Chapter 2

1300 Words
Chapter 2               At dahil ang goal ko nga ngayon ay maging kontrabida sa buhay ni Liu, kaya aalis ako sa condo. Kahit na medyo may hang over pa ako at hindi ko naman alam kung saan ako gagala ay nagbihis ako at binitbit ko na ang bag ko. Para akong teenager na tumatakas sa mahigpit kong magulang. Tsk. I sent a text message to Bonny. Sinabi ko na pupunta ako sa apartment niya. Hindi ko na nga hinintay pa ang reply niya. Sumakay na kaaagad ako sa kotse ko pagkatapos kong maligo at magbihis nang mabilis. Basang-basa pa ang buhok ko ngayon, ni hindi pa nga ako nakapagsuklay dahil sa pagmamadali.               Almost 30 minutes din ang byahe papunta. Ilang beses ko pang pindot ang doorbell sa pinto, pero alam ko naman ang password, kaya pumasok na ako diretso. There she is lying lazily on her couch, eating all the food that she should not suppose to eat.               "Bakit nag-s-stress eating ka na naman? Bawal ‘yan sa’yo ah?" tanong ko sabay lapag ng bag sa gilid at humiga rin sa kabilang couch niya.               Nakikain rin ako sa pagkain niya. Tinignan niya lang ako saglit bago tumuloy sa kinakain niyang isang malaking Lays.               "Kinakabahan ako eh. May up coming commercial ako," simulang kwento naman niya.               Bonny is in the make up and modelling line. She started make-up vlogging online until she was noticed by an Agency.                "May upcoming commercial, pero kung ngumata ka ng chichirya riyan, parang nasa cinema ka lang? Umayos ka nga, lolobo ang pisnge mo sa camera!" asar ko naman sa kaibigan ko.               "Tangina naman kasi, commercial ng motel 'yong isho-shoot namin next week. Paano ba mino-model 'yon? Eh ang alam ko lang naman, puro make-up?" natatarantang kwento naman niya. Natawa ako at napailing na lang.               "Ano ka ba?! Sisiw lang ‘yan sayo! Eh di make-up-an mo ‘yong mga rooms ng motel. I-repaint mo, parang make up lang din ‘yon. Di’ba magaling ka rin mag-paint?" patuloy na pang-a-asar ko pa rin. Inirapan niya lang ako.               "Ulol ka rin talaga eh, no?" inis na tanong niya sa akin.               "Wala kang gora ngayon?" tanong ko naman. Umiling naman siya at saka uminom ng tubig at nagpunas na ng kamay niya.               "Pinapunta ko si Selene dito. Sabi ko magdala siya ng movies, 'yong nakakaiyak para may hugot na naman tayong tatlo," sabi sa kanya niyo.               Nanglaki ang mata ko sa narinig. Kung pupunta si Selene dito, malamang malalaman na ni Liu na nandito rin ako. Alam na alam naman no'n na magkakarugtong ang bulbol naming tatlo eh. Tsk. Kung nasaan ang isa, nando'n din ‘yong iba. Langhiya. Napairap na lang ako sa hangin.               Halos sumabog ang cellphone ko sa kaka-vibrate dahil sa tawag ng hinayupak na si Liu. Hindi ko naman ma-off ang cellphone ko, because my staffs in the warehouse might call me. Minsan kasi kapag may urgent tumatawag sila sa akin kahit weekend. Kaya sinet to silent ko na lang. I texted him naman saying, "Sorry, I don't have time right now. Something came up. I'm with the girls.". Pero niratrat pa rin niya ng tawag ang phone ko.                  "So, ano na ba ang plano sa outing? Huwag naman kayong drawing. Sinasabi ko sa inyong dalawa, hihilahin ko talaga ang bulbol niyo!" banta ni Bonny sa kanila.               Umirap lang ako habang kumakain ng popcorn. Nagplay sila ng movie ni Jason Statham sa smart TV ni Bonny pero wala akong maintindihan sa pinapanood ko dahil mas nangingibabaw ang kwentuhan namin.               "Kahit saan. Go naman ako basta kayo ang kasama," sagot ko habang nakatingin sa screen at pilit na iniintindi ang pelikulang pinlay nila.               "Oh, tara sa kanal? Kagigil din 'to eh. Di magsuggest," sagot lang ni Bonny sa kanya. Sinimangutan ko lang siya at pinakitaan ng dirty finger.               "Eh di mamundok tayo. 'Yong mga kaklase natin dati naka-ilang akyat na ng bundok. Papahuli ba ang mga ganda natin?" sabi ko naman.               "Taena. Siyempre, hindi. Gusto mo umakyat pa tayo ng bundok na naka-high heels ako eh?" hinampas pa ni Bonny ang lamesa habang sumasagot sa akin.               "Tungaw. Dalawang bundok mo nga sa harap hirap ka na, aakyat ka pa nang naka-heels?" asar naman ni Selene. Binato naman ni Bonny ng popcorn si Selene.               "Oh, ano na?" tanong ko sa kanilang dalawa.               "Eh di mamumundok na nga! Next week! Agad agad!" finalize naman ni Bonny.               At nagpatuloy pa ang usapang pamumundok namin. Nakadalawang movie na kami na hindi namin naiintindihan ang kwento. Kaya napagpasyahan ni Selene na ilabas na lang ang mga alak sa cabinet at ref ni Bonny. We call it, "The Emergency Funds".                "Naalala niyo pa ba si Drew? 'Yong may gusto kay Thalia na pinaasa niya no'ng college?" simulang chika ni Bonny.               "Wait. ‘Yong mukhang gangster na palaging naka-jumper? Malaki ang katawan pero pangit ang mukha? Oh, bakit?" tanong ni Selene.               Uminom muna ng rhum si Bonny at sumubo ng chichirya bago sumagot. May pagkasalaula rin 'to eh. Pinuno muna ang bibig bago magkwento.               "Nagchat ‘yon sa akin. Tinanong kung may asawa na raw ba si Thalia. Tapos eto pa, nakakatawa. Hahaha! Sinabi ko munang wala pang asawa si Thalia, tapos nagreply siya ng like! Taena binanatan ko. Sabi ko, "Wala siyang asawa, pero may limang anak siya sa iba’t-ibang lalaki.” Tangina! Hindi na nagreply ang hayop! Nakakatawa talaga!" tuwang-tuwang kwento ni Bonny sa kanila. Nag-apir pa sila ni Selene na tawa rin nang tawa sa kalokohan nitong isa. Binatukan ko nga.               "Ginawa mo pa akong palahiang baboy. Dapat sinabi mo na lang na wala akong balak mag asawa. Ganern," saway ko sa kanya.               "Eh sus. Hindi 'yon maniniwala kapag gano'n lang ang sinabi ko sa kanya. Magpupumilit pa rin 'yon. Kaya kailangan natin ng counter attack na supalpal na siya kaagad. Unless bet niya ang MILF. Luh?" pagtatanggol naman ni Bonny sa sarili niya dahil sa kalokohang ginawa niya tungkol sa akin.                 "Ang dami nitong alam eh. Ang daldal mo talaga eh, no?" reklamo ko sa kanya.                 "Ang tagal na nating magkaibigan, ngayon ka pa nagreklamo? Teka? 1AM na. Sabi niyo hanggang 10PM lang kayo?" biglang sabi ni Bonny nang mapansin niya ang orasan sa dingding.               Nanglaki ang mga mata ko. Hindi namin napansin ang oras. Ang usapan namin ni Selene, alas dies lang ay lang sisibat na kami.                "s**t! Tara na, Selene," aya ko naman kaagad.               Dinampot ko ang bag at cellphone ko. Hindi na namin tinulungang magligpit si Bonny ng mga kalat. Kaya niya na ‘yon, malaki na siya. Sumampa na kami sa kanya-kanya naming kotse pagdating namin sa parking lot.               "Sure ka ba na kaya mong magdrive? Hatid na kaya muna kita? Mukhang mas lasing ka kaysa sa akin, Thalia," offer naman ni Selene sa akin. Umiling naman ako kaagad.               "No, huwag na. Kaya ko pa naman. Ingat ka sa pag-uwi," sagot ko naman kaagad.               Pilit kong idinidilat ang mga mata kong kanina pa pupungay pungay. Kaya ko pa naman talagang magmaneho. Mabilis lang naman ang biyahe ko pauwi eh, kaya kampante ako. Ganito naman kami palagi. Umuuwi nang lasing. Gumagapang pauwi sa bahay. Sa awa ng Diyos, eto at buhay pa naman kami. Sumakay ako ng kotse ko at ini-start ang makina. Nakalabas na ako ng parking ng apartment nila Bonny. Huminto lang ako dahil naka-red ang stop light. Naramdaman ko rin na nagvibrate ang phone ko kaya sinagot ko ‘yon at sumandal ako saglit sa upuan.               "Oh? Sino ‘to? Ha? Sino? Oh, bakit?" sabi ko sa kausap sa kabilang linya.               Wala akong maintindihan sa sinasabi ng kausap ko sa cellphone. Iginilid ko muna sa gilid ng kalsada ang kotse ko pagkalagpas ko sa stoplight. Isinandal ko ang ulo ko sa manibela. At parang doon na tumigil ang mundo ko. 'Yon na ang huli kong naaalala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD