Chapter 1
NATALIA
"Nagtext sa'kin si Selene kanina. Magba-bar daw kayo because it's your TGIF night. And I knew na hindi ka papayag mag-overnight sa bahay kahit na pilitin ka pa ni Selene. Because I know you are trying to ignore me," panimulang sabi niya.
Napahawak ako sa sentido ko. Umiikot na kasi lalo ang paligid. Nakapasok na kami sa loob ng condo ko at napulot na rin niya ang mga gamit mula sa bag ko na kanina ay nagkalat na sa sahig dahil ibinulatlat ko sa lapag ang mga gamit ko nang hindi ko makita ang susi ng pinto. Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan maglakad papasok.
"I want to rest, Liu. I can't do sexy time with you tonight," I said honestly.
Yes, Selene's brother. Liu is that guy. No strings attached, no label or anything. Mahabang kwento rin kung bakit ba kami napunta sa ganitong sitwasyon ngayon.
"Then, rest. Wala naman akong sinasabi. Di’ba nga, according to you, I can't demand," mabilis niyang sagot.
"You should rest too. Matutulog na ako sa taas. You can go home, I am fine here. Bye," sabi ko sabay hawi sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mas hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa akin.
"I will leave once you fall asleep. Huwag na nating pagbangayan ang bagay na 'to, Thalia," may diin sa mga boses niya pagkasabi niya noon.
Hindi naman na ako umimik pa. I just want to dive on my bed and rest. Kumapit na rin ako sa kanya habang paakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko. He tucked me on my bed after kong magpalit ng damit sa harapan niya. Hindi naman ako nahihiya sa lalaking 'to. Why would I? I have a nice body to brag.
"Sleep. Bukas ng hapon, babawi ka sa akin, Thalia. Uubusin ko ang lahat ng lakas mo," He said.
Nagtaklob ako ng kumot hanggang sa ulo. Itutulog ko na lang 'to. Bukas na ako mag-iisip kung paano ako iiwas sa lalaking 'to. I've been trying to dodge his calls for a week now. Pero heto naman siya ngayon, kasama ko na naman sa kwarto. Ginugulo ang buhay ko.
I woke up with a little hang over. Wala na si Liu sa kwarto ko. Thank God for that. Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa sa kanya. I will always answer him my default response, ‘You can't demand’. Dahil siya rin naman ang nag-set noon simula pa lang. We just act lovers in bed, a f**k buddy. We can demand on each other when it comes to lust, pero other than that, wala na.
Almost one week na simula no'ng mapagdesisyunan kong dumistansya munakay Liu. Because I think, it is the best thing to do. We should stop seeing each other. Paano na lang kung sobrang makasanayan na namin? Paano kung magka-pamilya na siya at mag-asawa? I have never dreamed of being a mistress. Ni hindi ko nga makita sa hinagap ang sarili ko na magiging isang may bahay, maging kabit pa kaya? I am still firm with my decision of not settling down. Masaya naman na akong ubusin ang oras ko sa trabaho ko. It has been my dream since I was 5 years old. Ang magtrabaho at kumita ng pera.
I was raised by my Aunt and Uncle dahil iniwan ako ng ermats ko sa kanila when I was only three years old. Hindi kasi siya pinanagutan ng nakabuntis sa kanya. I will never call that guy, Dad. He will forever be called 'that guy'. Sila Auntie at Uncle ay may pito ring anak. At walang stable na trabaho noon. Kaya lumaki ako na swerte na kung makakain kami ng mga pinsan ko ng kanin na may ulam sa isang buong araw. Madalas, ‘yong kanin ay ihahalo lang namin sa kape, o di kaya naman, asin.
Hindi alam ng iba na dugo't pawis na may kasamang luha ang pundasyon ng kung ano mang mayroon ako sa ngayon. Maaga akong namulat sa business, high school pa lang ako. Suma-sideline na ako kung saan may raket na pagkakakitaan. Pumasok na iskolar noong college para matupad ang pangarap kong ma-i-ahon kami sa putik. At masasabi ko naman ngayon, na napagtagumpayan kong ma-i-ahon ang sarili ko, sila Auntie, Uncle at ang mga pinsan ko. Hatak ko sila sa pag-ahon. At habangbuhay kong tatanawin ang utang na loob na kahit walang-wala sila noon, pinili pa rin nilang tanggapin ako at ituring na ikawalong anak sa pamilya nila. I will never make it to where I am right now, kung hindi rin naman dahil sa kanila. At alam ko na isa rin ito sa dahilan kung bakit matibay ang paninindigan ko na hindi mag-pamilya. Although inalagaan ako nila Auntie at Uncle at itinuring nilang parang tunay na anak, hindi naman no’n mapagtatakpan ang katotohanang iniwan naman ako ng tunay kong ina.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Tuwing maaalala ko ang eksenang pag-iwan na 'yon sa akin, ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Masakit masyado ang eksenang ‘yon sa parte ng kabataan at pagmusmos ko. Maliit pa ako noon pero hindi ko makakalimutan ang pagyakap ko sa mga binti niya. Tawag ako nang tawag ng Mama sa kanya. Pero wala naman akong magagawa. 'Yon ang naging desisyon niya. Hindi ko na rin siya hinanap. Wala rin naman akong sasabihin kung magkatagpo man kami ng landas.
Sumimsim ako ng tinimpla kong kape. Tanghali na ako nang magising pero kailangan kong magkape dahil hindi maku-kumpleto ang araw ko nang walang kape. I was enjoying my cup of coffee nang biglang magvibrate ang cellphone ko. I got a text from Liu.
“I’ll be there by 6PM. May tinatapos lang na meeting. I can't wait to eat you.” Sabi sa mensahe nito.
Napairap ako sa nabasa kong text niya. Akala yata niya ay hindi ako seryoso sa sinabi kong itigil na namin ang kalokohan na 'to. Kung sa bagay, ilang beses na kami nagsabihan na itigil na namin pero hanggang ngayon bumabalik at bumabalik pa rin kami sa katawan ng isa't isa. Pero kailan pa ba kami titigil? Kapag lubog na lubog na kami? Kapag kahit maling-mali na ang ginagawa namin, hindi na kami maka-ayaw dahil huli na? Si Liu ay nagsimula ng larong ‘to, pero mukhang dapat ako ang tumapos.
I am Natalia Montez. I grew up and I came from the slum. I am not ashamed of who I was nor where I have been. Bakit ka mahihiya na nagmula ka sa mahirap na pamilya? Na minsan kang nakatira sa iskwater? Na madalas noon, isang kahig isang tuka kami at swerte na kung magkaroon kami ng ulam na isda sa buong maghapon. Kung wala naman, pinagti-tiyagaan na lamang naming ang asin o toyo. Walang masama sa pagiging mahirap. Pero masa kung ipinanganak kang mahirap at hahayaan mong mamatay ka na lamang na mahirap pa rin.
Your situation right should not stop you from dreaming. Hindi dahil mahirap ka ngayon, ibig nang sabihin ay wala ka nang karapatang maka-ahon pa mula sa putik. Mangarap ka, kumilos ka. Patuloy kang magbanat ng buto at huwag mong sukuan ang pangarap mo. Hayaan mong sukuan ka ng iba, pero ikaw, patuloy kang maniwala sa kakayanan mo. Because at the end of the day, you reap what you sow. Whatever you put your time, talent and energy into is what you will get back. Ikaw rin naman ang makikinabang nito at hindi ang ibang tao.