Kabanata II

2691 Words
Kabanata II Nang makarating si Lu sa compound ng Knight’s Mansion ay agad niyang ipinarada ang kaniyang kotse sa tabi ng isang motor na alam na alam niyang si Tad ang may ari. Nakita niya na rin ang mga sasakyan ng mga kaibigan niya kaya bumaba na siya sa kotse niya, nagsimula na siyang maglakad para pumasok sa Knight’s Mansion ng tumunog ang cellphone niya na agad niyang kinuha at sinagot ang tumatawag sa kaniya. “Hello?” (Captain, nasa interrogation room na ang suspek sa hostage taking kanina. Sure ka bang ibibigay na’tin ang isang ‘yun kay Sgt. Paterno?) “Yeah, hayain na natin sa kaniya ang suspek na ‘yan. Besides, hindi naman natin patrol ‘yun napadaan lang tayo kaya tumulong tayo sa kanila. Siguraduhin niyo lang na sa kulungan ang bagsak ng suspek na ‘yan.”pahayag na bilin ni Lu sa kausap niya habang naglalakad siya. Papalapit na siya sa Knight’s Mansion ng may makita siyang babae na pabalik-balik ang lakad sa may tapat ng pintuan na hindi niya napigilang ikangiti. (Susunod ka pa ba dito sa presinto nina Sgt. Paterno, Captain?) “No, may appointment ako with my friends ngayon. Ikaw muna ang bahala diyan Baquiran, tell to Endozo to go back in our precinct and gather some documents to our report that will be send in the director chief’s office.”pahayag na bilin ni Lu habang sa babaeng hindi mapakali nakatuon ang mga mata niya. Pagkatago niya sa cellphone niya at pagdating niya sa may pintuan ay tumigil siya di kalayuan sa babaeng minsan na niyang minahal at hanggang ngayon ay mahalaga parin ito sa kaniya. Maraming nagbago sa buhay ng dalaga at alam niyang nag aadjust pa ito pero mas nakita niyang naging masaya ito lalo na pag kasama nito si LAY. “Hindi magbubukas iyang pintuan kung lalakad ka lang ng lalakad diyan Joy.”agaw atensyong pahayag niya dito na ikinatigil nito sa paglalakad at napalingon sa kaniya. “Lulu!” mabilis siyang nilapitan ni Athena at malawak ang ngiting lumapit sa kaniya. Ang ngiting una niyang nasilayan dito noon na isa sa bumihag sa kaniya. Masaya kahit papaano si Lu dahil kahit alam ni Athena ang nararamdaman niya dito ay hindi siya iniwasan nito o umiwas sa kaniya. Hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya, kung paano siya pakitunguhan noon ng hindi pa nito nakikilala si LAY ay ganun parin siya pakitunguhan ni Athena. “Bakit hindi ka pumasok sa loob?”tanong ni Lu kay Athena na nahihiyang ngumiti sa kaniya. “Hindi kasi alam ni Achi na pupunta ako, hindi ko naman alam na narito pala lahat kayong mga kaibigan niya. Nakakahiya tuloy pumasok, baka makaistorbo ako.”ngiting paliwanag ni Athena kay Lu. “Hindi ka istorbo para kay Yvanov, alam mo ‘yun hindi ba? Isa pa, matutuwa ang isang ‘yun pag nakita ka niya. Next week na ang kasal niyo and for sure hindi kayo pwedeng magkita or magsama before the wedding, pabor kay kamahalan na pumunta ka dito.”sambit ni Lu na bahagyang ikinatawa ni Athena. “Yun nga ang inerereklamo niya sa akin kagabi nung tumawag siya sa akin, kaya nga naisipan kong pumunta dito. Wala naman siyang nabanggit sa akin na pupunta kayo dito sa kanila.” “Did you came here alone?”tanong ni Lu na ngiting ikina-iling ni Athena sa kaniya. “Actually Lulu may kasama ako pero hindi ko alam kung asan siya ngayon, ipinasama kasi sa akin ng kapatid ko ang guard niya to make sure daw na walang mangyayari sa akin.”sagot ni Athena na bahagyang ikinatingin ni Lu sa buong paligid pero wala siyang makitang sign ng guard ng kapatid ni Athena. “De Leon’s wife doesn’t want something bad happen to you again that will make you separate with her again.”pahayag na kumento ni Lu na matamis na ikinangiti ni Athena sa kaniya. “Wala na namang mangyayari sa akin na masama, besides Achi was in my side now kaya alam ko na hindi niya hahayaan na mapahamak ako. Pero naiintindihan ko naman ang kapatid ko, Felicity doesn’t want us to separate again at ayoko na din na magkahiwalay kami.” “I’m glad you’re happy now, you have now your little sister and Psyche returned to you after Yvanov’s family enemy used him as their one of their subordinate. May pamilya ka ng matatawag Joy, besides, Yvanov loves you and wants you to be his queen and you both are going to marry now.”pahayag na sambit ni Lunova na ngiting ikinatango ni Athena sa kaniya. “At salamat sa’yo at sa mga kaibigan mo dahil ginusto niyo pa din ako para kay LAY, isa pa naalala ko din na may nahiwalay sa aking kapatid nang ilang taon dahil din sa inyo. At sayo ako higit na nagpapasalamat dahil ikaw ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon ni LAY, hindi ka nagsawang ipaalam sa akin kung gaano ako kamahal ng kaibigan mo. Salamat Lulu ha.”buong pusong pasasalamat ni Athena na ikinapatong ni Lu ng kanang kamay niya sa ulunan ni Athena. “Parehas ko kayong kaibigan at parehas kayong mahalaga sa akin, hindi ako uupo at mananahimik kung alam kong mahal na mahal niyo ang isa’t-isa. Deserve niyo ni Yvanov na maging masaya.”sambit ni Lunova na ikinatitig ni Athena sa kaniya. “Alam mo ba Lulu, may wish ako na sana matupad na.”sambit ni Athena na bahagyang ikinakunot ng noo ni Lu at ikinababa ng kamay niyang nakapatong sa ulunan ni Athena. “Wish? May I know what wish was that?”bahagyang ngiting tanong ni Lu na ikinahawak ni Athena sa kanang kamay ni Lu at bahagya itong pinisil. “Ang wish ko na sana ay mangyari na ay dumating na ang babaeng magpapasaya sayo at mamahalin mo at mamahalin ka. Masaya ako kasi minahal mo ang katulad ko na may mga pagkakataon na pinasakit ko ang ulo mo, masaya ako dahil nakilala kita. Kaya gusto kong maging masaya ka, kaya sana huwag mong pigilang tumibok ulit ang puso mo pag dumating na ang tamang babae para sayo.”pahayag ni Athena buntong hiningang ikinahila ni Lunova sa kaniya at niyakap siya nito. “Honestly Joy, seeing you with Yvanov still aching my heart but I’m happy because both of you are happy with each other. Hindi ko maipapangako na magmamahal akong muli, pero kung may wish ka ng ganiyan para sa akin, maybe I’ll let cupid find the woman who will take my heart from you.”pahayag ni Lu na rinig niyang bahagyang ikinatawa ni Athena at kahit gusto niya pang yakapin ito ay binitawan niya na ito at nagpamulsa. “Sumabay ka na sa akin pagpasok sa loob Joy.”aya ni Lu na agad na ikinailing ni Athena. “Naku hindi na, nahihiya talaga ako na pumasok sa loob tapos andun pa ‘yung mga kaibigan mo na mahilig mang-asar. Hindi nalang ako dito sa front door dadaan.”malawak na ngiting tanggi ni Athena na ikinasalubong ng kilay ni Lu sa huling sinabi nito. “What do you mean? Saan ka dadaan kung hindi ka dito sa front door papasok?”takang tanong ni Lu na malokong ngiti ang ibinigay ni Athena sa kaniya. “Isa sa natutunan ko noong ilang buwan akong nawala at nag stay sa Italy, ang umakyat sa mga bintana ng bahay.”sagot ni Athena na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Lu “What?! That is dangerous Joy, I won’t let you clim—Joy?!” hindi natuloy ni Lu ang sasabihin niya ng mabilis na tumakbo palayo si Athena sa kaniya na kumakaway pa bago ito deretsong nagpunta sa side ng bahay ng Knight’s Mansion na buntong hiningang ikina-iling ni Lu. “Still hard headed Joy I know, anong magiging reaksyon ni Yvanov pag nalaman niyang umakyat ng Knight’s mansion si Athena para makita lang siya.”sambit ni Lu na pumasok na sa loob ng Knight’s mansion. Nang makapasok siya ay naabutan niya sina Tad, ToV at Blue na sinusukatan na ng mga designers ng tiyahin ni LAY na si Auntie Phyra niya para sa mga abay at sa groom. Nakaupo lang si YoRi sa isang single sofa at tahimik na nagbabasa ng libro habang si LAY ay sinusukatan narin para sa susuotin nito. “Sa wakas, dumating na din ang hero of the day. Hindi mo naman agad sinabi sa akin Santos na mala spiderman ang galawan mo kanina sa trabaho mo.”ngising pahayag ni Tad kay Lu ng makita na nila ang pagdating nito. “How did you f*****g know Han?”salubong ang kilay na tanong ni Lu ng makalapit siya sa mga ito. “Napanuod namin sa balita, iba talaga ang galawang Lieutenant General na aming kaibigan. Dinaig mo ang galawan ni Cardo Dalisay.”mapang-asar na pahayag naman ni Blue na sinamaan ng tingin ni Lu. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Ynarez, manahimik ka at magpasukat ng barong mong gago ka para deretso ka na sa kabaong mo.”asar na sagot ni Lu na bahagyang ikinatawa ni Blue. “Huwag mong sabihin ‘yan kaibigan kong pulis, baka umiyak pag nakita mo kong nakahiga sa kabaong.” “Don’t worry Ynarez, magpapa party pa akong tangna ka.”sambit ni Lu na ikinatawa nalang ni Blue. “Hindi mo dapat binubiswit Ynarez ang taong kakagaling lang sa mala action star na trabaho niya, baka biglang bumunot ng baril ‘yan sa kabaong nga talaga ang bagsak mo.”ngising pahayag naman ni ToV na ikinaungos nalang ni Lu sa mga mapang-asar na kaibigan at nilingon si LAY na nakangiting nakikinig lang sa kanila. “Where’s the others?”tanong niya na si Tad ang sumagot. “Miya-miya pa ang dating ng mga loverboy nating mga kaibigan, family duties muna. Alam niyo naman ang mga ulirang ama at asawa nating mga kaibigan at isang linggo nalang mapapasama na si LAY sa kanila. Nakakatakot na ‘yang batang may pakpak na ‘yan, hindi halatang inuubos tayong mga single pa na Phantoms.” “Muntik na nga si Santos,lumihis lang.”ngising kumento ni ToV na ikinadampot ng throw pillow ni Lu na sinasandalan ni YoRi at ibinato kay ToV na nasalo ang maliit na unan. “Biro lang mamang pulis, wag pikon.” “f**k you!”mura nalang ni Lu bago muling binalik ang tingin kay LAY. “I think you need to go in your room right now.”pahayag niya na bahagyang ikinasalubong ng kilay ni LAY. “In my room? Why?” “May malaking gagambang umakyat sa kwarto mo para dalawin ka, malaking gagamba na kausap mo lang daw kagabi.”pahayag na paliwanag ni Lu na mabilis naunawaan ni LAY na agad nagpaalam sa nagsusukat sa kaniya na ituloy nalang mamaya at wala ng paalam na umakyat sa hagdanan na naguguluhang ikinalingon nina Tad kay Lu. “Anong malaking gagamba ang sinasabi mong nasa kwarto ni LAY, Santos?”takang tanong ni Blue na ikina-upo ni Lu sa katabing single sofa ni YoRi. “Nothing, alalahanin mo nakakamatay ang pagiging tsismoso.”sambit ni Lu na ikinaungos nalang ni Blue. Binalingan naman ng tingin ni Lu si YoRi na tahimik parin sa kinuupuan nito at nakatutok sa librong binabasa niya ang atensyon nito. “I heard that Aling Luisita rushed in the hospital the other night, Dad told me.”pahayag ni Lu “She’s fine now.”maikling sagot ni YoRi na hindi pinuputol ang pagbabasa niya. “Narinig ko din na pinahihirapan ng asawa ng tatay mo sina Aling Luista at Mang Kanor dahil ayaw mong pumirma sa isang kasunduan.”pahayag pa ni Lu na ikinatiklop ni YoRi sa librong binabasa niya at malamig na tingin ang ibinaling kay Lu. “They won’t touched them again, and they won’t f*****g have my f*****g signature for her self-agenda with her f*****g son. They can hide me as long as they want, I don’t f*****g care but I won’t let them have their way.”seryosong pahayag ni YoRi na ikinatayo nito sa pagkaka-upo at walang paalam na naglakad palabas ng Knight’s Mansion. “Oh teka? Saan pupunta si Yo? Hindi pa siya nasusukatan ah?”takang tanong ni Blue na lumingon kay Lu na bumuntong hininga. Kilala niya si YoRi, hindi lang bilang kaibigan kundi bilang kadugo na rin. Alam ni Lu ang galit ni YoRi sa palasyo ng ama nito na ilang taon siyang itinago, alam niya din ang lihim na pagkilos ni Yo upang hanapin ang makakapagpabagsak sa kaniyang ama at sa reyna nito. “Let him be, alam nating lahat na tamad maging bestman si Ringfer.”pahayag na sagot ni Lu kay Blue “Bakit hindi ka na rin magpasukat ng suit mo Santos? Pagdating nina Amadeus at Fritz ay magpapa-unahan pa ang dalawang ‘yun. Alam mo naman ang dalawang isip bata na ‘yun, may pamilya na at lahat parang mga bata parin kumilos.”pahayag naman ni Tad na ikinatayo na ni Lu at ikinalapit ng magsusukat sa kaniya ng hindi niya napigilang ibaling sa ikalawang palapag ang tingin niya kung saan alam niyang magkasama na si LAY at Athena sa kwarto nito. “Pagkatapos ng kasal ni LAY ay binyag naman ng kambal ni Mondragon II at Ayane ang ganap. Mautak din si Mondragon II, hindi daw bababa ng 10k ang pakimkim natin sa kambal. Mukhang pera ang isa sa anak ni Lucifer, hindi ko iisipin na ganiyan din si Mondragon I pag nanganak na si Heaven pero iba din ang utak ng isang ‘yun. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang tangnang danyos na siningil niya sa atin dahil sa nangyari kay Mondragon II.”naiiling na angal ni Tad dahilan para makibalik tanaw na rin si Blue sa araw na ‘yun. “Bakit pinaalala mo pa Han, mas mabigat sa part ko ang tangnang bangungot na ‘yan. Doble ang binayaran ko kay Devil, minsan mahirap talagang maging good Samaritan sa mga kaibigan mo.”pahayag ni Blue na ikinabaling ng tingin ni Lu sa kaniya. “Hindi sa pagiging Good Samaritan ang binayaran mo, pinairal mo ang nakakadiri mong bromance kay Mondragon II, that’s the f*****g reason why you pay the double amount.”sambit na paalala ni Lu na ikina nguso ni Blue. “Sweet ko nga ng part na ‘yun.” “Mabuti nalang nanahimik ako sa pilipinas ng mga panahon na ‘yun.”ngiting sambit ni ToV na sabay ikinabuntong hininga ni Blue at Tad. “Sa pagkaka-alam ko malapit na rin manganak si Heaven kaya paghandaan na natin ano mang pumasok na kademonyohan sa utak ni Devil na for sure, bubulungan ng tangna niyang kambal.”pahayag ni Tad na muli nilang sabay na ikinabuntong hininga ni Blue. Naiiling nalang si Lu sa dalawa ng mapansin niyang nakangising nakatingin sa kaniya si ToV na kinunotan niya ng kaniyang noo. “What?” “Wala lang, bigla kasing pumasok sa vision ko na ang mga nasawi sa pag-ibig ang favorite na targetin ni kupido. Kung ipapademanda mo ang maliit na batang may lampin at pakpak na ‘yun sa akin, mahal ang talent fee ko Santos.”ngising pahayag nito na pinakitaan ng middle finger ni Lu. “Damn you! Iuurong ko na ang demanda kong letse ka.”sagot ni Lu na ikinatawa lang ni ToV na hindi nalang niya pinansin. Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating na ang mga married Phantoms sa pangunguna ni Taz na buhat buhat ang anak nitong si Knight at dahil kumpleto na sila maliban kay YoRi na umalis na at si Demon na busy sa kaniyang asawa at tungkulin sa U.S ay naging magulo at maingay parin ang sala ng mansion nina LAY lalo pa ng bumaba si LAY at Athena na magkahawak kamay na inulanan ng pang aasar ng mga kaibigan nila na walang imik na ikinatuon nalang ni Lu sa ginagawang pagsusukat sa kaniya ng tauhan ng tiyahin ni LAY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD