Chapter 21

2175 Words
Chapter 21 ANNIKA KANINA pa kami kumakain ng mga kasabay ko ngunit hindi pa rin tapos dahil mas madalas pa ang pagdadaldal ni Mila kaysa ang sumubo. Hindi ko naman siya magawang iwanan kasama si Derek dahil baka madulas ito na si Vince at Vicky ay iisa. Mukhang kayang-kaya itong mauto ni Derek dahil kilig na kilig ang gaga. Patunay na wala siyang pakialam kahit maya't maya ko siyang kurutin sa hita niya para lang manahimik na. At ito namang nobyo ko kuno ay kanina ko pa napapansin na tingin nang tingin sa tatlong Adonis sa harapan niya na tila ba hirap na hirap siyang mamili kung sino ang pipiliin niya. Kung kay Mila ay maya't maya ang kurot ko jay Vicky naman ay maya't maya ang siko ko para matauhan. "Gusto mo ng sugpo, Derek Ramsey?" Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang malanding mag-offer ng sugpo si Mila kay Derek. "Sure. Mukhang ang sarap ng luto tapos ang lalaki pa." Sagot ni Derek. "Kaya nga sugpo, e. Ikaw talaga." At talagang dumukhang pa ito, saka feeling close na hinampas sa braso si Derek na ikinatawa ng huli. Napailing na lamang ako habang ang dalawa ni Denver at Dior ay napapangiti. Lalong umikot ang mga mata ko nang si Mila pa ang nag-alis ng balat ng sugpo para kay Derek. Tatlong sugpo ang binalatan nito at inilagay lahat sa plato ng lalaki. "Thank you, Mila. You're so sweet." Para namang kiliti ang kaibigan ko sa sinabi ni Derek. "Basta ikaw." Sabay tingin kay Denver at Dior. "Gusto n'yo rin ng sugpo?" Nang sabay na tumango ang dalawa ay dali-daling nagbalat si Mila para sa dalawa. At ang talandi, tig-tatatlo talaga ang ibigay. "Eat well mga, pogi." "Thank you, Mila." Si Dior, saka sarap na sarap na nilantakan ang sugpo sa mga plato nila. Hindi na nakatiis ang tatlong magkakapatid at nagkamay na sa pagkain. Muling nagbalat ng sugpo si Mila at nilagyan ang plato ng tatlo. Mayamaya'y inalok ni Derek si Mila na kumain din ng sugpo. Inilagay nito sa plato ni Mila ang isa pero mabilis na ibinalik ng kaibigan ko sa plato ni Derek. "Ayaw mo? Ang sarap kaya." "Hindi ako kumakain niyan." "Bakit?" Takang tanong ni Derek. "Allergy ka sa sea foods?" "Hindi naman." "Oh, bakit ayaw mo?" "Sabi kasi ng lolo ko dati tae raw ang kinakain niyan." Naibuga ni Derek ang laman ng bibig niya sa naging sagot ng kaibigan ko habang si Denver at Dior ay napatigil sa pagnguya at sabay na tumingin kay Mila. "Ay! Naku, sorry." Mukhang ngayon lang niya na-realize ang sinabi niya. Pigil ko ang tawanin nang mapatingin ako kay Derek na ngayon ay tila masusuka na. "Pero 'wag kayong mag-alala baka joke lang ng lolo ko na tae ang kinakain niyan. Baka hindi naman talaga, wala lang pambili." At talagang inulit pa. "Sige na, kain lang kayo." Alok pa nito sa tatlo at muling kumuha ng sugpo, saka ipinagbalat. Napilitang ubusin ng tatlo ang binalatang sugpo ni Mila. Ilang sandali lang naman tumagal ang awkwardness sa hapag-kainan dahil mayamaya ay balik sa kaingayan ang dalawa ni Derek at Mila. Laking pasalamat ko nang sa wakas ay tumayo si Mila at nagpaalam kay Derek na maghuhugas lang ng kamay. Dali-dali kong sinundan si Mila pero agad din akong napabalik dahil naiwan ko si Vicky na kasama ng tatlo. Baka biglang magladlad. Naku, mahirap na. "Excuse us." Paalam ko saka hinila si Vicky palayo sa tatlo. Sinundan namin si Mila. Nadatnan namin siya sa kusina na tila namimilipit sa sakit ng tiyan. Bigla akong nag-alala at dinaluhan ito. "Anong nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba? Ang takaw-takaw mo kasing gaga ka--" Awtomatikong tumikwas ang kilay ko nang umayos ito ng tayo at makita kong malawak ang ngiti. "Hindi masakit ang tiyan mo?" Manghang tanong ko na ikinailing nito. "Walang masakit sa 'yo?" "Wala." "O, eh bakit namimilipit ka?" Nang humagikhik ito ay saka ko na-realize na hindi siya namimilipit sa sakit kundi sa kilig. Inis na hinila ko ang buhok niya. "Kanina ka pang gaga ka." "Aray! Ang init ko, Annika." Reklamo nito. Nang pakawalan ko ang buhok ni Mila ay hinila ko silang dalawa patungo sa silid ko at doon ay tinalakan nang tinalakan. "Sana kasi nagpa-abeso ka na may mga guwapo kang bisita." Si Mila. "So kasalanan ko pa pala?" Sabay silang tumango na ikinailing ko. "Huwag n'yo naman akong ilaglag." Asar na sabi ko. "Ngayon lang ako humingi ng pabor sa inyong dalawa, hindi n'yo pa ako magawang suportahan." Mukhang tinamaan ang mga ito at biglang sumeryoso. "Sorry na. Mabait naman sila, e. Kaya magaan ang loob ko sa kanila lalo na kay Derek Ramsey." "Akala mo lang iyon." "Mukha namang nagsasabi ng totoo si Mila, Annika. Mukha naman silang mababait at saka yummy." Si Vicky. "True. Saka infairness ang lalakas ng sense of humor nila, ha?" Biglang humagikhik si Mila. "Anong nakakatawa?" Asik ko. Pulang-pula na ang mukha ni Mila sa katatawa. "Mila!" "Sorry, sorry. Na-imagine ko lang kasi iyong itlog ni Vicky na nakita ni Derek noon. Nakita n'yo naman ang reaction niya kanina, 'di ba? Mukhang aliw na aliw sa itlog mo." Tinulak pa nito si Vicky. "Tama na nga." Pigil ko ang pagtawa. Hindi ito nagpatinag at lalong bumunghalit ng tawa. "Iyong okay na sana, babaeng-babae ka na sa paningin niya kaso iyang itlog mo intrimitida. Nagpakita." Hindi na rin ako nakapagpigil. Pinakawalan ko na rin ang impit na hagikhik na kanina ko pa pinipigilan. Saksi ang silid ko kung paano kami manghina dahil sa kakatawa kay Vicky. Na sa halip na mapahiya ay parang tuwang-tuwa pa ang gaga. "Tama na nga, Mila. Baka mamaya marinig na tayo sa labas, e." Saway ko at nagpasaway naman ang dalawa. Muli ko silang kinausap ng masinsinan na kailangan nilang maghunos-dili kapag kaharap ang magkakapatid para hindi kami mabuking. Sumang-ayon naman sila kaya nakampante na ako na hindi kami mabubuking lalo na ni Derek. Niyaya ko na silang lumabas ng silid ko. "Iyong usapan natin, ha? Behave kayo, okay?" Paalala ko habang nasa hulihan nila. "Sure." Si Vicky na nasa pinaka unahan. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang pagbukas nito ng pinto ay biglang tumili na waring nagulat. Ang problema, lumabas ang pagkabakla niya. "Ay! Ayy pala, ayy!" Bigla itong nagboses lalaki. Nagkatinginan kami ni Mila sabay tutop ng bibig nang bumungad sa harap namin ang nakaawang na bibig ni Derek. Mukhang nagkagulatan sila ni Vicky pagbukas ng pinto. Tumikhim si Vicky at nagboses lalaki. "Anong ginagawa mo rito?" Doon natauhan si Derek. Mataman nitong tinitigan si Vicky, pagkuwa'y lumampas ang tingin patungo sa akin. Nasa mga mata niya ang pagkaaliw. Nang mga sandaling iyon ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil hindi na yata kayang pagtakpan ang ginawang pagtili ni Vicky kahit magboses lalaki pa siya. At alam ko na dinig na dinig na iyon hanggang sa labas sa sobrang lakas. Nakangiwing bumaling si Vicky sa akin at bumukas ang bibig. Sorry. Iyon ang sinabi niya. Habang si Mila nama'y hindi alam kung saan kakamot, kung sa ulo ba o sa leeg. Muli kaming nagkatinginan ng mga kaibigan ko nang makita naming ngiting-ngiti si Derek sa aming tatlo particular kay Vicky. At sa klase ng ngiti niya, alam ko nang buko na kami sa palabas na ito ngunit nagbakasakali pa rin ako na baka makakalusot pa. Pero hindi namin napaghandaan ang ginawa niyang pagdakma sa harapan ni Vicky dahilan para mapatili na naman ito. "Ang belat ko--este ang mani k--ay ano ba? Bakit ka ba nandadakma?" Litong-lito na ang gaga kung ano ba ang kaniya. Impit na humagikhik si Mila sabay talikod habang ako nama'y nagtakip na lamang ng mukha. Wala na. Bumigay na ang gaga. "Bakit ka nang-aano?" Angil ni Vicky. "Gaga, 'wag ka nang mag-aksaya ng oras nabuking na tayo." Si Mila. Napatingin ako kay Derek nang aliw na aliw siyang tumawa bago pumasok sa loob ng silid ko. "Nobyo pala, ha?" Natatawang sabi niya. Inutusan ko ang dalawa na lumabas muna. Agad naman silang lumabas at iniwan kaming dalawa ni Derek. "Sinasabi ko na nga ba, wala ka talagang boyfriend dahil imaginary mo lang iyon." Tudyo niya. "So?" Pagtataray ko upang pagtakpan ang natamong pagkapahiya. Hindi siya sumagot bagkus ay tumawa. "Itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mong bukas paglamayan ka na." Ngumisi siya. "Safe ang sekreto n'yo basta maging mabait ka sa akin." "Aba't!" "Bahala ka kung ayaw mo, sino ba ang mapapahiya sa pagsisinungaling? Ako ba?" "Alam ni Mama 'to." "Pero hindi ng mga kapitbahay mo. Gusto mo bang maging katawa-tawa sa harap nila?" "Maiintindihan nila ako." "Siguro nga pero sa una pagtatawanan ka talaga nila." "Problema ko na iyon." Tinalikuran ko na siya. Natigil ako sa akmang paglabas nang muli siyang magsalita. "Kapag hindi ka naging mabait sa akin, malalaman nila 'to at mapapahiya ka." Hinarap ko siya. "E, 'di gawin mo. Diyan ka naman magaling, 'di ba? Ang pahiyain ako?" Natigilan ito at pagkuwa'y nawala ang mapang-asar na ngiti. Napalitan iyon ng hindi ko mapangalanang ekspresyon. "Kung gusto mo akong ibuking sa kanila para ipahiya, go ahead. Hindi naman na bago sa akin kung gagawin mo iyon. Mas malala pa nga iyong ginagawa mo dati, e. Remember?" Lalo siyang nawalan ng kibo. "Sabi mo malaki na ang ipinagbago ko, pero ikaw yata wala. Tarantado ka pa rin." Pagak akong tumawa nang hindi pa rin siya kumibo. Ewan ko ba, bigla akong sinaman nang bumalik sa isip ko ang ilan sa pinaggagawa niya sa akin. "I'm sorry." Sambit niya makalipas ang ilang sandali. "Pag-alis ng mga magulang mo, sumama ka na sa kanila pabalik ng Maynila. Mas'yadong masikip ang bahay na 'to para sa ating dalawa." Pagkasabi ko niyon ay iniwan ko na siya. Ni hindi ko siya nilingon kahit nang tawagin niya ako. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig para kalmahin ang paninikip ng dibdib ko. Biglang bumalik lahat kahit ang tagal-tagal na niyong nangyari. PAGKATAPOS kong kumalma, bumalik ako sa labas na tila walang nangyari. Kung may nakapansin man sa pagbabago ng mood ko, si Vicky at Mila iyon na lubos na nakakakilala sa akin. Nakipagkuwentuhan pa rin ako kina Denver, Dior at maging kay Tita Diana na kanilang ina. Hindi matapos-tapos ang kuwento nila kaya aliw na aliw ang mga kapitbahay namin sa kanila. Bentang-benta sa kanila ang mga jokes ng magkakapatid. Maging sa akin din pero kapag si Derek na ang magsasalita hindi ako tumatawa. Sa tuwing magkakatinginan kami ay masamang tingin ang ipinupukol ko sa kaniya. Hindi man niya ako ibinuko, hindi pa rin sapat iyon para mawala ang inis ko sa kaniya. PAGSAPIT ng hapon, nagkayayaang magtagay ang mga kapitbahay namin at niyaya nila si Tita Diana na agad niyang pinaunlakan. Hindi naman nagpahuli ang mga kabataan at niyaya rin ang magkakapatid na Montana na magtagay. Nagpaunlak sila. Madilim-dilim na nang tamaan ang mga ito. Maging si Mila at Vicky ay naki-join na rin. At siyempre, kapag may alak mas lumalakas na ang mga loob. Muling nagpatawa si Denver at Dior na bentang-benta sa amin. Kapag si Derek na ulit ang magpapatawa, hindi ako tumatawa o ngumingiti man lang. Pinanindigan ko iyon hanggang sa magkalasingan na at lumalim ang gabi. "Mukhang hindi bumebenta kay Ate Annika ang mga jokes mo, Kuya Derek." Kantiyaw ni Dior sa kapatid nang matapos mag-joke at ako lang ang hindi tumawa. "Oo nga. Kanina ko pa napapansin na kapag ikaw ang babanat, poker face si Ate Annika," segunda ni Tope. Hanggang sa lahat sila ay nagsalita na iyon din daw ang napansin nila. "Bakit pala, Ate Annika?" Si Dior. Nagkibit-balikat ako. "Waley ang mga jokes, e. Hindi talaga ako natatawa, promise." Sabay-sabay silang napa-ooh. At inulan ng kantyaw si Derek na waley daw pala ang mga banat. "Hindi? O ayaw mo lang talaga?" Paniniguro nito. "Hindi. Wala talagang dating." Ngumiti ito. "Okay sabi mo, e. Pero dito sa next joke ko for sure tatawa ka na." Puno ng kumpiyansa niyang sabi na ikinasipol ng mga kasama namin sa pahabang mesa. Mukhang may amats na ito dahil namumungay na ang mga mata. "Tingnan natin." Panghahamon ko. "Okay. Basta kapag tumawa ka, bati na tayo, ha." Dahil sa sinabi nito ay nagpalipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa. "Ano, deal?" "Deal." Pagpayag ko kuno. "Okay. Ito na, anong isda ang may saklay?" "Saklay? As in tungkod?" Si Mila. "Hmm." Sa akin siya tumingin. "Anong isda ang may saklay?" "Ate Annika, go!" Udyok ni Dior. Sigurado namang waley na naman 'to. "Oh, ano?" "E, di.... Fish Pilay." Proud na proud na sagot nito. Umugong ang malakas na tawanan nang ma-gets nila na fish fillet iyon pero ginawa niyang fish pilay. "Habey iyon! Fish pilay. Kaya need ng saklay." Humagikhik na sabi ni Mila. Fish fillet... Hindi ko na napigilang ang sarili ko at napangiti na rin. Oo na nga naman, pilay kaya kailangan ng saklay. Lalong umugong ang malakas na tawanan nang tumayo si Derek at magtatalon. Tuwang-tuwa ang tarantado dahil nahuli niya akong ngumiti. "Iyong deal, Annika! Bati na tayo!" Ulol. Lintik na fish fillet iyon, naisahan ako.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD