Chapter 16

2548 Words
Chapter 16 ANNIKA POV PAGKATAPOS kong mananghalian, bumalik na agad ako sa ginagawa ko at hindi na pinansin si Derek. Pati ang dalawa ni Kuya Jhong at Kuya Rick ay hindi ko rin pinansin. Pakiramdam ko, ako ang pinagtatawanan nila kanina at naiinis ako dahil mukhang nakuha ng kakampi ang Derek na 'yon. Nang mga sumunod na sandali ay naging abala na ako hanggang hapon. Pagsapit ng alas tres ay nagpaalam ako sa mga tauhan namin na aalis na at sila na ang bahala sa punerarya. Tapos na kasi ang trabaho ko roon at kailangan kong pumunta sa isa pang branch namin, dito rin sa Laguna. "Annika!" Napahinto ako sa tangkang pagsakay sa van nang tawagin ako ni Kuya Jhong. "Bakit?" "Paano pala si Derek? Hindi mo ba siya isasabay pauwi?" "Hindi, pabayaan mo siyang matulog diyan sa punerarya." "Pero, Annika–" "Bahala ka na sa kaniya, Kuya. Papunta pa ako sa branch natin, baka gabi na ako makauwi. Tutal ang sarap naman ng tulog niya sa opisina ko, bahala na siya riyan. Saka malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya." Wala na itong nagawa nang tuluyan na akong sumakay sa van at umalis. Dumaan muna ako sa isang pizza house bago dumiretso sa branch namin. Pagkalipas ng isang oras ay nakarating din ako sa wakas. "Magandang hapon po, Ma'am Annika." Magalang akong binati ng mga tauhan namin doon. "Magandang hapon din sa inyo. Kumusta kayo rito?" tanong ko habang inilalapag ang dalawang box ng pizza sa katamtamang laki ng lamesa. "Ayos naman po kami rito, Ma'am. Wala hong naging problema buong maghapon," sagot ni Thesa. Ang cosmetologist dito sa branch. Apat na buwan pa lang siya sa amin pero bilib ako sa didikasyon niya sa trabaho. At sa apat na buwan na 'yon ay wala pa akong naririnig na reklamo sa kaniya mula sa mga kaanak ng mga naging kliyente namin. Maganda ang feedback sa kaniya kaya walang pagsisisi na ini-hire ko siya. "That's good. Salamat sa inyo dahil kahit wala ako rito ay walang nagiging problema." "Oo naman po, Ma'am Annika. At makakaasa po kayo na mas pagbubutihin pa namin ang aming mga trabaho. Maraming salamat po sa pagtitiwala sa aming lahat dito." Si Thesa. Napangiti ako at tinapik ang balikat niya. "Salamat din, Thesa. At pati sa inyong lahat." Isa-isa kong nginitian ang lima kong tauhan sa branch na iyon. Si Migs, ang driver ng karo. Si Teboy at si Gelo, ang taga-buhat ng mga gamit kapag may ibuburol. Kumbaga, assistant sila ni Migs. At si Ate Raya, ang embalmer. At siyempre si Thesa. "Masaya ako dahil minahal niyo ang mga trabaho niyo kahit hindi pangkaraniwan ang negosyo namin." "Hindi puwedeng mamili ng trabaho, Ma'am Annika. Para sa pamilya, basta marangal walang problema." Si Gelo. "Tama po si Gelo, Ma'am. Masaya po kami rito dahil bukod sa mabait at makatao kayong amo, maayos po kayong magpasuweldo." Si Migs. Napangiti ako. "Thank you talaga sa inyo. O, siya bago pa tayo magkaiyakan dito ay kumain na kayo nitong pizza na dala ko habang mainit pa." Tuwang-tuwa namang nagsikuha ang mga ito at nilantakan ang pizza na dala ko. "Kayo, Ma'am, kain po." Si Ate Raya. "Sige lang, Ate. Busog pa ako, ubusin niyo 'yan dahil binili ko talaga 'yan para sa inyo." Pagkasabi ko niyon ay iniwan ko na sila at binisita ang mga stock na kabaong. Nakakatuwa na hindi nila hinahayaang maalikabok ang mga 'yon. Malinis at makintab pa rin. Wala akong masabi sa kanila, maaasahan talaga kahit walang amo na nakabantay sa kanila. Pagkatapos kong maikot ang buong punerarya ay binalikan ko na sila. Nakipagkuwentuhan ako sa kanila. Bandang alas sais ng gabi nang magpasya akong umuwi. Isinabay ko na si Ate Raya at Thesa pauwi dahil all the way naman ang bahay nila. Ang tatlong lalaki ay naiwan doon dahil doon sila natutulog. "Salamat po, Ma'am." Ani Ate Raya nang makababa na siya. "Maraming salamat sa libreng sakay." Ngumiti ako. "Sige. Good night." Kasunod kong ibinaba si Thesa. Kagaya ni Ate Raya nagpasalamat din siya sa akin. Pasado alas siyete na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Dumiretso na ako sa kuwarto ko. Nagpahinga lang ako sandali at saka naglinis ng katawan. At dahil busog pa ako, hindi na ako lumabas ng kuwarto para kumain. Natulog na lamang ako. KINABUKASAN, sinadya kong medyo magpa-late. Nagkaroon kasi ako at medyo masakit ang puson ko. Gano'n kasi ako, everytime na magkakaroon ng buwanang dalaw ay sumasakit ang puson. Sabi ni Mama, mawawala lang daw 'yon kapag nagkaanak na ako. Ang tanong, kailan pa 'yon gayong wala namang tumagal na manliligaw sa akin. Alas siyete na nang magpasya akong bumangon. Naligo lang ako at nagbihis saka lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko sa kusina si Ate Myra. "Good morning, Annika. Mukhang tinanghali ka yata ngayon, ah." Bati niya. "Good morning. Oo nga, eh. Sina Mama, tulog pa ba?" tanong ko. "Gising na sila. Baka nasa balcony sila ng Papa mo." Tumango ako. Natigilan ako nang maalala si Derek. Nakauwi kaya siya? "Ate, 'yong buwisita natin? Nakauwi ba kahapon?" "Ay oo, nag-alala nga ang mama at papa mo dahil putlang-putla pagdating. Pinapakain nga ng mama mo pero hindi kumain at magpapahinga na lang daw muna siya." Napaismid ako. "Feeling pagod, gano'n? Samantalang wala naman siyang ginawa maghapon." "Napagod siguro sa mga kalokohan mo." Napatingin ako sa pintuan kung saang manggaling ang boses. "Ma, morning." "Good morning." Ganting bati niya. "Bakit pala iniwan mo si Derek kahapon? Ikaw talaga, pinagtripan mo na naman siguro 'yong tao." "Grabe ka naman, Ma." "Anong grabe ako, bakit hindi ba totoo? Annika, kilala kita at alam kong kagagawan mo kung bakit putlang-putlang umuwi ang kinakapatid mo. Alam mo namang hindi pa 'yon sanay dito pero iniwan mo. Paano kung naligaw 'yon pauwi? Sagutin natin siya sa Tito Demier mo, Annika." Maagang sermon ni Mama. "Ma, tulog siya nang umalis ako sa punerarya kaya iniwan ko na siya dahil pumunta pa ako sa branch natin. Ibinilin ko naman siya sa mga tao roon bago ako umalis, eh. At saka, hindi naman po 'yon maliligaw unless hindi siya marunong magbasa o magtanong." Katwiran ko na mukhang hindi bumenta. Seryoso pa rin kasi ang mukha ni Mama. "Ma, galit ka ba?" "Hindi naman sa galit, Anak. Pero huwag mo namang mas'yadong pahirapan ang kinakapatid mo. Hindi 'yon sanay sa buhay na ganito. Hayaan mo siyang makapag-adjust at matututo rin 'yon." "Ma, hindi ko ho siya pinapahirapan. Siya ang may gusto ng sideline 'di ba? Pinagbigyan ko lang ho siya kahit ayoko naman talaga siyang makasama." "Nandon na tayo pero inamin niya sa amin ng papa mo kagabi na takot siya sa patay. Na ayaw niyang maging pabigat dito pero hindi niya kayang magtrabaho sa punerarya." Napabuntong-hininga ako. "Eh, ano ho ang gusto ninyong gawin ko ngayon?" "Mag-sorry ka sa kaniya–" "What?" Napalakas na tanong ko kasabay ng panlalaki ng mga mata. "Ma, bakit ako magso-sorry sa kaniya?" "Dahil pinagtripan mo siya." "Ma, naman. Kailangan ko po ba talagang gawin 'yon? Ang mag-sorry sa kaniya? Ang tagal nga po niya akong binully noon pero ni minsan hindi siya nag-sorry sa akin, eh. Tapos ako, kailangan kong gawin 'yon? Hindi ko naman kasalanan kung duwag siya, Ma, na ultimo patay kakatakutan niya." Katwiran ko uli pero talagang hindi uobra. "Ibig sabihin gumaganti ka sa kaniya? Hindi mo pa nakakalimutan ang mga kapilyuhan niya noon at baka pati 'yong nararamdaman mo—" "Ma, stop." Putol ko sa anumang sasabihin niya. "Fine. Magso-sorry na ako kung 'yon ang gusto niyo pero utang na loob, Ma, huwag niyo nang mababanggit ang nakaraan." Doon napangiti si Mama. "Malay mo, kayo pala talaga ang nakalaan sa isa't isa kaya muli kayong pinagtagpo ng kapalaran." Mababakas ang panunudyo sa tinig niya. Napairap ako. "Stop trying to be a cupid, Ma. Hindi 'yan uobra." "Malay mo naman 'di ba? First love never die 'ika nga." Natawa ako. "Ano ka, Ma, teenager?" "By heart, bakit ba?" "Eh 'di wow!" Pareho kaming napatawa ni Mama sa palitan namin ng patutsada. Para kaming hindi mag-ina at magtropa lamang. Habang nagkukulitan ay unti-unti akong humahakbang palabas ng kusina. "Saan ka pupunta?" tanong ni Mama. "Aalis na–" "Subukan mong umalis na hindi nagso-sorry, malalaman ni Derek ang sekreto–" "Oo na, oo na!" Nagmamartsang tinungo ko ang kuwarto ni Derek. At talagang sinundan pa ako ni Mama kung talagang pupuntahan ko ang lalaking 'yon. Wala akong choice kun'di ang pumasok sa loob. Padabog kong isinara ang pinto pero hindi man lang natinag ang lalaking balot na balot sa kumot. Nilapitan ko siya at malakas na hinampas sa dibdib na ikinasigaw nito. "Aahhh!" Napangiwi ako nang alisin nito ang talukbong at makita kong namimilipit sa sakit habang sapo ang pagkalalakí. "Aahh…! Tang'na! Papatayin mo ba ako?" "A-Akala ko dibdib 'yon." "Dibdib? Kailan pa nagkaroon ng t**i sa dibdib? Ha?!" Gusto ko siyang pagtawanan pero hindi ko nagawa dahil mukhang napuruhan siya. Aminado akong napalakas ang hampas ko. At aminado rin ako na mabigat ang kamay ko. Ilang sandali pa siyang namilipit sa sakit bago naka-recover. "Get out!" Paasik na utos niya sa akin sabay turo sa pintuan. Ang kaunting awang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng inis. "Eh kung ikaw kaya ang lumayas 'no? Baka nakakalimutan mo na bahay namin 'to at ikaw ang nakikitira rito." Napaatras ako nang tumayo siya at paika-ikang nilapitan ako. "Lumayo ka sa akin!" "Paano kung ayoko?" "Subukan mo dahil babasagin ko 'yang itlog mong lintik ka!" Nginisihan niya ako. "Bakit parang trip na trip mo laging tirahin ang itlog ko, ha? Gusto mo sigurong makita 'no?" Pinanlisikan ko siya ng mga mata at marahas na itinulak sa dibdib. "Bastos!" "Sus, may crush ka sa itlog ko 'no?" "Gago!" "Magsabi ka na lang kasi, handa naman akong ipakita sa 'yo kahit hawaka– 'wag!" Mabilis siyang nakalayo nang tangkain kong tuhurin. Nagtaas-baba ang dibdib ko sa sobrang inis. At ang hudyo, nakangising bumalik sa kama at hayahay na humiga. Magka-ekis pa ang mga binti nito habang ang braso ang ginawang unan. "Sarap ng buhay mong lalaki ka. Bumangon ka riyan at magtrabaho." "Tss. Kung sa punerarya mo, 'wag na, oy. Matutulog na lang ako." "Tigas talaga ng mukha mo." "May mas matigas pa sa mukha ko, alam mo kung ano?" Nakangising tanong niya. "Spell, wala.akong.paki!" "Sus, kunwari ka pa. Parang hindi ko naman alam na pinapantasya mo ako dati." "Kapal mo!" "Oo na. Lumabas ka na at matutulog ako. Ang ingay mo, baka patahimikin kita sa paraang magugustuhan mo. Sige ka." "Aba't!" Sinugod ko siya at tangkang hahampasin pero hinuli niya ang braso ko at hinila. Bumagsak ako sa ibabaw ng katawan niya. Hindi agad ako nakakibo dahil sa pagkabigla. "Annika…" anas niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may tila gumalaw sa may bandang hita ko. "Ayan, ang ingay-ingay mo kasi, nagising tuloy ang alaga ko." Nakangising sabi niya. Dali-dali akong umalis sa ibabaw niya nang ma-realize kung ano ang gumalaw na 'yon. "Bastos!" Tumawa lang ito at umupo sa kama. "Paano ka natatagalan ng boyfriend mo? Or baka naman imaginary boyfriend lang ang mayro'n ka?" "Aba't, hoy! Anong akala mo sa akin pangit?" "Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako." "Huh! Baka mapahiya ka kapag nakita mo ang boyfriend ko." Puno ng pagmamalaking sabi ko. "Nasaan? Balita ko single ka." "Huh! Sinong may sabi sa 'yo?" "Secret…" "Ulol! May boyfriend ako at isasampal ko siya sa pagmumukha mo!" Nakakabuwisit ang ngisi nito. "Well, I do believe in the saying that to see is to believe." Kumindat pa ito bago bumalik sa pagkakahiga. Nagngingitngit ang kalooban sa sobrang inis na lumabas ako ng kuwarto nito at halos magiba ang pinto sa sobrang lakas ng pagkakahila ko. Kaagad akong lumulan ng sasakyan. Sa halip na pumunta sa punerarya ay sa apartment ni Victor ako pumunta. Halos gibain ko sa pagkatok ang pintuan niya. "Ilang kabayo ba ang humahabol sa 'yo at madaling-madali ka?" Aniya nang mabungaran ako. Pumasok ako kahit hindi pa niya ako inaalok. "Ano'ng atin at sambakol 'yang mukha mo? Ke aga-aga ang pakla ng mukha mo." Hindi ako umimik. Wala talaga ako sa mood ngayon. Namumoroblema din ako kung sinong lalaki ang puwede kong ipakilalang nobyo. "O, ice water pampalamig ng ulo." Nag-angat ako ng tingin. Napatitig ako kay Victor. Particular sa mukha niya. Magandang bakla ang kaibigan ko at… Napangiti ako nang ma-realize na guwapo siya kung naging tunay na lalaki. Hmm… brilliant ka talaga, Annika. "Hoy, hindi ko gusto iyang ngisi mo, ha." "I need your help." "Wala akong pera." "Hindi pera ang kailangan ko marami ako niyan." "Eh ano?" "Kailangan ko ng boyfriend." "Basic. Marami akong boylet na kilala." "No. May nahanap na ako." Nanlaki ang mga mata niya. "Really? The who?" "Ikaw." Nasamid ito ng sariling laway. "Anong ako? Hoy, Annika, pareho tayong babae baka nakakalimutan mo." "Of course not. Babae ako, ikaw binabae." "Exactly! Binabae ako. Hindi ko kaya 'yang gusto mo. Nakakasuka!" Diring-diri niyang sabi. "Sige na, baks. Pumayag ka na, o. Kailangan kita." "Ayoko! At saka, bakit kailangan mo ng boyfriend, eh 'di sabi mo kontento ka na sa mga patay?" Napilitan akong sabihin sa kaniya lahat para pumayag siya. Hindi pala lahat dahil hindi ko sinabing ang Derek na kinakapatid ko ay ang lalaking nakita niya sa resort na pinuntahan namin noon. "Ayan! Gagawa-gawa ka ng kasinungalingan tapos idadamay mo ako." Naglalambing akong yumakap sa kaniya. "Sige na, baks… pumayag ka na, o." "Gusto kitang tulungan diyan sa kagagahan mo pero hello? Mas matigas ka pa kaysa sa akin." "Eh 'di papatigasin kita. Sandali lang naman 'yon, baks. Please? Sige na, Vicky my friend." Pangungumbinsi ko. "Vicky kapag may kailangan pero kapag wala Victor!" "Noong ikaw ang nakiusap na tulungan ko sa matitirhan mo, ginawan ko agad ng paraan." Kunwari ay sumbat ko. "Ay, wow! Nanunumbat, gano'n?" "Hindi naman. Pero sige na, baks naman." "Ano bang gagawin ko?" Napatalon ako sa tuwa. "Yes! Thank you, my friend!" Dali-dali ko siyang tinuruan kung paano maging lalaki. "Bawal kumembot. Bawal tumili. Bawal pumilantik ang kamay." "Isama mo na rin kaya 'yong bawal huminga 'no?" Natawa ako. "Puwede naman. Libre na ang burial mo." Muntik na akong mapasubsob nang itulak niya ako. Bumalik kami sa plano. "Kapag magsasalita ka dapat astig, ha. Kunwari aray. Kapag umaray ka, ganito. Aray!" Pinalaki ko ang boses ko. "My God! Pati ba naman pag-aray, Annika?" "Yes. O, dali try mo." "Aray!" Malanding aray nito. "Tigasan mo naman." "Aray!" "Malambot pa rin." "Araaaay!" Medyo babae pa rin 'yon. "Wala na bang ititigas? Lakihan mo ang boses mo, 'wag mong ipitin." "Tangina naman, Annika, o. Aminin mo na lang kaya na single ka. Ang hirap nitong pinapagawa mo." Reklamo nito. "Kaunting practice na lang, makukuha mo na 'yong tigas." Pero ayaw na talaga nito. Iniwan niya ako sa maliit na sala at pumasok sa kuwarto pero sumunod ako. Nakatalikod siya sa gawing pinto. Nakatuwad ito, mukhang may kinukuha. May naisip akong paraan para mapaaray ko siya ng matigas. Pigil ang tawang bumwelo ako sabay sipa sa puwet niya. "Araaay…! Pvtang'na ka, Annika!" Boses lalaking mura niya. "Perfect!" Pumalakpak pa ako. Napabunghalit ako ng tawa nang pagharap niya sa akin ay nakita kong putok ang nguso nito. "Ngeee!" "Tangina kaaaa…!" Napakuripas ako ng takbo nang buhatin nito ang stand fan at ihahampas sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD