Chapter 4 LMA

2006 Words
DEREK'S POV HINDI pa man nakakalapag sa NAIA ang eroplanong sinasakyan ko ay hindi na mawala ang malawak na ngiti sa aking mga labi. Sobrang excited na ako na finally ay nakabalik na ako ng Pilipinas, pagkalipas ng mahabang pahanon. Nang magsalita ang flight attendant na malapit ng lumapag ang eroplano ay inayos ko na agad ang mga gamit ko. Ang cellphone ko ay inilagay ko na sa bulsa ko habang ang headset na nasa tainga ko kanina ay inilagay ko sa leeg ko. Isinuot ko na rin ang sunglass na kanina ay nakalagay sa ulo ko. Lalong naging malawak ang pagkakangiti ko nang lumapag na nga ang eroplano. Ilang sandali pa ang lumipas at nagsimula ng magsibaba ang mga kasabay ko pauwi ng Pilipinas. Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad pababa. "Wohoo! Finally! Welcome to me, wohoo!" sigaw ko habang nakataas pa ang dalawang kamay ko. "Whoa! I missed you, Philippine--" Nabitin sa lalamunan ko ang sigaw ko nang mapansin kong nakatutok ang mga mata nila sa akin. Tsk! Ngayon lang siguro nakita ng Adonis ang mga ito. Mayabang na usal ko sa aking isip. "Hi, everyone! I'm just so glad to be back here," sabi ko pa habang bumababa ng eroplano. Nang tuluyang makababa ay mas dumoble ang sayang nararamdaman ko. Naglakad na rin ako palabas habang hila-hila ang aking mga maleta at saka nag-abang ng taxi. Walang nakakaalam sino man sa pamilya ko na ngayon ang dating ko dahil gusto ko silang isurpresa sa pag-uwi ko. Matapos kasi akong balitaan ni Mommy na puwede na akong umuwi ay kaagad kong inayos ang mga dapat kong ayusin. At iyong coffee shop ko, may pinagkakatiwalaan naman akong mag-manage niyon. At isa pa, mga Pinoy ang crew ko at tiwala akong mapagkakatiwalaan ko silang lahat. Basta Pinoy, honest at maaasahan iyan. Habang naghihintay ng taxi ay nakaramdam ako ng ihiin. Ibinilin ko muna sandali sa isang security guard ang mga maleta ko at saka nagmamadaling pumunta sa restroom. Ihing-ihi na ako kaya't lakad-takbo ang ginawa ko. At dahil sa pagmamadali ko hindi ko napansin ang isang taong pasalubong sa direksyon ko. Huli na para iwasan ko ito. Napahiga ito sa lapag sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko. At para alalayan ang ulo nitong huwag tumama sa sahig napasama ako sa pagbagsak nito. Nakahiga ito habang ako naman ay nakadapa sa katawan ng isang babae. Yes, babae dahil nakasubsob ang mukha ko sa malambot nitong dibdib. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin dahil sinamyo ko iyon at hinalikan. Kakaibang init ang sumalakay sa buong pagkatao ko habang inaamoy pa rin ang dibdib nito. "Ay! Manyak! Manyak!" Malakas na sigaw ng babae. Buong lakas nitong hinila ang buhok ko palayo sa dibdib nito. "Ouch! Damn you, woman! Let go of my hair, damn!" Mahigpit nitong hila-hila ang buhok ko dahilan para mapadaing ako sa sakit. Nagawa nitong umalis sa ilalim ko. Napahiga ako sa sahig nang umupo ito sa tiyan ko at bigyan ako ng pagkakalakas na sampal. Napaling ang ulo ko sa lakas niyon, narinig ko pa ang malakas na singhapan sa paligid namin. "Damn you, woman!" "Damn you, jerk! Bastos! Manyak!" sigaw nito at muli akong sinampal bago umalis sa pagkakaupo sa aking tiyan. Nanlilisik ang mga mata nitong bilugan. Hindi ko masabi kung maganda ito dahil demonyeta ang tingin ko rito ng mga oras na iyon. "How dare you to slapped me?" mariin kong tanong habang bumabangon. "And how dare you too to touch my boobs, you jerk!" galit na sabi nito. Napangisi ako nang marinig ko ang tawanan sa paligid namin. Marami na kasing nakikiisyuso. "I don't know what you're talking about, woman. I didn't touched your pretty little boobs," ngising sabi ko. Titig na titig ako rito kaya napagtanto kong maganda naman pala ito. "Aba't hoy! Hindi maliit ang boob--" kusa itong natigilan nang ma-realized na pinagtitinginan na kami ng mga tao sa airport. Nakita kong namula ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Humakbang ito papalapit sa akin, napaatras naman ako habang titig na titig dito. Nakita kong tumaas ang gilid ng mga labi nito. Hmm, mukhang palaban ang babaeng ito ah. Nakipagsukatan ito ng tingin sa akin. "Alam kong maganda ako, huwag kang mas'yadong tumitig. Hindi ganiyang hitsura ang type ko, mukhang bakla sa sobrang puti." Sa halip na mainsulto ay tumawa lang ako. Ako naman ang humakbang palapit dito. "Old style, woman." "Anong old style?" Ngumisi ako. "Tatawagin mo akong bakla para halikan lang kita? Just say so para matikman mo ang mga labi ko, how's that, hmm?" Lihim akong nagbunyi nang manlaki ang mga mata nito. "Aba't hoy! Hindi ka lang pala manyak, mayabang ka rin. Hindi kita gustong halikan, mahiya ka sa balat mo!" inis na sabi ng babae. Nanlalaki na rin ang butas ng ilong nito marahil ay dala ng inis. "Hindi ako mayabang, style na kasi iyan, sasabihan ng bakla ang mga lalaki para mahalikan. Style ng mga babaeng gustong mahalikan, tsk. Sorry but I don't like to kiss you. Kahit sabihan mo ako ng bakla hindi kita hahalikan para patunayan sa'yo na lalaki ako. I know myself very well," inilapit ko ang bibig ko sa tainga nito at saka bumulong. "If you want me to kiss you, just say so. I'm a good kisser." Sandali itong hindi nakahuma, ngunit malakas akong napahiyaw nang hilahin nito ang tainga ko. "Ouch, damn, my ear!" daing ko. "Hindi kita gustong halikan, alam mo kung bakit? Dahil hindi ko kayang makipaghalikan sa lalaking mabaho ang bibig! Ew! Saka ka na magyabang kapag hindi ka na amoy imburnal!" Inilapit pa nito ang mukha sa aking mukha. "Para ito sa paghawak mo sa boobs ko," anito at saka ako sinipa sa bahagi ng katawan kong hindi nasisikatan ng araw. "F-uck!" sigaw ko habang sapo ang alaga ko. "You b-itch!" Ngumisi naman ito sa akin. "Aww..masakit ba? Ayos ka lang?" Kung nakamamatay lang ang tingin ko kanina pa sana binuburol ang babaeng ito. "You're such a b-itch!" "Tawagan mo ako kapag mamamatay ka na, ako ang mag-iimbalsamo sa'yo for free, bleeh!" Parang batang benelatan ako nito. Matapos nitong gawin iyon ay kumuripas ito ng takbo papalayo sa akin at sa mga taong ngayon ay malakas na nagtatawanan. "May araw ka rin sa akin!" Paika-ika akong naglakad papunta sa restroom. Wala sa sariling hiningahan ko ang palad ko at saka inamoy iyon. Hindi ako bad breath! "Damn you, woman!" mahina kong sabi. Dumiretso ako sa restroom habang napapangiwi pa rin. See you when I see, woman. Pipilipitin ko iyang dila mo at lulunukin kita ng buhay. Naiiling na lumabas ako ng restroom matapos kong magbawas. Binalikan ko ang mga maleta ko at saka muling nag-abang ng taxi. Hindi naman nagtagal ay lulan na ako ng taxi pauwi sa bahay namin sa Batangas. Hindi naman lumagpas ng tatlong oras ay nakarating na ako sa bahay namin. Matapos kong bayaran si Manong taxi driver ay nag-doorbell na ako. Matapos ang dalawang pindot ay may lumabas para pagbuksan ako ng gate. "Derek!" bulalas ni Nanay Tasing, ang mayordoma sa bahay nila Mommy. Nanlalaki ang mga mata nito habang titig na titig sa akin. "Hi, Nanay Tasing," ngiting bati ko rito. "Derek! Ikaw na ba iyan?" may halong tili ang boses nito. Sa halip na sumagot ay mabilis ko itong sinugod nang mahigpit na yakap at saka hinalikan ang noo nito. Sobrang malapit kasi ako rito kahit noong bata pa ako. Spoiled niya ako noon pa. Si Nanay Tasing ang tumayo kong pangalawang ina. "Derek, Anak ikaw nga!" naiiyak na sabi nito at gumanti ng yakap sa akin. "Nanay Tasing, I'm back!" ngiting sabi ko at pinakawalan ito. Manghang sinapo nito ang mukha ko. "Ikaw nga! Jusko, Anak ang guwapo mo na lalo!" Siyempre ngiting-ngiti na naman ako sa papuri nito. Guwapo eh. "Guwapo ba ako, 'Nay?" "Sobra pa sa salitang guwapo! Jusko, ang matured mo ng tingnan, Anak! Ang tagal mo ring nawala at na-miss kita." Nakita ko ang sinseredad sa mukha nito habang sinasabi iyon. "I missed you too, Nanay Tasing! It's been a while, mukhang marami ng nagbago rito. At sa inyo, parang hindi naman nadagdagan ang edad n'yo eh. Makakapag-asawa pa kayo ng apat sa ganda n'yo eh," sabi ko habang nakaakbay rito. Natawa naman ito at pabirong pinalo ang tiyan ko. "Ikaw talagang bata ka, umiral na naman iyang pambobola mo. Wala ka pa ring ipinagbago, bolero ka pa rin hanggang ngayon." "Hindi kita binobola, Nanay, parang hindi ka talaga tumanda. May asim ka pa rin." Napahagikhik naman ito at tinampal ang dibdib ko. "Tigilan mo nga akong bata ka, ang sabihin mo maasim na." Maging ako ay natawa sa sinabi nito. "Medyo maasim nga, 'Nay pero tingin ko naman kaya pang daanin sa ligo," pagbibiro ko dahilan para lumakas ang tawa nito. "Kow! Ikaw talagang bata ka, magbait ka na rito para hindi ka na ipatapon ng Daddy mo," kapagkuwa'y sabi nito. "Matagal na akong mabait, Nanay Tasing." "Mabait ka namang talaga pero ubod ng babaero." "Wala na akong babae ngayon, 'Nay," sabi ko na ikinatawa naman ito. "Sa guwapo mong iyan, imposible na wala kang babae. Pero huwag kang magpapahuli sa Daddy mo baka mapalayas ka na naman nang wala sa oras, ikaw rin." That's why I like her, supportive ito sa akin. "Don't worry, Nanay. Nagbago na talaga ako, promise," sabi ko sabay kindat dito. Ngumiti naman ito sa akin at hinila na ako pagpasok sa loob. "Dapat lang dahil nagkakaedad ka na. Dapat alam mo na kung paano itatro ng tama ang mga babae. Ikaw rin baka kapag dumating ang para sa'yo hindi mo siya makuha dahil sira na sa kaniya ang imahe mo," paalala nito. Biglang sumagi sa isip ko ang babaeng nakabangga ko sa airport kanina. Tama bang inaasar ko s'ya? Pero tinuhod niya ako, maldita siya. "Derek." Napapitlag ako sa ginawa nitong pagtapik sa akin. "Nanay?" "Sabi ko, tayo ng pumasok sa loob dahil tamang-tama ang dating mo nariyan sa loob ang buong pamilya mo." "Lahat sila?" "Oo, lahat at tiyak na magugulat sila kapag nakita ka." Binuksan nito ang pinto papasok sa sala habang hila ang isang maleta ko. Sumunod naman ako rito habang hila ang isa ko pang maleta. Nang makapasok nang tuluyan ay pananabik ang lumukob sa buong sistema ko. My home. "Dior, tawagin mo nga ang kapati-" Nabitin ang sasabihin ni Mommy nang mapatingin ito sa akin at makita ako. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito. Ilang sandali itong natigilan at ilang ulit na kumurap-kurap. Malawak ang ngiting binitawan ko ang maleta ko at saka ibinuka ang mga braso ko, para anyayahan itong lumapit sa akin. "Dereeek! Oh my God, Anak!" malakas na sigaw nito at tumakbo papunta sa akin. Naluluha ako habang nakatingin kay Mommy na tumatakbo. "Dereek! Anak!" Sinalubong ko ito at saka binuhat at pinaikot-ikot sa ere. Mahigpit itong yumakap sa leeg ko. Ilang sandali kaming magkayakap ni Mom, ang higpit ng yakap nito sa akin. "Hi, Mom. Surprised?" naluluhang tanong ko. Inalis nito ang pagkakayakap sa leeg ko at saka sinapo ang mukha ko, may luha ito sa pisngi. "Yeah, I'm surprised. Bakit hindi mo sinabing uuwi ka ngayon?" "Para surprise, Mom," ngiting sabi ko. "I missed you, Son." "I miss you, Mom." Muli ko itong niyakap. I missed her. So much. Nang pakawalan ko ito ay nakita kong nagpahid ng luha si Nanay Tasing habang nakatingin sa amin ni Mom. Malawak akong napangiti nang maglakad si Dior palapit sa amin, kagaya ko ngiting-ngiti rin ito. "Hey, Bro! What's up," sabi nito at niyakap rin ako. Gumanti naman ako at saka ginulo ang buhok nito. "Na-miss ko kayong lahat, really." "Ikaw rin, Kuya. Welcome home." Tinapik-tapik ko ang likod nito. Lumapit naman si Mommy sa amin ng kapatid ko at nakiyakap na rin. Matapos naming magkumustahan ay niyaya kami ni Mommy sa veranda kung saan naroon ang Daddy at isa ko pang kapatid na si Denver. Sama sama kaming pumunta sa veranda. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. I'm just happy to be with them again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD