Ang Simula
Kalaliman ng gabi kung saan ingay lang ng kulilig at hampas ng hangin sa mga puno ang maririnig, dahan-dahan ang ang kilos na ginagawa ni Lu habang maingat na sumisilip sa mga pasilyo na daraanan niya. Bawat paligid niya ay sinusuri niya kung may kalaban na pwedeng makakita sa kaniya. Dahil ilang araw din siyang nanatili sa lugar na ‘yun ay nakabisado na siya ang bawat pasilyo ng lugar na kinalalagyan niya ngayon. Ito ang pangalawang beses na sinubukan ni Lunova na mag-ikot sa gitna ng gabi upang mag–imbestiga at hanapin ang pakay niya dahil nasisiguro siya na kung mas magtatagal pa siya ay baka mabuko na ang ginagawa niya.
Alam niyang may nag-iikot sa buong paligid, kaya maingat siya na hindi mapansin ng mga ito pag nagkataon.
(Naka ready na kami sir.)
Napahawak si Lunova sa kaniyang kanang tenga kung saan meron doong earpiece na nakalagay na dala-dala niya at maingat niyang itinago para sa oras ng plano niya.
“Good, we need to succeed this mission. Stand by and be careful, after an hour lalabas na kami.”mahinang bilin ni Lunova bago muling sumulip sa pinagtataguan niya at ng wala na ang tatlong kalaban na nababantay sa lugar na ‘yun ay mabilis ang kilos na lumipat ng pwesto si Lunova.
Inilabas niya ang dala niyang G19 na na nakatago sa likuran niya na maingat niya ding nadala sa misyon niya, dahan-dahan lang ang hakbang ni Lunova sa pasilyo na dinadaanan niya. Sa unang subok niya sa kaniyang misyon ay wala siyang nakitang clue dahil sa dami ng mga kwarto na meron ang buiding na kinalalagyan niya ay bigo niyang hindi nakikita ang pakay niya. Ngayon na sinusubok niya sa ikalawanag pagkakataon ay sisiguruhin ni Lu na ngayong gabi na makikita at makukuha niya na ang pakay niya sa lugar na ‘yun.
Natigilan sa paghakbang si Lunova ng makarinig siya ng mga nagtatawanan na palapit sa pwesto niya kaya agad siyang naghanap ng pwedeng taguan nang makita niya ang isang madilim na pasilyo sa kaliwang bahagi niya na mabilis niyang ikinatago sa dilim at sumandal sa pader habang hawak-hawak ang kaniyang baril.
Palapit ng palapit sa kinalalagyan niya ang mga tawanan ng maaninag niyang tumigil ang mga ito sa tapat ng madilim na pasilyo na pinagtataguan niya na dahan-dahang ikinahakbang paatras ni Lu palayo sa mga nagtatawanan ng bigla siyang matigilan at napahawak sa pader sa gilid niya ng muntik na siyang magtaob dahil sa natabig ng kaniyang paanan. Napakunot ang noo ni Lu na dahan-dahang lumingon sa kaniyang likuran at dahilmadilim ay wala siyang maaninag na kahit na ano. Sinubukang sipain ni Lunova ang natabig ng paa niya ng matigilan si Lu ng ma realize niyang matigas na bagay ang nasisipa niya na kasing tigas ng semento. Dahan-dahang umupo si Lu at kinakapa ang matigas na bagay na nasipa niya, nang muli siyang matigilan ng may makapa ulit siyang matigas na bagay katulad ng nasipa niya.
Dahan-dahang tumayo si Lu at inihakbang ang kaniyang kaliwang paa hanggang sa may matung-tungan siya, ang kanang paa naman niya ang itinaas niya at inihakbang pauna ng may naapakan na naman siya na bahagyang nagpa bend sa kanang tuhod niya.
“Hagdanan?!”mahinang bulaslas ni Lunova na kahit madilim ay pakapa-kapa niyang inaapakan ang bawat tread ng hagdanan at nag-iingat siya na huwag gumawa ng ingay lalo pa at naririnig parin niya ang mga tawanan.
Nakakailang hakbang na si Lu paakyat sa hagdanan ng maaniniga niya ang isang dim na ilaw na pinakadulo ng hagdanan kaya kahit papaano ay nakikita niya na ang hinahakbangan niya. Nang malapit na siya ay agad siyang napahinto at nagtago ng bahagya dahil sa isang bantay na nakaupo sa isang kahoy na upuan na sa tingin niya ay natutulog. Nang silipin ni Lu ay bantay ay humihilik pa ito habang yapos-yapos ang mahaba nitong baril nang idako ni Lu ang paningi niya sa isang kahoy na pintuan na ikinakunot ng noo ni Lunova kaya agad naman niyang hinawakan ang kanang tenga niya kung nasaan ang earpiece niya.
“I think I found what I’ve been looking for, mag-handa na kayo.”mahinang bilin ni Lunova bago dahan-dahang lumabas sa pinagtataguan niya at nilapitan ang humihilik na bantay.
“Sleeping in times of duty.”ngising kumento ni Lunova sa mahinang tinig bago tinapat niya sa may ulunan nito ang hawak niyang baril bago ito tinapik sa balikat.
Nang gumalaw ito ay naghanda si Lu na pabagsakin ito ng walang masaydon ingay pero hindi ito nagising at ibinaling lang sa kabilang dereksyon ang ulo ng mapansin ni Lu ang isang bote ng alak sa ibabang gilid ng upuan ng bantay na muli niyang ikinangisi.
“Natutulog ka na, naglasing ka pa sa oras ng duty mo, if you are a police officer baka naparusahan na kita. It’s good that you’re a f*****g hoodloom.”kumentong pahayag ni Lu na ibinaling naman ang tingin sa kahoy na pintuan at sinubukan itong buksan ng malaman niyang naka lock ito.
Agad na binalik ni Lunova ang tingin niya sa natutulog na bantay at hinanap ang susi ng pintuan ng makita niya itong nakasabit sa may gilid ng pantalon ng bantay na agad niyang kinuha. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad niyang binuksan ang pintuan.
Nang makapasok siya ay hindi niya maiwasang matigilan sa tumambad sa kaniyang harapan, sa loob ng kwartong pinasok niya ay pumapasok ang liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw ng kwartong iyon at natatamaan ng liwanang ng buwan ang isang babaeng nakataas na nakatali ang palapulsuhan sa magkabilang pader, may piring ang mga mata at nakasuot ng mahabang strapless na putting damit na nadudumihan na ang laylayan nito. Bahagya ding nakaangat ang talampakan nito sa sahig na tanging hinlalaki nalang ng dalawang paa nito ang nakadikit sa sahig habang ang mahabang buhok nito na hanggang binti ay hinahangin. Hindi maialis ni Lu ang tingin niya sa dalaga na sa tingin niya ay nahihirapan na sa kalagayan nito ng makita niyang dahan-dahan itong tumunghay at kahit nakapiring ay parang sa kaniya ito nakatingin.
“W-who are y-you? D-don’t c-come near to me, p-please…”pakiusap nito sa natatakot na tinig na kusang ikinakilos ng mga paa ni Lu pahakbang palapit sa nakataling dalaga.
“Don’t be scared, I’m here to save you.”assurance na sagot niya na hindi ikina-imik ng dalaga.