ANNIKA POV HABANG pabalik sa punerarya ay palakas nang palakas ang ulan at pasama naman nang pasama ang panahon. "Kuya Jhong, bakit?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin ko na mas lalong bumagal ang pagmamaneho niya. "Baha na rito sa dadaanan natin, Annika." Sagot niya habang panay ang punas sa harapan niya para makita nang maayos ang kalsada. Hindi na yata kaya ng wiper ang malakas na ulan. Nagmo-moist na ang loob. "Wala bang ibang puwedeng daanan, Kuya? 'Yong hindi mas'yadong malalim ang baha? Baka masira ang makina nito, eh." "'Yon na nga, Annika, eh, wala tayong ibang malulusutan. Sa kabilang daan mas malalim doon kapag ganitong bumabaha. Baka nga walang dumadaan doon ngayon, eh. Wala tayong choice maliban sa maghintay na medyo bumaba ang baha, Annika, at mukhang matagal-tagal