Chapter 6 LMA

2075 Words
DEREK'S POV SIMULA NANG makabalik ako ng Pilipinas ay hindi matatawaran ang sayang nararamdaman ko. Pakiramdam ko para akong bumalik sa dati kong buhay na masaya lang palagi. Muli kong nakasama ang mga dati kong kaibigan noong high school. Palagi kaming nagkikita-kita at karamihan sa kanila ay may sarili ng pamilya. At ngayon nga ay nagkayayaan kaming magbabarkada na mag-swimming dito sa Laguna. Nasa isang private Resort kami ngayon. Maingay, masaya, magulo, makulit, nag-aasaran. Ganitong buhay ang na-miss ko talaga, walang ganito sa ibang bansa. Trabaho, bahay, babae, babae, bahay, trabaho lang ako ro'n pero iyong ganitong saya at bonding ay wala talaga. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan silang lahat, masaya akong makita na masaya na silang lahat. At may kumislot na panaghili sa dibdib ko nang makita ko ang iba sa kanila na kasama ang mga asawa at girlfriend. May naghahalikan, may nagyayakapan at naghaharutan. Bigla kong naisip na sana may kasama rin ako. Tumigil ka Derek kun'di babalik ka na naman sa malungkot mong buhay sa abroad. Piping paalaala ng isang bahagi ng isip ko. Kanina ko pa napapansin ang tatlong babaeng panay ang tingin sa akin kaso pinipigilan ko ang sarili kong makipaglandian sa mga ito. "Bro, kanina pa masama ang tingin sa'yo ng mga babaeng iyon oh. Mukhang gustong magpakama sa'yo." Napalingon ako sa barkada kong si Bryan. "Ayaw mo?" "Pass," sagot ko habang umiiling. "Whoahoho! Ikaw ba iyan, Derek Montana? Nasaan na iyong Derek na walang pinapatawad na babae noon?" pang-aasar pa ni Bryan. "Nagbago na ako." Malakas naman itong natawa sa sinabi ko at binato ako ng kaputol ng saging na kinakain nito. "I'm serious, good boy na 'to." Ngumisi lang naman ito. "Hanggang kailan mo naman mapaninindigan iyan, ha?" "Hanggang sa makita ko na iyong babaeng para sa akin--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may biglang kumandong na babae sa akin. "Whoa! Miss, sandali anong ginagawa--" Nagulat ako nang basta na lang nitong halikan ang mga labi ko. Pinilit ko itong itulak palayo sa akin dahil hindi ko type ang ganitong babae. Mas'yado itong agresibo. "Stop!" Malakas na sabi ko. Mukhang nagulat naman ito sa pagsasalita ko. Kaagad itong umalis sa kandungan ko at walang lingon-likod na patakbong umalis. Tila doon pa lang ako nakahinga nang maayos. "Wow, ikaw ba talaga iyan, Derek? Palay na ang lumalapit sa'yo oh, tutukain mo na lang ayaw mo pa rin?" manghang tanong ni Bryan. Kami lang dalawa ang naiwan dito sa cottage dahil nasa swimming pool ang karamihan. May kaniya-kaniyang partner kasi at kami lang ni Bryan ang single sa tropa. Tumawa lang naman ako. "Hindi ako tinayuan, so meaning wala siyang dating sa akin," diretsang sabi ko. Malakas naman itong tumawa at tila hindi makapaniwala. "Kailan ka pa naging choosy, Bro? Dati naman ultimo posteng nakapalda basta may butas titirahin mo na eh," anito at saka humalakhak. "Gago, dati iyon. Nagbago na ako. Mataas na ang standards ko ngayon." "Whoa! Hanep nag-set ka na rin ng standards sa mga babaeng ikakama mo, ha? Hanep ka talaga, Bro." "Of course. Habang nagma-natured dapat tumataas ang standards natin," sagot ko naman. Nagkibit-balikat lang naman ito at saka ininom ang alak na laman ng baso nito. Gano'n din naman ang ginawa ko. Inubos ko lang ang laman ng baso ko at saka naghubad ng damit ko. Balak ko na ring lumusong sa tubig kapag may kapalit na kami ni Bryan. Hindi naman nagtagal ay bumalik na mula sa swimming pool ang isa sa barkada kong si Migs, kaakbay ang girlfriend nito. "Migs, dito muna kayo, ha? Swimming lang kami ni Derek," paalam ni Bryan dito. "Sure, enjoy! Daming chicks sa pool, ang kikinis--, Aww!" Napa-aww ito nang tampalin ng girlfriend ang bibig nito. "Joke lang 'to naman, siyempre mas makinis ka, mahal ko." Biglang bawi nito matapos tingnan nang asama ng nobya nito. Natatawang iniwan namin ni Bryan ang mga ito. Naglalaplapan na kasi ang mga ito at hindi ko trip maging audience. Naglakad kami ni Bryan papunta sa kabilang panig ng swimming pool. Doon kami pumunta sa pool na hindi karamihan ang tao. Mukhang bukod sa aming magbabarkada ay mayro'n ding ilan na nag-check in dito. Papalubog pa lang ang araw at mukhang masarap maglangoy. Bukas pa kami ng patanghali uuwi kaya't mas makakapag-bonding kami ng tropa. High school friends ko sila at anim kami sa grupo. Present kaming lahat kaya mas masaya. Nang mag-dive si Bryan sa pool ay sumunod ako rito. Nag-dive rin ako at naglangoy sa ilalim ng tubig. Nang marating ko na ang kabilang side ng malawak na pool na iyon ay babalik na sana ako sa kabilang side nang may mahagip ang mga mata ko. Isang pares ng mapuputing hita at maumbok na puwet. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lumangoy palapit doon at saka sumuot sa pagitan ng mga hita nito. Pasimple ko pang muling pinisil ang napakaumbok nitong puwet. "Ayy! Ano iyon, ayy!" Sigaw ng babaeng nagmamay-ari ng nakatakam-takam na legs na iyon. Nagkakawag ang mga paa nito. "Manyak! Ayy!" Rinig kong sabi pa nito habang hinahagilap ang katawan ko. Nang makita kong maaabot nito ang buhok ko ay kaagad akong lumangoy palayo rito. Sa takot na makita ng babaeng nagmamay-ari ng puwet na iyon ay hindi muna ako lumitaw mula sa tubig. Patuloy akong naglangoy, pabalik-balik lang ako sa malaking pool na iyon ngunit iniwasan kong bumalik sa puwesto ng babaeng pinisil ko ang puwet. Nang tila kakapusin na ako ng hininga ay doon pa lang ako nagdesisyon na lumitaw para umahon. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tila gusto kong pagsisihan iyon nang may matigas na bagay ang tumama sa mukha ko. Malakas ang impact niyon kaya't talagang nag-star-star ang paningin ko. Makailang ulit kong pinilig ang ulo ko para alisin ang pagkahilo. "What the hel--, Ohh, s-hit!" Sigaw ko nang muling tumama ang matigas na bagay sa mukha ko. This time ang ilong ko ang nasapol niyon. Parang hindi na lang star ang nakita ko kun'di pati porgatoryo. Bumagsak sa ilalim ng tubig ang katawan ko. Lord save me. Nagawa ko pang taimtim na manalangin bago tuluyang magdilim ang paningin ko. __________ Annika's Pov "Hoy, gaga! Bakit mo sinuntok!" Tarantang sabi ni Victor sa tabi ko. "Oo nga, jusko, Annika baka malunod iyon! Hindi pa siya lumilitaw!" Maging si Mila na kaibigan ko rin ay natataranta na. Mga college friends ko sila noon at hanggang ngayon. "Hoy, Annika! Baka mamatay o malunod iyon, hoy!" Bakas ang takot sa mukha ng mga kaibigan ko habang ako naman ay nagtaas-baba ang dibdib sa sobrang inis. "Pabayaan mo siyang malunod, manyak siya!" gigil na gigil na sabi ko. "Ano ba kasing ginawa niya? Kanina ka pa sa pool nagtititili ah," curious na tanong ni Victor. "Hinawakan at pinisil niya ang puwet ko! Sumuot din siya sa pagitan ng mga hita ko!" galit na sabi ko. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. "Hinawakan ka niya?" tanong ni Mila. "Oo! Kaya dapat lang sa kaniya ang malunod, lintik siya!" Nasa kabilang panig kami ng swimming pool kanina ng mga kaibigan ko nang maramdaman kong may dumakot sa puwet ko at pinisil iyon. At sumuot pa talaga sa kinaangan ko. Hindi ko kinaya iyong galit na naramdaman ko dahil ang ayo'ko sa lahat iyong pakiramdam na binabastos ako ng kahit na sino. Hindi ko nakita ang mukha niya ng umahon ako pool pero hindi ko siya nilubayan ng tingin. May liwanag pa sa paligid kaya't kita ko kung saang bahagi ng pool ito pumupunta. Sinadya ko siyang abangan kaya't nang makita ko itong paahon na sa pool ay mabilis akong tumakbo papunta sa gawi nito. Saktong pag-angat ng ulo nito ay siyang igkas ng kamao ko. Hindi isa kun'di dalawang beses kong pinatikim ng suntok ang manyak na lalaking iyon. Isang suntok lang dapat iyon pero nang makita kong mabuti ang mukha nito at makilala ito doon na mas umigting ang galit ko. Hindi ako puwedeng magkamali siya ang hambog na lalaking nakita ko noon sa airport, ang humalik at umamoy sa dibdib ko. "Manyak, bagay lang sa'yo iyan, buwisit!" "Hoy, Annika, jusko tulungan natin hindi pa lumilitaw!" tarantang sabi ni Mila. "No! Bagay lang iyan sa manyak na kagaya niya!" galit pa ring sabi ko. "Hoy, gaga ka! Baka mamaya makapatay ka pa, oy!" ani Victor. "Hindi kita dadalawin sa kulungan, ano? Hindi bagay roon ang beauty ko," dugtong pa nito. "Wala ka namang beauty," pasaring ko rito at naglakad palayo sa pool na iyon. Naramdaman kong sumunod sa akin ang mga ito. "Hoy, Annika. Tulungan mo, gaga ka baka makapatay ka!" Pangungulit ni Mila, salitan sila ni Victor. "Hayaan n'yo siya, bago ko ipalibing." "Aba't hoy, oo at mamamatay-patay ka, pero hindi ka mamamatay-tao!" Tumitili nang sabi ni Victor at saka tumakbo pabalik sa pool. Maging si Mila ay sumunod din ito. Nakita kong sabay silang tumalon ni Mila sa pool. Hindi naman na ako nag-abalang sumunod sa mga ito. Tuloy-tuloy akong umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa room na nakalaan sa aming tatlo. Sinasabi ko na nga ba, mali talaga na nagsasasama ako sa mga gagang iyon. Padabog akong pumasok sa loob ng banyo at saka naligo na. Nawalan na ako ng ganang maglangoy. Naglipana na talaga ang manyak kahit saan. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at saka nagtuyo ng buhok. Nang matapos iyon ay pabagsak akong humiga sa kama. Talagang nagkita pa tayong manyak ka. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking iyon. Pangalawang beses pa lang kaming nagkikita pero iyong inis ko kakaiba. "Bakit feeling ko matagal na akong inis sa taong iyon." Hindi ko napigilang isatinig iyon. "Arggh! Manyak, buwisit. Pati nananahimik kong puwet pakikialaman, haist!" May tatlumpong minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ang mga kaibigan ko. Hindi ako mapakali, bumangon ako at nagpalakad-lakad sa kuwartong iyon. "Jusko, bakit wala pa sila? Nakapatay ba ako?" Hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba at takot. Pero agad ding nawawala kapag naiisip ko ang pagmumukha ng lalaking iyon. "Hmp, bahala nga siya--, Victor, Mila!" Patakbo akong lumapit sa mga kaibigan ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga ito. "Bakit ngayon lang kayo?" tanong ko. "Ang itanong mo kung buhay pa iyong lalaking sinapak mo, gaga!" sikmat ni Victor sa akin. Napangiwi naman ako dahil masama ang tingin nito sa akin. "B-Buhay pa ba siya--, Aray! Victor, ano ba?" Hinila kasi nito ang buhok ko. "Talagang tinanong mo pa kung buhay pa?" "Sabi mo, itanong ko kung buhay pa, ano ba talaga?" sabi ko. Natawa naman si Mila sa tabi nito. Masama itong tiningnan ni Victor. "Huwag kang makatawa-tawa riyan, Mila. Para namang hindi ka natakot kanina kasi hindi na humihinga iyong guwapong lalaki." "Sorry naman. Diyan nga muna kayo, maliligo lang ako," paalam ni Mila at pumasok na sa banyo. Naiwan kami ni Victor na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin. "Bakit ganiyan ka makatingin?" sikmat ko. "Naiinis lang ako sa'yo. Sinayang mo ang mukha ng guwapong mama na iyon dahil sa suntok mo." Natawa naman ako rito. "Huwag kang makatawa-tawa riyan, Annika. Muntik ng mamatay iyong lalaki kung hindi kami nakabalik agad ni Mila, ano? Gaga ka talaga, kung napatay mo iyon!" "Ipapalibing ko--, Aray!" reklamo ko nang hampasin nito ng kamay ang ulo ko. "Hindi ako nagbibiro, Annika paano kung napatay mo iyon, sige nga?" "Kasalanan naman niya eh. Binastos niya ako eh at kilala mo ako, alam mong iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil lalaban ako. Hindi ako nag-aral sa Martial Arts School para lang sa wala. Alam mong dati akong biktima ng mga bullying, hindi ba? Naikuwento ko na sa inyo iyon ni Mila dati pa. Ayaw ko ng maulit na maging sentro ng katatawanan ng ib," sabi ko. "Alam ko naman iyon pero ilagay mo pa rin sa lugar. Hindi kumo malakas kang sumuntok eh banat ka na lang nang banat. At saka kung gano'n naman kaguwapo ang hahawak sa puwet ko okay lang. Kahit pati kepay ko hawakan niya--, bakit?" Natawa kasi ako. "Huwag kang ambisyosa, Victor kahit tumambling ka nang paulit-ulit hindi ka magkakaroon ng kepay." "Gaga, huwag ka ngang basag trip! Kapag nainis ako sa'yo isusumbong kita sa Mama at Papa mo," pananakot nito. "Okay lang, wala akong kasalanan, ano? Pinagtanggol ko lang ang sarili ko," depensa ko naman at saka bumalik na sa kama. Kahit hindi nila sabihin sa akin alam kong buhay pa ang manyak na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD