko at hinablot ang kamay ko. Natigilan siya at nakatitig lang siya sa akin. Kinuha ko ang cup noodles na kalahati lang nakain ko at tumayo. "Saan ka pupunta?" Napakunot noo ako. "Tatapon saan pa ba?" Mataray na sabi ko sakanya. Nagulat naman ako ng tumayo rin siya at hinablot sa akin ang cup noodles. "Ako na ang tatapon." Mahinahon na aniya at tumungo sa trash can. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siya palapit sa akin. "Bakit mo iyon ginawa?" Kunot noong tanong ko sakanya. "Akala ko ba babawi ka sa akin?" Ibinalik niya ang tanong ko kaya napaiwas ako. "Babawi nga..." Mahinang sambit ko. Ngumiti siya sa akin at lumapit pa lalo sa akin dahilan para kumunot noo ako. "Ano na naman ang ginagawa mo?" "Sabi mo babawi ka, kaya halikan mo ako." Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. A-Ano daw? "A-Ako ba ang pinagloloko mo?!" Sigaw ko pero ramdam ko ang paginit ng magkabilang pisnge ko. Ano ba Sheraal! "Hindi kita niloloko, Halikan mo ako at iyon ang gusto ko para makabawi ka." Aniya pa at inilapit sa akin ang malagwapong mukha niya. "B-Bakit.." Bigla kinapos ang hininga ko habang seryoso siyang nakatitig sa akin. "Gustong gusto ko halikan ang mga labi mo simula ng makita kita." Aniya at bumaba ang tingin niya sa labi ko. "L-Loresta—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya ako siniil ng halik at kinabig upang mapalapit ang mukha ko sakanya. Napapikit ako habang hinahalikan niya ako kasabay ang pagtibok ng puso ko. Para itong hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis! Hindi ko namalayan ay napatugon ako sa mga binibigay niyang halik at tumataas ang kamay ko upang abutin ang mga malalambot niyang buhok. Bigla ako nakaramdam ng kiliti ng hinagod niya ang likod ko na tila gusto niya akong angkinin ngayon mismo. "L-Loresta.." Hindi ko mapigilan ang impit na ungol mula sa akin. "Tawagin mo akong Fil, Sheraal.." Aniya at kinagat ang labi ko. Bakit parang mas dumami pa ang mga kiliti sa tiyan ko? Ano ba itong nararamdaman ko? O baka natatae na rin ako? "F-Fil.. " Tumigil ito ng marinig niya ang pangalan niya. Naramdaman kong siniil pa niya ako ng halik bago bumitaw. "P-Pasensya ka na sa ginawa ko. P-Pero hindi ko pinagsisihan." Sabi nito habang mataman siya nakatitig sa akin bago niya ako talikuran. Naiwan ako rito na nakatigalgal habang sinusundan ng tingin si Fil palabas ng bahay ko. A-Anong nangyare? Naghalikan ba kami ni Fil? Oh my.. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon at napaupo ako sa mga silya. Napakapit ako sa lamesa at pilit na pinapakalma ang sarili. Bakit niya iyon ginawa?! H-Hindi ba siya nahiya sa akin? Napapikit ako at mas lalo kong naramdaman ang init na bumabalot sa boung mukha ko. Kahit imposibleng sabihin ito pero pakiramdam ko nakalapat pa rin ang mga labi namin sa isa't isa! Kumuha agad ako ng malamig na tubig at nilagok iyon at paulit ulit hanggang sa kumalma na ako. Ang bilis kasi ng t***k ng puso ko kanina eh. Pakiramdam ko parang may hinigop siya mula sa katawan ko. And why did you let him to kiss you huh? Hindi ko rin alam. Siguro hindi ako nakapalag dahil may utang na loob ako sakanya pero bakit tumugon ako kanina? My god Sheraal! You kissed a guy! Your f*****g first kiss! Napasandal na lamang ako at napatitig sa kawalan. Pero gaya ng sabi niya, wala akong maramdaman na pagsisisi. _________ Hindi na muli bumalik si Fil simula na mangyari ang kaninang umaga. Sa halip na iinom ko iyon ay tinulog ko nalang hanggang sa magising ako at ngayon walang bakas ni Fil ang naririto. Napatingin ako sa orasan at mag aalas otso na pala. Bumangon naman ako at bumaba para kumain na rin. Niluto ko ang hotdog na binili ko at nagsain ng kanin. Kahit papaano ay medyo marunong ako magsain ng kanin. Naghintay ako ng ilang oras at mukhang mamatay na ata ako sa sobrang pagkabored ko. Hinintay ko rin na sumulpot si Fil sa kung saan pero wala. Mabuti na iyon kesa naman magpakita siya sa akin na hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang halik na naibigay niya sa akin. Finally! Natapos ang sain ko at sumandok na ako ng kanin at binalikan ang hotdog ko na kanina pa luto. Aish. Nilamig tuloy, pero kinain ko pa rin hanggang sa nabusog ako. Bigla ko naalala si Fil kaya tinira ko siya ng pagkain at tinabi sa lamesa. Dumeresto ako sa rooftop ng bahay namin sa gayon para makalanghap ako ng sariwang hangin. Siguro nga dahil noon pa man ay sa rooftop ko natatagpuan ang sarili ko na nagsosolo at nag iisip ng malalim para kumalma na rin. Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin ang malakas na saboy ng hangin. Ito yung masarap sa pakiramdam eh, Hindi iyon kanina. Naglakad ako patungo sa unahan ngunit nanigas ako ng makita ang malapad na likod ni Fil na nakatalikod sa akin. Pero mukha atang nakaramdam siya kaya pumihit siya paharap sa akin. "Sheraal..." Nagtama ang mata namin at mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko. Sa halip na ito ang lugar na magpapakalma sa akin ay andito rin ang lalakeng to kung saan hindi ata mangyayare ang hiling ko. "A-Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti lang siya at umaktong nag iisip. "Dahil wala akong mapuntahan." Aniya. Kumunot noo naman ako. "W-Wala ka bang pamilya?" Sa tanong kong iyon ay bigla nawala ang ngiti niya at tinalikuran ako at napansin kong pinagmasdan niya ang mga bituin sa langit. "Ang sarap siguro maging bituin." Hindi niya pinansin ang tanong ko at nakatingala lang sa langit. "P-Papaano mo nalaman na may rooftop dito?" Tanong ko nalang sakanya at lumapit. "Nakita ko lang at dumaan." Aniya at nakatitig sa bituin. Napabuntong hininga ako at nagsalita. "Pero bakit mo ako hinalikan kanina?" Napapikit ako sa tanong ko. What the hell Sheraal? Pero may karapatan naman ako magtanong diba? Dahil first kiss ko iyon. Nakatitig siya ngayon sa akin at ngumisi siya. "Bakit? Magaling ba ako humalik?" Aniya at tumaas baba pa ang kilay niya. Napairap ako at hindi makapaniwalang tinignan siya. "May kayabangan ka talaga!" Inismidan ko siya at tumingin sa langit. Pero ramdam ko pa rin ang mga titig niya. "Siguro kung hindi ata kita nakita baka wala na direksyon ang buhay ko." Aniya. Ramdam ko ang tambol ng puso ko at napatingin sa kanya. "Saan ba kasi ang pamilya mo? Bakit hindi ka umuwi sainyo?" Nagtatakang tanong ko. Umiwas lang siya ng tingin at huminga ng malalim. "Wala na akong pamilya Sheraal.." Malungkot na sabi niya. "Anong nangyare?" "H-Hindi ko alam..." Napabuntong hininga ako at tahimik nalang pinagmasdan ang mga bituin. "Eh ikaw Sheraal? Bakit andito ka sa probinsya?" Bigla ko naalala ang mga nangyare sa akin sa manila. Ang pangagago sa akin ni Ked at ang pagiging tanga ko na rin. "Ulila na ako, kapatid ko nalang natira." Hindi ko alam kung anong tuno ang boses ko ngayon pero nakakasiguro ako na wala itong emosyon. "Hindi ko naman tinatanong kung may pamilya ka na ba o wala pero dahil sa sagot mo naging panatag na ako." Napakunot noo ako. "What do you mean?" "Akala ko kasi may kasintahan ka na o asawa pero nagpapasalamat ako na wala ka pang nag iisang dibdib." Aniya. Mas lalo ako napakunot noo. Kailan pa ito naging makata? "Anong akala mo sa akin? Mukhang matanda na?" Tumawa ito at umiling. "Hahaha hindi, ang akala ko kasi may kasintahan ka na dahil sino hindi mag aakalang wala ka pa? Sa taglay ba ng ganda at alindog mo ay paniguradong may katali ka na." Mahabang paliwanag niya. Napailing ako at naisip ko bigla si Ked. "Hindi pa ako handa riyan." Halakhak ko pero hindi matanggal sa isip ko si Ked. Siguro kung hindi niya ako niloko baka may pamilya na kami ngayon? Kasal na ata kami ngayon. _________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD