"Salamat sa pagpili mo sa amin mahal. Pangako, hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Nanlumo lang ako nang bigla mo'kong iwan, a-akala ko tuluyan ka nang mawawala sa buhay ko kaya naisipan kong gawin 'yun. Pangako mahal, hinding hindi na mauulit pa ang ginawa ko. Aalagaan ko na simula ngayon ang baby natin dahil alam kong kami na ang pinili mo. I really love you, Van. Kahit na mas bata ako sa' yo papatunayan kong hindi ka nagkamali na kami ang pinili mo. " mahabang salaysay ni Trisha kay Van Lexus nang umalis na ang asawa nitong si Michaela. " Ginawa ko lang ang dapat kong gawin, ayaw kong mapapahamak ang anak natin.Matagal ko nang inaasam na magka-anak.Please don't do it again Trisha, laman at dugo ko ang dinadala mo." seryosong sambit ni Van kay Trisha. "Pangako, simula ngayon ibubuhos