Chapter 13

2006 Words
DEREK POV "MOMMY, sige na, maawa ka naman sa akin. Please?" Mahina akong napaungol nang umiling si Mommy sa hiling ko. Kanina pa ako nakikiusap sa kaniya na sunduin na lang ako at babalik na lang ako sa Spain pero hindi ko siya makumbinsi sa gusto ko. Kahit anong pakiusap at pagdadrama ko, wala pa rin talaga. Hindi siya nahabag sa akin kahit sinabi ko na pinapahirapan ako ni Annika dito. "Mommy, please? Last na request ko na 'to. Ayoko na rito, 'My." Muling subok ko pero daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa nang hindi na naman ang sagot niya. "Hindi mo ba ako mahal, 'My? Si Annika ang papatay sa akin dito, mas'yado siyang maldita, 'My. Sinundo niya ako kahapon gamit ang karo ng patay, can you imagine that?" Napasimangot ako nang sa halip na maawa ay tumawa pa si Mommy. "Walang nakakatawa, 'My." "Kasalanan mo naman 'yan, eh. Kung nagtitino ka na, eh 'di sana hindi ka ipinadala ng daddy mo riyan. Nangako ka sa akin na magbabait ka na kaya pinauwi ka namin dito pero hindi pa nag-iinit ang puwet mo gumawa ka na naman ng kalokohan." "Nadamay nga lang ako, 'My. Nagkataon lang na nasangkot sa gulo 'yong mga kasama ko kaya dinampot din ako ng mga pulis pero hindi ako kasali ro'n. Maniwala naman kayo sa akin, o." Muling subok ko na kumbinsihin si Mommy. "Naniniwala naman ako pero hindi ang daddy mo. At wala na akong magagawa para baguhin ang isip niya na turuan ka ng leksyon. Ang gusto lang ng daddy mo, matuto ka na, Anak. Hindi naman para sa amin 'yon kun'di para sa 'yo rin mismo." "Pero wala nga akong kasalanan, 'My. Nadamay lang talaga ako, promise." "Susubukan kong kausapin ang dadd–" Naputol ang anumang sasabihin ni Mommy nang sumulpot si Daddy sa likuran niya. Masama ang tingin niya sa akin. "Hindi na magbabago ang isip ko, Diana." Matigas na sabi ni Daddy. "Pero, Demier–" "No. Pabayaan mong matuto 'yang anak mo. Mas'yado na siyang sakit sa ulo. Baka sa susunod hindi na lang natin siya sa presinto puntahan, baka sa morgue na, Diana." "Demier." "Pinagbigyan na natin siyang umuwi rito pero anong ginawa niya? Nasangkot na naman siya sa gulo. Kaya pabayaan mo siya kina Pareng Arman nang matuto 'yan sa mga kalokohan niya." Galit na litanya ni Daddy. "Naiintindihan ko, Demier. Ayoko rin namang sa susunod ay sa morgue na natin makuha ang anak natin pero sana naman 'wag mong kuhanin ang mga bagay na nakasanayan niya. Ultimo sariling panggastos wala siya." "Eh 'di magtrabaho siya." "Demier—" "Hindi magbabago ang pasya ko, Diana. Doon siya kina Pareng Arman, tapos." Pinal na sabi ni Daddy. Malungkot na tumingin sa akin si Mommy mula sa monitor ng computer na hiniram ko kay Ninang Ana para makausap ang mommy ko. "Umayos ka riyan, Derek. Matanda ka na, 'wag kang gagawa ng kalokohan diyan. Mahiya ka sa Ninang at Ninong mo." Bilin pa ni Daddy bago nawala sa kabilang linya. "Pasensya ka na, Anak, mukhang hindi na natin mababago ang pasya ng daddy mo." Hinging paumanhin ni Mommy habang malungkot pa rin ang ekspresyon ng mukha. Napabuntong-hininga ako at tipid na ngumiti. "I understand, 'My. Ang hirap lang gumalaw lalo na kung wala akong sariling pera. Nahihiya rin naman ho ako kila Ninang kahit pa sabihing mabait naman sila sa akin dito at hindi ako tinatratong iba. At saka, problema ko talaga si Annika, 'My. Ibang-iba na talaga siya sa Annika na kilala ko noon." "Paanong iba?" Nakita ko ang pagkaaliw sa mukha ni Mommy. "Ang laki ng iginanda niya 'no?" Natigilan ako. Hindi ko naman ikinakaila na ang laki talaga ng iginanda niya ngayon. Pero pagdating sa ugali, ang laki rin ng ipinagbago. Palaban na siya ngayon at mataray. Wala nang bakas ng Annika na iyakin at lampa. Pakiwari ko'y kayang-kaya niyang baliin ang mga buto ko kapag nagkataon. Hindi nga ba't ilang beses na akong nakatikim ng suntok mula sa babaeng 'yon. At ang tigas ng mga kamao niya. Tama si Dior, mukhang nag-aral nga ng martial arts si Annika. Ibang klase. 'Yong dating lalampa-lampa, ngayon amasona na. Wala sa loob na napangiti ako nang maalala ang unang pagsasanga ng landas namin sa airport. 'Yong sinadya kong masubsob sa dibdib niya dahil totoong naakit ako noong time na 'yon. Sumagi rin sa isip ko 'yong unang yapak ko rito sa bahay nila. Nakakatuwang alalahanin ang mukha niya na shock na shock nang makita ang pagkalalakí ko pero sa halip na pumikit at tumalikod ay talagang tumitig muna bago sumigaw. Iba rin ang mga galawan ng babaeng 'yon. Kunwari galit pero tumitig naman. Mabuti na lang at may ipagmamalaki ako sa bagay na 'yon. "Anong iniisip mo't napapangiti ka?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang nanunuksong tinig ni Mommy. Kausap ko pa nga pala siya. "Wala, 'My. May naalala lang akong nakakatawa." "Sus, baka naman si Annika ang naiisip mo." Tumawa lang ako bago muling sumeryoso. Sumagi rin kasi sa isip ko ang ginawang pagpapahirap ni Annika sa akin lalo na ang pagsundo niya gamit ang karo ng patay. At hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon habang nabubuhay ako. Speaking of karo. Saan kaya niya nahiram 'yon? Hanggang sa matapos kaming mag-usap ni Mommy ay nagngingitngit pa rin ang kalooban ko. Tumambay ako sa balcony ng bahay nina Ninang Ana. Mukhang hindi ko na mababago ang isip ni Daddy kaya kailangan kong mag-isip kung anong puwede kong gawin para maka-survive. Hindi ko trip na maging palamunin lang dito kaya kailangan ko ng puwede kong pagkakitaan. Ayoko nang maranasan ang ma-stranded sa gitna ng masamang panahon tapos walang pera para makauwi. May susundo nga sa akin pero karo naman ng patay. Naiiling na napatanaw na lang ako sa malayo. Masama pa rin ang panahon pero hindi na kagaya kahapon. "Derek!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses ni Ninang Ana. "Po?" "Halika na, kakain na tayo!" Napangiti ako habang patungo sa dining area. Mabuti pa 'tong si Ninang mabait hindi kagaya ni Annika. Tss… "Maupo ka na." Alok ni Ninang nang datnan ko sa dining area. Mayamaya nama'y pumasok na rin si Ninong na kaagad akong binati. "Kain lang nang kain, Derek. Huwag kang mahihiya rito sa bahay." Ani Ninong Arman. "Salamat po, 'Nong." Habang kumakain ay nagkuwentuhan kami. Nasa kalagitnaan na kami nang hindi pa rin pumapasok si Annika. Tulog pa kaya ang babaeng 'yon? "Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Ninang Ana. Marahil napansin niya ang ginawa kong paglinga-linga sa paligid. "Ah, si Annika ho. Parang kanina ko pa ho siya hindi napapansin dito sa bahay." "Ah, naku, kanina pa 'yon umalis. Malamang tulog pa tayo nang umalis ang kinakapatid mong 'yon." "Saan ho pumunta? Mukhang masama pa ho ang panahon, eh." "Naku, hindi mo mapapatigil ng bahay ang kinakapatid mong 'yon. Mas'yadong tutok 'yon sa negosyo namin kaya hindi 'yon mapipirmi dito sa bahay." Napatango-tango ako. "Oh, kaya ho pala laging wala rito." "Oo, 'Nak. Busy 'yon kaya laging wala." "Gano'n ho pala." Habang kumakain ay kung saan-saan napunta ang kuwentuhan namin ng mga ito. Hanggang sa naisip kong magtanong kung saan puwedeng mag-apply ng trabaho. "Naku, hindi mo naman kailangang magtrabaho, Derek. Walang problema sa amin na nandito ka." Si Ninong Arman. "Alam ko ho pero hindi ho talaga ako sanay na walang sariling pera. Medyo bad shot ho kasi ako kay Daddy kaya nawalan ako ng access sa pera ko." "Nabanggit nga sa akin ng ama mo na nasangkot ka sa gulo kaya nakiusap siyang dumito ka muna. Wala namang kaso sa amin na dumito ka, kaya lang pagpasensyahan mo na ang kinakapatid mo. Mukhang hindi naging maganda ang muling pagtatagpo ng landas ninyo kaya medyo mainit ang dugo niya sa 'yo ngayon." "Mukha nga ho, 'Nong. Pero seryoso ho ako na gusto kong maghanap ng sideline sana. Hindi ho talaga ako sanay na walang sariling pera, 'Nong." Nagkatinginan ang mag-asawa. Tila nag-usap sila sa pamamagitan ng mga mata at pagkuwa'y sabay na tumingin sa akin. "Kung gusto mo talaga, puwede kang sumama kay Annika." Suhestiyon ni Ninong Arman. "Naku, wala ho bang iba. Baka ho hindi kami magkasundo ni Annika, eh. Alam niyo naman ho, medyo mainit ang dugo niya sa akin." Pag-aalangan ko. Umiling ang mag-asawa. "Kakausapin ko si Annika mamaya pagdating niya. Sasabihin ko na isama ka niya." Si Ninang Ana. Tumango na lamang ako dahil baka maging daan din 'yon para magkabati na kaming dalawa. Mukhang imposible pero malay natin, bumait siya sa akin. MAGHAPON akong tambay sa bahay nila Ninang Ana nang araw na iyon. Hindi ko na tinangkang lumabas dahil bukod sa masama pa rin ang panahon ay wala rin akong pera. Hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko para humingi sa Ninang at Ninong ko. At para mabawasan ang inip na nararamdaman ko, pagtila ng ulan ay nag-alis ako ng mga sanga ng puno na nasira dahil sa bagyo. Sinubukan pa akong pigilan ng mag-asawa pero gusto ko ring makatulong kahit papa'no. Kaya sa huli, wala silang nagawa kun'di pabayaan na lang ako. Pasado alas kuwatro nang matapos ako. Kaagad akong naligo dahil pinawisan ako. Pagkatapos, tinulungan ko si Ninang Ana sa paghahanda ng hapunan. Bandang alas sais ng gabi nang dumating si Annika. "Good evening, Annika." Nakangiting bati ko. "Evening." Napilitang sagot niya bago ako nilampasan at dumiretso sa kuwarto niya. Hinabol ko siya ng tingin. Suplada talaga. Sa isip-isip ko. Nauna na ako sa dining. Naroon na ang mga magulang ni Annika. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Annika. Awtomatikong napatitig ako sa kaniya dahil fresh na fresh ang awra niya. Nang hihilahin niya ang bangko ay inunahan ko siya. "Upo ka na." Isang pailalim na irap ang isinukli niya sa akin. Napakataray talaga ng babaeng ito. Tangka akong susubo nang bigla akong matigilan. Nakatungo kasi ang mag-anak habang nasa tapat ng dibdib ang mga kamay. Nagdadasal sila. Syet! Mahina akong napatikhim at napapahiyang ibinaba ang kutsara, saka ginaya ang ginagawa nila. Bakit ba nakalimutan kong madasalin nga pala ang babaeng ito. Oh, Lord, salamat po sa pagkain. Sana po'y bumait na si Annika. Haplusin Niyo po ang puso niya. Taimtim na panalangin ko habang nakapikit. "Puwede ka ng kumain, Derek." Si Ninang Ana. "Sige po." Habang kumakain ay panaka-naka kong sinusulyapan si Annika sa tabi ko. Napapangiti na lang ako sa tuwing iirapan niya ako. "Siya nga pala, Annika." Si Ninong Arman. "Yes, Pa?" "Gusto raw humanap ng sideline ni Derek. Mukhang tototohanin ng Tito Demier mo na turuan ng leksyon ang kinakapatid mo. Tulungan mo siyang makahanap ng sideline habang narito sa atin." Natigilan si Annika pero sandali lamang. Tiningnan niya ako. "Ano bang alam mong trabaho?" Aba't! "Anything." Mayabang na sagot ko. "Anything?" Paniniguro niya. "Of course." Nagtaka ako nang sumilay ang matamis niyang ngiti. Tila may kakaiba sa mga ngiting iyon. Bigla akong kinabahan. "Matutulungan mo ba siya, Anak?" Ang ina nito. "Yes, Ma. Tamang-tama, kailangan ko ng assistant dahil nagpaalam sa akin si Vanessa na ilang araw na mawawala. Tutal, sabi ni Derek alam naman niya lahat so hindi siya mahihirapan." Nakangiting sagot nito sa ina. "Okay ba sa 'yo, Derek?" "Opo, Ninang." Binalingan ko si Annika. "Kailan ako puwedeng magsimula?" "Bukas." Maagap niyang sagot. Hindi mawala-wala ang mga ngiti nito na siyang ipinagtataka ko. Ano bang nakain ng babaeng ito at panay ang ngiti? "Okay ka ba bukas?" May paghahamong tanong niya. "Yes, tomorrow." Lalong lumawak ang ngisi niya. "Good. Make sure na alas singko pa lang gising ka na, okay?" "Kahit alas kuwatro pa. Sanay akong gumising nang maaga." "Eh 'di good." Nginitian niya ulit ako. Buong durasyon ng hapunan ay puno ako ng pagtataka dahil sa biglang pagbait ni Annika sa akin. At dala-dala ko ang pagtatakang 'yon hanggang sa makahiga ako. Hindi kaya kunwari lang siyang mabait? At may niluluto siyang balak sa akin? Tigilan mo na ang pag-iisip, Derek. Malalaman ko rin bukas kung bakit bigla kang bumait, Annika. Sa isiping 'yon ay ipinasya ko ng matulog dahil maaga pa ang gising ko. Utos ni kamahalang Annika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD