Chapter 2 LMA

1830 Words
Annika's Pov Alas tres na ng hapon nang makauwi ako sa bahay namin mula nang umalis ako ng umaga kanina. Inasikaso ko kasi ang bangkay ng lalaking kinuha namin sa morgue kanina. Matapos ko kasi itong iimbalsamo ay ako na rin ang nag-make up dito. May mga assistant naman ako sa aming Funeral Home pero madalas ay ako talaga ang gumagawa lalo na't hindi naman ako busy. Nang makapasok sa kuwarto ko ay tila hapong-hapo na umupo ako sa aking kama. Hindi ko na kasi kailangang maglinis o maligo pa dahil ginagawa ko na iyon bago pa ako umuwi sa bahay namin. Kahit ang mga magulang ko ay gano'n din ang ginagawa para walang madalang bacteria dito sa bahay. Humiga ako sa aking kama habang ang dalawang braso ko ang ginawa kong unan. Hindi pa nag-iinit ang likod ko sa aking kama nang mag-ring ang cellphone ko. Napabuntong-hininga naman ako kasabay nang pagbunga ng hangin mula sa bibig ko. Nang makita kong si Mama ang tumatawag ay mabilis ko iyong sinagot. "Annika, nasaan ka?" bungad nito sa akin. Wala man lang hello-hello itong Mama ko. "Bahay na po, Ma." "Kanina ka pa?" "Ngayon-ngayon lang po, bakit po, Ma?" "Anak, tumawag ang Tito Demier mo," pagbabalita nito. Si Tito Demier na tinutukoy nito ay ang ama ng enemy kong si Derek. Ano naman kayang kailangan niya sa akin? "Annika!" tawag ni Mama sa kabilang linya. "Po?" "Ang sabi ko tumawag ang Tito Demier mo," ulit nito. "Narinig ko po, Ma." "Ay bakit hindi ka nagsasalita riyan?" sikmat nito sa akin. "Pagod kasi ako, Ma." "Ay anong gusto mong gawin ko, aber?" mataray na tanong nito. "Umuwi ka rito, at masahihin n'yo ang katawan ko," pagbibiro ko. "Gaga! Ginawa mo pa akong masahista!" Natawa ako nang marinig ko ang palatak nito sa kabilang linya. Maging si Papa ay narinig kong tumawa. Mukhang narinig nito ang pagbibiro ko. "Uwi na, Ma, kailangan ko ng masahista," pagbibiro ko pa. "Hindi ako masahista, hoy!" Natawa naman ako sa sinabi nito. Nai-imagine ko na kasi na kung nasa harap ako nito ay malamang sa malamang nasabunutan na naman ako nito. Sabunot na may kasama pang kurot. Malditang Mama pero the best pa rin naman. "Annika, natahimik ka na naman diyan." "Nag-i-imagine ako ng mukha ng mapapangasawa ko, Ma," pagbibiro ko. Napansin kong parang natigilan si Mama sa kabilang linya. Ilang sandali itong hindi nagsalita. "Oy, Ma?" untag ko rito. "Kaninong mukha ang na-i-imagine mo, 'Nak?" Kumunot naman ang noo ko. "Wala pa, Ma. Parang kapre iyong pumasok sa imagination ko eh." "Gaga!" "Bye na nga, Ma, papahinga muna ak--" "Tawagan mo ang Tito Demier mo ha may sasabihin daw siya sa'yo," putol nito sa aking sasabihin. "Ikaw na lang magsabi sa akin, Ma, I'm sure namang alam n'yo na ni Papa kung ano ang sasabihin niya." "Tawagan mo, Annika, importante iyon! Hihintayin ni Pareng Demier ang tawag mo," sabi pa nito. Hindi naman ako sumagot sa halip ay pumikit na ako. Pagod kasi talaga ako at gusto ko munang matulog kahit sandaling oras lang muna. "Annika!" malakas na sabi ni Mama. Mabilis kong nailayo ang cellphone ko sa tainga ko dahil ang lakas ng boses nito. Feeling ko natanggal ang tutuli ko sa lakas ng boses nitong parang laging naka-megaphone. "Tawagan mo ang Tito mo, ha?" Rinig ko pang ulit nito. "Annika?!" "Oo na nga po, ang ingay mo, Ma," reklamo ko habang nakapikit pa rin. "Eh kasi ang tigas ng bungo mo." "Tatawagan ko na po, tutulog lang ako sandal--" "Ngayon na!" "Kay, bye." Hindi ko na ito hinintay na makapagsalita pang muli dahil mabilis kong pinindot ang end button. Aarangkada na naman kasi ang bibig ni Mama for sure. Nang marinig ko muling nag-ring ang cellphone ko ay dali-dali ko iyong ini-off. Pagod kasi talaga ako at gusto ko munang matulog. Nakabukakang humiga ako sa aking kama habang ang dalawang braso ay nakadipa. Ilang sandali pa ako na tila nagmumuni-muni nang unti-unti nang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na kinaya ang pagod at antok dahil kusa ng tinangay ang aking kamalayan. ____________ "Bakit hindi mo tinawagan ang Tito Demier mo, Annika?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makauwi ang mga ito mula sa seminar. Salubong na salubong na naman ang mga kilay nitong eskwalado. Yes, dahil ang Mama ko ay kilay is life. Mas maayos at mapostora pa si Mama kaysa sa akin kaya madalas na ako ang mapagkamalang Nanay at ito ang Anak. Chos! Siyempre hindi ako papakabog sa Mama ko, ano? "Annika!" malakas na bigkas nito sa pangalan ko. Nang makita kong pasugod na naman ito sa akin ay mabilis akong nagtago sa likod ni Papa, na ngayon ay ngiting-ngiti na naman dahil sa amin ni Mama. Tatlo lang kami sa pamilya pero sobrang masaya pa rin. "Huwag kang magtago sa likod ng Papa mo, hoy!" "Mangungurot ka na naman eh," nakangusong sabi ko habang nasa likod pa rin ni Papa. "Eh kasi kabilin-bilinan ko sa'yo na tawagan mo ang Tito Demier mo, hindi ba? Pero ikaw itong si gaga na hindi naman pala tinawagan!" "Nakatulog kasi ako, Ma--, Arayy!" Hiyaw ko nang mahatak nito ang buhok ko. "Ma, ang buhok ko, ano ba?" "Nakakahiya dahil pinaghintay mo siya, Annika!" "Sorry na nga eh, pagod na pagod lang talaga ako kahapon," depensa ko. Nakasimangot namang pinakawalan nito ang buhok ko. "Tawagan mo na kasi! Pambihira ka talaga, Annika!" "Oo na po, tatawagan ko na." "Ngayon mo na tawagan, ano ka ba naman? Kahapon pa naghihintay ang Tito mo," inis ng sabi nito. "Mamaya na, Ma habang nasa daan ako." Paalis kasi ako dahil may aasikasuhin na naman akong bangkay sa punerarya namin. Umalis na ako sa likod ni Papa at saka kinuha ang bag ko na nakapatong sa sofa. Isinukbit ko na iyon sa balikat ko at saka humalik sa pisngi ni Papa, gano'n din ang ginawa ko kay Mama. "Alis na ako, Ma, Pa." "Mag-iingat, Annika," bilin ni Papa. Ngumiti lang naman ako at saka tumango na. "Bye, bye!" "Ang tawag, Annika, baka makalimutan mo na naman, ha? Kakalbuhin na kita!" Pahabol na sabi pa ni Mama. Nag-flying kiss lang naman ako rito at saka umalis na. _____ Sobrang na busy ako buong maghapon dahil dalawang patay ang inasikaso ko kanina. Kaya't inabot na ako ng gabi sa daan. Pauwi na ako ngayon nang makaramdam ako ng gutom. Nang may madaanan akong tindahan ay bumili muna ako ng makakakain ko habang magmamaneho. Sa gilid ng kalsada ko ipinarada ang kotse ko dahil walang parking space sa nadaanan kong tindahan. Naglalakad na ako papunta sa tindahan. Nang makabili ako ng makakain ko ay naglakad na ako papunta sa kinapaparadahan ng aking kotse. Parang gusto kong pagsisisihan na huminto pa ako sa lugar na iyon dahil may kadiliman. Tanging ilaw lang mula sa poste ng kuryente ang nagsisilbing ilaw. Ilang metro na lang ang layo ko sa kotse ko nang makaramdam ako ng yabag papalapit sa kinaroroonan ko. Bawat hakbang ko ay siya ring hakbang nito. At dahil sanay akong umuwi ng gabi kaya sa halip na mag-panic ay ikinalma ko lang ang aking sarili. Lalo akong hindi makakapag-isip kung matataranta ako. Isang hakbang, dalawa, tatlo. Nasa tatlo pa lang ako nang maramdaman kong may humawak sa beywang ko. "Hold up 'to!" bulong nito sa may tainga ko. Sandali akong hindi nakakibo dahil nag-iisip ako kung paano ko ito malilinlang. Hindi naman ako basta natatakot dahil alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Nag-aral kaya ako ng martial arts, huh. "Ang sabi ko, hold up 'to!" anang lalaki. "Huwag mo akong sigawan! Narinig ko!" "Hold up 'to sabi!" "Wala akong pera! At huwag ako ang hold up-in mo dahil nasaktan ako!" Pilit kong hinihila ang braso ko pero pilit din nitong hinihila iyon. "Hold up nga 'to!" "Sinabi na ngang huwag ako! Iniwan ako ng asawa ko, dinala niya ang mga anak ko! Wala siyang itinira sa akin! Kapag kinuha mo pa ang pera ko, paano pa ako magsisimula sa buhay ko, ha?" "Kapag hindi mo ibinigay ang pera mo papatayin kita!" "Matagal na akong patay! Simula ng iwanan ako ng asawa ko parang namatay na rin ako! Matagal na ako buhay na patay!" sabi ko at humagulhol sa harap nito na animo nasasaktan. Nang makita kong natigilan ito ay mas ginalingan ko ang acting ko. Itinakip ko pa ang dalawang palad ko sa mukha ko. Pero siyempre iyong tipong masisilip ko pa ang bawat galaw niya. "Huwag mo akong iyakan papatayin kita!" sabi nito. "Kapag pinatay mo ako, parang pumatay ka lang ng patay na! At hindi ako baboy para i-double dead mo, Kuya!" sabi ko at saka muling humagulhol sa harap nito. Pero siyempre habang uma-acting sa harap nito gumagana ang isip ko. Pasimple kong kinuha sa bulsa ng pantalon ako ang susi ng kotse ko. Umiikot din ang mga mata ko kung saan ako puwedeng tumakbo para makapunta sa kotse ko. "Miss..." "Waahh! Ang mga anak ko, dinala niya ang mga anak ko. Ako ang naghirap pero wala siyang itinira sa akin kun'di sama ng loob! Ang asawa kong walang hiya! Siya dapat ang pinapatay mo kasi wala siyang puso, walang kaluluwa, walang atay, balun-balunan, walang apdo, wala intestine--, takboo! Annika!" Mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa kotse ko. Dali-dali kong isinuot ang susi sa kotse ko. At dahil sa pagmamadali ko hindi ko maipasok iyon. "Letsekey! Makisama ka!" Napangiti ako nang sa wakas ay maisuot ko iyon. May pagmamadali kong binuksan iyon. Sasakay pa lang sana ako nang may humila sa binti ko. Nagpumiglas ako dahilan para mabitawan nito ang kaliwang binti. Ginamit ko ang buong lakas ko at malakas ko itong sinipa. Sapol ang panga nito at dahil matigas ang swelas ng sapatos ko kaya't narinig ko ang malakas na daing nito. Sumuray-suray pa ito dahil sa sipa ko. "Letse kang babae ka!" sigaw nito. "Mas letse ka! Ugok!" sabi ko at binelatan ito. Nang akmang susugod ito papalapit sa ay mabilis kong kinabig pasara ang pinto ng kotse ko. Mukhang hindi nito napansin iyon kaya't sumalpok ang mukha nito nang maisara ko iyon. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko paalis sa lugar na iyon. Nang makalayo na ako sa lugar na iyon ay saka huminto sa mataong lugar para ayusin ang sarili ko. "Lang'ya, ayos ang acting skill ko, ha," napapangiting sabi ko sa aking sarili. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang aking mukha. Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok kong hindi lalagpas sa aking balikat ang haba. Nagpolbos din ako para hindi mapansin ng mga magulang ko na haggard ang hitsura ko. Nang matiyak na ayos ang hitsura ko ay muli akong nagmaneho pauwi sa amin. Naiiling na lamang ako habang binabagtas ang daan papauwi sa amin. Hanggang kailan kaya mauubos ang mga masasamang taong naglipana sa paligid. Iyong ang lalaki ng mga katawan pero ayaw magbanat ng buto, hmp! Ang sarap iimbalsamo ng mga taong gano'n. Piping usal ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD