Derek's Pov
HINDI matapos-tapos ang kuwentuhan namin ng aking pamilya. Napuno ng tawanan ang veranda ng bahay namin kung saan kami nakatambay ng pamilya ko simula nang dumating ako ilang oras na ang nakakalipas. Hindi kami maubusan ng kuwento sa isa't-isa, lalo na ang mga nakababata kong kapatid.
Ramdam ko ang pananabik nila sa akin kagaya ng pananabik ko sa kanila. Sobrang sarap sa pakiramdam na muli silang makasama pagkalipas ng mahabang panahon. Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang kuwentuhan namin. Tawa lang kami nang tawa ng pamilya ko habang nagpapalitan ng kuwento sa mga buhay namin. Hanggang napunta sa kung gaano kami kakulit noong mga bata pa hanggang sa mas lumala nang magsilaki na kami.
Kung paano sumakit ang ulo ni Mommy sa aming tatlo kapag nasasabak kami sa gulo lalo na sa school.
"Kuya Derek, naaalala mo si Mannika?" kapagkuwa'y tanong ni Denver sa akin.
Natigilan ako sa aking pagtawa nang marinig ko ang tanong ng kapatid ko.
"Mannika?" kunot-noo kong tanong.
"Oo, si Mannika."
"You mean si Annika? Iyong kababata kong nerdy na patay na patay sa aki--, I mean si Annika na anak ni Ninong," biglang bawi ko nang mapatingin ako kay Daddy at makita kong masama ang tingin nito sa akin. Mahirap na baka mapalayas na naman ako sa isang maling galaw ko lang.
"Kumusta pala siya?" mabait na tanong ko. Gusto ko sanang idugtong kong mukhang nerd pa rin ito pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Naks, biglang bawi tayo ah-, Ouch!" reklamo ni Denver nang sipain ko ito. Nakatingin kasi si Daddy sa amin este sa akin pala. Nagbabanta ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Nagkikita kayo? Kumusta si Bungi-, este si Annika?"
"She's beautiful as ever." Sabay-sabay na natuon ang atensyon namin kay Dior nang magsalita ito. "Yeah, it's true. She's no longer a nerdy girl who's been into you. She is now a beautiful and amazing woman," dugtong pa nito habang mababakas ang pagmamalaki sa boses nito. "Baka hindi mo siya makilala kapag nagkita na kayong muli, hindi na siya iyong Annika na palagi mong binu-bully noon kapag buntot nang buntot sa'yo. Ibang-iba na siya ngayon, Kuya. She's also studied in Martial Arts School, paktay ka kapag nagkrus ang landas n'yo. Lalo na kapag nalaman mo kung paano siya pumatay ng tao."
"What? Mamamatay tao siya?" Nahindik ako sa sinabi ni Dior. Tinawanan lang naman ako ng mga kapatid ko.
"Bully now, patay ka later." Muling nagtawanan ang mga ito dahilan para mapasimangot ako.
"Nagbago na ako," depensa ko naman at pasimpleng napalunok-laway. Lingid sa kaalaman nilang lahat ay taimtim akong nananalangin na huwag sanang magkrus ang mga landas namin ni Annika.
Inaamin ko namang naging bully ako noon at si Annika ang naging biktima ko. Hindi ko ikinakaila na palagi ko siyang itinataboy noon para huwag kaming mapag-isipang magdyowa. Hindi ko siya type, mabait naman si Annika pero hindi ko gusto ang pagiging iyakin niya noon. At hindi ko gusto ang pakiramdam na para akong nag-aalaga ng baby kapag kasama ko siya. Ninong at Ninang ko kasi ang mga magulang niya at nakiusap sila sa akin na bantayan ko sa school si Annika. Weak kasi ang kinakapatid ko, lampa at mahiyain. Dala ng hiya ay napilitan akong gawin iyon kahit labag sa kalooban ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari dahil habang iniisip ko ang mukha ni Annika noon ay biglang sumagi sa balintataw ko ang mukha ng babaeng nakabanggaan ko sa Airport kanina. Hindi ko napigilang mapangiti nang maalala kong nasarapan ako sa amoy nitong sobrang bango.
Sana magkita tayo, b*tch. Piping usal ko.
Kasabay ng pagkakaalala ko sa amoy nito ay bumalik din sa isip ko ang ginawa nitong pangtutuhod sa alaga ko at ang sinabi nitong amoy imburnal ang bibig ko.
Tila wala sa sariling bumuga ako ng hangin sa palad ko at saka inamoy-amoy ang kamay ko. Makailang ulit kong ginawa iyon para amuyin ang hininga ko pero hindi talaga mabaho iyon.
"Bakit niya sinabing mabaho ang hininga ko? Walang sira ang ngipin ko, malinis ako sa katawan ko--"
Isang malakas na tikhim ang tila nagpabalik sa kamalayan ko. Doon ko napansin na nakatingin na pala silang lahat sa akin. Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanila at lahat sila ay may ngisi sa mga labi.
"What?" tanong ko.
"Anong ginagawa mo? Bakit kanina mo pa inaamoy ang hininga mo?" tanong ni Denver.
"Oo nga, Anak. Tapos kanina ka pa nakangisi? May nararamdaman ka bang kakaiba? Gusto mong samahan kita sa Doctor, magpapa-check up tayo--"
"Wait! What?" tanong ko.
"Baka may pinagdadanaan ka kaya tumatawa kang mag-isa. Huwag kang mag-alala, Anak. Tutulungan kitang maka-"
"Mom, stop!" mabilis na sansala ko sa sasabihin nito.
"Pero Anak baka may--"
"Stop it, Mom, okay? If you think I'm crazy, well I tell you, I'm not."
Masama ko namang tiningnan isa-isa ang pamilya ko nang marinig ko silang tumawa, maliban kay Mommy na seryoso pa rin ang mukha.
Shit! Napagkamalan pa yata akong baliw ng Nanay ko.
"Derek, Anak.." may pag-aalalang tawag nito sa pangalan ko.
"Mom, I'm good. I'm not crazy," ulit ko.
"Then, why are you smiling and why you're talking to yourself?" paninigurong tanong ni Mommy.
Napabuntong-hininga naman ako. "May naalala lang ako, okay? But I assure you guys that I'm not crazy."
"You sure?" tanong pa ni Denver habang nakangisi.
"I'm pretty sure!" mabilis na sagot ko.
"Bueno, hayaan n'yo na ang Kuya n'yo. Sinabi naman niyang hindi siya baliw kaya pabayaan n'yo na siya. Ang mahalaga narito na siya kasama natin at totoong masaya akong narito na siya," sabi ni Daddy dahilan para mapangiti ako sa saya. At least masaya siyang narito ako. Pero nawala ang ngiti ko nang muli itong magsalita.
"Huwag lang gagawa ng kalokohan dahil hindi ako mangingiming muli iyang ipatapon sa ibang bansa for life. Itatak n'yo sa mga isip ninyo na hindi ako kumukonsinte ng mga Anak na sira ulo. Kung kinakailangan na ako ang bumali sa mga sungay n'yo gagawin ko."
Wala namang nakapagsalita sa amin dahil hindi nagbibiro ang mukha ni Daddy. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming tatlo ng mga kapatid ko. Hanggang sa huminto ang mga mata nito sa akin.
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Y-Yes, Dad," sagot ko.
"Good. Welcome home, Anak." Tila naman ako nakahinga nang maluwag sa sinabi nito. Muling bumalik ang ngiti sa mga labi ko nang magsimula na naman kaming magkuwentuhan.
Nang dumating ang tanghalian ay saka pa lang kami pumasok sa komedor para kumain. Hanggang sa hapag-kainan ay masaya kaming nagkuwentuhan at nagbiruan ng aking pamilya. Nawala lang ang ingay namin nang magsimula ng magdasal si Mommy bago kami kumain. Like the old days.
Nang kumakain na kami ay wala ng nagsalita. Bata pa lang kami ay tinuruan na kaming huwag maingay kapag nagsisimula ng kumakain. Ayon kay Daddy ay dapat daw tahimik at namnamin ang biyaya ng Langit. Igalang daw kumbaga.
Sa buong durasyon ng pagkain ay tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig. At siyempre sa pananahimik ko ay muling naglakbay ang isip ko papunta sa babaeng nakabanggaan ko.
________
Annika's Pov
"Buwisit! Buwisit!" gigil na gigil na sinipa ko ang basurahang nakita ko rito sa airport.
Kanina ko pa pinapagpagan ang dibdib kong inamoy ng hudas na iyon. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang nguso niya sa dibdib ko.
"Huwag lang tayong magkita ulit, talagang iimbalsamuhin kita ng buhay, nyeta!" buwisit na buwisit na bulong ko na parang bubuyog.
Panay ang buga ko ng hangin para kalmahin ang sarili ko. Bumili na rin ako ng tubig para lumuwag ang lalamunan ko na tila natutuyo na sa sobrang init ng panahon dito sa Manila. Kung mainit sa Laguna, mas dobleng init dito. Sobra.
"Nasaan na ba kasi ang baklang iyon?" tanong ko sa aking sarili. Kanina pa ako palinga-linga rito sa puwesto ko pero hindi ko makita ang kaibigan ko. Nakiusap kasi itong ako ang magsundo dahil walang sasakyan ang pamilya nito.
"Tsk! Nasaan na ba kasi iyon? Pati trabaho ko nakumpermiso dahil sa baklang iyon." Hindi ko mapigilang hindi mainis, idagdag pang panay singit sa isip ko ang lalaking iyon.
"Feeling guwapo, hmp!" pagmamaktol ko pa. Guwapo naman talaga, Annika. Piping tudyo ng isip ko.
"Hindi siya guwapo! Impakto siya, hmp!" Napangiwi ako nang makita kong may tao pa lang nakatingin sa akin. Tila sinasabi ng mga mata nito na baliw na yata ako.
Nag-iwas ako ng tingin dito at muling hinanap ang kaibigan ko.
"Victor! Nasaan ka na ba--"
"Annika! Wooho! I'm here!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon na tila umiiyak na ibon kung makatili. Nakita ko ang kaibigan kong si Victor, ang lalaking nagpupumilit maging babae.
Patakbo itong lumapit sa akin habang ang balakang at katawan ay tila maghihiwalay na sa sobrang pagkendeng. Hindi ko napigilan ang matawa nang malakas nang makita ko itong muntik madapa. Mabuti na lang at baka-balance ito kaagad. Sobrang taas naman kasi ng heels nito na akala mo rarampa sa Miss Universe.
"Ayan, tanga!" Malakas akong natawa nang sa pangalawang pagkakataon ay natapilok ito at tuluyan na itong napaupo sa sahig.
Sa halip na mapahiya ay poise pa rin itong tumayo kahit pinagtitinginan na ng mga tao. Tila walang nangyari na kumaway pa ito sa mga tao, habang ako naman ay panay ang hagikhik sa kinatatayuan ko.
"Stop laughing, imbalsamadora! Sa halip na tulungan mo ako tumawa ka pa, buwisit ka!" sabi nito nang makalapit sa akin.
Kinuha ko naman dito ang isang maleta na hila-hila nito. "Sino ba kasing may sabi sa'yo na magsuot ka ng ganiyang kataas na heels, ha?" tanong ko habang natatawa.
"Wala kang paki sa gusto kong isuot, ano?" mataray na asik nito.
"Kaya nga, tutal trip mong magsuot niyan kaya magdusa ka. Baka bago pa tayo makalabas ng Airport pilay ka na, gaga!"
Ilang beses kasi itong natapilok habang naglalakad, pasalamat na lang ito at alisto ako. Mabilis ko siyang nahihila pabalik sa tabi ko.
"Tanggalin mo na kaya iyan, ano? Mas'yado mong pinapahirapan ang sarili mo. Hindi naman nakakaganda ang heels na suot mo, para ka lang tanga."
"Ouch! Preno-preno din naman, Imbalsamadora," ingos nito.
"Alisin mo na kasi iyan--, Aray!" daing ko nang hilahin nito ang buhok ko. "Totoo naman ah, magyapak ka na lang kaya. Ako ang nahihirapan sa hitsura mo eh."
"Huwag kang makialam, alalayan mo na lang ako, puwede ba?"
"Pero baka mapilayan ka, Victor," ani ko.
"Vicky, Annika, Vicky!" pagtatama nito.
"Victor nga, huwag kang assumera walang Vicky na may itlog, gaga."
"Mayro'n, ako!"
"Weh? Kapon ka na?"
"Anong kapon? Anong akala mo sa akin baboy?"
Natawa naman ako rito nang makita kong taas na taas ang isang kilay nito.
"Joke lang, Victor, 'to naman--"
"Vicky nga sabi!" inis na sabi nito.
"Oh siya sige na nga, beki na kung beki," natatawa kong sabi.
Gigil na hinila nito ang buhok ko. "Vicky!"
"Beki!"
"Argg! Nyeta ka, Annika!" Patakbo akong lumayo rito nang tangka ako nitong sasabunutan. Hila-hila ko pa rin ang maleta nito, hindi naman ito makahabol sa akin dahil hirap na hirap itong maglakad dahil sa suot na heels.
"Go, Beki! Kaya mo iyan, tiis ganda ganern!" pangangantiyaw ko pa rito habang naglalakad paatras.
Masama naman itong tumingin sa akin at saka mabagal na naglakad. Tinigilan ko na rin naman itong kulitin dahil hirap na hirap na ako sa hitsura nito.
Malamang puro paltos na ang mga paa ng gagang ito.