Chapter 3.2
Mabilis na lumipas ang isang linggo sa opisina. Medyo naging busy ako sa meetings with the shareholders pero nakakapag-videocall naman kami nila Bonny at Selene sa gabi. Tuloy na tuloy na nga 'yong akyat namin ng bundok. Parang mga timang lang. At dahil mga tamad din kami. Naisipan naming mag-rent ng car. Dahil na-imagine na namin, na after namin umakyat sa bundok ay wala ni isa sa amin ang gustong magmaneho pauwi. Napakatamad kong mag-drive eh. No'ng isang linggo nga lang, nakatulog ako bago makauwi dahil sa kalasingan ko eh. Paano pa kaya kung umakyat at bumaba sa bundok? Nai-imagine ko na kaagad na masakit ang mga kalamnan ko.
Ang meeting place namin ay sa tapat mismo ng gate ng bahay nila Selene. Eksaktong alas kwatro ng umaga ang usapan. Kaya heto, nagpark na ako sa may gilid ng bahay nila. Nakita kong nandoon na 'yong van. Pero teka? Bakit van ang nandito? Hindi ko rin alam sa kanila. Tatlo lang naman kami. Baka madami silang dala?
"Hoy! Pekpek! Ganda ka? Ikaw na naman ang last?" sigaw ni Bonny nang makita siyang naglalakad papalapit sa may gate.
Napakataas ng energy niya kahit madaling araw pa lang. Madalas tuloy iniisip ko kung may ADHD ba ‘tong kaibigan naming. Napaka-hyper.
"Oo naman yes, maganda ako. Ikinaganda ko ang pagiging huli sa pagdating. Tara na," pabirong sagot ko naman sa kanya.
Bubuksan ko pa lang sana 'yong pinto ng van, pero inunahan na ako ni Bonny.
"Excuse me. Tabi ako kay Selene," sabi niya.
Umakyat na siya sa van at sinundan ko rin naman kaagad si Bonny. Bahagya pa akong natigilan no'ng nakita kong may ibang tao pala sa likod ng van.
"Nga pala, nakalimutan kong sabihin. Biglang change of plans. Pwede raw pala sina Kuya saka si Sandro. Kaya sumama na sila. Exciting daw kasi 'to. Exciting nga ba, Bonny?" paliwanag ni Selene.
Nasa likod ng driver si Selene at Bonny. Tapos ‘yong maliit na sandalan na ang katabi no’n. Ayaw ko namang umupo sa maliit na sandalan. Sa likod naman ay nando'n si Sandro, at sa pinakalikod naman naka-pwesto si Liu.
"Sa harap na lang ako," sabi ko sabay sara na ng pinto.
At nagpunta naman ako kaagad sa harap. Ibinaba ko ang maliit kong backpack saka nagsuot na ng seatbelt ko. Alam ko kasi na makaka-idlip ako sa byahe. Eh, no choice naman ako sa pwesto. Gusto ko ng may sandalan, pero ayoko namang tumabi ro’n sa likod. Kahit sino man sa dalawang kutong lupang lalaki ro’n.
"Dito ka na sa likod, Thalia," rinig kong sabi ni Liu, pero hindi ako umimik at nagpatay malisya na lang ako sa sinabi niya.
"Uy, do'n ka na raw sa likod sabi ni Kuya. Tabi ka na lang kay Sandro," sabi naman ni Selene.
Heto na naman 'tong hinayupak na 'to. Nagsimula na naman magreto sa akin. Noon niya pa ako ibinibenta kay Sandro. Wala namang gusto sa akin 'yong tao. At wala rin naman akong gusto ro'n. Lumingon ako para irapan si Selene at pakitaan siya ng dirty finger. Bumiyahe na rin naman kami. No'ng una, pinipilit ko pang mag-cellphone. Nagba-browse pa ako ng f*******: at i********: pero hindi ko talaga napigilang mapapikit dahil sa antok.
"Kuya Driver, stop over muna tayo sa Mcdo. Gusto kong magkape. Saka papakapehin ko 'yang babaita riyan sa harapan. Sarap ng tulog eh." Naalimpungatan ako no'ng marining ko ang boses ni Bonny.
Umayos ako ng upo at lumingon-lingon. Madilim pa rin. I checked my phone and 5AM pa lang. Ipinark ni Kuya driver ang van sa tapat ng Mcdo. Nag-unat naman agad ako pagkababa ko.
"Tumabi ka na kay Sandro mamaya pagbalik natin, kung iidlip ka pa sa byahe. Baka kapag prumeno si Kuya Driver, mauna ka pa sa amin sa bundok," tudyo pa rin ni sa akin ni Selene.
Para itong si Satanas na bubulong-bulong sa tainga ko pero hindi naman ako magpapa-uto. Hindi ko siya hahayaang magtagumpay sa kagustuhan niyang asarin ako.
"Magka-kape na ako para hindi na ako makatulog," sagot ko na lang naman.
Nauna na silang pumasok sa Mcdo. Nag-u-unat unat pa rin kasi ako habang hawak ko ang cellphone ko.
"Ano ang gusto mo? Ako na ang o-order," nagulat ako nang biglang lumitaw si Liu sa tabi ko.
"Huwag ka ngang nanggu-gulat! Hindi pa ako nakapagkape pero ninenerbyos na ako sa’yo eh," reklamo ko sa kanya.
Umakbay lang naman siya sa akin.
"Baka hindi lang nerbyos 'yan. Baka inlove ka na kasi," tudyo niya pa.
Inalis ko naman ang kamay niya mula sa balikat ko.
"Ako? Inlove? Kailan? Kanino? Well-trained 'to," proud na sabi ko sabay turo sa bandang dibdib ko kung nasaan ang puso.
Napailing lang naman siya.
"Iyan tayo eh. Masyadong matigas. Baklang towh?!" sabi niya while immitating Vice Ganda's voice.
Natawa na naman ako. Gustung-gusto ko kapag nagbabakla-baklaan siya. Gayang-gaya niya kasi talaga! Naturan na natural, walang halong kemikal.
"Egg mcmuffin at coffee lang ako. Large," sabi ko naman.
Nauna na akong maglakad at iniwan ko na sa likuran si Liu.
"Alam ko naman na mas gusto mo ang egg ko. Large din naman ‘yong katabi no'n," sabi niya sabay kindat pa sa akin.
Lalo lang akong natawa. Tanginang lalaki ‘to, puro kalibugan lang talaga ang alam.
Pumasok na ako sa Mcdo. Humanap na ako ng pwesto at umupo habang nasa counter pa silang lahat. Hindi pa yata makapag-decide sila Selene at Bonny kung ano ang kakainin nila. Biglang may nag-pop-up na message sa phone ko, nakita kong si Vin pala.
“Good Morning. Vin here! Ingat kayo. Wish I was there. Sama ako next time kapag may gala ulit kayong tatlo,” sabi nito sa mensahe sa kanya.
Pota? Paano niya nalaman ang number ko? Eh personal number ni Bonny 'yong binigay ko sa kanya noon? I wasn't planning on replying to his message pero biglang nag-vibrate ang phone ko. Napamura pa ako sa gulat lalo na no'ng Makita na number ni Vin ang tumatawag.
"Hello?" I was unsure what to say to him.
"Hi. Sorry if tumawag ako. Binigay nga pala ni Bonny 'yong number mo. Number pala ni Bonny 'yong nilagay mo sa phone ko. Ang cute mo sa part na ‘yon. Hehe," sabi niya sa kabilang linya.
Napapairap pa ako sa hangin dahil sa sinabi niyang cute daw ako. Hindi ‘yon nakakatuwa. Sabihan mo akong maganda. That’s the compliment I deserve!
"Ah. Oo, sorry. Hindi talaga kasi ako nagbibigay ng phone number ko basta-basta eh. Number talaga ng mga kaibigan ko ang binibigay ko," sabi ko na lang kaagad.
Ayaw naman niyang magpalusot pa. She’s always honest. She always say what is on her mind.
"Okay lang naman. Wala 'yon sa akin. Ang cute mo nga eh. At least, alam kong hindi ka kagaya ng iba," sabi pa niyang muli.
I was about to say something pero biglang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Sino na naman 'yan? Ang aga aga pa ah?" tanong bigla ni Liu na nasa likuran ko na naman pala.
Ang lakas pa ng boses nito na akala mo naghahanap ng away sa umaga.
"Usap na lang tayo mamaya ah. Bye," paalam ko na kaagad kay Vin saka binaba ko na ang tawag.
Tumabi sa akin si Liu. Agad ko namang inabot ang coffee at egg mcmuffin ko mula sa tray na dala niya. Nagsi-pagdatingan na rin sila Selene, Sandro, Bonny at 'yong driver.
"Hoy, nga pala. Ikaw ha, Thalia. Tumawag sa akin si Vin. Hiningi pala niya ang number mo noong nakaraang linggo, tapos number ko ang binigay mo. Kaloka ka rin eh," sumbat bigla ni Bonny sa akin.
"Oo, tumawag na nga sa akin kanina. Binigay mo na rin naman ang number ko sa kanya. Quits na tayo," sagot ko lang naman.
Naramdaman kong biglang may kumurot sa tagiliran ko.
"Aray," napangiwi ako bigla.
Kinurot ako ni Liu sa tagiliran ko. Buti na lang at hindi ko hawak ang kape ko. Siraulong lalaki ‘to.
"Oh? Napaano ka?" tanong ni Bonny sa akin.
"Ah. Wala, may kumagat lang yata. Punyetang lamok ‘yon ah? Siguro wala ‘yong s*x life?" sabi ko na lang naman habang nakatingin pa kay Liu.
Sinamaan ko ng tingin si Liu. Pinandilatan niya lang din ako ng mga mata. Nagkunwari akong nagkamot ng pisngi, at ipinangamot ko 'yong middle finger ko. Naka-f**k you sa kanya. Natawa na lang naman siya.
Nagsimula na kaming maglakad. Nandito na kami ngayon sa Rizal. At aakyat na kami sa Mt. Pamitinan. According sa google, 3 out of 10 ang rating nito. So, this must be an easy peasy climb. Good for first timers daw eh. Tumawid na kami sa hanging bridge. Siyempre, kanina pa kami selfie nang selfie. Iniwan ko na 'yong backpack ko sa van. Sling bag lang ang dala ko ngayon. Towel, phone, tubig saka pera lang naman ang nilagay ko sa loob. Si Bonny, parang magka-camping yata mamaya sa taas eh. Naka-todo backpack pa. Pangretouch daw kasi niya mamaya.
"Mga ilang oras na akyatan po kaya 'to, Kuya?" tanong ko sa kasama naming tour guide.
"Depende po, Ma'am sa bilis po ninyo. First climb niyo po, so mga 3 hours po siguro o higit pa," sagot naman niya sa akin.
Nanglaki ang mga mata ko nang marinig kung ilang oras kami bago maka-akyat. Potaena, parang ayaw ko na yata. Charot lang.
"Bilisan na natin! Mamaya na kasi tayo magselfie. Bonny, kapag hinimatay ka mamaya kukuhanan talaga kita ng video, a-upload ko sa f*******: ko lalagyan ko pa ng caption na ‘Huwag tularan, babaeng puro ganda lang.’." saway ko pa kay Bonny na kanina pa hinto nang hinto para magpicture.
"Hindi ako hihimatayin, Bruha ka talaga," sagot naman ni Bonny sabay selfie ulit.
Ayaw talaga nitong patinag eh.
"Ikaw na lang mahimatay, Thalia. Bubuhatin ka raw ni Sandro," asar na naman bigla ni Selene sa akin.
"Oy, wala akong sinasabing ganyan," tanggi naman kaagad ni Sandro.
"Pakyu. Well-trained ako kay Vin. Hindi ako hihimatayin," biro ko naman sa kanya.
Napahinto pa si Bonny sa pagselfie dahil sa narinig niyang sinabi ko.
"Ay, pota. Umaamin. So, kayo nga? Landian lang ba o seryoso na 'yan?" nang-i-intrigang tanong pa ni Bonny sa akin
"Gago. Siyempre, joke lang ‘yon. Patola ka rin eh," sagot ko naman kaagad, tapos nauna na akong maglakad sa kanila.
Naramdaman kong kasabayan ko na biglang maglakad si Liu.
"Aba, aba? Puma-pak-girl si ati?" sabi niya pa sa akin nang pabulong.
"Oh, eh ano? Ang ganda ko eh," sagot ko na lang sa kanya.
I even flipped my hair para mas convincing pa ang sinabi ko sa kanya.
"Ganda mo nga eh. Parang gusto kitang hilahin sa damuhan mamaya, tapos alam mo na," kumindat pa ang gago.
"Ulol. Damuhan mo mukha mo. Baka ingudngod kita, para makita moa ng hinahanap mo," tugon ko na lang naman.