Chapter 4.1
"De puta. Wala pa rin tayo sa kalahati," reklamo ko na dahil sa pagod.
"Oh? Akala ko ba ay well-trained ka ni Vin?" Tanong ni Selene na tila nang-aasar pa.
"Baka iba naman kasi ang training nila? Hayaan mo na, huwag mo nang ungkatin ‘yong training nila ni Vin," pang aasar pa ni Bonny
"f**k you," naka-irap na sagot ko na lang sa kanilang dalawa.
"Akin na 'yang bag mo, Selene," sabi naman bigla ni Sandro.
"Ano ka ba? Kaya ko magbuhat. Kapag di ko na kayang bitbitin 'to mamaya, ihahambalos ko nalang sa mukha mo," iritadong sagot pa ni Selene kay Sandro,
"Pahinga po muna tayo mamaya pagdating natin sa may tindahan sa taas," sabi ni Kuyang Tour Guide.
Nabuhayan ako sa sinabi ni Kuya. Binilisan ko lalo umakyat. After 15 minutes, nakarating na kami sa sinasabi niyang tindahan. Bumili ako ng malamig na malamig na melon juice. Wala na kasing lamig 'yong tubig na baon ko. Umupo pa ako sa kawayan na upuan.
"Gusto kong maligo. Ang lagkit sa katawang ng pawis at init ng sikat ng araw, ha?" Sabi ni Bonny habang nagre-retouch pa ng powder sa mukha niya.
"Ligo tayo mamaya do'n sa wawa," sabi rin naman kaagad ni Sandro.
"May dala ba kayong pangligo?" Nagtatakang tanong naman kaagad ni Selene sa mga kaibigan.
"Wala, pero mukha namang two piece swimsuit 'tong suot kong undies. Palag na, hubad na lang. Ganern," mabilis na sagot ko naman.
"Huwag na tayong maligo. Umuwi na lang tayo after," sabat naman bigla ni Liu sa kanila.
"Luh? Kill-joy? Iba na talaga kapag tumatanda," pangbabasag ni Sandro sa sinabi ng kaibigan niya.
Nakita kong pinandilatan lang ni Liu ng mata si Sandro. Nagpahinga pa kami ng mga 10 minutes. Nagpalagay naman ako ng towel sa likod ko kay Bonny dahil basing-basa na ng pawis ang likod ko mula pa kanina.
At nagsimula na ulit kaming umakyat. Naka-gloves ako, pero ramdam na ramdam ko 'yong tulis ng mga bato. Buti na lang talaga, nagsuot ako ng leggings para naman protektado kahit paano ang balat ko. Huminto kami sa isang mataas na bato.
"Aakyat po tayo, ma'am at sir," sabi pa ni Kuyang Tour Guide.
Napanganga kami dahil ang taas no’n at pakiramdam ko ay mahuhulog ako kung ako man ang aakyat.
"Ito ba 'yong 3 out of 10 na rating? Takte? Kung ako ang tatanungin, 11 out of 10 ang rating ko rito eh," reklamo pa ni Selene.
"Ako na lang ang maunang aakyat," sabi naman kaagad ni Liu.
Mabilis na pumwesto si Liu. Tiningala namin siyang lahat dahil ng bilis niya lang inakyat 'yong bato! Nakakaloka. Parang spiderman lang.
"Sumunod ka na, Thalia. Kapag hindi ka nalaglag, susunod ako sa’yo na umakyat," utos pa ni Bonny sa akin na akala mo hindi buhay ko ang nakataya sa pag-akyat.
"Gago. Ginawa mo pa akong alay? Siraulo ka, marami pa akong pangarap," sagot ko naman kay Bonny.
Pero wala na rin naman akong nagawa. Walang may ibang gustong sumunod kaya pumwesto na rin ako. Inalalayan ako ni Kuyang Tour Guide at ni Sandro. At infairness, keri naman pala. Basta magfocus ka lang at isipin mong kaya mo.
"Abutin mo ang kamay ko," sabi pa ni Liu na naka-abang na sa taas.
Inabot ko naman ang kamay niya no'ng nasa huling hakbang na ako. Hinila niya ako nang malakas kaya napwersa ako at napadagan sa kanya. Napapikit pa ako. Muntik pa akong masubsob sa lupa! Lumagpas kasi 'yong mukha ko sa ulo niya! Kaya 'yong dibdib ko ang nasubsob sa mukha niya.
Agad naman akong umayos ng upo. Umupo din siya at nagpagpag ng damit.
"Ang aga mo naman akong padedehin!" asar pa ni Liu sa akin.
"Siraulo!" Sigaw ko
"Pero ang bango ah? Kahit pawisan na. Nakakagigil tuloy. Mamaya ka sa'kin," bulong pa ng hinayupak at maharot na Liu na ‘yon.
Inirapan ko na lang naman siya.
"Asa ka, boy. No sexy time tonight. Matutulog ako ng 2 days after this," mapang-asar na tugon ko naman sa kanya.
Sasagot pa lang sana si Liu sa akin no'ng marining namin sila Selene sa baba.
"Kuya, ano? Okay ba si Thalia?" Tila nag-aalalang tanong naman ni Selene.
Sumilip naman kaming dalawa sa baba.
"Oo, okay naman ako. Buhay pa, akyat na kayo," sagot ko naman habang nakangiti at naka-thumbs up pa.
Isa-isa na silang umakyat habang nakaupo naman ako sa gilid para magpahinga at uminom ng tubig. Nagpatuloy na kami sa pag akyat. Sumikat na ang araw pero hindi pa namin nararating ang tuktok. Mabagal kami. Kasi nga nakakapagod. Pero feeling ko, mabilis 'tong matatapos nila Sandro at Liu kung di nila kami kasamang tatlo. Dahil puro kasi kami arte at reklamo. Tapos inaalalayan pa nila kami.
No'ng medyo nasa itaas na kami at tanaw na namin ang paligid ay talaga namang nakakawala na ng pagod. Pinicture-an pa kami ni Kuya Tour Guide. Pero 30 minutes na akyat pa raw sabi nito.
Sa sobrang excite ko umakyat, dumulas 'yong paa ko pagtapak ko sa bato. Gumasgas 'yong tuhod ko sa medyo rough na bato.
"Awww," reklamo ko dahil sa hapdi.
Agad na lumapit sa'kin si Kuyang Tour Guide. Nabutas 'yong leggings ko sa bandang tuhod at may gasgas din ang tuhod ko pero hindi naman grabe ang sugat no’n. Kaagad na nilabas ni Kuya Tour Guide ang gamit niya at ginamot ang sugat ko. Buti na lang at ready sila sa mga ganitong pangyayari.
Nakalakad pa rin naman ako dahil gasgas lang naman ang natamo ko.
"Ayos ka lang ba?" Bulong ni Liu na simula no'ng madulas ako kanina eh lagi nang nasa likuran ko.
"Oo. Malayo sa bituka," mabilis na sagot ko naman.
"Good. Mag-ingat ka," tumatangong tugon naman niya.
Ilang minuto pa ang lumipas no'ng matanaw na namin na madaming tao sa taas at nagpi-picture-an.
Ang daming grupo. Mga kabataan, mga magkaka-trabaho at kung anu-ano pa. Sulit 'yong pagod. Grabe, ang ganda sa taas. Hindi mo iindahin 'yong medyo hapdi sa balat ng sikat ng araw eh. Ang fresh pa ng simoy ng hangin dito sa taas. At kapag tinignan mo sa baba kung saan ka nanggaling? Mapapa-isip ka. Wala talagang imposible kapag nagtiwala ka sa kakayahan mo. Kasi kung umpisa pa lang, umayaw ka na? Hindi mo masisilayan ang ganda at kabuuan ng mundo. Katulad lang din sa buhay. Kung takot kang gumawa ng paraan at dumiskarte, wala. Walang mangyayari sa’yo. Habang buhay kang mahirap. Habang buhay kang takot. Habang buhay kang mag iisip ng "Paano kaya kung sinubukan ko?".
"Ang ganda rito," bulalas ko pa habang nakangiti.
Sila Selene at Bonny ay panay kuha ng litrato sa buong tanawin.
"Mas maganda ka pa rin naman kaysa rito," nakangiting bulong pa ni Liu.
"Gago you," naka-irap na sagot ko na lang naman.
Nag-ikot kami at pumila sa pila ng mga hikers na nagpa-picture sa magaganda at mukhang dangerous na shots. Super nag-enjoy kaming lahat.
May mga naka-kwentuhan pa nga kaming mga college students. Naghahanap pa nga sila ng opisina na mapapasukan para mag-OJT. I offered my company. Sabi ko i-try nila. May allowance naman na ibinibigay. They were thankful pero sabi ko saka na nila ako pasalamatan kapag natanggap na sila kung sakali man.
Hindi kami nainip sa taas. Aliw na aliw pa nga ako at biniro ko pa nga sila na ayaw ko na yatang bumaba. Halos isang oras din yata kami tumagal sa taas. Ang lawak kasi ro'n at ang daming pwesto na pinag-picture-an namin. Naubos pa nga 'yong tubig namin. Buti may gatorade pang dala si Liu at ‘yong ang pinaghati-hatian naming lima.
"Game na po ba mga ma'am/sir?" Tanong pa ni Kuyang Tour Guide.
"Kung hindi lang sana mainit, dito pa muna kami eh. Kaso gutom na rin," sabi naman ni Bonny.
Bababa na kasi kami. 11am na rin at medyo gutom na kami. Gusto kong mag-unli rice mamaya. Hayop. Uhaw na uhaw at gutom na gutom na ako.
"Mabilis na lang naman po kapag pababa na," sagot pa ni Kuyang Tour Guide sa amin.
"Tara na. Para makapag-unli rice na ako," masiglang aya ko pa sa kanila.
Bumaba na kami. At dahil tanghali na nga, mas lalong masakit na sa katawan ang init na dulot ng sikat ng araw. Kahit nakasuot ka pa ng leggings at sombrero, ramdam na ramdam ang hapdi sa balat.
Naki-inom na naman ako ng gatorade kay Liu. Tangina, mas nakakauhaw pa rin. Gusto ko ng malamig na malamig na inumin.
"Ayan na 'yong tindahan," sabi ko pagkatanaw ko sa mga asul na tolda na nasa baba.
Nauuna si Sandro sa pagbaba. Kasunod niya si Selene, tapos ay ako. Dahan-dahan ko pang ibinaba ang paa ko at kumapit sa kawayan na nasa gilid. Kaso, tangina kapag minamalas ka nga naman. Naputol pa 'yong kinapitan kong halaman.
"Ay, putaaaa!" Tili ko no'ng dumausdos ako pababa