Chapter 19

2485 Words
ANNIKA POV NASA garahe na ako para kunin ang sasakyan namin pero dinig na dinig ko pa rin ang malakas na hagalpakan ng tawa ng mga kapitbahay ko. Pinaka nangingibabaw ang tawa ni Papa at Tito Amado, mukhang huling-huli ni Derek ang kiliti nilang magkapatid. Nang muling umalingawngaw ang malakas na tawanan ay napapangiting napailing na lamang ako. Hindi ko kinakaya ang mga kalokohan ni Derek. Kung maloko siya noon, parang mas lumala pa ngayon. Pero aminin mo, Annika, napapatawa ka niya. Kantyaw ng kabilang bahagi ng isip ko. Pagka-start ko ng makina ng van namin ay bigla akong napatawa. Naalala ko kasi kung paano nagmukhang katawa-tawa si Derek kanina habang naglilinis ng isda. Lintik na Derek ‘to, mukhang sanay na sanay sa dukitan! Lalo akong natawang mag-isa, parang naririnig ko pa ang hagalpak ng tawa ni Ate Tessie kanina pagkatapos sabihin 'yon. Tss! Sanay na sanay na talaga dahil bata pa lang, bihasa na. Sa loob-loob ko. Awtomatikong nabura ang ngiti sa mga labi ko at agad na napalitan ng inis. Bumalik na naman kasi sa isip ko kung gaano kaharot si Derek pagdating sa mga babae. Iyong tipong walang pakialam sa nararamdaman ng iba basta ‘pag gusto niya, gusto niya kahit makasakit ng iba. Sana lang talaga nabago na niya ang ugali na iyon dahil kung hindi pa, wala na akong balak ulitin ang ginawa ko dati para lang sa kaniya. Sa isiping 'yon ay mabilis ko nang pinasibad ang sasakyan namin patungo sa apartment ng kaibigan ko. Habang natutok sa daan ang mga mata ko. Bigla ko na namang naisip ang isang bagay na ginawa ko para kay Derek noon. Tss! Wala, eh. Mahal dati. Bulong ng isip ko. Tama, tama! Dati, Annika, dati iyon. Huwag na huwag ka nang uulit sa kagagahan mo. Parang loka na paulit-ulit kong pinagsasabihan ang sarili ko hanggang sa makarating sa tapat ng apartment ni Victor. Umibis ako ng sasakyan at kumatok ng sunod-sunod sa pintuan. “Babe! Yohoo! I'm here!” sabi ko kasabay ang may kalakasang katok. “Nandiyan na, lintik na ‘to!” Dinig kong sabi ni Victor. Mukhang yamot na naman ang baklitang 'yon. “Bilisan mo na kas—” awtomatikong napaawang ang bibig ko nang bumukas ang pinto at bumungad ang kaibigan ko. “Okay ba?” tanong niya at umikot sa harapan ko. Natutop ko ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata. Sinasabi ko na nga ba, ang guwapo niya kung naging tunay na lalaki siya. “Oh, my gulay! Baks, ang guwapo mo!” bulalas ko nang makabawi. “Walang bakas ng kabaklaan, baks!” Tuwang-tuwa ko pang sabi at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang tingin sa mukha niya. “Perfect, baks! As in! Ang buhok, ang pananamit! Ay pak na pak!” Sa gigil ko ay nilapirot ko ang magkabilang pisngi niya. Tinabig niya ang mga kamay ko at inis na hinila ang buhok ko na ikinatingala ko. “Ang sakit no’n, ah.” Reklamo ko. “Tss! Kung makapisil ka kasi wagas!” ingos niya at pinaikutan ako ng mga mata. Napangisi ako at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Ang guwapo mo pala talaga, baks. Walang bakas na isa kang juding,” puri ko. “Happy?!” May halong sarkasmong tanong niya. “Naman, sobra!” “Oh, siya, tara na!” Pagyayaya niya at nauna pang lumabas ng apartment niya. Nasa labas na kami pero hindi ko pa rin siya magawang lubayan ng tingin. Peste, guwapong-guwapo ako sa baklang ‘to. Ano kaya kung magpakalalaki ka na lang, ‘no? “No way!” Bulalas ni Victor at pinandilatan ako ng mga mata. “Kahit anong gawin mo, babae ako. Gagawin ko lang ‘to para sa ‘yo na gaga ka!” Natawa ako. Ngayon ko lang na-realize na nasabi ko pala ang iniisip ko. “Try mo lang kaya, baks. Seryoso, ang guwapo mo. Maraming babae ang magkakadarapa sa paanan mo mapansin mo la–” “Ew! Yuck!” Tila diring-diri niyang sabi at exaggerated na sumuka kuno. “Arte mo,” ingos ko sa kaniya bago lumulan ng sasakyan namin. Nasa driver's seat na ako nang may maisip kaya bumaba uli ako. “Hep, hep, hep!” Pasakay na sana si Victor sa passenger seat nang hilahin ko siya. “Bakit ba? Aalis na tayo, ‘di ba?” Angil niya. “Ikaw ang mag-drive.” Pinandilatan niya ako. “Kung gusto mong ngayon pa lang ay sunduin na tayo ni kamatayan, puwede naman.” At umikot siya sa kabilang side, pasakay na siya nang hilahin ko uli. “Ako na pala, Baks. Baka mamaya magdilang-anghel ka, eh.” Hindi na siya nakipagtalo at umikot na uli sa kabila at sumakay. Habang daan pabalik sa bahay ay panay ang turo ko sa kaniya ng mga kailangan niyang gawin. Natatawa ako dahil gusot na gusot ang mukha niya sa mga sinabi ko. “Maging extra sweet ka sa akin, ha.” Sabi ko pa sabay lingon sa kaniya. “Oo na. Tama na ang kaka-lecture mo at baka ‘pag nandoon na tayo, wala na akong maalala maski isa sa dami ng kuda mo. Alam ko na ang gagawin ko,” pagtataray niya. “Good. At siya nga pala, may mga bisita kami na galing Maynila. Mga guwapo iyon kaya pigilan mo iyang kalandian mo, ha? Huwag na huwag kang kekeringking doon, Victor, sinasabi ko sa ‘yo,” banta ko. “Oo na, ang ingay mo. Mag-drive ka na lang diyan.” Napairap ako nang makita kong nangislap ang mga mata niya sabay ayos ng suot na pantalon. Dumaan muna kami sa Jea’s Pastry Shop para sa cake ni Mama at sa isang branch ng punerarya namin na malapit sa bilihan ng cake. Nag-check at nagbilin lang ako sa mga employee namin at umalis na din kami ni Victor at dumiretso sa bahay namin. Pasado alas onse na ng umaga nang makarating kami sa tapat ng bahay. Patanghalian ang handa ni Mama kaya pagdating namin ay medyo nagkakarami na ang mga bisita. Akmang bababa na si Victor nang pigilan ko siya. Nakita ko kasi si Derek sa may tarangkahan ng bahay namin. Punong abala kuno. “Ano na naman?” angil niya. “Palit tayo ng puwesto.” Kinunutan niya ako ng noo. “Para kunwari ikaw ang nag-drive para sa akin, dali!” “Oo na, letse na ‘to.” Nagpalit kami ng puwesto. Napahagikhik ako nang marinig kong may lumagatok na kung ano. Pagtingin ko, nauntog pala siya sa rareview mirror. “Careful—” “Aah!” Malakas na daing ng kaibigan ko. “Tang’na ang mani ko!” dagdag pa niya. Pagtingin ko sa kaniya ay hindi ko napigilan ang mapabunghalit ng tawa dahil sapo-sapo niya ang harapan. Tumama pala iyon sa kambiyo ng sasakyan dahil sa pagpapalit namin ng puwesto. “Syet lang, ang mani ko!” Aniya pa habang hindi na maipinta ang mukha, na mas lalo pang nagusot dahil sa pagtawa ko. Masama siyang tumingin. “Huwag mo akong pagtawanan, taena ka!” Ngumiwi siya. “Nabiyak yata ang mani ko.” Sa halip na makaramdam ng awa ay lalo lang lumakas ang tawa ko. Napaka-ambisyosa naman kasi, eh wala naman siyang mani. “Huwag ka ngang ambisyosa, wala kang mani, baks.” Kantyaw ko. “Kailangan mong tandaan na itlog at hotdog ang mayro'n, hindi mani. Hindi–” “Oo na, oo na!” Gigil niyang hinila ang buhok ko. “Paulit-ulit? Kailangan paulit-ulit?” “Joke lang ‘to naman.” Pinigilan ko na ang mapatawa kaya yumugyog ang mga balikat ko. “Sorry na. Sige na nga, mani na iyan kung mani.” “Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa trip mo na ‘to. Puro disgrasya lang naman ang napapala ko sa ‘yo.” Himutok niya at akmang bababa na nang pigilan ko siya. “At tano na naman?!” “Iyong usapan natin, ah. Bawal lumandi, baks. Boyfriend kita ngayon kaya hindi ka puwedeng magladlad. Don't worry dahil sa guwapo mong iyan, safe na safe ang sekreto natin. Baka pati si Mama mapaniwala natin.” “Whatever!” pagtataray niya bago padaskol na bumaba. Ilang sandali na siyang nakatayo sa harap ng sasakyan at waring hinihintay ako pero hindi ako bumaba. Nakatingin na kasi ang mga kapitbahay ko sa kaniya. Maging si Derek ay nakatingin na rin sa kaniya. Huh! Akala mong lalaki ka, huh! Sa loob-loob ko at napangisi na agad napalitan ng ngiwi dahil mukhang nakita na rin ni Victor ang lalaki dahil nawala na sa huwisyo ang gaga. Letse ka talaga, Victor! Kasasabi ko lang na hawal humarot, eh. Tss! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number niya. Pero ang gaga, hindi man lang yata naririnig at tila nawalan na ng paki. Sa pangatlong tawag ko ay sa wakas narinig na niya at kaagad lumapit sa akin nang makita na ako ang tumatawag. Binuksan niya ang pinto sa gawi ko. “Aray! Bakit ba?!” Asik niya nang kurutin ko siya sa tiyan. “Kakasabi ko lang na bawal lumandi, ‘di ba?!” Kinutusan niya ako. “Tama ba ang nakikita ko, baks? Bakit nandito ang lalaking dumakot sa puwet mo noon?” Sa halip ay tanong niya. “Unfortunately siya ang kinakapatid na sinasabi ko sa ‘yo—” “Siya iyon?!” Ang OA ng reaction niya. “Oo—” “Ay ano pang hinihintay mo, halika na. Bumaba ka na, bilis!” Napaawang na lamang ang bibig ko nang walang ka-gentle gentle na hinila niya ako pababa ng van. Muntik pa akong mapasungaba kung hindi ako napayakap sa kaniya. Sumabit kasi ang sintas ng sapatos na suot ko. “Are you okay?” Kunwari ay pag-aalala niya. “Bilisan mo kasi para mabati ko na si Tita Ana.” Pailalim ko siyang inirapan at pagkuwa'y nagbabantang tiningnan. Inilapit niya ang mukha sa akin. “Letse go, babe. He's looking at me–este at us.” “Umayos ka, sinasabi ko sa ‘yo. Kapag hindi ka umayos, mapapaaga ang sundo ni kamatayan sa ‘yo.” Napangiwi siya. “Noted, babe. Basta ipakilala mo ‘ko, ha?” hiling pa niya at pinagsiklop ang mga kamay namin na ikina-react ng mga kapitbahay naming bisita ni Mama. “Aba't tingnan mo nga naman, may tinatago palang nobyo itong si Annika,” sabi ni Ate Tessie nang makalapit kami sa puwesto nila. “Oo nga, at pagkakaguwapo pa!” Segunda ni Kakang Nora. Ipinakilala ko sa kanila si Victor, pero siyempre si Vince muna siya ngayon. “Si Vince ho, nobyo ko.” Isa-isang binati si Victor ng mga kapitbahay ko. Bumati rin naman si Victor sa kanilang lahat. Pagkuwa'y nagpaalam ako na papasok muna sa loob. “Kaguwapo naman ng nobyo ni Annika, ano, Tessie.” Naulinigan kong sabi ni Kakang Nora. “Kaya nga, eh. Pero mas gusto ko si Derek, nakakatuwa kasi siya.” “Ako rin, saka marunong makisama sa atin.” Dinig kong sang-ayon ni Ate Betty, kapitbahay ko rin. Dumiretso na kami sa loob ng bahay ng kaibigan ko. Pagpasok pa lamang namin ay ramdam ko nang natigilan si Victor. “Syet! Oh, men.” Sinundan ko ang tinitingnan niya at napaawang ang bibig ko nang makitang sina Dior at Denver at tinitingnan niya. Ang mga kapatid ni Derek. Nandito na pala sila. “Ate Annika!” Si Denver at mabilis na tumayo, saka ako niyakap. “Kumusta? Long time no see,” aniya nang pakawalan ako. Niyakap din ako ni Dior. “Kanina pa kayo?” nakangiting tanong ko. “Oo, medyo.” Si Denver. “Sina Tita at Tito?” Tukoy ko sa parents nila. “Nasa kitchen kanina, kasama ang Mama mo.” Hindi magkamayaw na nakipagkuwentuhan ako sa magkapatid. Napahinto lang ako nang maramdaman ko na may kumurot sa akin. Si Victor pala. “Ay siya nga pala, Denver, Dior, si Vince, nobyo ko. Vince, si Denver at Dior, mga kaibigan ko.” Pakilala ko sa kanila. Nag-abot ng kamay ang magkapatid na mabilis na tinanggap ni Victor. Pasimple pa siyang tumingin sa akin at puno ng kakerihan ang mukha. "Ah, excuse me ang kamay ko." Napatanga ako dahil hawak pa pala ni Victor ang kamay ni Dior. "Excuse me, ang kamay ko." "Ang kamay mo? Ahm, ah matigas--" Pinalo ko sa braso si Victor na ikinagising niya. "Ah, sorry." "It's okay." Mabuti na lamang at hindi napansin ni Denver na namimilipit na sa kakerihan si Victor. Pagkatapos kong ipakilala ang kaibigan ko sa kanila ay hinala ko siya at hinanap ko si Mama. Nakarating kami sa likod-bahay. May mga nagtatagay na roon. “Aba, Annika! Sino iyang kasama?” Si Mang Abel, asawa ni Kakang Nora. “Si Vince ho.” Ipinakilala ko rin sa kanila si Victor. “Nakita niyo ho ba si Mama?” “Hindi, eh. Pero ang papa mo, hayun sa may puno ng saging.” Sinundan ko ang itinuro niya at magalang na nagpaalam. “Mamaya mo na kaya sila hanapin, doon muna tayo sa loob. Mas maganda ang tanawin doon.” Hirit ni Victor sa tabi ko. “Ang sabihin mo, lalandi ka lang.” Hinila ko siya palapit kina Papa. “Batiin mo sila, ha. Magpakitang gilas ka.” “Areglado, basta akin si Derek, ah.” Hirit niya at nakangiting lumapit sa mga kasama ni Papa. “Maayong bundat ho sa inyong t’yan.” Napahagikhik ako nang wala sa oras nang ma-realize kung bakit bundat ang sinabi niya, sa halip na buntag. “Maayong buntag sa inyong tanan” kasi iyon. Ang apat na lalaking kausap kasi ni Papa ay pawang malalaki ang mga tiyan. “Maayong bundat ho sa inyong t’yan.” Ulit pa niya kaya lalo akong napahagikhik. “Tarantado, marinig ka nila.” Tumigil ako sa pagtawa nang makita kong kunot ang noo ni Papa habang nakatingin kay Victor. Patay! Baka makilala siya ni Papa. Matalas pa naman ang pang-amoy niya. Pagkatapos niyang bistahan si Victor ay napunta sa akin ang tingin ni Papa. Nagtatanong ang kaniyang mga mata. Tumikhim ako at ipinakilala si Victor o Vince. Seryoso ang mukha ni Papa pagkatapos kong maipakilala si Victor. “Bakit ngayon mo lang ipinakilala iya—” hindi natapos ni Papa ang sasabihin nang lumapit si Tito Demier kasama si Derek. “Annika, hija!” Galak na sambit ni Tito Demier. Nag-bless ako sa kaniya. “Kumusta ka na? Balita ko, hindi umuobra sa ‘yo ‘tong si Derek, ah.” Napangiti ako. “Duwag ho, Tito, eh.” “Sinong duwag? Ako?” Singit ni Derek. Napatingin ako sa kaniya at huling-huli ko ang pakikipagtitigan niya kay— sinundan ko ang tingin niya. Kay Victor. Na parang gusto nang magladlad ng mga sandaling 'yon. Patay kang bata ka…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD