Chapter 14

1756 Words
Chapter 14 DEREK POV NAGISING ako sa tilaok ng mga manok ng kapitbahay nila Ninang Ana. Bagama't inaantok pa, pinilit ko ng bumangon dahil mahirap nang ma-bad shot sa unang araw ng trabaho ko. Baka mamaya, pag-initan na naman ako ni Annika. Sa isiping 'yon ay dali-dali na akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo. Nagbihis na rin ako. Isang polo shirt na kulay olive green ang napili kong isuot na tenernuhan ko ng denim pants na natural na kupas ang kulay. Puting sapatos naman ang napili kong pang-paa. Nilagyan ko rin ng pamada ang buhok ko para mas pumogi. Halos ipaligo ko na ang pabango ko para mabango ako sa unang sabak ko sa trabaho. Naniniwala ako na kahit pagod dapat mabango pa rin. Mahirap na baka maraming chicks sa pupuntahan namin ni Annika. Pangiti-ngiti pa ako habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Makailang ulit kong sinipat-sipat ang sarili ko. At nang makontento sa hitsura ko ay saka pa lang ako lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nadatnan ko roon si Ate Myra na abala sa pagluluto. Kaagad ko siyang binati. "Good morning, Ate Myra." Napaiktad pa ito ng bahagya nang malingunan ako. "Good morning po, Sir Derek." Nginitian ko siya. "Derek na lang po." "Ay, sige, Derek. Kape gusto mo?" Mabait na alok niya. "Yes, please?" Kaagad naman siyang tumalima at siya na ang nagtimpla ng kape ko. "Heto na ang kape mo. Sabihin mo kapag may kulang sa panlasa mo, hindi ko pa alam ang timpla ng kape mo, eh." "No worries, Ate. Thank you." "Walang anuman, Derek." Habang nagkakape ay nakipagkuwentuhan ako kay Ate Myra. At nalaman ko na para pala kay Annika ang niluluto niya ngayon. Aniya babaunin 'yon ni Annika sa trabaho. "Speaking of trabaho, Ate. Alam mo ba kung anong trabaho ni Annika?" Mabilis ang ginawa niyang paglingon sa akin. Nasa mukha niya ang pagtataka. "Hindi mo alam kung anong trabaho ni Annika?" Umiling ako bilang sagot na ikinamangha niya. "As in wala kang idea sa business nila?" Umiling uli ako. "Patay kang bata ka." Naulinigan kong bulong ni Ate Myra. "Bakit patay ako?" Naguguluhang usisa ko. "Mahirap ba ang trabaho niya?" "M-Medyo. Pero hindi ka naman siguro duwag 'no?" Mas lalo akong naguluhan dahil sa tanong niya. Bigla rin akong kinabahan. Ano namang kinalaman ng pagiging duwag ko sa trabaho ni Annika? Hindi ako mapakali habang nagkakape lalo na't bumalik sa isip ko ang mga ngiti niya kagabi. Pakiramdam ko ay may gagawin siyang hindi maganda sa akin. "Ano bang trabaho ni Annika, Ate?" Muling usisa ko. "Maraming trabaho si Annika." "Like?" "Makeup artist." "Makeup artist? Hindi nga?" Bigla akong na-excite. "Saan? May mga artista ba siyang mini-makeup an?" Sunod-sunod kong tanong "Ang alam ko may artista na siyang naging kliyente sa parlor niya." "Ha? Parlor? Hindi ba salon?" Nagtaka ako ng tumawa ito na parang aliw na aliw. "Si Annika na nga lang ang tanungin mo para mas maipaliwanag niya sa 'yo." "Ah, sige. Salamat, Ate." Pagkatapos kong magkape ay hinayinan na rin ako ni Ate Myra ng almusal. Masarap ang luto niya kaya naparami ang kain ko. Eksakto namang pagkatapos kong kumain ay saka pumasok sa dining area si Annika. Fresh na fresh ang babaeng tutubi. Nagkatinginan kaming dalawa. Mukhang nagulat ito na ready na ako. Saglit lang naman siyang nagulat at pagkuwa'y unti-unting sumilay ang mga ngiti. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay paa paakyat sa ulo. "Ayos sa outfit, ah. Saan ang rampa mo?" Natatawang sabi niya. Lihim akong nainsulto. Ano bang klaseng babae 'to? Hindi man lang talaga siya na-attract sa kaguwapuhan ko? Parang hindi yata kayang tanggapin ng ego ko ang bagay na 'yon. "Ayos naman ang suot ko, ah." "Oh, 'di ba sabi ko nga ayos ang outfit mo." Nilampasan niya ako at nagtimpla ng sariling kape. Sumunod ako sa kaniya. "Kape?" Alok niya. "Tapos na. Kumain na rin ako." "Good." Tila walang pakialam na sagot niya at humigop ng kape. Tinitigan ko siya at hindi ako puwedeng magkamali na may naglalarong ngisi sa mga labi niya. "Siya nga pala, sabi ni Ate Myra makeup artist ka?" Muntik na nitong maibuga ang iniinom na kape. "Sinabi niya 'yon?" "Oo. Sabi pa niya may mga artista ka ring naging kliyente? Totoo ba?" "Yes. Ilang artista at kilalang tao na rin ang naging kliyente ko." "Wow, nice! Mukhang hindi naman pala ako mabo-bore kung sakali 'no?" Tumingin siya sa akin. "Hindi. I'll make sure you're going to have fun. Being my personal assistant is not bad." "Great." Tuwang sagot ko saka nagpaalam na may kukunin lang sa kuwartong inuukupa ko. Wala naman talaga akong kukunin. Naisip ko lang na magpalit ng suot ko. Ang polo shirt na olive green na suot ko ay pinalitan ko ng long sleeve t-shirt na kulay gray. Inililihis ko 'yon hanggang baba ng siko ko. "Yown, perfect!" Masayang bulalas ko habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Muli akong nag-spray ng pabango bago tuluyang lumabas. Nadatnan ko sa sala si Annika. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi niya agad ako nakita. Kinailangan ko pang tumikhim para kunin ang atensyon niya. Nagtagumpay naman ako. Nabigla ako nang bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. As if namang may nakakatawa. "Hanep, change outfit talaga?" Napikon na ako nang muli siyang bumunghalit ng tawa. "Kanina mo pa ako pinagtatawanan, ah. Nakakapikon ka na." "Sorry." Walang mababakas na senseridad na tinig niya. "Let's go, baka maabutan tayo ng traffic sa daan." Iniwan na niya ako. Wala akong nagawa kun'di ang pailing-iling na sumunod sa kaniya. Siya ang pumwesto sa driver's seat. Napilitan akong sumakay sa tabi niya. Wala kaming imikan habang binabagtas ang mahabang kalsada. At dahil ayokong mapanisan ng laway, nagbukas ako ng paksa na puwede naming pag-usapan. Lalo lang akong nabuwiset dahil daig pa namin ang nag-fast talk. Isang tanong isang sagot kasi siya. "Mabuti hindi nabo-bore sa 'yo ang boyfriend mo." Sinulyapan niya ako pero hindi umimik. "Or baka wala ka naman talagang boyfriend. Ayaw mo lang mapahiya kaya sinabi mong mayro'n," dagdag ko pa. "Sige lang, dumaldal ka na nang dumaldal dahil baka mamaya ultimo pagsasalita hindi mo na magawa." Pasaring niya at hindi na muling nagsalita. Napilitan na rin akong tumahimik. May kalahating oras na yata kami sa daan pero hindi pa rin kami humihinto. "Malayo pa ba ang salon niyo?" Hindi na nakatiis na tanong ko. "Salon? Sinong may sabi sa 'yo na sa salon tayo pupunta?" "Eh saan ba?" "Relax. Malalaman mo rin pagdating natin doon. Ilang minuto na lang nandoon na tayo. Chill ka muna riyan." Napailing na lang ako at tumahimik na talaga. Hanggang sa huminto na kami sa wakas. "We're here. Baba ka na, naghihintay na ang first client natin." Bumaba na rin ako. Inayos ko muna ang suot ko pati buhok ko bago sumunod kay Annika. Ngunit nakakalimang hakbang pa lamang ako nang bigla akong matigilan. Mula sa salaming dingding na sumalubong sa akin ay napatingala ako at malakas akong napasinghap nang makita ang pangalan sa signage na nasa taas. "St. Carmen Funeral Home." Malakas na basa ko sa nakasulat doon. Awtomatikong nagtayuan ang mga balahibo ko. "Hoy, Derek! Halika na!" Napatingin ako kay Annika na ngayon ay ngiting-ngiti. "Halika na, naghihintay na ang unang kliyente natin ngayong araw." Nilapitan niya ako nang hindi ako kumilos para pumasok. "Pasok ka na–" "P-Pvtang'ina, Annika, ano 'to?" Malutong akong napamura. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko lalo na nang may lumabas na dalawang lalaki mula sa loob at may buhat na kabaong. "Pvtang'na!" Napatalon ako sa takot nang mismong sa gilid ko sila dumaan. "Syet! Syet! Syet!" Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga sandaling iyon. Kinikilabutan na ako na parang tumataas na pati ang mga buhok ko. "Hoy, okay ka lang?" Walang concern na tanong ni Annika. Sa halip ay aliw na aliw pa siya sa akin. Sinasabi ko na nga ba! May kalokohang naiisip 'to kaya panay ang ngiti kagabi at kanina, eh. Pinilit kong lakasan ang loob ko kahit gusto ko nang himatayin sa labis na takot. Pero hindi ko siya hahayaang pagtawanan ako. "Ayos ka lang? Akala ko ba excited ka?" Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko bago sumagot. "O-Of course I'm okay." Tapang-tapangang sagot ko. "Good. Halika na sa loob. Masamang paghintayin ang patay." Whoa…syet! Mabagal ang ginawa kong paglalakad. Pagdating sa pinto ng punerarya ay urong-sulong ako kung papasok o tatakbo. Pero 'pag tumakbo ako, pagtatawanan ako ni Annika at hindi puwedeng magtagumpay ang babaeng 'yon. "Derek, bilis!" Napabilis ang hakbang ko dahil sa gulat. Kulang na lang ay ipikit ko ang mga mata ko habang naglalakad. Pakiramdam ko, may biglang bubulaga sa harapan ko. "Syet! Ano ba 'tong napasukan ko–, pvtang'na!" Malakas akong napamura nang biglang may kumalabog mula sa kung saan. Paglingon ko ay mga nakahelerang kabaong ang nakita ko. "Oh, Jesus!" Mariin akong napapikit at pa-sign of the cross sa sobrang takot. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit at sa pagdilat ng mga mata ko ay muli akong napahiyaw dahil sa taong nakatayo sa harapan ko. Para itong si Sadaku. "Pvtang'na! Ayoko na…!" Tatakbo na sana ako palabas nang marinig ko ang hagikhik ng mukhang Sadaku sa harap ko. "Annika?!" Tinanggal nito ang wig saka ngumisi. "Rawr!" "Tang'na, hindi ka nakakatuwa, ha!" "Tss. Duwag." "Hindi ako duwag!" Tapang-tapangan ko pa rin at nauna pang pumasok sa pintong binuksan nito para lang mapaatras nang may bangkay na nakahiga roon. "Siya ang first client natin. Ready ka na ba? But before that say good morning to her." Napipilan ako nang simulang ilabas ni Annika ang mga gamit para sa pagmi-makeup. Nagsuot rin ito ng ibang damit. Ipinatong lang sa damit na suot kanina. Nagtali din siya ng buhok bago lumapit sa bangkay. God, ano ba 'tong napasukan ko? "Derek, patulong namang iangat 'yong ulo, o." Syet! Muli akong napapikit para kalmahin ang sarili ko. Hindi ko na yata talaga kaya. Nanginginig na ang mga tuhod ko. "Oy, Derek, ano na? Sabi ko patulong iangat ang ulo." Tukoy niya sa bangkay. Hindi ko kaya 'to… hindi ko kaya 'to. "Derek, ano ba? Kumilos ka na, assistant kita 'di ba?" Hindi pa rin ako kumilos. Basta lunok lang ako nang lunok ng laway. Hindi ko lubos maisip na nagpaguwapo at nagpabango pa ako para lang pala sa patay. Hindi ko kaya 'to… Hindi talaga… Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagdidilim ng paligid ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumigay at nawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD