ANNIKA "SAAN ka po pupunta, Pa?" tanong ko kay Papa nang makita ko siyang madaling-madali palabas ng aming bahay. Napatingin ako sa kamay niya at may hawak siyang susi. "Aalis ka, Pa?" "Anak—" "No. Sobrang lakas ng ulan, Pa, delikado ho kung lalabas ka." "Pero tumawag ang kinakapatid mo, Anak. Hindi raw makauwi at walang masakyan kaya nagpapasundo sa akin." Lihim na nagpuyos ang damdamin ko para sa kumag na 'yon. Ang lakas-lakas ng ulan tapos palalabasin pa niya ang papa ko? Hmm? No way! Manigas kang maghintay diyan! Sa loob-loob ko. "Sige na, Anak, aalis na ako. Palakas na nang palakas ang ulan, kawawa naman ang kinakapatid mo. Wala raw siyang pera dahil hindi siya makapag-withdraw ng pera. Palagay ko'y ang Tito Demier mo ang may gawa niyon sa kaniya." "Gusto niyang turuan ng