Chapter 3.1

2323 Words
Chapter 3.1   Tuyung-tuyo ang lalamunan ko, kaya kahit hindi ko pa gustong bumangon, eh no choice na ako. Tumayo ako at lumakad papunta sa pitsel ng tubig na nasa lamesa malapit sa TV ng kwarto ko, pero walang pitsel akong nakapa. Napadilat ako at kahit na medyo nasisilaw pa sa liwanag ay pinilit kong inikot ang paningin ko para hanapin ang pitsel ng tubig. Imposibleng walang pitsel ng tubig. Dahil inihahanda ko lagi 'yon incase na lasing akong umuwi. Unless, nasa ibang kwarto ako.   "Putangina," mahinang sambit ko no'ng maalala kong hindi ko alam kung paano ako nakauwi.   "Talagang putangina. Ilang beses akong napa-putangina kahapon, hanggang kagabi at kaninang madaling araw dahil sa kalokohan mo, Natalia," rinig ko agad ang matipunong boses niya mula sa likod ko.   Alam ko na agad kung sino ang nagsalita o kung ano ang nangyari kagabi. Si Liu ang nag-uwi sa akin. Or nakauwi nga ba ako? Nilibot kong muli ang paningin ko. Saka ko lang napagtanto na hindi. Hindi niya ako inuwi sa condo ko.    "Nasaan ang mga gamit ko?" tanong ko sa kanya habang dahan-dahan ko siyang hinaharap.   Nauuhaw pa rin ako. Tangina lang.    "Tinabi ko. Ano ang gusto mo? Kape? O juice na maraming yelo?" tanong lang niya sa akin.   "Gusto ko nga 'yong mga gamit ko," tugon ko naman.   "Mamaya. Sige ikukuha kita ng juice," sagot din naman niya saka niya ako iniwan sa kwarto niya.               Napairap na lang ako. Bakit niya ako inuwi rito sa bahay nila? Baka makita ako ng kapatid niyang si Selene. Tsk! Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa amin ng kapatid niya. Kung sasabihin ko man sa kanya, sisiguraduhin ko na tapos na kami ng Kuya niya bago niya pa malaman ang mga pangyayari.   Dati pa kasi ako umaayaw. Kaso wala, nasanay na lang din. Hanggang sa pareho na naming hinahanap ang isa't isa. Pero nilinaw ko naman sa kanya ang mga plano ko sa buhay. At alam naman niya kung saan ang lugar namin pareho sa buhay ng isa’t-isa. Kung hanggang saan lang kami dapat. Nothing more, nothing less. Pareho naman kaming walang reklamo ro'n. Lalo na siya. "Why are we still seeing each other, Liu? One night stand nga, di’ba? If it's not about Selene, then hindi tayo pwedeng magkita," paalala ko sa kanya.               I was a fresh graduate struggling on my first fulltime job, and I still have two other sidelines. I got so many bills to pay, and I got bigger dreams so I need to work harder. Wala akong panahon sa ibang bagay. I need to focus on my goal, and that is to succeed. To never feel hungry again. To never be afraid of waking up tomorrow wondering how are we going to survive another day again.    "What's wrong with us, seeing each other, Thalia?" tanong niya na parang hindi pa rin niya naiintindihan ang mga sinabi ko noong nakaraan sa kanya.   "Everything! From that night, up to this day. Kuya ka ng kaibigan ko. Hindi mo ba alam 'yong golden rule ng magkakaibigan? Walang talo-talo sa utol ng kaibigan. At isa pa, I don't have time for this!" paliwanag ko habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.    "Okay." sabi niya then he stormed out of my room.               I was only renting a small room malapit sa pinapasukan kong trabaho. I was still saving and adjusting to the real world after college. Akala ko 'yon na ang huling pagkikita naming, because he said okay. I didn't know he only said okay because he no longer wants to argue with me.   One weekend, after kong tapusin ang nobelang pino-proof read ko, at matapos kong i-send ang edited version sa email ng publishing company, nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Alam kong gabi na, at wala namang text sila Bonny o Selene na may gala kami ngayon. Nagpunta ako sa pinto para silipin nang bahagya kung sino man ang naroon, pero nabitiwan ko ang doorknob at bahagya akong napanganga nang makitang si Liu ang nasa harapan ko ngayon. He took that chance to enter my room. Hindi ko na siya napigilan. Mukhang feel at home pa ang loko. May bitbit pa siyang paperbag at pinakita ‘yon sa akin.   "How are you? Nagtake out ako ng dinner. Let's eat?" pangangamusta niya sabay alok sa akin na kumain na tila ayos lang ang lahat.   Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasara ko na ulit ang pinto ng kwarto ko. Inilalabas niya 'yong mga pagkaing dala niya mula sa paperbag.   "Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit pumunta ka rito, Kuya Liu?" tanong ko sa kanya.               I called him Kuya to emphasize what he should be to me. Sa aming tatlo kasi nila Selene at Bonny, ako lang ang hindi tumatawag na Kuya sa kanya noon. Or honestly, paano ko siya tatawaging Kuya, eh ni di ko nga siya pinapansin noon during college days namin ng kapatid niya? He’s like an invisible man, just a passing air that I can’t see.   "Wow. I do really feel old. Damang-dama ko 'yong four years na age gap ah?" nakangising sabi niya naman sa akin.   "Oh, so aware ka naman pala? Di pa rin ba tayo tapos mag-usap? Hindi pa rin maliwanag sa’yo? I don't want anything from you. What happened that night was a mistake. Wala akong hahabulin na kahit na ano. Walang ibang makakaalam, kung ‘yan ang inaalala mo. So, let's continue with our own lives," ulit ko na naman sa kanya.   "Eh, ‘di huwag kang maghabol ng kahit na ano. Hindi rin naman ako nagpapahabol sa’yo. Nandito nga ako, oh? And it’s okay that you don't want anything from me. Saka tama ka rin sa sinabi mo last time, na walang talo-talo sa utol ng kaibigan? Then, fine. Walang talo-talo. Basta I will keep seeing you. So, now choose. Kakain ka na ng dinner, o ikaw ang kakainin ko as dinner?" Seryosong tanong pa ni Liu sa akin.   Natulala ako sa huling tanong niya. Napalunok ako ng laway at hindi kaagad nakasagot.   "Good choice, Natalia. Mamaya na ang dinner. Simulan na muna natin sa dessert," dugtong niya pa.               And by that, he locked his lips with mine. Hindi ko alam kung bakit tinugon ko ang halik niyang 'yon. Samantalang pwede ko naman sana siyang itulak palayo, sampalin at itaboy, pero hindi ko ginawa. At dahil do'n, nagsimula na kaming magkita nang patago. Hanggang sa tumagal pa ng ilang taon.   At umabot hanggang sa ngayon. Almost 9 years na. Hindi ko alam kung paano namin napanatili na hindi alam ng kaibigan ko na kapatid niya. Siguro dahil saka lang naman kami nagkikita kapag wala akong ibang lakad. Once or twice a week? Minsan sinasadya ko pa nga na hindi magpakita kay Liu. Kapag hindi ko trip, o kapag inatake ako ng topak. Hindi naman siya pwedeng magreklamo. Hindi ko naman siya boyfriend. Wala naman akong boyfriend. So, kung may biglaan akong lakad na iba. I will definitely choose that over him. Kasi itinatak ko sa sarili ko, to never set him as my priority. That way, I could guard myself. Kasi one day, ihihinto rin naman namin ‘to for good. So, hindi ako pwedeng masanay na hindi iikot ang mundo ko kapag wala siya. I made sure na kahit wala man siya, my world could still spin around like nothing happens. Wala dapat akong maramdaman na kakulangan sa pagkatao ko kung wala man siya.   Bumukas ang pinto ng kwarto niya. Iniluwa noon si Liu at may dala na siyang tray ng breakfast. Inirapan ko na lang siya.   "I'll just drink juice. Thanks," sabi ko na lang.   Agad ko namang kinuha ang juice at ininom 'yon.   "No. You're not leaving this house na juice lang ang laman ng tiyan mo. Eat your breakfast, Natalia," matigas at seryoso na sabi niya sa akin.   Awtomatiko na namang napairap ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Alam naman kasi niyang hindi ako kumakain ng agahan. I live alone. Hello? I don't have time to cook for myself in the morning. Just one cup of brewed coffee and I'll be fine.   "Nakauwi  ba nang safe si Selene kagabi?" tanong ko naman sa kanya.   Tinignan niya kaagad ako nang masama matapos ko siyang tanungin. Napakunot tuloy ang noo ko. Ang laki talaga ng problema ng isang ‘to sa mundo.   "Oo. Nakauwi siya. Ikaw ang hindi. At sino namang matinong babae ang matutulog sa gilid ng kalsada? At talagang hindi pa naka-lock ang mga car doors mo?! Buti na lang I was nearby your location. Baka napaano ka na. Ang sarap ng tulog mo, te? Feel at home in the middle of that busy street? Batang hamog ka ba? Muntik na kitang latagan ng karton eh," pang-a-asar niya pa sa akin.   "Hindi naman, rugby girl lang. Saka sino naman ang nagsabi sa’yo na matinong babae ako? Huwag mo nga akong inaasar. Masakit ang ulo ko. Isusungalngal ko sa’yo 'tong bacon. Makita mo riyan," inis na tugon ko lang sa kanya.               He really knows how to piss me off. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain nang hindi siya pinapansin. Naubos ko 'yon pati ang orange juice. Nag-i-inarte inarte pa ako no'ng una? A-ayaw ayaw pa pero ang takaw rin naman. Kahiya.   Pagtapos kong kumain, I sneak out like a bugaw girl. Pota, kung may badjao girl at pabebe girl, ako naman yata si bugaw girl. Dumiretso ako sa gym. Napag-usapan kasi naming tatlo kagabi, as preparation sa pag-akyat namin ng bundok ay kailangan naming mag-gym nang totoo. Hindi 'yong threadmill threadmill lang tapos mas marami pa ‘yong chismisan namin kaysa sa totoong exercise. Bibig lang namin ang na-exercise madalas, imbes na buong katawan eh. Mukhang convincing naman ang itsura ko ngayon. Mukha akong nakauwi ng bahay. Dahil nakapagpalit ako ng damit. Hindi ko nga alam kung bakit may damit ako sa kwarto ni Liu. Mukhang hindi lang isang set ang mayroon ako ro'n. Sa susunod nga, kukunin ko na ang lahat ng mga gamit o damit ko ro’n kung mayroon pang iba. Baka mamaya makita pa ni Selene, madalas pa naman kilala ng kaibigan kong ‘yon ang mga gamit ko.   Nando'n na ang dalawa pagdating ko. Nagsimula na rin silang magpanggap. At talagang kumuha pa sila ng trainor. Dati kasi threadmill lang talaga kami sa gabi or weekend. Minsan naman ay zumba, kapag may time pa. Tapos mag-aaya ng samgyup, kaya wala rin. Mga gago nga eh.   "Coach! Heto na. Red carpet entrance. Taray, late dumating. Ang napakaganda at single naming kaibigan, Natalia Montez!" bunganga agad sa akin ni Bonny pagkalapit ko sa kanila.                 "Wow. Single din naman kayong dalawa ah? Hi, coach!" sabi ko lang sa coach sabay irap ako kay Bonny.   "Hi, Natalia. You can just call me, Vin. So, start na tayo?" sabi niya   "Sure, Vin," sagot ko naman kaagad habang inilalapag kung saan ang bitbit kong bag.               Nagstretching muna ako and then nakisabay na ako sa kanila. Matagal na rin akong hindi nakakapag-gym kasama sila. Mas madalas kasi kaming mag-girls night out kaysa magpanggap na magpapayat.   "Vin, aakyat kami ng bundok this weekend. Sama ka?" aya ni Bonny sa trainor nila bigla.               Tumaas lang kilay ko. Kakakilala pa lang namin sa Vin na 'to, tapos kung ayain niya ay akala mo tropa na namin? Baliw na Bonny talaga ‘tong kaibigan kong ‘to.   "Aw, Sayang. I already had plans this weekend. Sama ako next time," tugon naman ni Vin.   "Ay, gano’n? Selene! Ayain mo rin kaya sina Kuya Liu at Sandro?!" sabi na naman ni Bonny.   "Akala ko ba tayong tatlo lang dapat?" sita ko na sa kanya.   Ang dami naman kasing gustong isama nitong Bonny na ‘to. Ang usapan noon ay kami-kami lang. Tinitigan lang din naman ako ni Bonny na parang sinasabi ng mga mata nito na wala siyang pakialam at mag-aaya siya dahil gusto niya.   "Hello? Para may taga-bitbit tayo ng bag," paliwanag naman nito sa kanya.   "Ha? Bakit mo kailangan ng tagabitbit ng bag? May maleta ka bang dadalhin do’n sa taas? Huwag ka kasing magdala ng madaming gamit! Huwag kang mag-bag! Iwan mo sa kotse!" gigil na sabi ko naman sa kanya.   "Luh? Siyempre kailangan ko ng pangre-touch. Pagpapawisan kaya tayo habang umaakyat. Eh tapos, magsi-selfie pa sa taas," paliwanag niya pa rin naman.                 "Subukan ko na tanungin si Kuya. Ewan ko kung gusto niya sa mga gano’n. Parang hindi naman kasi 'yon mahilig sa adventure eh," tugon lang naman ni Selene.   Napailing na lang ako nang patago. Ibang adventure naman kasi ang gusto ng Kuya nitong si Selene. Ayaw ko na lang mag-comment.   Natapos kami sa gym after one hour. Pero sa totoo lang, parang bibig pa rin naman namin ang nag-exercise dahil puro lang rin kami daldal. Walang pinagbago hanggang ngayon. Parang gusto na nga yatang sumuko ng trainor namin kanina. Isang exercise, limang chismis yata?   Naghiwa-hiwalay na kami pagtapos namin sa gym. Pabalik na ako sa kotse ko no'ng marinig kong may tumawag ng pangalan ko mula sa likuran.   "Natalia, sandali." Lumingon naman ako at nakita ko si Vin na tumatakbo palapit sa akin.   "Yes? Bakit? May naiwan ba kami sa loob?" tanong ko pagkalapit niya sa akin.   Kumamot muna siya sa buhok niya bago siya nagsalita.   "Wala naman. Hihingiin ko sana ang cellphone number mo, kung okay lang?" sabi niya.               Kumunot muna saglit ang noo ko pero hindi naman ako slow para hindi ma-gets ang magiging kasunod nito kapag binigay ko ang number ko sa kanya ngayon.   "Sure, walang problema. Ikaw pa ba?" sabi ko naman kaagad.   Iniabot niya sa akin ang cellphone niya at nag-type naman ako roon. Matapos no'n ay umalis na rin naman ako kaagad. Magpapahinga pa ako. Hindi ko nga alam kung bakit namin naisipang mag-gym matapos kaming magpakalasing kagabi. Kung ano talaga ang mapagtripan, sunod na lang kahit biglaan eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD