Chapter 18

2632 Words
ANNIKA POV “PASENSYA na po kayong lahat sa akin kagabi. Hindi ho ako nakatulog magdamag, nahihiya po ako sa ginawa ko dahil naging insensitive ho ako. Hindi ko ho naisip na wala nga ho pala ako sa magulong siyudad na kinalakhan ko. Patawad ho talaga sa inyo.” Awtomatikong umigkas ang isang kilay ko nang marinig ang muling paghingi ng pasensya ni Derek. Huh! Marunong naman palang magpakumbaba ang tukmol na ‘to. “Wala iyon, Derek. Bumawi ka naman na sa amin kaya okay na iyon,” ani Kapitan. “Malaking tulong na sa amin ang ginawa mong paghahakot ng tubig. Ganito kasi rito sa amin, tiyempuhan lang ang daloy ng tubig. Kaya kapag walang daloy, naghahakot talaga kami ng tubig mula sa poso,” dagdag pa ni Kapitan. Lalong umigkas ang kilay ko, narinig ko kasi na inalok pa si Derek ng mga tao na sa kanila na raw mag-almusal. Mukhang nakuha na ng lalaking ito ang loob ng mga kapitbahay ko. “Sa susunod na lang ho ako makikikain sa mga bahay ninyo. May niluto na ho ako sa bahay, eh. Sayang naman ho kung hindi ko makakain, istrikta ho ang misis ko, ayaw na ayaw na may nasasayang na pagkain,” hirit ni Derek sa hindi kalakasang boses. Ngunit sapat na iyon para marinig ko. “Aba'y sino ba ang misis mo?” Pagsakay ni Kakang Nora. Nang tumingin sa direksyon ko si Derek ay sinundan iyon ng mga kapitbahay ko. Kaniya-kaniya silang ngiti sa akin nang makita na nakadungaw pa rin ako sa bintana ng kuwarto ko. “Akalain mo iyon, bata. Napaibig mo iyang si Annika? Mabuti naman at kinaya mo ang mga pagsubok.” Si Ate Rina, isa sa kabiruan kong kapitbahay namin. “Kinakaya ho para sa pag-ibig ko sa kaniya,” pagsakay ni Derek na ikinatuwa ng mga kapitbahay ko. “Ganiyan talaga ang umiibig, kahit ano kakayanin para lang sa kaniyang reyna,” ani Kakang Nora sabay tapik sa balikat ni Derek. “At bilib kami sa ‘yo dahil nalagpasan mo ang isang pagsubok sa panliligaw sa kaniya,” dagdag pa niya. “Ay oo nga, Derek. Mabuti at itinuloy mo pa rin ang panliligaw kahit alam mong hanap-patay ang hanap-buhay nila. Hindi ka ba tumakbo nang dalhin ka niya sa punerarya?” Pakikisali ni Ate Tessie. “Siyempre naman ho, hindi ako tumakbo.” May halong kayabangan na sagot ni Derek na ikinahanga ng mga kapitbahay ko. Bilib na bilib na sila. Napangisi ako nang tumingin sa akin si Derek na para bang gusto niyang sabihin na huwag kong sasabihin na hindi naman talaga siya nakatakbo dahil nahimatay na sa sobrang kaduwagan. “Ikaw pa lang yata ang nakapasa sa pagsubok na iyon. Ang mga binatang sumubok na ligawan iyan, aba'y hindi na nagsibalik uli. “Ibahin niyo ho ako.” Aba't talagang hambog. Napangisi ako. Akala niya siguro ay sasakyan ko ang pagyayabang niya. “Ate Tessie!” Napunta sa akin ang tingin nilang lahat na nag-uumpukan. “Annika, iba pala ‘tong si Derek, eh. Matibay!” Natawa ako. “Ibahin niyo ho talaga iyang si Derek, Ate Tessie, dahil hindi ho talaga siya nakatakbo.” “Annika!” Nagbabantang tumingin nang pailalim sa akin si Derek. Huh! Hindi mo ‘ko matatakot ulol! “Hindi ho talaga siya tumakbo dahil nahimatay ho siya sa sobrang takot.” Napahagikhik ako nang paulanan siya ng panunukso ng mga kapitbahay ko. “Annika!” Sigaw ni Derek at pinaningkitan ako ng kaniyang mga mata. “Wala ka pala, eh,” tukso pa ni Kapitan. Napakamot na lamang si Derek sa sariling ulo at pagkuwa'y ngumiti. Hindi ko napigilang mapahagikhik nang maalala ang hitsura ni Derek nang araw na mahimatay siya. Mukhang narinig niya ako dahil matalim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Mamaya ka sa akin. Iyon siguro ang laman ng isip niya habang masama ang tingin. Umiral ang kapilyahan ko at sa halip na masindak ay ngumisi pa akong lalo. Isang mapang-asar na ngisi ang iniwan ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa may bintana. Gumayak na rin ako agad at lumabas ng kuwarto ko para lang magulat sa biglang pagsigaw ni Derek na nasa labas ng kuwarto ko. Sapo niya ang sariling dibdib. Namutla din ito. “Pambihira ka naman, Annika. Aatakehin ako sa puso sa ‘yo, eh,” aniya habang binabalikan ng kulay ang mukha. Tumaas ang isang kilay ko. “Inaano ba kita?” “Bigla-bigla ka na lang lumalabas, eh. Nagiging magugulatin na ako dahil sa mga pananakot mo. At kapag namatay ako, mumultuhin talaga kita.” Sa halip na patulan, itinulak ko siya sa dibdib na ikinaatras niya. Nilampasan ko siya, sumunod siya sa akin. “Huwag mo nga akong sundan, puwede?!” Angil ko sa kaniya. “At huwag mo akong masisi-sisi sa pagiging duwag mo. At isa pa, sino bang may sabi sa ‘yo na tumayo ka sa labas ng pinto ng kuwarto ko?” “Ang aga-aga ang taray mo na naman. Puwede ba kahit isang minuto lang bumait ka naman? Nag-sorry na nga ako sa mga kapitbahay mo pero parang hindi ka man lang natuwa. Napagod ako sa paghahakot ng tubig nila pero hindi mo man lang na-apprreciate, galit ka pa rin. Ang hirap mong pasayahin, Annika,” litanya niya na ikinaigkas na naman ng kilay ko. “Paano ka kaya natatagalan ng imaginary boyfriend mo, ‘no?” hirit pa niya. “Maghintay kang makauwi ang nobyo ko, isasampal ko siya sa mukha mo.” “Joke lang ‘to naman seryoso na naman.” Hindi ako umimik kaya nagsalita uli siya. “Ipinagluto kita ng almusal mo, kumain ka muna bago ka umalis.” “Thanks but no thanks. Hindi ako nag-aalmusal.” Akmang aalis na ako nang maramdaman ko ang kamay niya na pumigil sa braso ko. Napatingin ako roon, saka tumingin sa mukha niya. Tila napapasong binawi naman niya agad ang kamay nang makitang seryoso ang mukha ko. “Kumain ka muna bago pumasok, pinagluto kita para hindi naman nakakahiya sa ‘yo.” Inismiran ko siya. “Mayro'n ka pala niyon?” “Oo naman. Anong akala mo sa akin, walang alam sa buhay? Baka hindi mo alam, may sarili akong coffee shop sa Spain? Nawalan lang ako ng access dahil kay Daddy,” kuwento niya. Hindi naman lingid sa akin iyon. Naikwento na ni Tito Demier sa akin iyon. “Kung gusto mo nga, sosyo tayo. Magtayo tayo ng coffee shop tapos ako ang magbabantay,” alok niya. “May negosyo na kami at hindi ko kailangang makisosyo sa ‘yo.” “Ayaw mo bang baguhin ang line of business mo? Maraming puwedeng maging business—” “Kung gusto mong magtayo ng coffee shop mo, go ahead pero huwag mong pakialam ang negosyo ko dahil marangal iyon.” “Wala akong sinabi na hindi marangal ang punerarya pero—” “Just mind your own business,” sansala ko. “Wala kang pakialam sa negosyo ko as long as wala ka namang ambag. Gets mo?” Pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko na siya. “Napakataray talaga. Nagsa-suggest lang naman ako, tss!” Naulinigan ko pang sabi niya pero hindi na ako nag-abalang pansinin siya. Umalis na ako at dumiretso sa punerarya. KINAHAPUNAN, hindi uli ako umuwi sa bahay. Sa apartment ni Victor ako natulog at tinuruan ko na naman siya kung paano maging matikas. Nakakapagod patigasin ang baklitang ito. “Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?” sita ni Victor sa akin. “Pagod ka na?” sarkasmong tanong niya at pasalampak na umupo sa katapat ng upuang inuupuan ko. “Magtiis ka, gusto mo ‘to, ‘di ba?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Ayusin mo kasi. Ang hirap mong turuan, letse ka.” “Mas letse ka, oy! Sino ba kasing may sabi sa ‘yo na gumawa ka ng kuwento na kesyo may boyfriend ka kahit wala naman? Alam mo minsan, mas madali pang umamin kaysa ang magsinungaling.” “Sshh!” Pagpapatahimik ko sa kaniya. “Shut up ka muna.” “Aba't! Hoy, babae. Kung pagod ka na, ano pa ako? Itigil na kasi natin ‘to.” “Hindi puwede. Kapag umayaw ka, palalayasin kita rito sa apartment. Sasabihin ko kay Tita Marina na palayasin ka na. Bahala kang matulog sa kalye.” Pinaikutan niya ako ng mga mata sabay sipa sa tuhod ko. “Simula nang dumating ang lalaking iyan sa inyo pasama na nang pasama iyang ugali mo. Wala ka ba talagang picture riyan para makita ko kung ano ang hitsura niya? Baka naman hindi iyan worth it sa pagpapagpogi ko, Annika, ha? Naku, naku ka talaga.” “Sa birthday ni Mama, makikita mo na siya. Ikaw na ang bahalang humusga,” sagot ko na lang. Wala akong balak na purihin ang lalaking iyon sa baklitang ito dahil baka kung ano pa ang isipan niya. “Okess, ako na ang huhusga,” malanding sagot ni Victor at nagsimula na namang mag-ensayo kung paano lumakad na hindi humahampas ang balakang. Araw-araw ay naging ganoon ang routine namin ni Victor. Pagkatapos ko sa trabaho ay sa apartment niya ako didiretso, minsan sa kaniya ako natutulog pero madalas ay sa bahay namin dahil nagtataka na si Mama sa akin. Hanggang sa dumating na ang araw ng kaarawan ni Mama. Maaga akong gumising para maging punong abala sa paghahanda. Hindi naman ako mas'yadong mapapagod dahil marami akong makakatulong. Sa katunayan, nasa likod-bahay na ang mga kapitbahay namin at kaniya-kaniyang pagtadtad ng mga karne. Ganito rito sa amin kapag may handaan, hindi na kailangang humingi ng tulong dahil kusa na silang pupunta. At kapag naman sila ang may handaan, hindi rin naman nawawala sa tulungan ang mga magulang ko. Nagtitimpla ako ng kape para sa kanila nang pumasok si Mama sa kusina. Mukhang kagigising lang. Marahil nagising dahil sa ingay sa labas. “Happy birthday, Mama! Mabuhay ka hangga't gusto mo.” Bati ko sabay halik sa pisngi niya. “Thank you, ‘Nak. Sabi ko sa ‘yo huwag nang maghanda, eh.” “Puwede ba naman iyon, Ma. Isang beses lang tayo nagbi-birthday sa isang taon tapos ayaw mo pa.” “Gastos lang iyan, eh. Tapos mapapagod ka pa.” “Tss, maliit na bagay, Ma. Ni hindi nga nagulo iyong patas ng pera natin, eh. Saka, ano bang gagawin sa kinikita natin? Walang mall sa heaven, Ma,” pagbibiro ko na ikinatawa niya. “Loka-loka ka talagang bata ka.” “Life is short, Ma. Alam niyo iyan.” “Oo na ho, Nanay Annika. Hindi naman ako mananalo sa ‘yo.” “Hindi talaga, Ana.” “Bastos!” Sabay kaming natawa ni Mama dahil tinawag ko lang siya sa pangalan niyang Ana. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay magkatulong naming dinala ni Mama sa likod-bahay. Ipinamahagi namin iyon sa aming mga kapitbahay na punong abala. “Sino pa ho sa inyo ang walang kape?” tanong ko. “Si Derek, Annika, wala pa siyang kape,” sagot ni Kakang Nora na abala sa pagbabalat ng carrots. “Oo nga, hindi pa iyon nagkakape. Ayon siya, oh,” segunda ni Ate Tessie sabay turo sa lalaking nakaupo sa ‘di-kalayuan. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya roon. May kasama siyang tatlong lalaki na pawang kabataan. “Ate Annika, nandito si Kuya Derek!” Malakas na sigaw ni Norman, anak na bunso ni Kakang Nora. “Gusto niyo ng kape?” Alok ko. Tila may sinabi si Derek na ikinatawa ng tatlong kabataan. “Ate Annika, ayaw daw ng kape ni Kuya Derek!” Si Tope na anak naman ni Ate Tessie. “Ikaw raw ang gusto niya, Ate Annika!” Si Norman. Sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya ay nadinig iyon ng lahat dahilan para umugong ang malakas na tuksuhan. Pati si Papa at Mama ay nakitukso na rin na ikinairap ko. Naging masaya ang lahat dahil kay Derek na bida-bida. Hindi maitatatwa na nakuha na niya nang tuluyan ang loob ng mga kapitbahay namin. Mayamaya ay dumating si Tito Amado na kapatid ni Papa. May dala siyang malaking styrofoam. Tuwang-tuwa ang mga kapitbahay ko nang makita ang laman niyon na puro fresh na isda at sugpo. Mayro'n ding malalaking alimango. Maging si Derek ay nakiusyuso, tuwang-tuwa rin na para bang noon lamang nakakita ng mga ganoon. “Maraming salamat sa mga iyan, Amado. Ang dami nating pulutan,” ani Papa na tuwang-tuwa sa mga dala ng kapatid niya. “Wala iyon, Kuya Arman. Pero teka, sino iyang lalaking iyan?” Turo nito kay Derek na panay ang silip sa styrofoam. “Si Derek iyan, inaanak ko galing Maynila.” “Derek? Iyong dating iniligtas ni Anni–” “Kape ka muna, Tito Amado,” sansala ko agad sa ano mang sasabihin niya. Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin at ngumiti kapagkuwan. Pumasok ako sa kusina at ipinagtimpla sila ng kape. Pagbalik ko ay malakas silang nagtatawanan sa likod. “Sobrang laki naman ho ng tilapia na iyan, Tito Amado.” Si Derek na aliw na aliw sa isdang hawak ng tito ko. “Naku, hindi ito tilapia, Derek. Tampal Puki ang tawag sa isdang iyan.” Kitang-kita ko nang kumunot ang noo ni Derek. “Tampal ano ho?” paniniguro niya. “Tampal Puki.” Ulit ni Tito Amado. Nagtawanan ang mga taong naroon dahil manghang-mangha si Derek sa pangalan ng isda. Tss! Malamang ibang pvki ang iniisip niya. “Wow! Iyon ho talaga ang pangalan niyan? Tampal puki?” Hindi pa nakatiis at sinipat-sipat ang isda. Pati ako ay hindi na napigilan ang mapatawa. Para kasing gago si Derek. Basta talaga kuwan. “Oo, iyon talaga ang pangalan niyan.” Si Papa. “Ang astig naman ho. Sino ho ang nakaisip ng pangalan ng ganiyang isda?” Napatawa na naman kaming lahat. “Abay hindi rin namin alam. Nakagisnan na naming tampal Puki ang isdang iyan.” Si Tito Amado. Ngayon mo lang ba narinig ang ganiyang isda?” dagdag pa niya. “Oho, eh. Ang alam ko ho, iyong kuwan tapos tatampal-tampalin ho.” Malakas na nagtawanan ang mga naroon dahil sa ginawa nito na pagtampal sa noo niya. “Nalintikan kang bata!” Mauutas si Tito Amado sa kakatawa dahil kay Derek. “Mukhang ibang pvki ang naisip mong bata ka.” Pigil ang tawang tumalikod na ako. Hindi ko kinakaya ang utak ni Derek. Ang akala ko'y tapos na katarantaduhan niya pero mayamaya lamang ay muling umalingawngaw ang malakas na tawanan habang nagkukumpulan sila sa may poso. Pati kami ay napalapit na kung bakit. “Tarantado! Hindi ganiyan ang paglilinis niyan!” Si Papa. Dumukhang ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Ang lalakas kasi ng tawa nilang lahat. “Hindi ganiyan, hoy! Huwag mong dukitin,” sabi ni Tito Amado at humagalpak ng tawa. Pati sina Mama ay mauutas na rin dahil pinanuod namin ang paglilinis niya ng isda. Nakapasok ang gitnang daliri niya sa bunganga ng isda at naglabas-pasok. “Lintik na Derek ‘to, mukhang sanay na sanay dumikit!” Hindi napigilang komento ni Ate Tessie. Umalingawngaw na naman ang malakas na tawanan. Gigil na binatukan ni Papa si Derek. “Hindi ganiyan iyan, lintik ka. Ibuka mo, unahin mo ang hasang. “Ganito ho?” “Oo ganiyan! Gandang lalaki pero bungol.” Pagbibiro ni Papa. “Mukhang sanay na sanay sa dukitan iyang inaanak mo, Arman.” Si Kakang Nora. “Nakailang babae ka na ba, Kuya Derek?” Si Tope. “Marami-rami na rin.” Proud na proud pa ang lintik! Sa loob-loob ko at inawan na silang nagtatawanan pa rin. Mukhang mag-uuutot ang mga kapitbahay ko sa mga katarantaduhan ni Derek.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD