Kabanata I

2272 Words
Kabanata 01     “Narito po tayo ngayon sa lugar kung saan nagaganap ang isang hostage-taking nang isang ama sa kaniyang asawa at anak. Kanina pa siya pinakikiusapan ng mga pulis pero hindi siya nakikinig at humihingi pa ng demand sa kapulisan at kung hindi gagawin ng kapulisan ang hinihingi niya ay pinagbantaan niyang papatayin niya ang kaniyang mag-ina.”   Nakiki-usosyo at nagsisiksakan ang mga tao sa isang lugar sa kanilang barangay kung saan may nagaganap na hostage-taking, marami na din ang kapulisan ang rumesponde pero nahihirapan silang pakiusapan ang lalaking ginagamit ang kaniyang asawa at anak upang hindi ito mahuli. Ang lalaki ay kasama sa mga itinuturong gumagamit ng shabu at m*******a sa lugar nila at ng matunugan nito ang raid sa lugar nila ay sariling asawa at anak ang ginagamit niyang panakot sa mga kapulisan. May mga taga media na din ang mga nagko-coverage ng nangyayaring pangho-hostage.   Mabilis na takbo ang ginawa ni SPO3 Joseph Gonzaga palapit kay Lu na nakaupo sa front bumper ng kaniyang kotse habang nakatanaw sa lalaking sakal-sakal ang umiiyak nitong asawa at ang umiiyak nitong anak na nakayakap sa ina nito.   “Captain matigas talaga ang ulo ng lalaking hostage ang mag-ina niya, mukhang tototohanin niya ang pagpatay sa kaniyang mag-ina pag hindi natin nabigay ang hinihingi niya.”pagbibigay balita nito kay Lu na ikinabuntong hininga nitong ikinatayo nito sa kaniyang pagkaka-upo.   “Anong gagawin natin Captain? Kahit kay Sgt. Paterno hindi mapakiusapan ang hostage taker. ”tanong ni SPO3 Gonzaga sa kaniya.   “Tell to Sgt. Paterno to continue talking to that man, dapat ituon nito ang atensyon nito sa kaniya hanggat maari.”biling utos  ni Lunova na ikinakunot ng noo ni SPO3 Gonzaga   “Bakit Captain? Anong gagawin mo?”   “Lalapitan ko siya sa hindi niya inaasahang pagkakataon.”sagot ni Lunova na hinubad ang leather jacket niya at inabot sa naguguluhan niyang kasama.   “Ingatan mo ang jacket na ‘yan, sapilitang regalo pa sa akin ‘yan ni Valenzuela.”sambit na bilin ni Lunova bago nagsimula nang maglakad na ikinasunod ng tingin ni SPO3 Gonzaga sa kaniya.   Umikot ng daan si Lu at upang hindi siya mapansin ng hostage taker ay nakita niya ang isang eskinta na pwede niyang akyatin. Wala ng inaksayang oras si Lu at pagkaliko niya sa eskinita ay agad siyang umakyat sa isang bahay papunta sa bubungan nito. Maingat siyang naglakad sa bubungan at siniguro niya na hindi siya mapapansin ng mga tao upang hindi makatugon ang hostage taker sa pagkilos na ginagawa niya. Maingat na tinatawid ni Lu ang mga bubungan ng bahay papalapit sa bahay na kinalalagyan ng hostage taker at ng mag-ina nito na ginagamit nito upang hindi mahuli ng mga kapulisan.   At habang papalapit siya ay naririnig niya ang pagde-demand ng hostage taker sa mga kapulisan na patuloy na kinakausap ni Sgt. Paterno.   “Hindi ka ba naawa sa mag-ina mo? Sa anak mo? Natatakot na sila sa ginagawa mo?”pahayag ni Sgt. Paterno sa hostage taker na nanginginig na itinutok ang hawak niyang kutsilyo sa bandang leeg ng kaniyang asawa.     “Bakit ako maawa sa kanila ha?! May balak din naman silang iwan ako! Kaya kung hindi niyo pa ibibigay ang hinihinga ko talagang papatayin ko ang dalawang ‘to?!”desperadong sigaw nito sa mga kapulisan.   “Ruben maawa ka sa amin ng anak mo parang awa mo na.”umiiyak na pakiusap ng asawa nito na napaupo ng higpitan nito ang pagkakasakal sa leeg niya.   “Manahimik ka?! Pagpinakawalan ko kayo huhulihin ako ng mga pulis na ‘yan at paghinuli nila ako papatayin din nila ako!”galit na bulyaw nito sa kaniyang asawa.   “Hindi namin gagawin ‘yun, kung pakakawalan mo ang mga-ina mo matutulungan ka namin sa kaso mo. Pwede kang magpa rehab para makapasimula kang mul---“     “Hindi?! Hindi niyo mabibilog ang ulo ko, kayong mga kapulisan kayo! Sinasabi niyo lang na tutulungan niyo ko pero papatayin niyo lang ako?!”sigaw nito sa mga kapulisan na palihim na sinilip kung nasaan na si Lu matapos ibulong sa kaniya ni SPO3 ang plano nito.   Nakita niya na malapit na ito sa bahay nang hostage-taker, ibinalik na agad ni Sgt. Paterno ang atensyon niya sa lalaki upang hindi ito makahalata at patuloy itong kinausap.   “Gagawin namin ang gusto basta pakawalan mo lang ang mag-ina mo.”mahinahong pakiusap nito na nababaliw na ikinatawa nito.   “Ano ako tanga? Bakit ko bibitawan ang mag-ina na ‘to edi binaril niyo ko? Gawin niyo nalang ang gusto ko, ibigay niyo nalang ang kotse at perang hinihingi ko kung gusto niyong mabuhay pa ang mag-ina na ito?!”sigaw na pagmamatigas nito na alam ng sarhento na kahit anong usap ay hindi ito makikinig sa kanila at para mabigyan ng time si Lu sa balak nito ay magkukunwaring sasang-ayon na ito sa gusto nito.   “Sige, ibibigay na namin ang gusto mo basta huwag mo lang sasaktan ang mag-ina mo.”sambit ni Sgt. Paterno na tumawag ng isang pulis at pinakuha dito ang kailangan ng hostage taker.   Dahan-dahan at maingat naman si Lu sa kaniyang ginagawa, alam niyang malapit na siya sa bahay na kinalalagyan ng hostage taker dahil sa mga boses ng mga ito. Nang makatuntong na siya sa bubungan ng bahay na kinalalagyan ng suspek ay dahan-dahan niyang sinilip ang ibabang bahagi nito na ikinasinghap ng mga taong nakakita sa kaniya na hindi nahalata ng suspek. Unti-unting sinilip ni Lu ang suspek na ayaw talagang pakawalan ang kaniyang mag-ina, kinuha ni Lu ang baril niya sa kaniyang tagiliran at dahil hindi naman kataasan ang bubong ng bahay na kinalalagyan niya ay agad siyang tumalon mula sa bubong papuntang likuran ng suspek na bahagya nitong ikinatigil ng maramdaman siya nito na akmang kikilos sa kinatatayuan niya ng mabilis na tutukan ni Lu ang likurang ulunan nito.   “Move and I’ll blow our head.”pahayag na banta ni Lu na hindi ikinatuloy ng suspek sa gagawin nito.   “S-sino ka? Papatayin ko ang mag-ina na ito pag hindi ka umalis sa likuran ko!”banta namang sigaw nito na rinig ni Lu na ikina-iyak ng bata ng sabunutan ng isang kamay nito ang buhok ng anak nito habang nasa isang kamay niya ang kutsilyo na sakal sakal ang asawa.   “Uunahin ko ang batang ‘to pag hindi ka umalis sa likuran ko!”banta pa nito na ikinangisi ni Lu.   “Don’t order me around you asshole, sa tingin mo. Anong mabilis makamatay, ang hawak mong kutsilyo o ang baril ko? Tarantado ka, pati mag-ina mo ginagawa mong panangga para hindi ka namin mahuli. Anong klase kanga ama at asawa? Damn, If you won’t set free your wife and your son kakalat ang utak mo sa kinatatayuan mo. Don’t try me.”seryosong pahayag ni Lu na ikinakasa niya sa baril niya.   “A-ak-akala mo ba natatak---“   “Isa…”   “Bakit hindi niyo nalang kasi ako hayaang makatakas!!”   “Dalawa…”   “Hindi ko naman gusto ‘to eh, nahumaling lang talaga ako sa droga.”palahaw na sambit ng lalaki na ikinalapat ng nguso ng baril ni Lu sa ulunan ng suspek na ikinatigil nito.   “Huwag mong hayaan na makatatlo ako ng bilang sayo, may mahaba akong pasensya pero baka maputol sayo kung hindi mo pa pakakawalan ang mag-ina mo. Don’t be stubborn here if you don’t want me to pull the f*****g trigger.”pahayag ni Lu na kita niyang dahan-dahang binitawan nito ang anak nito na umiiyak at mabilis na yumukap sa hita ng ina nito.   Unti-unti narin nitong binibitawan ang asawa nito at ng hindi na nakahawak ang suspek sa asawa nito ay mabilis na binuhat ng ina ang anak nito at patakbong lumayo sa dalawa na agad dinaluhan ng mga pulis.   Itinaas naman ng suspek ang dalawa niyang kamay kasabay ng pagbitaw nito sa kutsilyong hawak nito.   “Parang awa mo na boss, ayokong makulong, ayoko ding mamatay.”pagmamakaawa nito na ikinababa ng baril ni Lu pero agad niya din itong hinawakan sa balikat nito at pinaharap sa kaniya at agad niyang isinalubong dito ang malakas niyang suntok sa mukha nito na ikinatumba nito sa lupa na agad ikinalapit ng mga pulis upang hawakan ito at hindi na makatakas.   “Gago! Ayaw mo palang makulong pero hindi ka nagpakatino, tangna dinamay mo pa ang mag-ina mo?! Anong klase kang ama na gago ka ha?!”galit na bulyaw ni Lu na ikinalapit ng mga team niya sa kaniya upang pakalmahin siya.   Agad na pinosasan ng mga pulis ang lalaki, lumapit naman ang sarhento kay Lu at yumuko dito.   “Lieutenant General Santos, kami na pong bahala sa kaniya.”sambit nito na ikinabuga ng hangin ni Lu upang ikalma ang sarili.   “Susunod ako sa presinto, let’s make sure na mabubulok sa kulungan ang walang kwentang tao na ‘yan.”seryosong pahayag ni Lu na ikinasaludo ng sarhento sa kaniya na ikinatango niya nalang.   Agad ng dinala ng mga pulis ang lalaki sa patrol na dala nila upang madala na ito sa presinto habang pinagtitinginan ng mga usisero’t usisera ang suspek na nahuli ng mga pulis at pilit na kinukuha ng mga taga media ang statement suspek na pilit hinaharang ng mga pulis.   “Iba ka talaga Captain, para kang si Spiderman sa ginawa mo.”bilib na pahayag ni SPO3 Gonzaga kay Lu na inabot ang leather jacket ni Lu na kinuha nito at isinuot uli.   “It’s good that the suspect is dense so he didn’t notice you Captain.”sambit naman ni SPO2 Yvo Quinn   “Congrats Captain, mukhang aabot na naman sa taas ang ginawa mo. Baka another promotion ‘yan.”ngiting hangang sambit naman ni SPO5 Lukas Baquiran kay Lu na siya namang ikinatulak ni SPO1 Monday Endozo kay SPO5 Lukas na hindi makapaniwala ikinatingin nito sa kasamahan niya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ni Lu.   “Mataas-taas din ang tinalon mo Captain, okay lang ba ang mga binti mo?”tanong nito na mapanuring tiningnan ng mga kasama niya maliban kay Yvo na napangiti nalang.   “I’m good Endozo, let’s follow the patrol.”sagot na pahayag ni Lu nang biglang tumunog ang cp niya na agad niyang kinuha sa bulsa niya at makitang si ToV ang tumatawag.   “Mauna na kayong sumunod kay Sgt. Paterno, susunod ako.”utos ni Lu na ikinatango ng mga kasama niya bago siya iwan ng mga ito.   Nang wala na ang team niya ay sinagot niya na ang tawag ni ToV na kahit papaano ay ikinapagpasalamat ni Lu na ngayon ito tumawag at hindi kung kailan may trabaho siya.   “What?”   (Mr. Lieutenant General Lunova Santos, baka nakakalimutan mong ngayon ang punta natin sa Knight’s Mansion para magsukat ng susuotin natin sa kasal ni LAY at ng kaniyang Athena.)   Bahagyang natigilan si Lu sa itinawag ni ToV sa kaniya, aaminin niyang nakalimutan niya ang dapat na gagawin niya ngayon dahil inuukopa ng trabaho niya ang tungkol sa plano nila ngayon. ‘Yun ang ginagawa niya upang mabilis siyang maka move on dahil ang babaeng papakasalan ng kaibigan niya ay ang una babaeng minahal niya.   (Don’t tell me you forget that matter Santos? Alam kong bitter ka parin hanggang ngayon pero huwag mong sabihin na hindi ka aattend sa kasal ni LAY dahil nasasak---)   “Shut up Valenzuela, kakatapos lang ng trabaho ko. Hindi ba pwedeng tinapos ko lang ‘to bago ako magpunta kina Yvanov. Just f*****g zip your mouth, I’m f*****g coming.”singhal na putol ni Lu kay ToV na tinawanan lang siya sa kabilang linya.   (I was just teasing you dude, napaghahalataan ka. But seriously, saludo ako sayo. Malayong-malayo ka kay Mondragon I noon, pinaglaban mo si Athena pero tinanggap mo at the end na si LAY talaga ang nararapat kay Athena. Isa pa, ikaw pa talaga ang sumundo kay Athena para dalhin pabalik sa ating kamahalan.)   “I’m f*****g coming okay, ang dami mong sinasabi Valenzuela.”sitang singhal ni Lu na hindi niya na hinintay na magsalita pa ito at pinagpatayan na niya ito.   Hindi napigilan ni Lu na mapabuntong hininga sa kinatatayuan niya at magpamewang. He accepted that Athena is happy with LAY, he knew that Athena and LAY was in love with each other pero hindi parin niya mapigilang hindi maapektuhan pero pinipilit niya na iyong alisin sa Sistema niya. Ang importante kay Lu ay masaya ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.   “Now I clearly understand the feelings of having this f*****g unrequited love like Mondragon I before.”naiiling na ngising pahayag ni Lu na nagsend ng message sa team niya na ito muna ang tumingin sa kaso ng hostage taker na nahuli nila ngayong araw.   Naglakad na si Lu papunta sa kotse niya at sumakay doon pero bago niya ‘yun paandarin ay kinuha ang cellphone niya at tinawagang muli si ToV na pinagpatayan niya lang kani-kanina.   (Ano? Pagkatapos mo kong pagpatayan ng tawag ko eh ikaw naman ang tatawag Santos? Don’t tell me tumawag ka dahil nakalimutan mo kong murahin?)   Salubong na pahayag ni ToV sa kaniya na pinaandar niya na ang makina ng kotse niya.   “May ipapademanda ako sayo Valenzuela.”sambit ni Lu bago nito paandarin ang kotse niya palayo sa lugar na ‘yun at iniwan ang naiwang mga pulis upang ayusin ang lugar na ‘yun.   (Sino naman Santos? Tangna wag mong sabihin si kupido?)   “I’ll pay you a f*****g hundred thousand penny just f*****g sue that little f*****g creature.”seryosong pahayag ni Lu kay ToV na hindi agad nakasagot sa sinabi niya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD