ANNIKA DIS-ORAS ng gabi ay gising pa ako dahil nagliligpit ako ng mga pinag-inuman ng mga bisita ni Mama. Pasado alos dos na ng madaling araw natapos ang inuman at nagkalasingan na ang lahat. Maging ang mga kaibigan ko ay may tama na rin kaya dito ko na sila pinatulog sa bahay. Nasa kuwarto ko si Mila habang si Victor ay nasa sala. Ang magkakapatid na Montanan naman ay kasama ni Derek sa silid niya. At sina Tito Demier at Tita Diana ay naroon sa kabilang silid na bakante. “Annika, bakit gising ka pa?” Bahagya akong nagulat sa biglang pagsasalita ni Ate Myra mula sa likuran ko. Nilingon ko siya. Mukhang kagigising lang niya dahil pupungas-pungas pa habang mabagal na naglalakad. “Tinatapos ko lang ‘tong ligpitin, Ate. Baka unahan ako ng mga aso dito sa labas kung hindi ko pa tata
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books