Chapter 3 LMA

1606 Words
Derek's Pov "Mom, uuwi na ako riyan." Bungad ko kay Mommy nang tumawag ito sa akin. Gustong-gusto ko ng umuwi sa Pilipinas pero ayaw nila akong payagan dahil sasakit lang daw ang ulo nila sa kunsumisyon sa akin. Gusto ko na lang magtampo sa pamilya ko dahil parang hindi nila ako nami-miss man lang. Samantalang ay ilang taon na ako rito sa Spain. Walong taon na ang nakakalipas mula nang ipatapon nila rito sa Spain dahil sa kinasangkutan kong gulo noon sa Pilipinas. Gulo na akala ko ay siyang tatapos na talaga sa buhay ko. Kaya wala akong choice nang magdesisyon silang dito na ako manirahan. At ngayon nga ay nakikiusap akong makauwi na sa Pilipinas dahil miss na miss ko na ang pamilya ko. Sobrang tagal na ng mga nangyari pero mukhang hindi pa rin nakaka-move on ang pamilya ko. Although binibisita naman nila ako rito pero tila hindi sapat na minsan ko lang silang makasama sa loob ng isang taon. Nakakabagot na rin minsan dahil miss ko na rin ang mga kapatid ko. Si Denver at ang bunso namin na si Dior. "Mom, please uuwi na ako riyan," pagmamakaawa ko rito. "No! Baka kung ano na naman ang gulong gawin mo rito, Derek," matigas na tanggi niyo. "Mom, promise nagbago na ako. Matino na ako, oh, good boy na itong panganay n'yo, Mom." Napasimangot ako nang marinig ko itong tumawa lang sa kabilang linya. "Mom, I'm serious!" naiinis kong sabi. Lalo lang nadagdagan ang inis ko nang tumawa na naman ito sa kabilang linya. "Mom, I'm serious! Don't laugh at me!" "I'm serious too, Derek! Hindi pumayag ang Daddy mo na umuwi ka rito sa Pilipinas." "Hindi n'yo man lang ako nami-miss? Isang o dalawang beses n'yo na nga lang akong puntahan dito sa Spain eh," himutok ko. Kung hindi ko madadaan sa lambing si Mommy, dadaanin ko ito sa pag-iinarte ko. I'm sure mapapa-oo ko ito. "Kinausap ko na ang Daddy mo about that pero no pa rin ang sagot niya. Ang gusto n'ya matuto ka muna sa mga kalokohan mo bago bumalik dito," sabi nito. Hindi naman ako nagsalita dahil parte iton ng pag-iinarte ko kay Mommy. "Hayaan mo kakausapin ko ulit ang Daddy mo mamaya kapag nakauwi na galing sa opisina," sabi pa nito . Hindi na naman ako sumagot. Nakinig lang ako sa mga sinasabi nito sa kabilang linya. "Derek, Anak?" untag nito. "Okay," maikling sabi ko. Ibig kong mapangiti nang marinig kong nagpakawala ng buntong-hininga si Mommy. Mukhang this time mananalo na ako. "Anak.." "It's okay, I understand if you don't want me to come home. Ano pa bang bago, Mom? Walong taon na ako rito at gano'n na rin ako katagal na nakikiusap na pabalikin n'yo na ako riyan, pero wala pa rin. So, tatanggapin ko na lang na mamamatay akong mag-isa dito sa Spain. I'm used to it, Mom," sabi ko. Bahagyang pumiyok ang boses ko dahil this time tunay na ang tampong nararamdaman ko. "Derek, Anak.." "Sige na, Mom, may trabaho pa ako." "Anak, nagtatampo ka ba sa akin?" Malungkot na tanong nito. Umiling naman ako na tila nakikita ako ng kausap ko. "No, it's okay." "Hayaan mo kakausapin ko ulit mamaya ang Daddy mo para payagan ka na niyang bumalik dito." "Nah, it's fine, Mom. Sanay na rin naman akong mag-isa." Mas pinalungkot ko ang boses ko. "Sige na, Mom, ibababa ko na po. Papasok na po ako." "I miss you, Anak, hindi totoo na hindi kita nami-miss." "Bye, Mom. I'll call you later," sa halip ay sabi ko. "Derek naman eh, mag-usap muna tayo--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil natatawa na ako. Mukhang umepekto kay Mommy ang pagdadrama ko. At buo ang tiwala ko na one of these days ay tatawag siya sa akin para sabihing pumayag na si Daddy na umuwi ako ng Pilipinas. At ngayon pa lang ay hindi na matatawaran ang saya at excitement na nararamdaman ko. At sinong hindi ma-i-excite kung halos isang dekada kang hindi nakauwi sa bayang sinilangan mo, 'd ba. Magaan ang loob na gumayak ako para sa pagpasok sa aking trabaho. Nagtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya ng mga parts ng sasakyan dito sa Spain. Isa akong business accountant doon. At hindi sa pagmamayabang pero nakapagpagawa na ako ng sarili kong bahay dito sa Spain. At mayro'n na rin akong coffee shop at dalawa na ang branch ko. At dahil Pinoy ang aking mga crew kaya't patok sa mga kababayan ko ang negosyo ko. Halos karamihan ay mga OFW ang mga suki ko. Kasi ang mga Pinoy ay kape is life. At isa na ako ro'n dahil hindi lilipas ang isang araw na hindi maaaring hindi ako magkakape. ____________ BAGO pumunta sa trabaho ko ay dumaan muna ako sa main branch ng coffee shop ko. Hindi naman hassle sa part ko dahil malapit lang iyon sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko. Hindi rin naman ako nagtagal dahil kinumusta ko lang ang mga tauhan ko, nagbilin din ako ng mga kung anu-ano bago umalis at pumunta sa trabaho ko. Pagpasok ko pa lang ay binati na ako ng mga kasamahan ko sa aking trabaho. Karamihan sa kanila ay mga ibang lahi, kung may Pinoy man siguro mga lima lang. Hindi na rin naman ako naiilang sa mga kasamahan kong Foreigner dahil nasanay na akong iba't-ibang lahi ang nakakasalamuha ko sa araw-araw ng buhay ko. Kaya gusto ko na ring bumalik ng Pilipinas dahil miss ko ang buhay sa Pinas. Marami akong nami-miss sa Pinas. Una na ro'n ang pamilya ko at mga dating kaibigan ko bago ako mapadpad dito sa Spain. "Kumusta na kaya ang buhay nila?" Hindi napigilang tanong ko sa sarili ko. "Siguro may kaniya-kaniya na silang pamilya ngayon,'' sabi ko pa. Natigil ako sa ginagawa ko nang biglang sumagi sa isip ko ang isang babaeng paborito kong i-bully noon. Si Annika Madrigal, ang Anak ng Ninong kong si Ninong Arman. Lumaki kaming parang aso't pusa ni Annika. Madalas kasi kaming magkasama noon at maging sa School namin noong high school ay iisa. Buntot kasi ito nang buntot sa akin noon kahit pa madalas ko itong gawing katuwaan at i-bully. Itinukod ko sa mesa ang kanang siko ko habang ang kamay ko naman ay nasa sentido ko. "Hmm.. kumusta ka na kaya ngayon, Annika? Pango pa rin kaya ang ilong mo o baka naman sungki-sungki pa rin ang ngipin mo? Hmm.." Napangisi ako nang maalala ko ang hitsura nito noong high school kami. Hindi sa panglalait pero hindi naman kagandahan si Annika. Ewan ko lang ngayon dahil wala naman akong balita sa kinakapatid kong iyon. Madalas ko talaga siyang i-bully noon dahil sa kakabuntot nito sa akin. Nahihiya kasi ako dahil madalas ay napagkakamalan kaming magdyowa. At nagiging tampulan kami ng tukso sa school kaya para itaboy binu-bully ko na lang siya palagi. Nasisira kasi ang diskarte ko sa mga babaeng natitipuhan ko kapag nakabuntot siya sa akin. Mukha rin kasing nerd si Annika dati, kung hanggang ngayon ay hindi ko alam. Nang dumating ang uwian ay muli lang akong dumaan sa coffee shop ko at saka umuwi na. Pabagsak akong nahiga sa kama ko dahil nakakapagod din naman ang maghapong nakaharap sa computer. "Speaking of computer, hmm, why not." Napapangiting kinuha ko ang aking laptop at nagsimulang mag-browse sa social media. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na sini-search ang pangalan ni Annika Madrigal. Maraming lumabas na pare-parehong pangalan ngunit hindi ko masabi kung isa si Annika sa mga naroon. Mukha nila ang pinagbasehan ko, ngunit walang mukhang nerd sa mga nasa profile nila. "Alin ka sa mga ito, Annika." Muli akong nag-browse pero wala pa rin. Hanggang sa may isang profile na lang akong hindi nao-open. Iki-click ko na sana iyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nawala ako atensyon ko sa laptop ko at sinagot ang tawag. Nang makita ko pa lang ang pangalan ni Mommy sa screen ay gusto ko ng magtatalon sa tuwa. Mukhang alam ko na ang dahilan ng pagtawag nito sa akin. "Hi, Mom!" Ngiting-ngiti kong bati kay Mommy. Pero ilang segundo na ay hindi pa rin ito nagsasalita sa kabilang linya. "Mom," malungkot na sabi ko. Mukhang bokya pa rin ako. Asa pa more, Derek. Tudyo ko sa aking sarili. "Mom, I understand kung hindi na talaga ako puwedeng umuwi riyan. Don't worry, okay lang sa akin." Hindi ko alam kung nagawa kong itago ang disappoinment sa boses ko nang sabihin ko iyon. Muli akong bumalik sa ibabaw ng aking kama. Napatingin ako sa laptop nang may mahagip na magandang babae ang mga mata ko. Bubuksan ko pa lang sana ang profile nito nang mag-shot down ang laptop ko. May panghihinayang akong naramdaman na hindi ko iyon na kita. Ngunit mabilis ding nawala ang panghihinayang na iyon nang magsalita si Mommy sa kabilang linya. Halos malaglag ang puso ko sa magandang balita na sinabi nito sa akin. "Really, Mom?" tanong ko habang nagtatatalon sa ibabaw ng kama ko. Tila batang paslit ako ng mga oras na iyon na nakuha ang gusto ko. Na naibigay ang laruang inasam-asam ko. "Really, Anak." "Mommy, thank you!" "Pack your things and come home, Anak." "Whoaa! Whoaa! Thank you, Mom! I love you, I love you, I love you!" Tuwang-tuwa kong sabi kasabay nang muling pagtalon. Tumigil lang ako sa kakatalon nang tila babagsak na ang kama ko dahil sa bigat ko. Narinig ko pa ang halakhak ni Mommy sa kabilang linya. See you soon, Philippines! "Whoa! This is it pansit!" Masayang-masaya ako sa hatid na balita ng Mommy ko. Sa wakas, muli akong makakabalik sa bayang sinilangan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD